Jerome's POVBack story"Magpakabait ka, Tope. Masaya ako na sa wakas ay may matatawag ka na ring pamilya. Pero malulungkot ako dahil mawawala na sa tabi ko ang batang inalagaan at pinalaki ko sa loob ng labing-isang taon," nalulungkot na paalam sa akin ni Sister Lourdez, ang nagsilbing ina ko simula nang magkaisip."Hindi naman po ako tuluyang mawawala,” masaya kong sagot, bago hawakan ang kamay ng naging inay ko sa mahabang taon. “Sasabihin ko po sa bago kong pamilya na bibisitahin ko kayo palagi.” Isang mahigpit na yakap ginawad namin sa isa’t isa..Ngayon kasi ang araw na susunduin ako ng pamilyang aampon sa akin. Sa wakas, matutuloy rin ito nang walang aberya. Dati pa sana ako nagkaroon ng pamilya, ngunit dahil sakitin ako noon kaya’t palaging umaatras ang mga balak kumupkop sa akin hanggang sa umabot na ako sa ganitong edad. Pero ngayon, tuloy na tuloy na."Mag-iingat ka palagi roon, Tope, at magpakabait. Mag-aral kang mabuti at tuparin mo ang mga pangarap mo," umiiyak na habili
최신 업데이트 : 2026-07-31 더 보기