Share

Glitch

Author: Ely
last update publish date: 2026-08-11 16:22:07

Chapter 38

Alena’s POV

Nagmamadali akong pumasok sa comfort room, hindi ko alam kung pantog ko ba ito o dahil sa biglang kilig na naramdaman ko sa paghalik muli sa akin ni Boss MJ.

Kung ano pa man ang dahilan, basta naiihi na ako.

Napangiti pa ako habang naglalakad.

Hindi ko maiwasang maalala ang halik niya.

Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang init ng mga labi niya sa akin.

“Alena, focus,” bulong ko sa sarili ko.

Hindi ito ang tamang oras para kiligin.

Nasa Macau kami para magb
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Opportunist

    Chapter 42Alena’s POV“Bakit kaya nagtitinginan ang mga tao dito?”Napatingin ako sa paligid habang naglalakad kami ni Boss MJ.“Ay, oo nga pala. Kasama ko si Boss MJ.”Napatingin ako sa suot niya.“Sa barong-barong na bahay lang naman ni Tiya Remy ako pupunta, nakasuit pa siya.”Napangiti ako nang bahagya.Hindi naman sa may problema ako sa pananamit niya, pero kitang-kita talaga na hindi siya sanay sa lugar na ito.Ang mga bahay ay magkakadikit.Makitid ang daan.May mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada, may mga nakaupong matatanda sa labas ng kanilang mga bahay at may mga naglalaba habang nagkukuwentuhan.At dahil bagong mukha si Boss MJ, siguradong napansin agad siya ng lahat.“Alena, kailan ka pa dumating?”Napalingon ako nang marinig ang isang kapitbahay.“Ngayon lang po, may kukunin lang po ako sa bahay.”“Nandiyan ho kaya ang tiya?”“Ah, yung tiya mong nuknukan ng sama ng ugali?”Napapikit ako nang bahagya.“Ayan na naman.”“Andyan yun at kanina pa mainit ang ulo.”“Ah.”

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Boiling

    Chapter 41Marc Jacob’s POVAkala ko noong una, dahil sa mga kakayahan ko ay walang mangyayari masama sa mga nasasakupan ko.Akala ko kaya kong protektahan ang lahat.Akala ko sapat na ang mga taong nakapaligid sa akin, ang mga security measures, ang mga koneksiyon ko at ang kapangyarihang mayroon ako para hindi na muling may makapinsala sa mga taong mahalaga sa akin.Pero hinding-hindi ko malilimutan ang nangyari sa Macau.Hanggang ngayon, kapag naiisip ko iyon, bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang malaman kong nasa panganib si Alena.Nanghihinayang ako dahil napakaganda na ng mga ala-alang nagawa namin ni Alena.Akala ko magpapatuloy pa ang maganda naming panaginip na iyon.Akala ko makakabalik kami sa tahimik na buhay.Makakapasyal.Makakapagkuwentuhan.Makakapagtawanan.At higit sa lahat, makakapagplano ng mga bagay na para sa aming dalawa.Hindi ko akalain na masisira iyon dahil sa pagkidnap sa kanya.At ngayon, dahil sa pagkakabuwag ng sindikato ng mga Russian, ay n

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Home

    Chapter 40Alena’s POVNanghihinayang ako dahil nasira ang magandang bakasyon namin ni Boss MJ. Kung siguro hindi ako nakidnap, mas masaya kaming uuwi. Dapat sana ay puno ng masasayang alaala ang pag-uwi namin mula Macau, pero dahil sa nangyari, napalitan ng takot at pangamba ang lahat.Gumamit na lang ng private jet si Boss MJ dahil kailangan namin umuwi agad. Wala na siyang pakialam kung magkano ang gagastusin niya. Ang mahalaga sa kanya ay makauwi ako nang ligtas at masigurong maayos ang kalagayan ko.Pagdating namin sa bansa ay pinaospital niya pa ako para ma-drain pa ang mga natitirang droga na dumadaloy sa aking dugo.Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong binantayan, pero sa tuwing nagigising ako ay siya ang unang nakikita ko.“Okay ka ba? Baka may masakit sa iyo?”Pangungulit niya pa sa akin.“Okay lang po ako, Boss.”“Sigurado ka?”“Opo.”“Baka may nahihilo sa iyo? Nahihirapan kang huminga? May masakit sa katawan mo?”Napangiti na lang ako.Parang siya pa ang mas nag-aal

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Location Confirm

    Chapter 39Mark Jacob’s POV“Malapit na ako, Alena. Hintayin mo ako.”Mahigpit kong hawak ang cellphone habang pinagmamasdan ang mga impormasyong nakukuha ko mula sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.“Magbabayad kayong lahat!”Hindi ko alam kung kanino ko iyon sinasabi. Sa mga taong kumuha sa kanya? Sa mga taong nagbenta sa impormasyon niya? O sa sarili ko dahil hinayaan kong umabot sa ganitong sitwasyon?Nakatulong sa akin ang mga koneksiyon ko para makita si Alena.At sa wakas, may nakumpirma rin akong impormasyon.“She was abducted by a Russian syndicate, but they chose to keep her as a kidnap-for-ransom victim.”Napapikit ako.Russian Syndicate.Ibig sabihin, hindi basta-bastang kriminal ang kumidnap sa kanya.Mga taong sanay sa pagnanakaw ng buhay.Mga taong walang pakialam kung sino ang masasaktan.At ang mas nakakatakot, kapag nalaman nilang mas malaki ang kikitain nila sa kanya, maaari nilang ipasa si Alena sa ibang tao.Natakot ako sa puwedeng gawin kay Alena kapag hindi ako ma

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Glitch

    Chapter 38Alena’s POVNagmamadali akong pumasok sa comfort room, hindi ko alam kung pantog ko ba ito o dahil sa biglang kilig na naramdaman ko sa paghalik muli sa akin ni Boss MJ.Kung ano pa man ang dahilan, basta naiihi na ako.Napangiti pa ako habang naglalakad.Hindi ko maiwasang maalala ang halik niya.Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang init ng mga labi niya sa akin.“Alena, focus,” bulong ko sa sarili ko.Hindi ito ang tamang oras para kiligin.Nasa Macau kami para magbakasyon, oo, pero alam kong hindi dapat tuluyang bumaba ang aking depensa.Operatiba ako.Sanay akong maging alerto sa lahat ng oras.Pero siguro nga, may mga pagkakataong kahit ang pinakasanay na tao ay napapagod din.At kapag puso na ang involved, minsan ay nakakalimutan mong may mga taong naghihintay lang sa maling pagkakataon para atakihin ka.Pagpasok ko sa comfort room, may mga babaeng nagkukuwentuhan.Hindi sila mukhang Chinese.Nakumpirma ko lang nang magsalita ang isa.Para siyang Russi

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Not Today

    Chapter 37Alena’s POVAng sarap sa pakiramdam na maging malaya.Malaya sa gulo.Malaya sa sarili.Malaya sa lahat ng problema.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, gusto ko munang kalimutan ang lahat. Ayokong isipin ang nakaraan. Ayokong isipin kung ano ang mangyayari bukas.Pinili ko ang araw na ito para maging masaya.At talagang naging masaya ako.Ang dami na naming napasyalan ni Boss MJ sa Macau. Sa Senado Square, Mont Fort, Island Vibe at iba pa. Sa bawat lugar na pinupuntahan namin, parang unti-unti kong nakakalimutan ang lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko.Minsan, napapaisip ako kung panaginip lang ba ang lahat ng ito.Ako?Nandito?Naglalakad sa Macau kasama ang isang lalaking dati ay kinatatakutan ko?At ngayon, siya pa ang dahilan kung bakit napapangiti ako nang ganito?Madami na rin kaming kinainan.Jade Dragon, Crab Congee Restaurant, Rua do Cunha at kung saan-saan pa.“Ang sarap talaga mabuhay kapag ganito,” sabi ko habang hawak ang tiyan ko ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status