LOGINSi Alena Ortiz ay tila isang inosente, mahina, at mangmang na kasambahay na desperadong magkaroon ng trabaho. Ngunit sa likod ng kanyang apron ay nakatago ang kanyang tunay na pagkatao—MAGDARAGIT, isang maalamat na undercover operative na kinatatakutan maging ng mga kriminal at sindikato. Ang kanyang misyon ay isa lamang: tuklasin ang katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay at ibagsak ang mga taong nasa likod nito. Ngunit ang pinakamalaking balakid sa kanyang misyon ay ang kanyang sariling amo. Si Mark Jacob Escallon Valderama, isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging walang awa sa mundo ng negosyo ngunit mapagkawanggawa sa mga nangangailangan. Habang tinitingala siya ng publiko bilang isang huwarang negosyante, may isa pa siyang lihim na buhay na walang sinuman ang nakaaalam. Sa pagsapit ng gabi... Siya ang kinikilalang World Top Assassin No. 1. Dalawang taong nabubuhay sa kasinungalingan. Dalawang lihim na pagkatao. Dalawang pusong parehong nilamon ng trahedya matapos mawalan ng mga magulang sa murang edad. Sa una, itinuring nila ang isa't isa bilang hadlang sa kani-kanilang misyon. Ang bawat pagtatagpo ay puno ng pagdududa. Ang bawat pag-uusap ay isang laban ng talino. Ang bawat lihim ay maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isa sa kanila. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanan, napagtanto nilang iisa lamang pala ang kanilang hinahanap. Ang tunay na utak sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga pamilya. At ang organisasyong responsable sa mga kasamaan na bumabalot sa Sto. Alonzo. Habang isa-isang nabubunyag ang kanilang mga lihim na pagkatao, ang dating magkaaway ay napilitang maging magkaalyado. Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang humpay na habulan, isang pag-ibig ang dahan-dahang namuo sa pagitan ng dalawang taong isinumpang huwag magtiwala kaninuman. Ngunit sa mundong kanilang ginagalawan, ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan.
View MoreChapter 1
Alena Ortiz aka "MAGDARAGIT" POV
Matinding takot ang bumalot sa buong siyudad ng Sto. Alonzo.
Ilang linggo pa lamang ang nakalipas nang unang lumabas sa balita ang tungkol sa misteryosong pagpatay. Noong una, inakala ng lahat na isa lamang itong ordinaryong krimen. Ngunit habang dumarami ang mga bangkay na natatagpuan sa iba't ibang sulok ng lungsod, unti-unting napagtanto ng mga tao na may mas malalim at mas nakakatakot na nangyayari.
May balibalita na ang umaatake ay isang serial killer.
Ngunit ang mas nakakabahala...
Walang pattern.
Walang pinipili.
Hindi mahalaga kung mayaman ka o mahirap. Bata man o matanda. Negosyante, estudyante, pulis, o simpleng empleyado.
Kapag nagkataon lamang na nasa maling oras ka at maling lugar...
Maaaring ikaw na ang susunod na biktima.
Sa bawat paggising ng mga tao ay may panibagong balitang may natagpuang bangkay. Ang iba ay sa madidilim na eskinita. Ang iba naman ay sa loob mismo ng sarili nilang sasakyan. Mayroon pang nakita sa loob ng mamahaling subdivision na napakahigpit ng seguridad.
Dahil dito, unti-unting nagbago ang buhay sa Sto. Alonzo.
Pagsapit ng alas sais ng gabi ay halos wala nang tao sa mga lansangan.
Mas maagang nagsasara ang mga tindahan.
Punuan ang mga gun store at security agencies.
Kahit ang mga pribadong paaralan ay nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad.
Ngunit tila walang epekto ang lahat ng iyon.
Kahit ang pinakamayayamang pamilya ay hindi ligtas.
May mga negosyanteng may sampung bodyguard ngunit natatagpuan pa ring wala nang buhay kinabukasan.
Parang hangin ang salarin.
Walang nakakakita.
Walang nakakahuli.
Walang nakaliligtas.
Mas lalong lumala ang takot nang isang mataas na opisyal ng gobyerno ang naging biktima. Simula noon, halos araw-araw nang laman ng telebisyon ang kaso.
"Isang tao lang ba ang gumagawa nito?"
"O isa itong organisadong grupo?"
"May personal ba silang motibo?"
"O gusto lang nilang maghasik ng lagim?"
Napakaraming tanong.
Ngunit ni isa ay walang kasagutan.
Samantalang abala ang buong siyudad sa paghahanap sa salarin...
Ako naman ay abala sa paghahanap ng...
Trabaho.
"Pasensya na, Miss. Hindi kami nangangailangan ng tao ngayon. Sa iba ka na lang po magtanong."
Blaag!
Marahan kong isinara ang pinto matapos akong muling tanggihan.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Pang-ilan na kaya ito?
Hindi ko na mabilang.
Bata pa lamang ako, parang rejection na ang naging parte ng buhay ko.
Sa school.
Sa mga scholarship.
Sa mga contest.
At ngayon...
Sa trabaho naman.
Nakakapagod na.
Minsan naiisip ko kung may silbi pa bang ipagpatuloy ang paghahanap.
Hindi naman kasi ako matalino.
Oo, nakapagtapos ako ng Business Administration.
Pero sa totoo lang, himala na nakagraduate ako.
Halos puro bagsak ang grades ko.
Kapag nagre-retake ako ng subject, pasang-awa na lamang ang ibinibigay sa akin.
Hindi ako proud doon.
Pero wala na akong magagawa.
Kaya siguro kahit saan ako mag-apply...
Hindi ako matanggap.
Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako o sadyang hindi ako para sa trabahong pang-opisina.
Naalala ko tuloy ang isa sa pinakamasamang interview na naranasan ko.
Isang maliit na kumpanya lamang iyon.
Mukhang mabait pa noong una ang may-ari.
Habang binabasa niya ang resume ko, napansin kong unti-unting nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Maganda ka."
Napangiti pa ako.
Pero agad din iyong nawala nang idagdag niya...
"Pero itong resume mo?"
Umiling-iling siya.
Halatang nadismaya.
Pakiramdam ko noon ay gusto ko nang bawiin ang resume ko at umalis.
Nakakahiya.
Kitang-kita niya marahil ang mga bagsak kong grado.
At ang mga subject na ilang beses kong inulit bago tuluyang maipasa.
Tahimik akong yumuko.
Hanggang sa muli siyang nagsalita.
"Pero may iaalok akong trabaho sa'yo."
Bigla akong nagliwanag.
"Totoo po?"
"Malaki ang suweldo."
"Hindi ka rin masyadong mahihirapan."
Parang nanalo ako sa lotto.
"Sige po! Kahit ano po!"
Masaya kong sagot.
Unti-unti siyang tumayo.
Lumapit.
Hanggang halos magkadikit na ang mukha namin.
Napaatras ako nang bahagya.
Ngunit lalo pa siyang lumapit.
Pagkatapos...
Nakakadiri niyang ibinulong sa aking tenga.
"Maging asawa ko."
"Nangangako akong paliligayahin kita araw-araw."
Kasabay noon...
Dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper ng kanyang pantalon.
Nanigas ang buo kong katawan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Bigla akong tumayo.
Ngunit mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.
Mas malaki siya.
Mas malakas.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang takot.
Pinilit kong kumawala ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya.
Nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa.
Hanggang sa bigla kong naalala ang itinuro noon ng kapitbahay naming dating sundalo.
"Kapag wala ka nang ibang paraan..."
"Tamaan mo ang pinakamahinang parte ng lalaki."
Hindi na ako nag-isip.
Buong lakas ko siyang sinipa sa pagitan ng kanyang mga hita.
"AAAAARGH!"
Napabitaw siya.
Napayuko habang namimilipit sa sakit.
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon.
Mabilis akong tumakbo palabas ng opisina.
Akala ko ligtas na ako.
Pero maya-maya lamang...
"MAGNANAKAW!"
"MAGNANAKAW!"
Napalakas ang tibok ng puso ko.
Hindi ako makapaniwala.
“Ako pa talaga ang pinalabas na magnanakaw. Siraulo din itong tabachoy na ito.”
Dahil sa sigaw niyang iyon, nagsimulang habulin ako ng mga security guard.
Lalo akong nataranta.
Wala na akong pakialam kung saan ako pupunta.
Basta ang alam ko...
Kailangan kong makatakas.
Tumakbo ako nang walang lingon-lingon.
Lumiko sa kung saan-saan.
Tumawid kahit walang pedestrian lane.
Muntik pang mabangga ng sasakyan.
Ramdam ko ang pagod.
Ramdam ko ang hapdi ng dibdib ko.
Pero mas nangingibabaw ang takot.
Sa wakas...
Nang hindi ko na marinig ang yabag ng mga humahabol...
Doon lamang ako huminto.
Hingal na hingal akong napasandal sa isang poste.
Unti-unting bumigay ang tuhod ko.
At tuluyan na akong napaiyak.
Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magiging ganito.
Bakit ba sa tuwing naghahanap ako ng disenteng trabaho...
Mga masasamang tao ang lumalapit sa akin?
Napapikit ako habang pinapahid ang luha.
"Totoo ang gusto ko maging lapitin ng..."
"Trabaho."
"Hindi… ng"
"Masasamang tao."
Sa sobrang pagod ng katawan ko at haba ng tinakbo ko, napaupo na lamang ako sa gilid ng isang napakataas na pader.
Napansin kong napakalaki ng bakal na gate sa harapan nito.
Mukhang mansion.
Hindi ordinaryong bahay.
Tahimik ang paligid.
Malamig ang simoy ng hangin.
Ilang minuto rin akong nakaupo roon habang pinipilit pakalmahin ang sarili.
Hanggang sa may narinig akong boses.
"Miss... Miss?"
Nagulat ako. Nakaidlip pala ako sa pagod
Napatingin ako sa isang matandang security guard na papalapit sa akin.
"Bawal dito."
"Huwag kang tumambay rito."
Tumango agad ako.
"S-Sorry po, Kuya."
Habang nagsasalita siya, napansin kong tila naiilang siya.
Sinundan ko ang kanyang tingin.
Bigla kong namalayang nakabukas pala ang dalawa kong butones sa blusa, marahil dahil sa habulan kanina.
Namula agad ang mukha ko.
Mabilis kong isinara ang mga iyon.
"Sorry po talaga."
Hindi naman siya bastos.
Sa halip ay umiwas pa siya ng tingin.
Maya-maya ay may isang empleyadong lumabas at idinikit ang bagong papel sa malaking bulletin board sa tabi ng gate.
Agad kong nabasa ang nakasulat.
WANTED: FEMALE MAID
Nanlaki ang mga mata ko.
Parang may bombilyang biglang umilaw sa isip ko.
Sa desperasyon ko...
Hindi na ako puwedeng mamili.
Hindi bale nang katulong.
Ang mahalaga...
May trabaho.
Mabilis akong lumapit sa guard.
"Kuya... puwede po ba akong mag-apply diyan?"
Napatitig siya sa akin.
"Ha?"
"Itong para sa maid po."
"Para sa katulong 'yan."
"Opo."
"Maga-apply po ako."
Ilang segundo niya akong tinitigan bago bahagyang ngumiti.
"Sige."
"May dala ka bang biodata?"
Napakamot ako sa ulo.
"Wala po."
"Okay lang."
"May blank forms kami sa guardhouse."
"Mag-fill up ka na lang."
Parang nabunutan ako ng tinik.
"Maraming salamat po, Kuya!"
Habang naglalakad kami papunta sa guardhouse ay napailing siya.
"Bakit ba ganyan ang hitsura mo?"
"Parang hinabol ka."
Napangiti na lang ako nang mapait.
"Mahabang kuwento po, Kuya."
Napatawa siya.
"Ganito na lang."
"Pagkatapos mong mag-fill up ng biodata..."
"Maghilamos ka muna."
"Kahit katulong lang ang ina-apply-an mo..."
"Hindi papasa ang ganyang karungis."
Napatawa rin ako.
Direkta siyang magsalita.
Pero sa unang pagkakataon sa buong araw...
May isang taong hindi ako hinusgahan.
Sa halip...
Tinulungan pa ako.
At hindi ko alam na ang simpleng pagpasok ko sa mansion na iyon...
Ang magiging simula ng pinakamapanganib na kabanata ng buhay ko.
Chapter 44Alena’s POVNagpunta kami sa siyudad para sa kanyang meeting. Dalawa lamang kami noon.Napakahusay niyang CEO. Lahat ng mga detalye ay nakikita niya at maging ang hinaharap ay nagagawan na niya agad ng contingency plan. Para bang wala siyang hindi napaghahandaan.May sa pagkamanghuhula ata ang lalaking ito. Sa trabaho, hindi ka makakapagsinungaling sa kanya, kaya marahil takot na takot na makagawa ng pagkakamali ang kanyang mga empleyado.Minsan nga, kahit hindi pa nagsasalita ang isang tao, parang alam na niya agad kung ano ang iniisip nito.“Alena, naisulat mo ba lahat?”“Yes po, Boss.”Tumango siya at muling ibinaling ang kanyang atensyon sa mga taong kaharap niya.Ang totoo, kahit ang mga ekspresyon ng mukha niya ay natandaan ko lahat.Kung papaano gumagalaw ang kanyang mga kamay, ang pagtaas at pagkunot ng noo ay natatandaan ko lahat. Pati ang galaw ng kanyang bibig. Sa tuwing sumasang-ayon siya, masaya at kapag naiirita.Alam ko na rin kung kailan siya malapit nang ma
Chapter 43Alena’s POV“This is the first day of your training. I will understand if hindi mo agad makuha. Slowly aayon din ang katawan mo sa daily practice ng iyong footworks, galaw ng kamay, pag-ilag at pag-atake.”Mga salitang binitawan ni Boss MJ habang tinuturuan niya ako ng self-defense.“Ako na red belter,” natatawa ako sa isip-isip ko. Kunwari ay wala akong alam.Pero ang totoo, eksperto ako sa pakikipaglaban.Pero hinayaan ko lang siyang turuan ako. Baka nga may bago akong matutuhan sa kanya.“First, kailangang maging aware ka sa paligid mo. Always be prepared sa anumang oras ng pag-atake.”“Always be on guard.”Dahil hindi naman magpapaalam sa iyo ang mga masasamang tao at sasabihing,“Ms., kikidnappin kita o Ms., hold-up ito.”Natawa ako sa sinabi niya.“Alena, be serious kahit ngayon lang. Buhay mo ang nakataya rito.”“Ay, sorry Boss.”“Oh sige, subukan natin.”“Halimbawa, may biglang humawak sa iyo ng ganito.”Hinawakan niya ako sa baywang pagkatapos ay sa leeg. Nanigas a
Chapter 42Alena’s POV“Bakit kaya nagtitinginan ang mga tao dito?”Napatingin ako sa paligid habang naglalakad kami ni Boss MJ.“Ay, oo nga pala. Kasama ko si Boss MJ.”Napatingin ako sa suot niya.“Sa barong-barong na bahay lang naman ni Tiya Remy ako pupunta, nakasuit pa siya.”Napangiti ako nang bahagya.Hindi naman sa may problema ako sa pananamit niya, pero kitang-kita talaga na hindi siya sanay sa lugar na ito.Ang mga bahay ay magkakadikit.Makitid ang daan.May mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada, may mga nakaupong matatanda sa labas ng kanilang mga bahay at may mga naglalaba habang nagkukuwentuhan.At dahil bagong mukha si Boss MJ, siguradong napansin agad siya ng lahat.“Alena, kailan ka pa dumating?”Napalingon ako nang marinig ang isang kapitbahay.“Ngayon lang po, may kukunin lang po ako sa bahay.”“Nandiyan ho kaya ang tiya?”“Ah, yung tiya mong nuknukan ng sama ng ugali?”Napapikit ako nang bahagya.“Ayan na naman.”“Andyan yun at kanina pa mainit ang ulo.”“Ah.”
Chapter 41Marc Jacob’s POVAkala ko noong una, dahil sa mga kakayahan ko ay walang mangyayari masama sa mga nasasakupan ko.Akala ko kaya kong protektahan ang lahat.Akala ko sapat na ang mga taong nakapaligid sa akin, ang mga security measures, ang mga koneksiyon ko at ang kapangyarihang mayroon ako para hindi na muling may makapinsala sa mga taong mahalaga sa akin.Pero hinding-hindi ko malilimutan ang nangyari sa Macau.Hanggang ngayon, kapag naiisip ko iyon, bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang malaman kong nasa panganib si Alena.Nanghihinayang ako dahil napakaganda na ng mga ala-alang nagawa namin ni Alena.Akala ko magpapatuloy pa ang maganda naming panaginip na iyon.Akala ko makakabalik kami sa tahimik na buhay.Makakapasyal.Makakapagkuwentuhan.Makakapagtawanan.At higit sa lahat, makakapagplano ng mga bagay na para sa aming dalawa.Hindi ko akalain na masisira iyon dahil sa pagkidnap sa kanya.At ngayon, dahil sa pagkakabuwag ng sindikato ng mga Russian, ay n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.