INICIAR SESIÓNChapter 71Alena’s POV“What happened?”“Anong, what happened?”“Bakit ang tagal mong sumagot?”“Wait, Honey? Bakit may interrogation?”“Just answer me.”“Hindi ba nagpasama ka naman ng mga bodyguards, at hindi ako nawala sa paningin nila. I’m just sitting there in the coffee shop, alone.”“Why aren’t you answering when I’m calling you?”“Bakit, may emergency ba?”“Having an emergency or not, dapat sumasagot ka no matter what,” naiirita niyang sinabi.Naisip kong baka nagdududa na siya sa akin. Halos sampung minuto ko lang naman ini-switch ang phone ko para magbigay-daan sa mga mensahe o tawag para sa organization. Kailangan kong makausap ang mga taong may kinalaman sa misyon ko, at hindi ko naman maaaring gawin iyon habang nakatutok siya sa akin.Pero nagkataon ding kasabay ng tawag ko ang pagtawag ni MJ na pansamantala kong hindi nakita.What a timing!Kung kailan naman may kailangan akong asikasuhin, saka pa siya tumawag. Hindi ko naman maaaring sabihin sa kanya ang totoong dahilan
Chapter 70Alena's POV“Boys, sa coffee shop tayo,” sabi ko sa apat na bodyguards na ipinadala ni Boss MJ.Agad silang sumunod sa akin.Mukha silang mga terror. Halos hindi nga sila nagsasalita at seryoso ang mga mukha. Minsan, feeling ko baka mafia ata itong boyfriend ko. Palaging may peligrong nasa paligid niya at nagbabanta anumang oras para umatake.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung gaano karaming kaaway ang mayroon siya.Pumasok kami sa isang coffee shop sa loob ng mall. Pumili ako ng mesa sa isang sulok kung saan maaari akong makapag-isip nang maayos. Siyempre, hindi rin naman nakaligtas sa akin ang mga bodyguards na agad na pumuwesto sa paligid.Habang tahimik akong nag-iisip at hinihintay ang inorder kong kape, biglang tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen.Unknown number.Saglit akong nag-alinlangan bago sinagot ang tawag.“Mandaragit.”Napakunot ang noo ko.Hindi ko kilala ang boses. Unang pagkakataon kong makarinig ng ibang boses na tumawag sa akin gamit ang
Chapter 69Alena’s POVIsang araw, nagpaalam ako kay MJ para bumili ng mga personal na gamit ko. Matagal na rin akong hindi nakakalabas nang mag-isa para mamili o kahit man lang maglakad-lakad. Halos lahat kasi ng kilos ko ay kailangan niyang malaman, at kung maaari, gusto pa niyang lagi akong nasa tabi niya.Halos makipagtalo ako sa kanya para lamang payagan niya ako. Kung tutuusin, hindi naman ako humihingi ng malaking bagay. Gusto ko lang bumili ng mga kailangan ko at magkaroon ng kaunting oras para sa sarili ko.Hanggang sa nagbigay siya ng kondisyon.Magsasama ako ng apat na bodyguards.“Ano? Apat talaga?”Suyang-suya ako sa kondisyon niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sobrang higpit niya. Para bang pupunta ako sa isang lugar na may posibilidad na magkaroon ng digmaan.Sumenyas pa siya ng dalawa habang nakatingin sa akin na para bang wala akong karapatang tumutol.“Six?” pagtataka ko.“Four,” pagwawasto niya habang nakataas ang isang kilay.“Akala ko ba dalawa
Chapter 68Alena's POVNapansin kong nagkatinginan sila na may pag-aalala.Hindi agad sumagot si Boss MJ. Sa halip, tinawag niya ang head ng Finance upang alamin ang totoong kalagayan ng mga shares.“Roselle, kamusta ang shares ng Montgomery?”Agad namang lumapit si Roselle, dala ang impormasyong kailangan ng boss niya.“Sir, intact pa po. Wala pong gumagalaw sa mga shares nila. Ang alam ko po, sinabi rin nila sa akin na ang dating three billion na investment ay naging mahigit ten billion na ngayon.”Napatingin ang mga Galagher sa kanya, tila bahagyang gumaan ang kanilang pakiramdam nang marinig ang sagot.Hindi na rin masama ang kinita ng mga Montgomery sa loob ng nakaraang limang taon. Kung totoo ang lahat ng impormasyong iyon, nangangahulugan lamang na lumago nang husto ang kanilang investment.Pero para sa akin, hindi pa rin sapat ang mga numerong iyon upang tuluyang mawala ang aking pagdududa.Maaaring lumago nga ang investment, pero ang mas mahalagang tanong ay kung paano napunt
Chapter 67Alena’s POVNaghahanda na akong sumama noon kay MJ sa opisina bilang kanyang assistant. Napansin kong malalim ang kanyang iniisip habang inaayos niya ang mga dokumentong kailangan niyang dalhin. Marahil ay dahil sa mga natuklasan niya kamakailan. Marami siyang katanungan na hindi pa nasasagot, at pakiramdam ko, isa ako sa mga dahilan kung bakit hindi siya mapakali.Siguro, kung tatanungin niya ako nang direkta kung sino talaga ako sa totoong buhay, baka maipagtapat ko na sa kanya ang ilan sa mga lihim ko. Hindi man ang lahat, pero kahit papaano, maaari kong ipaliwanag kung bakit mayroon akong mga kakayahang hindi pangkaraniwan para sa isang babaeng tulad ko.Pero wala siyang pag-aalinlangan sa akin. Basta na lamang siya naniniwala sa mga sinasabi ko, kahit alam kong maraming bagay tungkol sa akin ang hindi pa niya alam.Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o dapat kong pagdudahan.Isang lalaking napakatalas ng pakiramdam, isang taong sanay magsuri ng bawat ki
Chapter 67Mark Jacobs's POV“Okay, okay. Makikipag-cooperate na ako.”“Good.”She crossed her legs and leaned forward, studying my face as if she were trying to figure out what had gotten into me.“Pero ano ba ang problema?”“You don't need to know.”“Hindi na naman ako kasali?”Napatalim ang tingin ko sa kanya.I didn't like the way she kept asking questions. The less she knew about the situation, the safer she would be. If there really was a traitor inside the mansion, I couldn't risk information reaching the wrong person, even accidentally.Vivienne might be careless with her relationships, but she wasn't stupid. She knew how to read people, and she could be surprisingly observant when she wanted to be.She sighed before speaking again.“Of what I know about Richie, he is wealthy. May mga business around the world ang kanyang family, parang mga resto, clubs, retails, and everything.”I listened without interrupting her, taking note of every detail.“We met on a club at Italy, at i







