Share

Kabanata 4

Maria's pov

Kanina pa ako hindi makahinga ng maayos habang nasa harap ng mommy ni Jackson. She was looking at me like I'm some sort of intruder in his son's life. Hindi ko halos magalaw ang pagkain na nilagay ni Jackson sa aking plato dahil sa mariin na tingin ng kaniyang ina. Ang lalaki sa tabi ko ay walang pakialam na sumusubo ng pagkain niya.

The woman cleared her throat after a long silence. Pakiramdam ko hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng kaniyang anak.

“So your Son's girlfriend?–”

“Fiancee, mom,”singit ni Jackson at tinaas pa ang kamay kong may singsing.

Kung hindi lang namin kaharap ang ina niya ay baka nasapak ko na siya sa kaniyang hita. Alanganing akong ngumite.

His mom looked stunned as she saw the ring on my finger. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita sa mga mata niya dahil may dumaang pandidiri at iritasyon doon.

“F-fiancee? Last week you said you are not interested to date and now you have a fiancé?”kunot noong tanong ng kaniyang ina.

Binaba ni Jackson ang kamay ko bago sagutin ang ina.

“I'm not interested to date other girls because I already have a fiancee, mom that's explain it.”

“Saan kayo nagkakilala? Sa bar?”sarkastikong tanong ng ginang habang nakatitig sa akin.

Napayuko ako. Iniisip din ba niyang ganun akong klaseng babae? Nasa mukha ko ba iyon? Nakikita ba niya sa akin ang ganoong trabaho?

“Mom, what the hell are you talking about?”may iritasyon sa tono ni Jackson na tila ba'y aawayin niya ang ina kapag may hindi siya nagustuhan na salita galing dito.

“I don't like your fiancee, Son,”straightforward na sinabi ng kaniyang ina.

Sa ina pala niya namana ang pagiging straightforward.

Nakaramdam ako ng kaunting sakit mula sa binitawan niyang salita ngunit agad ding nawala dahil hindi naman totoong kami ng anak niya kaya bakit ako masasaktan? Peke lang ito, kaya dapat wala akong pakialam kung gusto ba niya ako para sa anak niya o hindi.

Jackson chuckled without humor kaya napaangat ako ng tingin ng bahagya. Ang lalaki ay nakatitig sa kaniyang ina gamit ang sarkastiko nitong tingin.

“Magustuhan mo man siya o hindi, mom pakakasalan ko pa rin,”he said coldly making me feel something inside my chest.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya, kung mangha ako ay paniguradong hindi kita iyon sa aking mukha. I'm just good at hiding emotions. Those sweet words coming from a guy like him is somewhat rare to hear especially because I know what he did for the past months.

Suminghap ang kaniyang mommy. “At ilan taon na ito, hu? 13? She looked ridiculously young!”she spat.

“She's 23, mom,”malamig na sambit ni Jackson.

Umiling ang ina niya. “Whatever her age is, I still don't care! Tingin mo papayag ang ama mong ikasal ka sa ganitong klaseng babae? You are his heir, Son! You should marry influencial, rich and classy woman not some cheap whore!”pagalit na sambit ng ginang.

Nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko may sumuntok sa akin kahit wala naman dahil sa sakit na naramdaman sa aking dibdib.

Whore ako? Hindi ko alam na ganito pala kasakit matawag na ganoon.

“She's not a whore!”Jackson reacted immediately. Nagsasalubong ang kilay na tila hindi nagustuhan ang salitang ginamit ng kaniyang ina.

The woman smirked, feeling satisfied to piss her son off. “Yes, she is by just simply looking at her innocent face. For sure it's her strategy to get boys and lured them into her bed.. ilan binayad sa iyo ng anak ko, hu? I'll double his payment–"

“Hindi ko siya binayaran! Stop throwing stupid questions, mom. Let's just eat! Please eat..” tumingin si Jackson sa akin at halos hawakan ang kutsara para siya na ang magsubo ng pagkain ko.

Nagkatinginan kami. I saw tiredness in his eyes but he managed to smile. “H-hindi ako masyadong gutom,”pabulong kong sinabi.

Hindi rin ako pamilyar sa inorder niya para sa akin kaya hindi ko alam kung masarap ba iyon. It's just look complicated and not good in the eyes.

“Just eat mine then. Hindi rin ako masyadong gutom,”sabi niya at binigay sa akin ang kaniyang pagkain.

Pasta ang nasa plato niya at pinagpalit niya ang plato namin. Sabi niya hindi siya masyadong gutom pero unti-unti niyang kinain ang pagkain ko. I bit my lower lip while watching him in awe.

Hindi ko alam may ganito pala siya ng side sa totoong buhay. When he's on my screen at home he looked dangerous and ruthless but infront of me especially now.. he looked effortlessly cute.

“Gross..”her mom uttered under her breathe.

Napaiwas ako ng tingin kay Jackson dahil pakiramdam ko'y nakita ng ina nito ang pagtitig ko ng matagal sa anak niya. Inabala ko nalang ang sarili sa pagkain ng pasta.

“Stop it, mom.”

“Make me stop, Son. I don't understand why you chose her. And if you really didn't pay her then can you explain it to me why the hell your bank account lost billions?”

Natigil si Jackson sa pagkain. He licked his lips. He looked dangerously calm when he lift his eyes to meet his mother's gaze.

“I paid some things for my pent house. I also bought five paintings in an auction event last week. You can asked my secretary if you won't believe me. He has the receipts.”

Ang galing niyang sumagot! Is he a lawyer or something?

Her mom chuckled while shooking her head. “Don't use your genius on me, Son.”

“I'm not using it, mom,”Jackson said sarcastically.

Ngumuwi ang ginang at tumingin sa akin. “Kung pera ang habol mo sa anak ko kaya kitang bigyan higit pa sa binayad niya sa iyo para magpanggap ngayon layuan mo lang siya. Hindi ka nababagay sa anak ko.”

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong sinabi na nababagay ako sa anak niya. I don't even like your son in the first place so why would I listen to you?

“Mom..”pigil ulit ni Jackson. Hindi iyon pinansin ng ginang.

“Nag-aaral ka pa ba?”she asked me.

Tumango ako. “Opo, nursing student,”pagsisinungaling ko.

Tumango-tango siya at sumimsim sa kaniyang wine. I thought she'll stop whatever her hurtful words pero nang maibaba niya ang kaniyang wine glass ay muli siyang nagsalita.

“Alam ba ng school niyo na bayaran ka?”she asked bluntly.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natigil ako sa pagkain at halos hindi na malunok ang naisubo. Agad akong kinabahan kung mayaman sila maaring matanggal ako sa AU kapag nagsumbong siya sa school.

The woman smirked. Jackson's jaw clenched. “Don't you dare meddle in her school, mom!”

“Bakit hindi, Son? Dapat alam ng school niya ito, magiging kasiraan ng school niya ang pumayag sa ganitong klaseng trabaho.”

“I said, I didn't pay her! and she's not a fvcking whore! Stop labeling her like that in your mind. If you won't accept her as my fiancee then don't just don't insult her like this!”

Tumayo si Jackson at hinila ako. Galit na ang mukha niya at gusto na umalis pero hindi ako nagpatangay. Inalis ko ang kamay niya. Gulat siyang napabaling sa akin ng tingin na tila hindi inaasahan ang pagtanggi ko.

I don't want to leave this place without defending myself even though I want to leave this place so bad. Her mother is pushing me into the limits I shouldn't cross.

Hindi na dapat ako magpapaliwanag dahil hindi na niya iyon kailangan. Wala dapat akong ipaliwanag sa kaniya ngunit ang mga masasakit na salitang binitawan niya ang nagpatrigger sa akin upang ipagtanggol ang sarili. And I don't usually do this.

Nagtaas ng kilay ang ginang ng matapang kong sinalubong ang kaniyang tingin. I looked at her coldly because there's no reason to respect her. I only give respect to those people who show respect to me.

Ang babaeng ito tinawag akong whore kaya bakit ko siya rerespetuhin? Hindi ako ganoon kahina para magbigay ng respeto sa mga taong hindi marunong magbigay ng ganoon sa kapwa niya.

“Your son paid me 50 billion to act..”I admit to feed her ego.

Narinig ko ang pagmumura ni Jackson pero wala akong pakialam. Ang mommy niya ay namilog ang mga mata. Hindi siguro niya inaasahan na ganoon kalaki ang binayad sa akin ng mgaling niyang anak.

Akala ko matatapos ang araw na ito na hindi ako aamin o magsasalita ng kahit na ano tungkol sa pinag-usapan namin ni Jackson gaya ng madalas na nababasa ko sa isang nobela. Madalas sasakyan ng female lead ang kalokohan ng male lead para hindi sila mabuking. They'll eventually fall in love between their pretending as couple pero narealize ko wala nga pala kami sa isang nobela. The world where in is not fantasy, it's a real world that every hurtful words will leave a cut into your heart.

“But I don't agree to it. I want to return the money but he refuses to take it back,”patuloy ko.

Iyon naman ang totoo. Bakit pa ako magdedeny? I want to clean my name. I don't want to get involved with someone I don't even know from the beginning.

“Pero nandito ka! Ibigsabihin tinanggap mo–”

“I didn't know that we are going to meet you today! He lied to me that if we meet in person he'll explain more about his offer but he didn't! Nagulat ako dahil hindi pala ganoon ang mangyayari, kikitain ka pala namin kaya wala akong ideya kung anong gagawin,"medyo iritado kong sinabi.

Jackson hissed and held my wrist to pulled me so I can stop talking pero hindi ko siya pinansin.

“Tama na! Don't explain anything to her. Please, let's just go,”halos magmakaawa siya pero hindi pa ako tapos.

Umiling ako at lumunok. “Kung ayaw niyo po sa akin dahil tingin niyo po bayaran ako at hindi nakakabuti sa anak niyo wala po akong pakialam dahil hindi naman po ito totoo. Huwag niyo na pong doblehin o higitan ang pera ng anak niyo dahil pagkatapos nito ay ibabalik ko po ang pera niya at hindi ko na siya kikitain,”walang pag-aalinlangan kong sinabi bago tumayo.

The ‘po’ in my words feels good to say not because I want to atleast show some respect but to make her feel that I'm not weak as what she thinks.

Ang babae ay kumunot lang ang noo at hindi nakasagot. Jackson felt relieve after I stood up. Mukhang hindi narinig ang huling sinabi ko dahil noong pinaalis ko ang kamay niyang nakahawak sa aking palapulsuan ay nagulat ulit siya.

“Expect your money in your bank account later, Sir and don't call me ever again,”walang emosyon kong sinabi. Inalis ko ang singsing at nilapag sa lamesa bago naglakad palayo.

Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako pero wala akong narinig na mga yabag na nagmamadali sa aking likuran. Hindi ko nalang pinansin dahil iyon naman ang gusto ko. Ayoko na siyang makita. Ibabalik ko ang pera niya at ibloblock ko na rin siya pagkatapos.

I texted Ayanna while waiting outside the restaurant. Agad din naman siyang nagreply na patapos na siya sa spa at dadaanan niya nalang ako kaya hinihintay ko nalang siya sa may waiting shed dahil mainit sa balat ang araw kahit pa naglotion ako kanina ay hindi ito tatalab ng matagal.

I sat at the waiting shed. I sighed slowly as I remember what happened at the restaurant. I don't really explain myself to anyone especially to those people who looked down on me, I hate explaining anything kaya hindi ko alam paano ako nakapagpaliwanag na hindi nauutal.

Maybe it was my inner self's help. Isa is bold and brave but Maria isn't. She's naive and weak. Ang mama ko lang ang tumatawag sa akin ng Maria. My mom is fun of Rizal's work, she named me after Maria Clara the female lead of the famous novel, Noli Me Tangere of Dr. Jose Rizal.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya kay Maria Clara at pinangalan niya sa akin ang unang pangalan nito.

While waiting for Ayanna a black sedan stopped infront of me. Hindi ko na sana papansinin pero nakita ko ang pagbaba ng bintana nito sa passenger seat. Bumungad ang mukha ni Jackson doon kaya bumalik iyong inis ko.

Ano pa bang gusto niya? Can he just leave me alone?

Tumayo ako sa pagkakaupo sa waiting shed hindi para lumapit kundi para umalis kaya nang makita niya iyon ay nagmadali siyang bumaba sa kaniyang sasakyan.

“W-wait!”

Hinawakan niya ako sa braso na agad kong tinanggal dahil para akong napaso sa init ng palad niya! Namilog ang mga mata ko roon pero hindi ako nagpahalata sa naramdaman.

“Ano ba? Hindi mo ba naintindihan iyong sinabi ko kanina?”iritado kong tanong.

“I understand but–”

Suminghap ako. “Oh iyon naman pala! Bat nandito ka na naman? Gusto mo nudes? Magsesend ako sa iyo ng marami para tigilan mo na ako!”I said impatiently cutting him off.

I saw him pout a bit. Kumunot ang noo ko. Anong nginuso-nguso niya dyan? Nagpapacute ba siya?! At para saan?

“That's not what I want,”he said quietly.

Tumaas ang isang kilay ko, hindi naniniwala. Sa mga nagdaang buwan na tawag siya ng tawag sa akin tingin niya ba maniniwala akong hindi ganoon ang habol niya sa akin? Even the fool can understand what he wants!

“Eh ano? Ayaw ko na magpanggap sa mommy mo alam na naman niya kaya hindi na siya maniniwala.”

He chuckled making me look at him with confusion. Nag-iwas din ng tingin dahil malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakakapanghina siya titigan sa ganoong mga mata!

“You are brave back there.. I thought you'll gonna cry infront of her,”he said.

“H-hindi ako mahina..” lies. I cry easily.

He nodded, eyes are still on me. Bakit niya ba ako tinitignan? Naiilang ako at pakiramdam ko bawal siyang tignan pabalik dahil sa agwat ng estado naming dalawa.

He's obviously rich because of his billions and her mother mentioned about him as her husband's heir.

“That's why I find you interesting even though we only talk on social media especially now that I saw you in person. You're beautiful, Isabella,”he said coldly.

My blood rushed through my veins, I feel like they went up into my cheeks because I felt it heating up. Hindi ko alam paano magreact! This is the first time I heard a compliment from someone I don't.. know.

I feel sincerity in his words but I couldn't accept it. I don't want to accept it. Umiling ako.

“Why are you shaking your head? You don't believe me?”he asked, his forehead was creased and ready to explain more.

Umatras ako dahil humakbang siya. Nang makita ang ginawa ko ay nagtaas siya ng kilay.

I sighed. “I don't need your sweet words, Sir, gusto kong layuan mo na ako at huwag nang magpapakita. Ibabalik ko naman ang pera mo kaya hindi na dapat tayo nag-uusap,”I said coldly.

“I also like your coldness.”

Ano? Kumunot ang noo ko. Nababaliw na ba itong lalaki na ito? He chuckled and touch my creased forehead, inayos niya iyon.

“This too,”he whispered.

Napakurap ako at natigilan. He's now infront of me, towering over like he's a big boss on an online game. Nang hindi ako nagsalita ay siya ang nagsalita. He was looking at me but my eyes couldn't settle on his eyes.

Kumakalabog ang dibdib ko nang subukan ko siyang titigan pabalik kaya hindi ko tinuloy! Napalunok ako ng laway at mariin na tinignan ang mga sasakyan sa kaniyang likuran.

Hindi ko gusto ang pinaparamdam sa akin ng lalaki. These feelings are all new to me but I'm sure if this feelings will continue.. I'm doomed.

“Wala akong pakialam sa pera, Isabella. Don't return it, it's all yours but please don't cut our chords,”he whispered almost pleading.

If he thinks I'm easy then he's wrong. Hindi ako katulad ng ibang babae na pakitaan lang ng sweetness at bigyan ng assurance ay bibigay na. I might look easy because of my work but in real life I'm not.

I'm not that naive to not understand what he meant kaya papakitaan ko siya ng gilis para itatak sa kaniyang utak na hindi ako nabibili ng pera!

Kinuha ko ang calling card sa maliit kong bag at binigay sa kaniya. Kunot noo niyang kinuha ito. There's a confusion in his eyes as he read what's written on the calling card.

“Call that number if you want distraction, I'm not going to be available for you anymore from these day on. Thank you for everything, Sir. Good bye,”pormal kong sinabi bago siya lagpasan.

“W-what?”rinig kong tanong niya sa likuran ko pero pumara na ako ng taxi!

Nang may huminto ay agad akong sumakay doon pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. I don't want him to chase after me. I don't deserve the chase, he should realize it by now.

Sana isipin niya nalang na whore talaga ako para tigilan na niya ako. Makinig nalang siya sa mommy niya at huwag na akong hanapin. Nakita ko ang pagmamadali niyang sumakay sa kaniyang kotse, balak pa atang habulin ang taxi kung saan ako nakasakay.

Hindi ko na iyon pinansin at sinabi nalang sa driver na ihatid ako sa condo ni Ayanna. Tinext ko na ang babae na doon nalang kami magkita. The girl agreed and she even send me her code para sa passcode ng door niya.

After that I went into my online bank application and return the money back to it's original owner. Nang makitang naisend na iyon ay pumunta naman ako sa messenger at blinock ang account niya para hindi na siya makapagchat sa akin. I off my phone after everything.

I lean my back on my seat and sighed slowly. Now, I feel relaxed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status