Share

Chapter 20

Author: kkyrieehale
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-01 19:56:27

Hindi nga nagbiro si Roxie. Pagtapos ng usapan namin sa library, literal na naging hangin lang ako sa paningin niya sa loob ng campus. Kung hindi tungkol sa slides o sa mga natitirang breakdown ng budget sa project, hindi siya nagsasalita. At kapag nagtatanong siya, napakapormal—mas pormal pa sa prof namin.

Pero mukhang hindi yata sang-ayon ang tadhana sa gusto niyang distansya.

Pagpasok namin sa susunod na major subject pagkatapos ng break, pumasok si Prof na may bitbit na panibagong set ng mg
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 22

    Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko habang isinusukbit ang backpack ko sa isang balikat. Marahan kong hinila ang susi ng kotse ko mula sa bulsa at naglakad na rin pababa patungo sa parking lot. Sobrang bigat ng hangin sa buong campus, o baka ako lang talaga ’tong hindi matanggap na bumalik kami sa pagiging estranghero sa loob lang ng isang gabi.Pinaandar ko ang Audi ko at dahan-dahang binaybay ang daan patungo sa main gate. Dahil saktong alas-singko na ng hapon, barado ang trapiko sa labas ng university. Nag-uunahan ang mga estudyante at mga sasakyan sa makipot na kalsada.Habang umaandar ang kotse ko malapit sa pedestrian lane sa labas mismo ng gate, doon ko natanaw ang pamilyar na bulto ni Roxie.Nakatayô siya sa may lilim ng puno, yakap-yakap ang sariling bag habang nakayuko. Ilang sandali pa, isang itim na Mercedes-Benz ang dahan-dahang huminto sa tapat niya. Halos mag-counter flow pa ito sa tindi ng traffic para lang makatabi sa pwesto ni Roxie.Akmang

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 21

    Tahimik na ang sumunod na dalawang oras. Walang kibuan, walang asaran. Ang tanging naririnig lang sa pagitan naming dalawa ay ang mabilis na pagtipa ni Roxie sa keyboard ng iPad niya tsaka ’yung kalasgas ng ballpen ko sa papel habang nagda-draft ng financial tables.Pero kahit walang nagsasalita, ramdam ko na unti-unting bumabalik ’yung pamilyar na chemistry namin pagdating sa trabaho. Hindi namin kailangan mag-usap nang mahaba para magkaintindihan. Kapag may tinapos siyang part sa marketing strategy, itutulak niya nang bahagya ’yung iPad sa gitna ng mesa para maregula ko ’yung budget alignment. Isusulat ko ’yung sugestion ko sa gilid ng notebook ko, ituturo ko sa kaniya, at tatango naman siya bilang pagsang-ayon.Ganoon lang kami. Isang kakaibang diskarte para sa isang 'professional discussion' na gusto niya."I-check mo ’tong part ng operational timeline," mahinang basag ni Roxie sa katahimikan habang inihaharap sa akin ’yung screen. "Nilagay ko sa six-month buffer ’yung contingency

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 20

    Hindi nga nagbiro si Roxie. Pagtapos ng usapan namin sa library, literal na naging hangin lang ako sa paningin niya sa loob ng campus. Kung hindi tungkol sa slides o sa mga natitirang breakdown ng budget sa project, hindi siya nagsasalita. At kapag nagtatanong siya, napakapormal—mas pormal pa sa prof namin.Pero mukhang hindi yata sang-ayon ang tadhana sa gusto niyang distansya.Pagpasok namin sa susunod na major subject pagkatapos ng break, pumasok si Prof na may bitbit na panibagong set ng mga syllabus. "Okay, class. Dahil nakuha ng block niyo ang pinakamataas na average para sa market analysis, early application tayo para sa strategic implementation plan. At gaya ng dati, by partners pa rin."Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga mula sa likod. Alam kong alam ni Roxie ang ibig sabihin nito."I want all partners to submit their initial corporate strategy blueprint before 5:00 PM today. No extensions. Mag-usap na kayo ngayon ng mga ka-partner niyo habang nandito pa ako," dagdag

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 19

    Sa buong tatlong oras ng lecture, hindi ako nakinig sa prof namin. Nakatitig lang ako sa white board pero ang utak ko, lumilipad. Ramdam na ramdam ko ’yung distansya namin ni Roxie kahit nasa iisang kwarto lang kami. Ni hindi siya tumitingin sa direksyon ko, at tuwing matatapos ang klase, siya ang unang-unang lumalabas ng pinto na parang may tinatakasan.Nung mag-dismiss para sa mahabang break, hindi ko na kayang tiisin ’tong cold treatment niya. Nakita kong bitbit niya ’yung iPad niya patungo sa dulo ng university—sa pinakatahimik na bahagi ng main library kung saan kakaunti lang ang estudyante.Agad ko siyang sinundan.Naabutan ko siyang nakaupo sa isang isolation cubicle sa pinakasulok, napapaligiran ng matataas na bookshelf. Nakaharap siya sa iPad niya, pero halata namang hindi siya nagbabasa dahil pabalik-balik lang ang pag-swipe ng mga daliri niya sa screen. Halos mag-isa lang siya sa row na ’to dahil bihira talagang may magawi rito.Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa bakante

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 18

    Buong biyahe ko pabalik ng Casa Eyrie, hawak ko lang nang mahigpit ang manibela habang pilit na nagpapakalma. Mabuti na lang at naisipan kong tawagan si Kuya Gado kanina nung magkasama pa kami ni Roxie para sabihing malalate ako ng uwi, kaya hindi na sila nag-abang sa sala.Pagkapasok ko sa mansyon, madilim na ang buong sala. Tulog na panigurado si Ate Faith tsaka si Kuya Zaitan dahil maagang natatapos ang mga schedule nun. Diretso lang ako sa kwarto ko, hindi na binuksan ang mga ilaw sa daan para walang makapansin ng putok sa labi ko.Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko, doon ko lang naramdaman ang hapdi sa panga ko. Lumapit ako sa salamin sa banyo at binuksan ang maliit na ilaw. May kaunting natuyong dugo sa gilid ng labi ko at medyo namamaga na ’yung kanang bahagi ng mukha ko. Napamura ako nang mahina habang kumukuha ng ice pack sa mini-fridge ko rito sa kwarto tsaka ito idiniin sa panga ko.Buti na lang talaga tinuruan ako ni ate na wag papatol sa matanda eh, kung hindi baka nagan

  • Under My Father In-Law's Touch   Chapter 17

    Putsa. Parang biglang huminto ’yung ikot ng mundo ko nung marinig ko ’yung bulong ni Roxie. Tiningnan ko siya sa passenger seat, at literal na bumalik ’yung pamumutla ng mukha niya gaya nung nasa storage room kami kanina. Nanginginig na naman ’yung mga daliri niya habang nakahawak sa strap ng bag niya."K-Kairo... anong gagawin natin? Bakit nandiyan si Papa? Sabi niya next week pa ang uwi niya," natatarantang bulong niya, halatang takot na takot.Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Huwag kang mag-alala, Ventura. Ako ang bahala. Huwag ka munang aalis sa tabi ko," seryosong sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan kong pinapatay ang makina ng Audi ko.Sabay kaming bumaba ng kotse. Pagkatapak ko sa semento, naramdaman ko agad ’yung napakabigat na aura ng Papa ni Roxie—si Mr. Ventura. Nakatayo siya doon, nakapamulsa ’yung isang kamay, habang ’yung matatalim niyang mga mata ay seryosong nakatitig sa amin. Sa tabi niya, nakatungo lang ’yung driver at ang dalawang kasambahay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status