Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatapos ayusin ang sarili ay taas noong lumabas pa ng restroom. Hindi talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng hindi pinapahalagahan ang kanilang imahe at dignidad.
Dumeretso siya sa may sink at hinugasan ang kamay niya. Inignora niya ang binata at hindi man lang ito sinulyapan. Sumandal si Nigel sa hamba ng cubicle at nginitian si Lexie. "Ah! We met again," bati niya at kumaway pa sa dalaga nang bahagyang nilinga niya ito. He even gave her a lopsided grin that almost made her knees weak. "Wala ka bang planong lumabas?" lihim siyang napalunok bago balewalang tinanong ang lalaki. Pinunasan niya ang kamay at humarap sa binata. Ngumiti lang si Nigel at naglakad palapit sa sink at naghugas ng kamay. "May alcohol ka ba?" sa halip ay tanong ni Nigel. Umarko ang kilay niya at kinuha ang alcohol sa bag at binigay dito. She didn't hide how she detest that attitude of him. "You're a douchebag, you know! Pagkatapos mong makipag-s*x sa kanya ay ganyan ang gagawin mo. Ano na lang ang mararaman ng babaeng iyon kapag narinig ka niya?" Mahinang tumawa si Nigel at hindi nagkomento. Isinauli nito ang alcohol pagkatapos maglagay sa kamay at umayos siya ng tayo. "Thanks!" Kumilos si Nigel para lumabas ng restroom na animo wala itong ginawang milagro sa lugar na ito. He's so carefree na parang walang iniindang problema sa mundo. Lexie look at his back in a complicated look. Napailing siya sa kakapalan ng mukha ng binata. Kahit saan basta makaraos ay wala itong pakialam. At bilib din siya sa mga babaeng pumapatol dito na hindi man lang pinili ang lugar kung saan sila magkikita ng binata. Kung siya man ang mga babaeng iyon ay mas gugustuhin pa rin naman niya na sa pribadong lugar ang kanilang meeting place. Nang bumalik si Nigel sa department nila ay late siya ng kinse minutos. Akmang uupo siya sa tabi ni Philip nang malagom ang tonong tinawag siya ng middle age na professor nila. Tumikhim lang siya at sinulyapan ito bago nagpatuloy sa paglalakad. "Nigel Herrera!!! Estatwa ba ako sa paningin mo na hindi ka man lang marunong bumati? Where is your manner?" sigaw nito. Halos lumubas na ang litid sa leeg nito sa pagpipigil ng galit. Mariing naglapat lang ang labi niya at hindi sumagot sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ng kaibigan niya. Namula sa galit ang kanilang professor dahil sa naging kilos niya. "Hindi porke't ikaw ang nakakalamang dito ay gagawin mo na ang gusto mo!" "Sorry, Prof, may inasikaso lang talaga ako," apologetic na paghingi niya ng paumanhin. Pero tinago niya ang pag-ngisi nang magtama ang mata nila ni Lucky na lihim ding nag-thumbs up sa kanya. "Inasikaso? Did you check yourself in the mirror? Your neck is full of lipstick." Mababa ang tono ngunit may bahid naman iyon ng galit. Inilibot nito ang tingin sa buong klase at itinukod ang kamay sa mesa nito bago nagsimulang magsermon sa kanilang lahat, "tandaan niyo ‘to, ito na ang huling taon niyo sa kolehyo. Hindi kayo makakapag-graduate kung kalokohan ang inaatupag niyo. Isipin ninyo ang inyong mga magulang na nagkakandahirap para mapag-aral kayo. Hindi lahat ay pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kailangan ninyong maging practical sa buhay. Hindi iyong iba ang inaatupag ninyo!" Napahawak lang siya sa tungki ng ilong na hindi man lang nakaramdam ng hiya. Nasanay naman na ang mga kaklase niya na ‘pag pumapasok ay may lipstick sa pisngi o sa damit, o kaya ay sa leeg kaya hindi na sila nag-react nang pumasok siya. Kung minsan ay pumapasok pa siya na gusot ang suot na pulo at nakalas ang butones. Magulo din ang buhok niya na hindi niya pinagkaabalahang ayusin. "Saang department ka ba nanggaling at na-late ka?" pabulong na tanong ni Philip. Kumuyon ang kamao niya at inilagay sa bibig at pabulong din na sumagot, "tourism." “Sino?” Napahawak siya sa batok at inalala rin niya kung ano ang pangalan nung dalaga. "Ano nga ba?" Philip couldn't help but comment "Gah!!! Matalino ka nga pero pagdating sa mga babae na nakayuko sa kandungan mo, hindi mo maalala ang pangalan nila!" Mahina siyang tumawa at nilro sa daliri ang hawak na ballpen. “Tsk!! Nagtaka ka pa? Kahit pa tanungin mo siya kung may naalala siyang pangalan ng nakausap o naging fling niya ay wala siyang maalala," hayag ni Lucky. Sabay na mahinang tumawa ang dalawa. “Baka mamaya pati ‘yung magiging asawa niya hindi niya maalala kung ano ang pangalan niya. Gusto kong makita kung ano ang reaction ng magiging asawa niya. Baka ma-heart attack siya sa sama ng loob," nagbibirong turan ni Philip habang mahinang tumatawa. Isa ito sa hindi alam ng karamihan. Pagdating sa ibang mga bagay ay hindi niya agad nakakalimutan pero ‘pag pangalan ng mga nakakasalamuha niya maliban sa pamilya at talagang malapit sa kanya tulad ng dalawang ugok na kaibigan niya. Lalo na ‘pag isa o dalawang beses lang niya nakausap ay nakakalimutan agad niya ang pangalan nila. Kahit nga kaklase nila ay nakakalimutan niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit mahirap sa kanya na i-memorize ang kanilang pangalan. Napailing lang siya sa kalokohan ng dalawa, nasanay na siya na panay biro ang lumalabas sa bibig nila. Kinahapunan ay walang balak na agad umuwi si Nigel at ang dalawang kaibigan niya pagkatapos ng klase nila. Nandun lang sila sa isang bakanteng classroom at nasa harap niya ang laptop, malakas kase ang patak ng ulan kaya tinatamad silang lumabas. Lalo na ‘pag ganito ang klema ay hindi maiiwasan ang traffic. Himala rin ng hapon na ‘yun na wala sila sa mood na maghanap ng bibiktamahin nila. Lalo na si Nigel na parang gusto niyang mag-celibate kahit isang gabi at isang araw lang. Hindi naman kasi halos araw-araw ay may babae sa kandungan niya. Minsan halos isa o dalawang linggo ang lumilipas ay hindi muna siya nambabae, napapagod din naman siya. Kahit naman naglalaro siya, hindi pa rin maiwasang mawalan siya ng gana sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Sometimes, he wants a new setting. Gusto na niyang maka-graduate at magtrabaho sa kompanya nila. Nauumay na siya sa routine ng buhay niya na bahay, eskwelahan, babae at minsan parties. Oo at nae-enjoy niya ang kalayaan niya ngayon pero parang may kulang at hinahanap ang puso niya na hindi pa rin niya matanto kung ano. Kaya benabalewala niya agad ito at nakikipagmake-out para makalimutan niya ang hindi komportabling pakiramdam niya. "This—Ah! Sh*t!! I lost again!" naasar na mura ni Lucky at inilapag ang cellphone sa mesa. Tumawa si Philip at sinulyapan ito. "Pang ilang beses ka na bang natalo sa sempling laro na yan? Geez!! Sa dinami-rami ng bagong online games ay ang pangbata pa na yan ang nilalaro mo." "Hey!! Maganda rin naman ‘to ah. Ayaw kong maadik sa mga online games na ‘yan dahil ‘pag nagkataon hindi ko maseryoso ang studies ko at ‘di maka-graduate. May mga pangarap pa ako." Ito ang totoong sila, mapaglaro at pilyo pero may sarili pa rin silang pangarap na gusto nilang marating. Kaya nag-iingat sila para ‘di makabuntis at matali ng maaga. "Ikaw, Nigel, anong ginagawa mo?" tanong ni Lucky. “Pinag-aaralan ko ang mga expenses ng kompanya last year until now," kaswal na sagot niya. Napakamot sa batok ang dalawa. “Hindi mo pa natapos ang assignment mo na ‘yan kay Tito?" salubong ang kilay na tanong ni Philip. Umiling siya. "Tapos ko na last week pa pero nere-review ko lang. ‘Pag nagkamali ako, marami ang mawawala—" Pareho silang tatlo na kumukuha ng business administration. Sila din kase ang mamamahala sa kompanya ng family nila in the near future. "Ituloy mo lang," udyok ni Lucky. "No way! This is confidential.… Ugh! Kung hindi lang talaga ako gustong pag-aralin ni papa sa pamamahala ng kompanya. Hindi ko gagawin ‘to. That old fox, kinausap pa talaga si Miss D para maging mentor ko," reklamo niya. Nagkibit balikat ang dalawa na walang pakialam sa dilemma niya at itinuloy na ang paglalaro sa cellphone nila. Siya naman, pagkatapos makitang walang mali sa ginawa niya ay sinara na niya ang laptop at sumandal sa upuan. Hinilot niya ang sentido at pumikit. "Umuwi na tayo! Gusto kong humiga sa kama ko," saad niya kapagkuwan. Nilagay niya sa bag ang laptop at tumayo. "Malakas pa ang ulan" reklamo ni Philip na napipilitang isinukbit ang bag. "Kung hihintayin natin na tumila ang ulan baka gabing-gabi na. Ito na nga at dumidilim na, eh," wika niya. Lumabas silang tatlo ng room at binagtas ang daan papunta sa parking lot. Malapit na sila nang napansin niya ang dalaga na nakaupo sa bench sa may West wing at mukhang hinihintay din na tumila ang ulan. "Gah!! May bagong nakita ka na naman na bibiktamahin," komento ni Philip nang sundan ng tingin nito ang mata niya. Napakamot siya sa batok nang matitigang mabuti ang dalaga. Pamilyar sa kanya ito. "Lapitan mo na," tinulak ni Lucky ang balikat niya. "I think I saw her…" Napaisip siya. "Sa Sweet JJ's ko siya nakita pero—” "You can't remember her name," pagtatapos ni Philip. He grinned. Hindi niya ikinaila ang sinabi nito. "Go on! Lapitan mo na.. Mauna na kami!" "Wait!!" Malakas na itinulak siya ni Philip at muntik pa siyang masubsob sa poste. Natatawang tinapik siya nito sa balikat bago naglakad papunta sa parking lot. Aminin niya na gusto niyang lapitan ang dalaga pero hindi niya alam kung paano ito kakausapin o tatawagin. Hindi talaga niya maalala ang pangalan nito.Nakapangalumbaba si Lexie sa upuan niya at nakatingin sa harapan habang lumilipad sa kung saan ang utak niya. At kahit nakatutok ang mata niya sa professor nila na nagsasalita ay hindi naman niya naiintindihan kung ano ang lumalabas sa bumubukang bibig nito. Pinipilit kasi niyang huwag mapapikit dahil kulang siya sa tulog. Lihim pa nga siyang humikab at hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa ito. Kinuskos pa niya ang mata para gisingin ang sarili ngunit hindi siya nagtagumpay. Gusto na talaga niyang humiga sa kama at yakapin ang unan ni Nigel habang inaamoy ang bango na naiwan ng binata rito.Hindi siya tinantanan ni Nigel kagabi at hanggang sa mag-uumaga na saka siya nito hinayaang matulog. Kaya naman ngayon ay blangko ang isip niya at pilit na nilalabanan ang antok.Kinurot niya ng mariin ang kanyang binti nang muli siyang humikab. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang kirot pero hindi naman nabawasan ang kanyang antok."Lexie! Pssst! Uy!" pabulong na tawag ni Janin
Kanina pa mariing nakatikom ang bibig ni Lexie at hindi makatingin ng deretso kay Nigel na ngayon ay nagmamaneho upang ihatid siya pauwi. Ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay mauupos na siya na parang kandila? Iyon ay dahil pagmulat niya ng mata ay lumantad sa kanya ang ina ng binata na nakaupo sa harap ng canvas at nagpipinta. Habang siya ay nakahiga sa sofa at humihilik. Kahit pa nakasuot na siya ng damit ay labis pa rin ang hiyang nararamdaman niya.Walang sinabi man ang ginang kung may naabutan man ito o wala pero hindi niya alam kung ano ang mga nakita nito. And the musty smell in the room had finally dissipated and it was replaced by the smell of paint. Wala mang bakas ng milagrong ginawa nila ng binata pero para pa rin siyang matutunaw sa hiya.Ito ay dahil sa pagnanasa nila sa isa't isa ay nakalimutan nila kung nasaan silang dalawa. Lalo na siya na nagpaalipin sa tawag ng laman. Nakalimutan niyang ang kuwartong ito ay studio ng ina ni Nigel at dito nagtatrabaho. How can s
“I want to—” Napalunok siya at tinignan ang mahabang nota nito. “P-Pwede ko ba siyang hawakan?”Tumaas ang sulok ng labi nito at tumango. Binasa niya ang kanyang labi at hinawakan ang sandata nito. Mainit at matigas ang nota nito sa kamay niya. Nanliit ang kanyang mata at binasa ang kanyang labi sabay lunok.“Ang tigas!” nanulas sa kanyang labi at nagtaas baba ang kanyang kamay. Hindi niya kayang bawiin ang tingin sa pumipintig na talóng nito at ang lumalabas na kaunting likido sa maliit na butas ng kargada nito. So, this is what they called precúm? Puti ito at hindi kasinglapot kapag nilalabasan na ito. Hindi niya napigilan ang gamitin ang hinlalaki para hawakan ang likido. “Para siyang glue, sticky!”Bahagyang natawa si Nigel sa komento niya at mahinang sinampal ang pisngi ng pwét niya. “Taste it!”Walang pag-aalinlangan na sinubo niya ang daliri bago ngumisi at tinignan ang reaksyon nito. His eyes darkened and squeezed her bútt.“Dàmn!” he couldn't stop himself but cussed.Bumaba s
Pagkatapos ng tanghalian ay biglang bunuhos ang malakas na ulan at may kasama pang pag-ihip ng hangin. Kaya naman minabuti na lang ni Marshmallow, ang ina ni Nigel na hintayin nilang tumila ang ulan bago siya ihatid ng binata. At habang hinihintay nila ang pagtila ng ulan ay napagkatuwaan nila ni Nigel na tumambay sa studio ng ina nito. Nasa harap ng canvas si Nigel habang siya ay nakahiga sa mahabang sofa at pinipinta siya.Puting kumot lang ang tanging nakatapis mula sa dibdib niya hanggang sa may hita niya at wala siyang suot na kahit man lang panloob. Ang buhok niya ay hinayaan nitong nakasabog pa sa may uluhan niya at nilagyan ng talulot ng bulaklak na rosas. Sa una ay nakangiti siyang nakikipagkwentuhan sa binata para hindi siya mabagot. Pero maya-maya ay nakaramdam siya ng antok at pumipikit na ang kanyang mata. Lalo pa at parang musika sa pandinig niya ang pagpatak ng ulan kaya animo dinuduyan siya.Hindi na niya namalayan na nakatulog siya kaya nang maalimpungatan siya ay med
Kinabukasan ay dinala siya ni Nigel sa bahay nila. Nang sinabi niyang gusto niyang makita ang obra ng mama nito ay hinila agad siya ng ginang at dinala sa studio nito. Ngayon ay pinapakita nito sa kanya ang mga gawa nito na agad niyang pinupuri at hinahangaan. Ngayon lamang siya nakakita ng obra ng isang sikat na pintor. At namamangha siya na tignan lahat. Hindi pa nga niya maalis ang tingin sa bawat painting na kung pwede lang ay gusto na niyang kunan ng picture pero alam niyang ‘di pwede dahil ang iba ay idi-display ni tita Mallou sa kanyang exhibit.Lahat ay wala siyang maipipintas. Kung pwede lang niyang hingin ang portrait na pininta nito noong edad trese si Nigel at nasa may gilid ng pool at nakahalukipkip ay sinabi na niya sa ginang. Ang cute kasi ng binata rito lalo na ang pagkakasalubong ng kilay nito. Ito ang hindi raw nito isasama sa exhibit nito. Pero nahihiya siya, alam niya kung gaano kamahal ang isang obra nito.Napatutok ang tingin niya sa isang portrait sa may isang b
Tulalang napatitig si Nigel sa nakapikit na dalaga at yakap ang unan niya. May munting ngiti pa sa labi nito at mahinang humihilik. Hindi niya alam kung paanong sa ilang minuto lamang ay nakatulog ito. Napuyat ba ito kagabi at hindi lang nito pinapahalatang inaantok ito kanina? O nagbibigay ng kapayapaan dito ang pagtulog sa kuwarto niya na kasama siya?Pero kahit ano pa ang rason ng dalaga ay may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Ang makitang payapa ang mukha nito hindi katulad noon na kahit tulog ay magkasalubong ang kilay. Halata na hindi payapa ang tulog ng dalaga at maraming gumagabagab sa isipan nito. Masaya siya na sa unang pagkakataon ay nakita niya na mukhang maganda ang panaginip nito.Lumapit siya rito at inalis ang sandals nito. Hindi agad siya nahiga sa tabi nito at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Hindi niya maalis ang tingin dito at gusto niyang imemorya sa ulo ang tulog na mukha nito. She's really beautiful. "Nigel…" sambit nito sa pangalan niya. At hinuli a