Share

Chapter 69

Author: Ced Emil
last update publish date: 2026-05-19 16:59:34

Nang mamatay na ang linya ay nawala ang ngiti niya at nagpakawala ng marahas na hininga. Nagsinungaling siya kay Lexie. Hindi sa Berlin Hotel ang pupuntahan niya kundi ang delivery company kung saan sila ang nag-deliver ng package kay miss D. Mabuti na lamng at natatandaan ng ina ni Lexie ang uniform ng lalaking nagdala ng package sa kanya. Navy blue with orange ang suot na uniporme ng delivery boy.

Sa tagal na nagtrabaho ito bilang secretary ng kanyang ama ay naging sanag na ito at naging obse
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Under The Sheets   Chapter 76

    Bago pa makahuma o makapagsalita si Lexie ay nakulong na siya sa mahigpit at mainit na yapos sa bisig ni Nigel. Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng leeg at ulo niya. He even smells her hard as if he had just found his source of air. Ramdam niya ang tensyon at stress na nanggagaling sa bawat malalim na paghinga nito. Kumirot ang dibdib niya dahil nasasaktan siya sa pinagdadaanan nito. Kung pwede lang na huwag na lang nitong maalala at balikan ang nakaraan nito ay baka pipilitin pa niya itong kalimutan na lang ang masasakit na alaala nito.Pero alam niyang hindi pwede dahil kailangan na matandaan ni Nigel kung ano man ang nangyari rito buhat nang tangayin ito. Ito lang ang makakapagsabi ng lahat para mahuli na ang salarin. At upang makalaya na ito sa nakaraan ay dapat nitong harapin at tandaan lahat.Napakagat labi siya at mariing pumikit sabay gumanti ng yakap dito. “It's okay!”“Yeah!” anas nito at humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kanya. Malalim siyang humigit ng hininga na ani

  • Under The Sheets   Chapter 75

    Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na mawala si Nigel. Nabalot ng tensyoon at takot ang pamilyang Herrera sa biglaang pagkawala ng binatilyo. Lahat ng pwede nilang kausapin at tanungin kung may nakakita ba kay Nigel at Ane pero lahat sila ay umiling at sinabing hindi nila nakita o pumuta sa kanila ang dalawang bata. Pakiramdam nila ay gumuho ang kanilang mundo. Wala ni isa sa kanila ang makatulog sa labis na pag-aalala at takot para sa dalawang bata. Animo gumuho ang mundo nilang mag-asawa.Ang private school naman na pinapasukan ng dalawa ay tumulong na rin sa paghahanap sa dalawang bata ngunit kahit na anino ng dalawa ay wala silang nakita. Ayon sa adviser nina Nigel ay dumating pa rin ang driver sa eksaktong oras na sinusundo nito ang dalawang bata. Wala naman silang napansin na kakaiba sa driver at hindi naman stress ang lalaki.Pero lalo silang binalot ng takot nang mahanap ng mga imbestigador ang katawan ng driver sa gilid ng ilog sa liblib na lugar ng San juan pagkalipas

  • Under The Sheets   Chapter 74

    Month of September, Year 19XX.Kasalukuyang tinatapos ni Marshmallow ang kanyang painting na isasama niya sa kanyang exhibit. Ang bunso niyang anak na si Nikolai na pitong gulang ay kauuwi lang din galing sa kanyang paaralan at nakadapa sa sahig at pilit na sinusubukan na mag-drawing. Naririnig pa niya ang mga reklamo nito kapag hindi nito nagagawang iguhit ang gusto nito. Lukot na lukot ang mukha nito at halatang nanggigigil ito sa giinuguhit nito. Paminsan minsan ay kinakamot nito ang batok at pabulong na magrereklamo.Sa dalawa niyang anak ay ito ang hindi marunong gumuhit o kaya ay magpinta. At nakikita niya ang inggit nito sa kapatid nitong si Nigel lalo pa at nag-aaral ito sa art school of moon and star. At sa oras na ito ay naroon na ang kanyang panganay at mamaya pa ito susunduin ng kanilang family driver. Noon kasi ay sila ang sumusundo sa anak sa eskwela at hinahatid sa art school pero ito na ang nagsabing sumabay na ito kay Ane sa pagpunta roon. Sa una ay tinutulan nila per

  • Under The Sheets   Chapter 73

    Pagatapos na mag-walk out ni Lexie ay pumara siya ng taxi at agad na sumakay. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil pakiramdam niya ay dinaya siya ng kanyang kaibigan. Hindi! Nadaya talaga siya dahil itinago ni Janine ang totoong saloobin nito at itinulak pa siya palapit kay Nigel. Tapos siya ang sisisihin nito na sa kanya nahulog ang binata?At kung hindi pa sila nahulog sa isa’t isa ni Nigel ay mananatili siyang nasa dilim na may gusto ito sa huli. Na pinapaikot na pala siya nng itinurong niyang kaibigan at para na rin niyang kapatid. Masakit para sa kanya na hindi man lang kinonsidera ng babae ang closeness nilang dalawa. Walang pagdadalawang isip na iwasan siya dahil sa isang lalaki.Kumuyom ang kanyang kamao at huminga ng napakalalim.Kung ito ang kagustuhan ni Janine na magkasira sila ay hindi niya rin aayusin ang kung ano mang relasyon na mayroon sila ng dalaga. She alienated her first and she’s not the kind of person who will fix something that they broke. Lalo pa at gusto nit

  • Under The Sheets   Chapter 72

    Sumimangot si Lexie nang i-check niya ang kanyang phone pagkagising niya ay wala pa rin siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa nobyo. Ang sabi naman ng mama niya ay pagkatapos ng meeting ag agad silang umuwi na dalawa. Inihatid pa nga daw nito ang mama niya pero nagmamadali itong umuwi at hindi na nagpakita sa kanya. Ang sabi nito ay may kailangan daw itong gawin kaya hindi na siya nagtampo na hindi muna ito pumunta ng kanilang bahay bsgo umuwi.Pero simula nang umuwi ito hanggang ngayon ay hindi pa siya kinontak ng katipan. Sinubukan din naman niya itong tawagan subalit hindi iyo sumasagot. Nagri-ring lang ang telepono nito at walang sumasagot. Hindi tuloy niya maiwasan ang magtampo lalo pa at gusto niyang makita ito.Ito lang ang lalaking nakaramdam siya ng ganito na sabik na sabik siyang makita at yapusin ito. Sabagag normal na pakiramdam ito dahil magkasintahan sila ng binata. Pero siempre ay naninibago pa rin siya.Huminga siya ng malalim at sinubukan na tawagan ang numero n

  • Under The Sheets   Chapter 71

    Pagkatapos na ihatid ni Nigel si Miss D ay dumeretso siya pauwi. Ang nasa isip niya ay ang subukang tignan muli ang pininta niya na hindi pa natatapos. Ang painting na matagal nakatambak sa sulok ng studio ng kanyang ina at natatakpan ng tela. Pagkatapos niyang ipinta iyon ay hindi na niya ito tinignan pa kahit minsan.Dahil ba sa takot? O dahil ayaw niyang balikan ang bangungot niya? O tama si Miss D na dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang tanong sa isipan niya kung bakit siya ang tinangay at na-kidnap kaya ayaw niyang alalahanin pa kung anong nangyari noon?Ni hindi nga niya ito magawang ikuwento sa iba maliban lamang sa dalawang kaibigan niya na sina Lucky at Philip. Subalit hindi rin nila alam ang buong detalye dahil pahapyaw lang ang pagkukwento niya at nakalimutan pa niya ang iba. At dahil alam ng kaibigan niya na ayaw niya ang pinapaalala sa kanya iyon kaya hindi nila ito binabanggit pa.Nang maiparada na ng driver ang kotse sa garahe ay hindi niya hinintay na pagbuksan siya

  • Under The Sheets   Chapter 4

    Mula sa nilalarong offline games sa kanyang cellphone ay nag-angat ng mukha si Nigel nang tapikin siya sa balikat ng kaibigan niyang si Philip. Kasalukuyang wala ang professor nila sa ngayon dahil may importante itong pinuntahan kaya Malaya nilang ginagawa ang gusto nila. Nakisilip ang kaibigan sa

  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinap

  • Under The Sheets   Chapter 2

    Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatap

  • Under The Sheets   Chapter 1

    Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status