Share

Chapter Fifteen

Author: ajixaya
last update publish date: 2026-04-13 21:02:24

Chapter Fifteen

Ang storage room ay naging kasing sikip ng isang kabaong. Sa loob ng tatlong araw, hindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas, ang pagdaan ng security guard sa hallway, ang mahinang pag-ikot ng doorknob na tila may sumusubok kung naka-lock ba ito, o ang malalayong tawanan ng mga tauhan ni Alexander sa garden—ay tila ba mga babala na hindi ako ligtas.

Alas-tres pa lang ng madaling-araw, ang oras kung kailan ang mansyon ay balot pa ng pinakamakapal na kadiliman.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Under the Mayor's Command   Chapter Nineteen

    Chapter Nineteen Nakadapa ako sa kama, ang aking mga kamay ay nakaunat paitaas at nakakandado sa malamig na bakal ng headboard. Ramdam ko ang bawat gasgas ng metal sa aking balat sa tuwing sinusubukan kong kumawala. Sa harap ko, nakatayo si Alexander. Tinanggal niya ang kaniyang polo, inilalantad ang kaniyang malapad na balikat na tila isang pader na humaharang sa anumang liwanag na natitira sa akin."Umiyak ka, Rosita. Gusto kong marinig ang bawat hikbi mo," ang kaniyang boses ay kalmado, isang klase ng katahimikan bago ang unos. "Dahil ang bawat luhang ilalabas mo ay kabayaran sa bawat segundong inisip mong kaya mong tumakas sa akin.""Bakit, Alexander? Bakit kailangang humantong sa ganito?" hikbi ko, ang mukha ko ay baon sa mamahaling unan na ngayon ay basa na ng aking mga luha. "Hindi ako gamit. Tao ako. May karapatan akong umalis!"Isang malakas na tawa ang kumawala sa kaniya, isang tawang walang bahid ng saya kundi purong pangungutya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighteen

    Chapter Eighteen Alas-sais ng gabi. Ang dilim ay dahan-dahang lumalukob sa mansyon, bitbit ang nakakabinging katahimikan na tila nagbababala. Nakaupo si Alexander sa kaniyang mesa sa loob ng master bedroom, abala sa pagpirma ng mga dokumento. Paminsan-minsan, tumitigil siya at tinitingnan ako habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kaniyang closet."Rosita," tawag niya. Ang kaniyang boses ay kalmado, pero may talim na hindi ko maipaliwanag."Po, Mayor?" napatigil ako, ang puso ko ay tumatambol nang marahas."Bakit mo inilalabas ang mga lumang damit mo? Akala ko ba ay itinapon na natin ang mga basurang iyan?" aniya habang nakaturo sa isang maliit na tumpok ng damit na itinago ko sa gilid."Gusto ko lang pong... ayusin ang mga ito para ipamigay," pagsisinungaling ko. Ang bawat salita ko ay tila isang malaking taya sa sugal. "Sayang naman po kung itatapon lang."Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at itiningala ang aking mukha. Ang kaniyang mga mata ay tila ba sin

  • Under the Mayor's Command   Chapter Seventeen

    Chapter SeventeenMatapos ang kahihiyan sa party, naging mas mahigpit ang seguridad sa paligid ko. Hindi na lang lock ng pinto ang humaharang sa akin, may dalawang bodyguard na rin na nakatayo sa labas ng master bedroom tuwing wala si Alexander. Ang bawat pagkain ko ay sinusuri, at ang bawat kilos ko ay itinatala.Isang hapon, habang si Alexander ay nasa isang emergency meeting sa munisipyo, naiwan akong mag-isa sa silid. Nakatitig ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ibon sa labas na malayang lumilipad lampas sa mataas na pader ng mansyon. Isang katok ang bumasag sa aking pagmumuni-muni."Rosita, ang meryenda mo," boses iyon ni Klea.Nagulat ako. Akala ko ay hindi na siya papayagang lumapit sa akin. Pagbukas ng pinto, pumasok siya dala ang isang tray. Ang mga bodyguard ay nanatili sa labas, kampante dahil kilala nila si Klea bilang isa sa mga pinakamatagal na staff.Ibinaba ni Klea ang tray sa mesa. Hindi siya nagsasalita, pero ang kaniyang mga mata ay mabilis na gumagalaw, tila ba

  • Under the Mayor's Command   Chapter Sixteen

    Chapter SixteenIsang linggo na ang nakalipas simula nang ilipat ako sa master bedroom. Ang bawat umaga ko ay nagsisimula sa amoy ng bagong luto na almusal na hatid ng isang katulong na hindi man lang makatingin sa akin. Iniiwan nila ang tray sa tapat ng pinto, tila ba natatakot silang mahawakan ang kahit anong dumaan sa kamay ko.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, suot ang isang kulay-ubeng sutla na damit na iniwan ni Alexander bago siya pumasok sa munisipyo. Ang tela ay malambot, malamig sa balat, at halatang nagkakahalaga ng buwanang sahod ng isang ordinaryong kawani. Pero sa tuwing tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ko makilala ang babaeng nasa harap ko. Ang Rosita na may pangarap na makapagtapos at makaalis sa hirap ay dahan-dahang kinakain ng anino ng mansyong ito.Bumukas ang pinto. Pumasok si Alexander, bitbit ang kaniyang briefcase.Agad siyang lumapit sa akin at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking baywang, hinihila ako palapit sa kaniya habang tinitingnan ang

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fifteen

    Chapter Fifteen Ang storage room ay naging kasing sikip ng isang kabaong. Sa loob ng tatlong araw, hindi ako nakatulog nang maayos. Ang bawat kaluskos sa labas, ang pagdaan ng security guard sa hallway, ang mahinang pag-ikot ng doorknob na tila may sumusubok kung naka-lock ba ito, o ang malalayong tawanan ng mga tauhan ni Alexander sa garden—ay tila ba mga babala na hindi ako ligtas.Alas-tres pa lang ng madaling-araw, ang oras kung kailan ang mansyon ay balot pa ng pinakamakapal na kadiliman. Ito ang oras na itinakda ni Donya Estela para simulan ko ang paglilinis sa likod. Kailangan kong lumabas bago pa magising ang ibang staff para iwasan ang mga matang mapanghusga, pero sa bawat hakbang ko sa madilim na pasilyo, pakiramdam ko ay may mga matang sumusunod sa akin mula sa anino.Habang binabagtas ko ang daan patungo sa kusina para kumuha ng panlinis, narinig ko ang mabibigat na yabag sa likuran ko. Binilisan ko ang aking lakad, ang tibok ng puso ko ay tila tambol na sumasabay sa kaba

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourteen

    Chapter Fourteen Ang storage room ay hindi lang imbakan ng mga lumang gamit; ito ang nagsisilbing reyalidad ko. Masikip, madilim, at amoy alikabok. Dito ako ipinatapon para hindi "makalat" sa paningin ng mga bisita, pero dito rin ako mas madaling maabot ni Alexander nang walang nakakakita.Nakatitig ako sa kisame, nakahiga sa manipis na kutson. Naririnig ko ang marahas na pagpihit ng susi sa labas. Hindi na kailangang hulaan. Ang bawat yabag ng kaniyang sapatos ay tila ba pagmamay-ari na ng bawat hininga ko.Pumasok si Alexander. Hindi siya naka-barong ngayon. Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt na hapit sa kaniyang katawan, ang mga braso niya ay bakas ang tensyon. Isinara niya ang pinto at hindi man lang binuksan ang ilaw. Tanging ang liwanag mula sa hallway bago sumara ang pinto ang nagbigay ng anino sa kaniyang mukha.“You look comfortable, Rosita,” ang boses niya ay malalim, nanggagaling sa dilim.“Ano pong kailangan niyo, Mayor?” tanong ko, pilit na pinapatatag ang boses ko ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status