PROLOGUEMaingay ang Manila, pero sa loob ng bar na ito sa Makati, ang musika ay tila isang malabong ugong na lang sa likod ng aking utak. Isang buwan na ako rito. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang iwan ko ang San Roque dahil sa lalakeng nangako ng katarungan pero puro kataksilan ang ibinigay. Sa Manila, akala ko ay makakahinga ako. Pero ang totoo, mas lalo lang akong nalunod sa usok, sa amoy ng basang semento, at sa pait ng bawat "hindi" na natatanggap ko sa paghahanap ng trabaho.“Rosita, huling tagay na ’to. Bukas, mag-a-apply pa tayo sa agency,” sabi ni Klea, ang bago kong kaibigan sa boarding house.Ininom ko ang baso ng gin. Hindi ko na malasahan ang pait, manhid na ang dila ko, katulad ng puso ko. Lumingon ako sa paligid. Ang mga ilaw na pula at asul ay sumasayaw sa mukha ng mga taong pilit na nagsasaya. Pero sa dulo ng bar, may isang aninong hindi sumasabay.Isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na polo, ang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, na naglalantad sa kani
Last Updated : 2026-04-08 Read more