Mabilis na nahawi ang mga tao sa daan. Lahat kusang umiiwas habang naglalakad si Yohan palabas ng bazaar kasama ang buong grupo.
"Oh? Sinong uupakan? Dami natin ah!" mayabang na tanong ng isang chubby na lalaki habang nag-iistretching.
"Ikaw!" badtrip na sagot ni Yohan. "Tumabi ka nga diyan." Tinulak niya ang matabang lalaki sabay bukas ng pintuan ng kotse.
"Ako na magdra-drive dre," awat ni Gino sa pagpasok sa kotse ni Yohan. Gano'n din ang matabang lalaki at naupo sa tabi ni Gino.
Inis niyang ginulo ang buhok. Hindi na mapinta ang mukha niya kanina pa.
"Ano bang nangyari dre?" tanong ulit ng chubby na lalaki pero hindi siya sumasagot.
"May nakasagutan kasi yang si Yohan sa loob Bem-Bem." paliwanag ni Gino habang nagmamaneho.
"Oh? Ano? Buhay pa?"
Nangiti bigla si Gino at pinigil ang tawa. "Kaya nga hindi maipinta mukha niyan kasi buhay pa."
"Tang-ina kasi..." Napapikit si Yohan sa inis. Naalala na naman niya ang nangyari kanina.
Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin ni Bem-Bem sa dalawa.
"Bakit ba kasi pinatulan mo pa dre? Babae 'yun," mahinahon na tanong ni Gino.
Nanlaki bigla ang mata ni Bem-Bem. "Babae? Babae ang naka-away mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Aba! Matapang yun ah! Umalma sayo?"
"Hindi kasi niya ako kilala. Basta! Hindi taga-rito," sagot ni Yohan habang kunot-noong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
"Hindi lang yun Bem. Pinunit pa ang pera ni Yohan. Sa harap niya mismo." gatong pa ni Gino.
"Anak ng... tumigil na nga kayo! Lalo lang akong naiinis eh!" saway ni Yohan sa dalawa.
Marahang lumapit si Bem-Bem kay Gino para bumulong. "Ano ba pinagtalunan?" pabulong na tanong nito.
"Headband."
Halos malamukot ang mukha ni Bem-Bem. "Headband?"
Tinalasan kaagad ng tingin ni Yohan ang dalawa. "Putres kayo kung mag-usap kayo parang wala ako dito ah."
"Eh kasi naman dre, headband? Headband talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Bem-Bem.
Mariing nagtagis ang panga ni Yohan saka huminga ng malalim. "Oo. Headband. Masaya ka na?"
"Eh, bakit pinunit 'yung pera mo?"
"Kasi nga Bem nag-aagawan sila sa headband." paliwanag ni Gino.
"Binibili ko na nga kasi sa kanya!" sabat ni Yohan.
"Ang kaso, hindi rin maganda pagkakasabi mo dre doon sa babae. Ayun, pinalagan ka tuloy. Pati pera mo nadamay..." paliwanag ni Gino.
"Aguy! Ibig sabihin inalat ka?" natatawang kantyaw ni Bem-Bem kay Yohan.
"Shit talaga, pang-enroll ko pa naman 'yun." mahinang bulong ni Yohan.
"Sus! Barya lang naman sayo 'yun, dre." sagot ni Gino.
"Kingina kasi Yohan ang yabang mo rin eh..." Magpapayo pa sana si Bem-Bem kaso hindi na niya naituloy ang sasabihin no'ng makita niyang masama na ang tingin sa kanya ni Yohan.
"Ki-King- ngina niya... siya... ina niya yabang kasi no'n eh! Kapag nakita ko 'yun upakan ko yun." nanginginig na sagot ni Bem-Bem.
Nangiti tuloy si Gino sa dalawa. "Buti kung ma-upakan mo yun Bem. Baka magka-crush ka pa dun." wika ni Gino.
"Bakit? Maganda ba?" interesadong tanong nito sa kanya.
"Maganda dre."
"Anak ng pota? Saang parte?" kulang na lang bumuga na ng apoy ang ilong ni Yohan sa inis.
Lalo tuloy natawa si Gino kay Yohan. "Akala ko nga kanina kinukursunada mo. Maganda pa kaya yun kay Selene."
"Sus! ewala naman ibang maganda diyan kay Yohan kundi si Selene lang." hirit ni Bem.
Natahimik silang pareho-pareho sa sinabi ni Bem-Bem.
"Pero dre, eto seryosong tanong ha. Gusto mo ba talaga si Selene?" tanong ni Gino.
"Oo."matipid na sagot ni Yohan.
"Eh, bakit hanggang ngayon hindi mo pa nililigawan?"
Umiwas ng tingin si Yohan saka bumaling sa labas ng bintana. "Wala akong planong magka-girlfriend."
Napahagalpak ng tawa si Bem-Bem. "Girlfriend kaagad? Hanep sa confidence level dre ah, Level 999!"
Yohan quickly glared at him bigla tuloy namutla si Bem-Bem.
"Kalma lang dre, alam naman natin na guwapo ka. Ang ibig kong lang sabihin, high maintenance kasi yung babaeng yun. Maganda, matalino, mayaman, maarte, maluho, matapobre, mapang-alipusta..."
"Oh sige na. Papangit na ng papangit yang sinasabi mo." putol ni Yohan dito.
" Yohan, drop off na kita dito. Ipa-park ko lang 'tong kotse ni President." wika ni Gino habang minamaniubra ang kotse.
Bumaba si Yohan at kaagad pumasok sa SIBS Building.
Lumapit ulit si Bem-Bem kay Gino. "Pero dre, maganda ba talaga?" makulit ng tanong ni Bem-Bem.
"Oo maganda nga!"
***
Zea's phone rang and she quickly answered it. "Balita? Kamusta ang exam?"
"Okay naman," matipid na sagot ni Ethan mula sa kabilang linya. "Ikaw? Hindi ka ba nakipag-away nang dahil lang sa headband?" natatawang tanong nito.
Zea rolled her eyes. "You were there?"
Lalo tuloy natawa si Ethan. "After ng exam nakita ko yung flyer ng bazaar sa school kaya do'n ako dumiretso bago umuwi."
"Nakakainis yung lalaking yun." yamot na yamot na wika ni Zea.
"Ang cute mo nga kanina. Para kayong bata."
"Teka, compliment ba yun?"
"Oo naman, naka-jackpot ka nga eh. You just met SIBS President's favorite wingman. Yohan Gan."
Sandaling natahimik si Zea sa sinabi nito bago biglang natawa. "Kanang kamay niya yung totoy na yun?"
"Huwag mo masyadong maliitin ang batang 'yun. He wouldn't be called King for nothing. Check your email, I'll send you his data."
Tumayo si Zea at tamad na lumakad patungo sa study room.
"By the way, nakita mo na ba yung control room?" tanong ni Ethan habang umiinom ng kape.
"Yeah... papunta na nga po ako do'n."
Zea pushed the eject button and the shelf automatically moved. She entered the hallway until she reached the titanium door. She placed her palm on top of the scanner.
Verified, welcome Agent Red Velvet. wika ng automated voice prompt.
A clicking sound echoed across the steel walls and the titanium door slowly opened. She immediately went inside and the huge control room.
Bumungad sa kanya ang malaking LED screen kung saan pinapakita lahat ng CCTV footages ng mga hidden cameras na naka-install sa loob ng kanyang bahay. It also has a weaponry area, kung saan lahat ng kailangan na armas ni Zea nadoon na. Meron din itong seperate na operating room and a small vault full of experimental drugs for emergency purposes.
Zea was prompted by a computer message.
Video connecting...
Then Ethan's face flashed on the screen.
"Ano Z? Nakita mo na yung files?"
Zea loads the file and read it.
Name: Yohan Gan
Age: 17
Mother: No record.
Father: No record.
Hometown: No record.
Senior High School student at AIC University.
SIBS Elite First Class, sponsored student.
LEAD CAPTAIN: Jiujitsu Club, Muay Thai League, Boxing Team, Judo Elite, Taek won do Federation, Mix martial arts expert, well versed in Krav Maga.
Zea scrolled down and read everything on his profile.
"So well versed pala siya sa mixed martial arts." Zea was amazed.
"Hindi lang yun Zea, according to my intel, inilalaban yang si Yohan sa mga illegal underground street fight. Kung saan pumupusta ng malaki ang mga high profile na tao, businessman, drug lords, politicians, even mga naka-position sa military--- and he always win..." seryosong paglalahad ni Ethan.
"His identity is a bit unknown," Zea said while looking at his profile.
"He also does the dirty work for SIBS. Since hindi puwedeng gumalaw ng direkta ang president." dagdag pa ni Ethan.
He quickly looked at her.
"Pabor sayo yung nangyari kanina sa Bazaar. You already got his attention. What I want you to do now is to get really close to him."
Napabuntong-hininga bigla si Zea.
"Siya ang magiging easy access natin sa pagpasok sa SIBS." Ethan seriously said.
***
Kaagad na sinalubong ng secretary si Yohan pagkarating nito sa SIBS office.
"Sir nandito na po si Mr. Gan."
"Let him in." seryosong utos ng presidente sa intercom.
Pumasok naman kaagad ang binata sa malaking opisina nito.
"Take a seat."
Kaagad namang naupo si Yohan.
"Block your schedule, the third week of June. I'll excuse you from class for three days."
Napatingin sa kanya si Yohan. "Saan naman po ang underground fight this time?"
"Sa Macau."
Yohan just nodded his head in agreement.
"Do'n ka magbasag ng bungo." nakangising wika ng Presidente.
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti