Share

Chapter 5 - The Good and The Bad

Zea was about to enter the secret hallway but the doorbell suddenly rang. Lumapit siya sa cassette player at isinara ang lalagyan ng tape. Kaagad namang sumara secret door at muling nanumbalik sa ayos ang shelf. Nagtungo siya sa pinto at maingat na sinilip kung sino ang naroon.

"Tao po!"

Pinagmasdan niyang maigi ang dalawang dalaga sa harap ng gate bago niya binuksan ang pintuan.

"Good morning!" Bati sa kanya ng isa.

Lumapit siya sa gate para alamin ang pakay nito. Pero mabilis na nahagip ng kanyang mata ang jacket na suot ng mga ito.

Kapag sinuswerte ka nga naman.  

The girls are wearing a white jacket with a black SIBS logo on its sleeves.

"Kung wala ka naman masyadong ginagawa baka puwedeng pumasyal ka sa event namin diyan sa kabilang kanto," wika ng isa saka mabilis na nag-abot ng flyers.

Zea's eyes narrowed towards the leaflet. "SIBS Bazaar?"

"Yes, we're having a bazaar right across the street. Sa harap ng commercial area. Malapit lang! It's actually for a charity cause. Lahat ng proceeds ay mapupunta sa mga sponsored students ng SIBS na nag-aaral sa AIC University."

"By the way nandiyan ba ang parents mo?" tanong ng isa pa.

Zea smiled. "No. I'm all alone"

"If you have time baka puwede kang sumaglit sa bazaar. There are lots of good stuffs there. Lahat ng products, arts and crafts gawa ng mga highly talented students na napag-aral ng SIBS Foundation."

She smirked. "Alright."

Wearing a red shirt, black jeggings and a pair of white sneakers. Zea went out of the house. Nakita niya na maraming tao na namimili sa bazaar.

Let's help other kids to have a bright future. Kaagad siyang napangiwi matapos basahin ang tagline ng  malaking banner sa entrada ng  bazaar. Bright future my ass!

Pumasok si Zea sa loob. There are a lot of shops and products to choose from. Bawat estudyante may kanya kanyang shops. Kanya kanya rin ng gimik.

The Future Chemist Booth sells lotions, perfume, cosmetics etc. The Future Artists Booth sells paintings, art crafts, personalized things, printed shirts and jewelries. The Future Entrepreneurs sells everything! Food, drinks, gadgets and so much more. Sobrang festive ng bazaar. If she didn't know about the SIBS' Hidden issues. She would have thought that their intentions are noble and sincere.

"Palaboy ako noon."

Napalingon si Zea nang marinig ang tinig ng isang babae. Mula ito sa audio video presentation na pinanalabas malapit sa stage. Isang batang babae ang nagsasalita.

"Gusto kong pumasok sa eskwelahan pero wala kaming pera. Wala rin kami makain. Naghihintay lang kami sa basurahan ng mga fastfood. Natatandaan ko pa, gustong gusto kong basahin ang mga nakasulat sa pakete ng pagkain. Pero hindi ko naman maintindihan. Hindi kasi ako marunong magbasa."

Her voice started to tremble and the girl's tears started to fall on her cheeks.

"Nagpapaturo lang ako magbasa dun sa nagtitinda ng yosi sa kanto. Kaya lang konti lang din ang alam niya. Hanggang grade 2 lang kasi inabot niya. Akala ko noon, mamatay na lang akong mangmang. Pero mabuti na lang dumating ang SIBS sa buhay namin."

Isang matinding kurot sa puso ang naramdaman ni Zea. Hindi niya maintindihan ang mararamdaman niya.

"Binigyan nila kami ng mga kapatid ko ng pagkakataon na matuto at makapag-aral. Hindi lang edukasyon kundi matinong matutuluyuan at makakain sa araw araw. Ngayon malapit na akong makapag-tapos ng kolehiyo... Bukod sa makapagtrabaho. Gusto kong ibalik sa iba ang naitulong ng SIBS sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob ang nangyari sa akin sa pamamagitan ng SIBS Program."

Zea's tears started to well up in anger. She gritted her teeth.

How can they play with other people's hearts... Using their difficult situation and weaknesses for their own good?

All of a sudden, she felt a hand on her shoulder. Mabilis na napatingin si Zea.

He was a good looking young man. He was tall, fair skinned and gentle looking.

"Nakaka-touch no?" he smiled at her, sabay abot ng tissue.

"Ah? Ah eh... Opo nga po." sagot niya, bago kinuha ang tissue.

"Alam mo, halos lahat ng nag-se-serve na mga bata dito sa bazaar produkto ng SIBS." kuwento ng lalaking mukhang ka-galang-galang.

"Talaga po?"

"Yes."

Zea looked at the bunch of guys wearing a white SIBS jacket. "Members po sila?"

He smiled at her. "Oo, yung mga naka-white jacket sila yung sponsored students ng SIBS." Sunod ay itinuro naman ng lalaki sa grupo ng mga naka-asul na jacket. "Yun namang mga naka-BLUE SIBS jacket. —sila yung Elite SIBS Members."

"Elite po?" Zea glared at the group of guys he was pointing at.

"Oo, sila naman yung mga Excellent students na sponsored ng SIBS. Not necessarily sa academics. Yung iba athletes, computer geniuses, chemist, scientist and many more."

Zea just nodded. So, Ito yung mga estudyanteng halos magpakamatay na sa laki ng utang na loob sa grupo.

"Pero kasama din sa elites yung mga anak ng families na nagdo-donate sa SIBS." dagdag nito.

" Sir, member din po ba kayo ng SIBS?"

"Ha? Hindi."

She immediately noticed the guy's shirt na may naka-print na FACULTY MEMBER sa likod.

"Teacher po kayo?!"

"Hindi rin." He smiled again.

Lintek! Eh sino ba 'tong kausap ko?

"Guidance Counselor ako sa AIC University."

"Ahh.." Zea nodded and continued to scan the place.

"Are you a High school student?" tanong nito kay Zea.

"Yes Sir."

"What school?"

"Transfer student from SVC, sa AIC na po ako sa pasukan." Zea smiled at him.

"Really?!" The young man was surprised. He quickly smiled at her. "Well, we might bump into each other this school year."

"Sir! Tawag po kayo ng principal." Sigaw ng isang estudyante habang kinakawayan ang Guidance Counselor. "Got to go, see you around." pag-papaalam ng lalaki sa kanya.

"Sige po Sir." Zea waved her hand at him then smiled.

Malayo pa lang ay nakita na niya ang isang Booth na nagbebenta ng mga accessories. Maraming mga dalaga ang nagkukumpulan sa booth na ito. Kaagad naman siyang lumapit. Napansin niyang hindi naman namimili ang mga babae sa Booth.

"Nakunan mo ba?"

"Oo, sobrang gwapo niya talaga."

"Wait. Wait... Video-han ko lang siya."

"Umurong naman kayo. Di ako nakakuha ng pwesto."

It turns out na may pinagkukumpulan na tao ang mga ito.

Artista siguro.

Nagpumilit makapasok si Zea sa gitna ng mga tao.

"Excuse me lang..." Matapos makipagbalyahan sa mga ito, sa wakas nakapasok din siya sa gitna.

Zea rolled her eyes in disbelief. Jusko! lalaki lang pala ang pinagkakaguluhan ng mga haliparot na to.

Zea glared her eyes towards the guy. He's wearing a BLUE SIBS Jacket, but unlike the others who also wear a BLUE jacket. His jacket is a bit more different than the others. Mas maangas ang pagkakayari ng jacket. The color is bit darker than the usual blue.

GAN, ito ang nakasulat sa likod ng jacket. Nakatalikod ito kay Zea at abalang nagtitingin ng mga accessories sa shop. Matangkad ito at may katawan. She can sense na maangas ang dating ng binata. Somehow may pagka-badboy. She was certain that the guy is good looking. Hindi naman pagkukumpulan ang lalaking ito kung Hindi gwapo o sikat. Ngunit mabilis na nabaling ang tingin ni Zea sa mga accessories. Since dalawa lang naman silang customer sa harap at ang iba ay usyusera lang. Napangiti siya sa mga ito. It was all well made. Kahit naman special agent ang trabaho niya, babae pa rin naman siya. At natutuwa pa rin naman siya sa kikay stuffs, tulad nito.

Zea picked a silver headband. It has a bow accent on the side, surrounded by tiny white Swarovski crystals.

"Miss..." tawag ni Zea sa nagbebenta.

"Handmade ba ito?"

Napatingin ang binata sa kanila habang nakikipag-usap siya sa tindera. Napansin din nito ang headband na hawak ni Zea.

"Opo ate, Handmade po lahat ng iyan." Sagot ng tindera.

"At authentic po na swarovski crystal ginamit diyan." Dagdag pa nito.

"Puwede kong isukat?"

"Oo naman teh." Sabay iniharap ang salamin Kay Zea.

Sinukat ni Zea ang headband.

"Wow ate, ang ganda po tingnan sa inyo."

Zea smiled at her. "Binola mo pa ako."

Ningitian siya ng tindera. "Hindi po, maganda talaga."

Zea smilingly looked at the mirror while wearing the silver headband. She was too happy,

she didn't even notice the guy was looking at her the whole time.

"Magkano nga to?"

"P350 po." mabilis na sagot ng tindera.

"Kunin ko na teh, wait lang." Inilapag ni Zea ang headband sabay kalkal sa bag niya para kunin ang wallet niya.

"Kukunin ko na 'to."

Natahimik ang lahat no'ng makarinig nang isang tinig ng lalaki.

Hawak ang silver headband, iniabot ito ng lalaki sa kahera kasabay ng bayad niya. Nang makakuha ng pera si Zea ay kaagad miyang iniabot ito sa babae, at kinapa ang headband kung saan niya ito inilapag.---pero wala na 'yon do'n.

Napatanga ang kahera, pati na rin ang tindera. Napalingon si Zea sa lalaki at nakita niya na hawak nito ang headband at binabayaran na sa kahera.

"Hey!" tawag ni Zea.

But the guy didn't bother to look at her.

"Hey!" Mas nilakasan pa ni Zea ang pag-sigaw.

Finally she got his attention, he slowly looked at her.---and she was right. Guwapo nga talaga ang lalaking ito, maangas at mukhang papalag kahit kanino.

Zea was trying to control her temper.

"I already paid for that item." she calmly said.

He silently chuckled.

"Dito sa counter nagbabayad..." he said coldly.

"So?"

"Ibig sabihin, di mo pa nabayaran. Puwede ko pang bilihin." mayabang nitong tugon.

That's it, Zea had enough.

"Hoy boy! Wala namang bastusan. Hindi ka naman siguro tanga at bulag para di mo mapansin na kanina ko pa hawak 'yang item na yan."

His eyes quickly narrowed at her. "Boy? Ako ba ang kinakausap mo?"

"Ay hinde, sila, sila kinakausap ko. Wala namang ibang boy dito diba, kundi ikaw lang?" pilosopong sagot ni Zea.

Nanlaki ang mga mata ng mga usyusera, tindera at kahera, no'ng sagutin ni Zea ang lalaki. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang lalaki.

"Ah... teka Ate! Alam niyo po mas maganda po itong kulay pink na headband. Mas bagay po sa inyo to." Mabilis na pag-awat ng tindera sa dalawa.

Lalo pa nag-init ang dugo ni Zea sa narinig. Tiningnan niya ang tindera ng masama. "Bakit? Natatakot kayo sa lalaking to?" natatawa-tawang singhal ni Zea.

She sharply looked at him and quickly grabbed the item from his hand.

"Akin 'to!" mariing wika niya.

The guy just gave her a smirk. "Hindi ka taga-dito no?"

"Bakit? Kailangan ba?"

"Dre may problema ba?!" tanong ng isa pang lalaki na kararating lang sa Bazaar.

Napatingin kaagad si Zea sa mga lalaking naka-asul na jacket, na unti-unti nang nagtitipon sa likod ng binata. Sumenyas ang binatang nakikipag-talo sa kanya na huwag silang maki-alam.

"Ganito na lang miss..." wika nito, pilit pinapa-kalma ang sarili. Binunot nito ang wallet mula sa kanyang bulsa.

"Magkano ba?" Kumuha siya ng pera at isa-isang tinapon sa pag-mumukha ni Zea.

Her hands clenched to stop it from shaking. She looked down and looked at the scattered paper bills on the ground.

"Dapat kasi ibinigay na lang niya yung item."

"Kasalanan niya 'yan. Tapang kasi masyado."

Zea can overhear the people around.

"Ano? Kulang pa?" Mayabang siyang tiningnan ng lalaki.

Yumuko si Zea at kaagad napangiti ang binata, sa pag-aakalang sumusuko na ang dalaga.

Zea bent down and picked up the paper bills.

"Magkano nga 'to? one, two, three, four... one thousand?" sarkastikong tanong niya rito, saka tinalasan ng tingin. "Isang libo lang ang pera mo, niyayabangan mo ko?"

His eyes twitched, he felt like all the blood in his body had rushed to his head. This girl kept challenging him right from the start.

Una, hindi nito binigyang halaga ang presensiya niya sa shop. Pangalawa, hindi man lang ito natatakot sa kanya. Pangatlo, sumasagot-sagot pa at ngayo'y minamaliit pa ang pera niya.

Kinuha niya lahat ng pera niya sa wallet at binalibag ito sa dibdib ng dalaga. "Bilangin mo!" mariing utos niya rito.

Napangisi si Zea, saka tiningnan ang lalaki. Yumuko siya at pinulot lahat ng pera sa lapag.

She looked at him once more and sweetly smiled.

Hinawakan niyang mabuti ang pera at pinakita pa sa binata, saka sabay-sabay itong pinunit asa mismong harapan nito. Napanganga ang lahat ng tao na nakapaligid sa kanila. Maski ang lalaki hindi kaagad naka-react.

Mabilis na lumapit si Zea sa kahera at iniabot ang kanyang pera. "Miss, ako na ang bibili nito. Wala na siyang pera."

She turned her back at him, pero hinablot ng lalaki ang braso niya.

The way he gripped her arm, she knew that he's really angry now.

"Yohan!" tawag ng isang binata.

"Not now, Gino." He angrily said to him then furiously looked at her.

Kinabig ni Zea ang braso niya, pero mahigpit ang kapit nito sa kanya.

"Pina-patawag ka ng President sa SIBS Office." the other guy said.

Unti-unting kumalma ang binata, saka pabalibag na binitawan ng lalaki ang braso niya.

"Suwerte mo, may lakad ako. Kundi may kinalagyan ka sa akin." galit, ngunit mahina nitong bulong kay Zea. Mabilis na umalis ang lalaki kasama ang buong grupo.

Samantalang mabilis siyang nilapitan ng tindera at tinapik ang balikat niya. "Dapat kasi hindi mo na pinatulan yun eh. Sigurado babalikan ka nun."

"Sino ba yung gagong 'yun?"

"Si Yohan Gan, Naku hari 'yun dito. Walang bumabangga dun."

Natawa na lang si Zea sa sinabi ng tindera. "Hindi ko alam may hari na pala sa Pilipinas?"

"Naku, ang hirap naman ipinaliwanag sayo palibhasa hindi ka taga-dito." tugon ng tindera.

Mukhang namang nag-aalala lang ito sa kanya.

"Ang ganda mo pa naman, mag-iingat ka." dagdag pa nito.

Tinitigan ni Zea ang binata, habang naglalakad ito papalayo kasama ang buong grupo.

Yohan Gan... So you're strongly connected with SIBS huh? I'll remember your name.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
JECkk
haha may hari na pala sa Pinas.. langya ka Z
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status