Share

Chapter 7 - First Day

White socks, check! Black school shoes, check! Blue checkered Uniform, check! Red strappy school bag, check! and a cutie silver headband, check na check!

All geared up, Zea went to school. Naglalakad pa lang siya sa sidewalk ng school ay ramdam na niya ang lahat ng matang nakatingin sa kanya.

"Bago siguro yan..."

"Oo, ngayon ko lang siya nakita."

"Grabe, nakita mo yung kutis? Anak mayaman 'yan siguro."

She bit her lips. Halos napangiti si Zea siya sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga estudyante. Maraming nakasunod sa likod niya kaya marahan siyang naglakad patungo sa high school building.

"Miss... anong grade mo na?" tanong ng isang binatang na naglakas ng loob na kausapin siya.

"Grade 12,"  mabilis niyang sagot saka lumakad lang ng diretso.

"Kinausap niya ako!" sigaw ng lalaki sabay hiyawan ng mga kabarkada nito.

Papasok na sana siya ng building nang biglang may humarang sa kanya.

"Hi Miss..."

Zea's eyes slowly went up. Ngunit mabilis siyang napangiwi nang makita si Ethan. Lahat tuloy ng lalaking sumusunod sa kanya ay mabilis na nagpulasan.

"Alam mo, kahit kailan panira ka ng awra eh."

"Sus... enjoy na enjoy ka naman. Maliit pa mga pututoy no'n."

"Che! Kung makapagsalita rin 'to, akala mo ang laki ng kanya?"

"Gusto mong makita?"

"Utang na loob Eth... Errol! Puwede ba? Ano bang ginagawa mo rito? Doon ang College building, di ba?"

"Wala naman..." Ethan flashed his naughtiest smile. "Gusto lang kitang makitang naka-high school uniform." Sabay tingin sa dibdib ni Zea.

"Ah talaga? Yung uniform ang gusto mong makita? Kung makatingin ka kasi parang yung nasa loob ng uniform ko ang gusto mong makita."

"Well, puwede rin naman kung papayag ka."

Mabilis na dinibdiban ni Zea si Ethan. "Lumayas ka na leche ka!"

"Oo na.. aalis na," natatawang-wika nito sabay kindat. Pero  inismiran lang siya ng dalaga sabay talikod.

Nangiti lang si Ethan habang pinagmamasdan ito maglakad palayo. "Kunwari pa. Gustong-gusto rin naman niya akong tikman." bulong niya sa sarili. Pero laking gulat niya nang biglang humarap sa kanya si Zea na puyos na puyos sa galit.

"Narinig kitang manyakero ka!" sabay turo ni Zea sa hikaw niyang listening device.

Natawa lang sa kanya si Ethan, saka mapang-asar pang kumagat sa kanyang labi.

***

Halos hindi na magkarinigan sa loob ng silid at kanya-kanya ng kumpulan ng grupo ang mga magkakaibigan. Bumukas ang pinto at kaagad nagsipagpulasan ang mga ito at naupo sa kanya-kanyang puwesto.

"Good morning everyone. We have a new student in our class. I want you to meet, Ms. Astrid Garcia."

Lumakad sa gitna si Zea, ngumiti sa buong klase at halos lahat ay natulala sa kanya.

"Ms. Garcia, can you tell us a little bit about yourself."

Marahan na tinitigan ni Zea ang mga bagong kaklase, saka muling ngumiti. "Hi everyone! I'm Astrid Garcia. I'm from SVC University. I'm from France, but my parents sent me back. So, I'm now staying at our old house at Dizon."

"Oh... France." bulong ng isa niyang classmate.

"Is that for real?"

"I bet hindi naman marunong mag-french yan..."

Zea let out a forced smile. Pero ang pagtaas ng kilay niya ay isang bagay na hindi na kailangan ng force. Napabuntong hininga na lang siya, habang pinagmamasdan ang mapunuring mga tingin ng ilang kaklase niya.

Wala rin naman palang nagbago sa High school. Nagkalat pa rin ang mga Bitchessa.

Hindi tuloy mapigilan ni Zea na maalala ang nakaraang school life.

"Nakakainis yan si Zea, ang yabang. Palibhasa ang daming alam, akala mo kung sino."

"Ang overachiever! Kulang na lang patayuan na siya ng monumento dito sa school."

"Friends? No way... Wala naman alam yun kundi magbasa ng libro at ang hobbies niya, mag-recite. Duh?!"

"Si Zea? Naku di ka papakopyahin no'n. Sobrang self-righteous no'n eh."

"Hmm... maganda si Zea eh, kaso nakakatakot yung daddy niya eh."

"Hindi lang kamo daddy niya, Hindi ba judo expert din siya? Baka ibalibag lang tayo no'n."

"Mayaman kasi sila, baka matahin lang ako no'n, kaya hindi ko siya ina-aapproach."

Parang may kung anong lumamukos sa puso niya tuwing maririnig ang bulung-bulungan ng mga nakapaligid sa kanya.

How can they be so rude? I can't help it kung matalino at mayaman ako. I'm born with it. Wala rin akong balak pababain ang grades ko just to please them. Lagot naman ako sa Dad ko no'n. I never imagined school would be so tough. Damn, I have no friends at all.

Muli siyang napabuntong-hininga. Mukhang mauulit na naman ang nangyari sa kanya sa pagkakataon na ito.

"Would you just quit it?"

Natahimik ang lahat ng marinig ang tinig ng isang babae. "How can you be so rude? Bago lang siya dito sa school! Can't you be a little bit nicer to her?" saway ng isang dalaga sabay lingon at ngiti kay Zea. "Hi! I'm Selene Madrigal. I'm the class President."

Marahang bumagsak ang mahaba nitong itim na buhok sa kanyang balikat nang ilahad nito ang kamay patungo kay Zea. Ngumiti ang mala-manika sa gandang mata nito saka lalong lumapad ang ngiti sa mamula-mula nitong mga labi.

Kaagad napangiti si Zea at kinamayan ito. "Hi, I'm Astrid."

****

Matapos ang unang subject kaagad umakyat si Bem-Bem sa rooftop.

"Uy Dre!" tawag ni Bem-Bem kay Yohan at Gino na kasalukuyang nakahilata sa bench. "Langya, bakit di kayo pumasok?"

Nangiti lang si Gino habang nagii-scroll sa phone. "Wala naman masyadong nangyayari sa first day. Bakit pa kami papasok?"

Tamad namang dumilat si Yohan at inis na napakamot sa ingay ng dalawa. "Ano naman kung di kami pumasok? Ano bang pinuputok ng buchi mo?"

"Ang pinagpuputok ng buchi ko eh, hindi niyo ako sinabihan na tatambay kayo dito. Para tuloy akong tanga kanina sa classroom."   

"Para ka naman talagang tanga, may bago pa ba dun?"

natatawang biro ni Yohan na ikinatawa nila ni Gino.

"Buti na lang may bago tayong classmate na ubod ng ganda. Nangawit nga leeg ko kalilingon sa kanya," ngiting-ngiting kuwento ni Bem-Bem.

Yohan looking totally uninterested. Humiga ulit ito sa bench at tinakpan ang mukha para matulog.

"Anong itsura Bem?" usisa ni Gino.

"Maganda dre, mahaba ang buhok, maputi, maganda ang mata, tapos ang nipis ng labi na mapula-pula pa... mukhang manika... tapos ang cute pa niya dun sa headband niyang silver na may bulaklak sa gilid."

Napabalikwas bigla si Yohan sa upuan. Halos mahulog na nga siya sa pagkakatayo.

"Ano? naka-ano? Headband na silver? May bulaklak sa gilid?" nagmamadaling pagtatanong ni Yohan.

Nangiti tuloy si Bem-Bem. "Inulit mo lang kaya, sinabi ko."

Mabilis na tumayo si Yohan at kinaladkad si Bem-Bem.

"Ituro mo nga sa akin yang babaeng yan." Hinawakan niya ito sa balikat, saka nagmamadali itong kinaladkad. Sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Yohan, hindi na magawang makapalag ni Bem-Bem.

"Dre, alam kong guwapo ka. Pero chic ko na yun, walang taluhan." nag-mamakaawang tugon nito.

Kaagad naman siyang binatukan ni Gino.

"Anong chic? Yun yung naka-away ni Yohan sa Bazaar kahapon."

****

Dahan-dahang naupo si Zea, dala ang pagkain niya na nakalagay sa tray. Pumwesto siya sa bandang gitna ng long table at inilapag niya isa-isa ang pagkain sa lamesa. Napatingin siya sa mga kasabay niyang kumain na halos lahat ay nakangiti rin sa kanya.

Well at least... this time hindi ako hated sa school. Everybody seems to be friendly. 

Kakagat na sana siya sa sandwich, nang bigla na lang bumalagbag ang pintuan sa canteen. Her eyes narrowed as she saw a familiar silhouette of a guy walking towards her —and It was none other than Yohan.

Naupo ito sa ibabaw ng table ni Zea. Samantalang ang ibang mga Blue SIBS ay nagkumpulan sa table niya. Unti-unting nang umiiwas ang mga tao sa kanila.

 "Ang suwerte mo naman talaga ano?" Yohan smirked. "Sa dinami-dami ng school dito sa siyudad. Dito ka pa sa baluarte ko pumasok." naka-ngising sambit nito.

"Ssssh!" Zea put her finger on her lips to shut him up and munched on her sandwich and licked the mayo on her finger.

"You were saying?"

Bukod sa hindi nakinig ay hindi rin siya pinansin ni Zea. Bagay na lalong ikinangitngit ni Yohan.

Marahas na hinampas ni Yohan ang mesa. "Alam mo ang tapang mo eh. Palibhasa, hindi mo kilala binabangga mo."

"Bakit, kailangan ko ba?" singhal ni Zea.

Yohan irritatingly chuckled. "Hayaan mong ipakilala ko sayo, ang sarili ko."

He quickly flipped the food tray straight into Zea's face. But to everyone's surprise. Zea caught the tray, while she comfortably sipped on her zesto. Marahan nitong ibinaba ang tray sa lamesa at matamang tinitigan ang binata.

"So? Tray ba ang pangalan mo?"

Yohan glared at her, stood up, and grabbed Zea by her collar, he tried to pin her down the table. 

Pero mabilis din nahawakan ni Zea ang kuwelyo ng binata at pilit din binaltak ito. Nagkatitigan ng masama ang dalawa.

Yohan loses his temper and dragged her off the table. But as soon as Zea set foot on the empty area. She planted her foot onto the ground, grabbed his hand and gripped his shoulder, and slammed him hard onto the ground.

"Tang-ina, judo throw!" napasigaw si Bem-Bem.

Zea gave him a smirk.

Napatanga si Yohan kay Zea, habang nakahilata ito sa sahig. Hindi naman niya kasi akalain na marunong pala mag-judo ang babaeng ito.

Mabilis na kinuyog ng blue sibs si Zea. Masyadong marami, hindi siya nakapalag. Dinarag siya ng mga ito papasok sa comfort room habang si Yohan hanggang ngayon tulala.

"Huy Dre! Sundan mo!" sigaw ni Gino.

Mabilis na napatayo si Yohan. Ang bilis ng mga pangyayari at puro sigawan na lang sa comfort room ang kanyang naririnig.

Gusto lang naman ni Yohan na takutin ang dalaga. Pero wala naman siyang balak na saktan talaga ito. Tumakbo siya papasok sa banyo. Ngunit pagkapasok niya ay kaagad siyang sinalubong ng mga Blue SIBS na nagtatakbuhan palabas.

Dumiretso siya sa loob, pero walong lalaki na walang malay sa sahig ang bumungad sa kanya, habang ang isa naman ay nagngangangawa habang ina-arm lock sa leeg ng dalaga.

Kaagad siyang namataan ni Zea. At sa puntong iyon biglang kinabahan ang binata. Ibang iba kasi ang aura nito kumpara kanina.

That kind of deadly stare. Is the same look, he sees in his enemy's eyes. Like a cold, ruthless assassin ready for the kill. Mga tingin na nakikita lang ni Yohan sa mga nakakalaban niya sa Arena.

"Let me introduce myself first." Zea coldly said. "I'm Astrid Garcia, and no one messes with me!"

She sprinted towards Yohan, she quickly stepped on the side of the wall, leaped into mid-air, and gave Yohan a diving punch. But due to Yohan's quick reflexes, he was able to avoid Zea's attack. He swiftly grabbed her and pinned her onto the ground. He's now on top of her and made sure to hold her still until she calms down.

Nagpumiglas si Zea pero malakas talaga si Yohan.

"You still won't quit? Tumigil ka na." he whispered.

But Zea was just too angry to stop now. She swiftly slid her legs and put it around his shoulders. 

Halos maduling tuloy si Yohan at nang mapatingin siya sa maputi at napakinis na legs ni Zea na nakapulupot sa balikat niya.

Puta! Triangle choke.

Pero huli na ang lahat.

Zea quickly utilized her legs and isolated Yohan's head and arms. Cutting off the arteries around his neck.

Kapag hindi nakakilos ng mabilis si Yohan. Hindi dadaloy ang dugo sa utak niya at siguradong mawawalan siya ng malay.

He wanted to pound Zea's face. He could, but he wont. Pero mukhang tutuluyan talaga siya ng dalaga. Namumula na ang mga mata niya. Sinubukan niyang tumayo. Nagulat na lang si Zea nang maramdaman niyang umangat ang katawan niya.

She can't imagine how strong this kid is. He still managed to stand up in a middle of a vicious triangle choke.

Pero hindi pa rin bumibitaw si Zea. Marahas na ihinampas ni Yohan ang katawan sa pader dahilan para makabitaw si Zea. Mabilis siyang sumagap ng hangin. At ang huli na niyang nakita ay ang mga taong pumasok sa loob na pilit silang pinaghiwalay.

****

And then, there was silence. Pitch black. Until a hard slap woke him.

Pagdilat ni Yohan ay kaagad siyang napatingin sa familiar na kisame. Kasunod nito ay isang pamilyar na mukha na ayaw niyang makita —the Guidance counselor's face.

Dammit! asar na bulong ni Yohan sa sarili.

He was sitting there along with Zea on the other side and the rest of the unconscious guys in the C.R. sitting behind them.

Isa lang ang itsura nila pare-pareho. Gulo-gulo ang buhok, gusot at madumi ang uniform, yung iba may punit pa.

"Hindi kayo excited no? Talagang hindi niyo pinalagpas ang first day ng klase para mag-rumble?" inis na wika ng guidance counselor, habang isa-isang tinititigan ang kanilang mga mukha. Hanggang mapunta ang kanyang tingin kay Zea.

"When I told you that I'll see you around the campus. Hindi ko inakala na sa ganitong pagkakataon tayo magkikita."

Hindi makatingin ng direkta si Zea. Walang nagawa ang guidance counselor, kundi huminga ng malalim.

"Sinong gumawa sa inyo nito?" tanong nito sa mga estudyanteng nabugbog.

Natatakot man sila, marahan nilang tinuro si Zea.

"Ms. Astrid?" hindi makapaniwalang tanong ng Counselor.

Tumango-tango lang si Zea.

"Sino Nag-umpisa?" tanong nito ulit.

Marahan naman nilang tinuro si Yohan.

"Si Mr. Yohan as usual. Wala ka na bang makalaban dito sa school? Kaya babae naman ang pinapatulan mo?"

"Pinunit niya yung pera ko."  mahina niyang sambit.

"Ano?" 

"Pinunit niya yung pera ko pang-enroll."

Bumaling ng tingin ang Guidance Counselor kay Zea.

"Is this true, Ms. Garcia?"

Tumango-tango lang siya ulit.

"At kaya niyo siya binalikan tapos ipinasok niyo sa CR at tinangkang i-rape?" akusa nito.

"Hindi Sir ah! Wala pong ganon!" sigaw ng mga lalaki sa loob Guidance office. Umalma ang lahat nang ma-brought up ng Guidance counselor ang issue na rape.

"Wala kaming planong ganun. Naaangasan lang kasi ako sa babaeng yan, kaya gusto ko sanang takutin, kaso pumalag. Basagulero ako Sir, pero hindi ako rapist." paliwanag ni Yohan.

"Proceed to the Detention room," galit na pahayag ng counselor.

Mabilis silang tumayo.

"At saan naman kayong dalawa pupunta?" saway nito kay Zea at Yohan.

"Sila lang di kayo kasama."

Marahang naupo ulit ang dalawa, naka-simangot.

"Ano sa tingin niyo? Papayag ako na matutulog lang kayo sa loob ng Detention Room? Matapos ninyong mag-rumble at sirain ang Boy's CR?"

Sumenyas ito sa assistant niya at kaagad dinala ang walis, mop at timba sa harap nila.

"Bilang parusa, gusto kong linisin niyo yung bagong tayo na pre-school building. At walang mag-aaway ha! Lahat ng room, pati hallway. Hindi kayo papasok buong araw at hindi kayo uuwi hangga't hindi tapos ang lahat."

****

Nagtitigan ng masama ang dalawa habang hawak ang walis at mop. walang katao-tao sa lugar. Sila lang.

"Ano?! Gusto mo dito natin ituloy?" hamon ni Yohan.

Zea just rolled her eyes at him.

"Wala ka rin kadala-dala ano?" Bibitawan na sana niya ang walis, pero bigla silang may narinig na taong paparating.

"Dito na lang, baka may makakita sa atin." Malamyos na tinig ng isang babae.

Napakunot ang noo ni Yohan nang marinig ito. Kilala ko yung

boses

na

yun ah...

"Bakit ba kasi kailangan natin nagtago?" tanong ng lalaki.

Mula sa 2nd floor, mabilis na sinilip ni Yohan sa baba ang dalawang nag-usap.

Selene? Hindi maka-paniwala si Yohan.

"Huwag ka nang magtampo. Ayoko lang ng issue." malambing na yumakap si Selene sa lalaki.

Mariing kinuyom ni Yohan ang kanyang mga palad, at kaagad naman itong napansin ni Zea. Napasilip din tuloy siya sa ibaba.

Si Selene? Siya yung mabait na class President kaninaMarahang napatingin si Zea kay Yohan. Hindi ito umiimik pero halata namang umuusok na ilong nito sa galit. So... may gusto pala tong mokong

na to kay Selene, bulong ni Zea sa sarili.

Napalingon si Yohan kay Zea at nakita niya itong pangisi-ngisi na nakatingin sa kanya. Yohan grabbed her shoulders then forced her to get down. Sabay senyas na wag maingay.

"Ayaw mo ng issue? Oh ayaw mo malaman ni Yohan?" galit na tanong ng lalaki kay Selene.

"Ikaw naman, alam mo naman na kailangan ko lang si Yohan. Para walang makakakanti sa akin sa school." malambing na wika ni Selene sa lalaki.

Napataas tuloy ang kilay ni Yohan at sadyang ikinagulat ni Zea ang narinig. Iba kasi ang ugaling pinakita niya kanina kumpara ngayon.

"Akala kasi ng lahat siya ang boyfriend mo, nagsasasawa na ako nang katatago."

Selene kissed the guy sweetly. "Ikaw lang naman talaga eh. Hindi ko naman siya talaga gusto. Kailangan ko lang ng impluwensya niya. Malakas kapit niya sa SIBS, alam mo namang kailangan kong mapanatili yung scholarship ko, right?" 

Zea didn't know how to react. Oo, galit siya kay Yohan. Pero hindi naman siya insensitive. Napatingin siya rito and Yohan just sat there listening quietly.

Nagpaalam na ang lalaki kay Selene pero naiwan pa ang dalaga sa lugar. Akmang tatayo si Yohan pero mabilis na kinabig pababa ni Zea ang kamay niya hanggang sa mapaupo ito. Napatingin sa kanya si Yohan.

"Ssshh..." saway ni Zea, sabay turo sa paparating na mga barkada ni Selene.

"Sabi ko na dito mo na naman tinagpo yang boylet mo.," wika ng isa sa mga babaeng kabarkada ni Selene.

Selene wickedly smiled at the girl."You mean boy toy?" she said with her bitchiest smirk at nagtawanan ang grupo ng mga hitad.

"Alam mo Selene talent yan ha, how do you manage to juggle 3 boys in the palm of your hand? Not to mention kasama si Yohan ha. Hindi ka ba natatakot?"

Selene flipped her hair and smirked.

"Not at all, bitch." 

 Yohan's jaw tightened.

"Alam niyo kasi girls, hindi ko kailangan ng 'King' sa high school. Ang kailangan ko, ay yung kayang mag-hari kahit matapos pa ang high school at college." walang ka-gatol-gatol na sambit ni Selene.

They all nodded in agreement.

Yohan gritted his teeth. He's furious right now. Pero mabilis na hinawakan ni Zea ang braso nito para pigilan ang binata.

"Oh by the way, yung transferee?" tanong ng isa sa mga babae.

"What about her?" tanong ni Selene.

"Hindi ka ba na-tre-threaten? Sobrang ganda kaya niya girl —baka masapawan ka."

Selene chuckled."Hayaan mo na yun. Hanggang ganda lang yun, mukha namang walang laman ang utak non!"

Kumunot bigla ang noo ni Zea sa narinig. Bitchessa amputa... Tatayo na sana sa pagkakaupo si Zea pero siya naman ang kinabig ni Yohan.

"Tumigil ka nga," mahinang bulong ni Yohan.

Pinandilatan siya ni Zea.

"Kung sayo, okay lang. Aba, sa akin hindi." Mabilis na hinablot ni Zea si Yohan patayo. Hinawakan niya ang kwelyo ng uniporme niya at kinabig ito papalapit sa kanya.

Biglang napatanga si Yohan, habang tinititigan si Zea. Halos maduling na nga siya, habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Zea sa pisngi niya.

"Lintik lang walang ganti!." mahinang bulong ni Zea, sabay halik sa labi ni Yohan.

Nagulat ito sa ginawa ng dalaga. Hindi niya maintindihan. Pero hindi na rin niya maitatanggi. —He likes it.

He likes the way she kisses him, how soft her lips were, and the sweet scent of her long hair. He's completely lost at the moment. He looked at her beautiful face once more and he can't help but be mesmerized.

Napatingin ang isa sa mga kasama ni Selene sa 2nd floor at halos manlaki ang mga mata nito no'ng makita ang dalawa na naghahalikan. "Oh my God!" Sabay turo sa dalawa.

Tumingin naman kaagad buong grupo sa itinuro nito at sabay-sabay pa silang napanganga no'ng makita si Yohan na may kahalikan sa 2nd floor.

"S-Si Yohan yan diba?"

"Oh shit... teka, diba 'yan yung transfer student?" bulungan ng mga babaeng kasama ni Selene.

Selene froze the moment she saw Yohan kissing another girl. She couldn't believe her eyes.

Completely drawn at the moment. Yohan cupped Zea's face and kissed her intensely.

Lokong to ah... mukhang nag-eenjoy. bulong sa sarili ni Zea.

"Girls, umalis na kaya tayo? Bago pa tayo makita ni Yohan," kayag ng isa sa kanila.

"YOHAN!!!" Selene shouted. She's fuming mad right now and she wanted him to know that she's there.

Yohan stopped for a moment and looked at her. Unfortunately, he doesn't give a fuck anymore. Ngumisi lang ito sabay balik ulit sa labi ni Zea.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pautang Besty
hahhahah me pagnanasa ke zea
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status