Share

Underground Society: Love On The Brain
Underground Society: Love On The Brain
Author: Eu:N

Simula

Nagmamadali na nilagay ni Araceae ang mga damit sa itim na duffle bag. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng silid upang hindi magising ang mga natutulog na kasamahan. Kaliwa't-kanan ang lingon niya, alerto at walang ingay na lumalakad sa pasilyo ng malaki at lumang bahay ampunan.

Kabado siya ngunit puno ng kumpyansa ang bawat kilos. Makakatakas siya. Iyon ang tumatakbo sa isip niya sa sandaling iyon. Walang makakapigil, aalis siya upang hanapin ang tunay na magulang.

Gamit ang spare key na palihim niyang kinuha sa opisina ng mother superior, binuksan ni Araceae ang back door. Hindi siya dapat magsayang ng oras, matagal niyang hinintay ang gabing ito. Hindi na siya makakaalis pa sa bahay ampunan kung hindi siya tatakas ngayon.

Tumakbo si Araceae patungo sa pader, nang matagumpay na makalabas ng back door. Itinapon niya sa kabilang bahagi ng pader ang duffel bag na dala. Pagkatapos ay inakyat ang puno ng narra, mula roon tumalon siya patungo sa pader. Muntik pa siyang mahulog nang mawalan ng balanse, mabuti na lang at nakakapit siya sa sanga ng kahoy. Mula sa itaas ng pader tumalon siya, ngunit nagkamali ng landing ang isang paa dahilan para matapilo.

"Agh!" angil niyang hinawakan ang napuruhang paa. Nadisgrasya pa siya sa pagmamadali, ang malas!

"Napaka-reckless mo tagala."

Nanlaki ang mata niya at nag-angat ng tingin sa lalaking nakasandal sa pader, may dala rin itong duffle bag tulad niya, ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon.

"Ertan! Anong ginagawa mo dito?"

Tumayo ito ng tuwid at lumapit sa kanya.

"Tatakas ka na lang, hinayaan mo pa ang sarili na ma-injured."

"Teka lang, hindi ako tatakas para gumala sa bayan. Aalis na ako sa lugar na 'to, Ertan."

"Alam ko." Umupo ang lalaki sa harap niya.

"Patingin ako ng paa mo." Hinawakan nito ang binti niya at sinuri. "Kaya mo bang lumakad?"

"Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa loob." Hindi niya pinansin ang tanong ng lalaki.

"Hindi pwede." Marahan nitong minasahe ang paa niya, puno ng pag-iingat ang mga kilos. "Kung aalis ka, aalis din ako," giit pa nito.

Nakuyom ni Araceae ang mga kamao.

"Paano ka? Bukas na pupunta ang mga taong aampon sayo. Hindi mo pwedeng sayangin ang pagkakataon na magkaroon ng pamilya na magmamahal sayo, Ertan." Hindi siya makakapayag na sumama ito, mas makabubuti na manatili si Ertan sa ampunan. Para ito sa ikabubuti ng kaibigan niya.

"Hindi kita hahayaang mag-isa, Ara. Wala akong paki-alam kung hindi ako magkaroon ng pamilya. Para sa akin ikaw ang pinaka mahalaga, ikaw ang pamilya ko." Malungkot itong ngumiti. "Isa pa, hindi naman tayo sigurado kung magiging masaya nga ako sa kanila."

"Pero, Ertan—"

"Kaya mo bang lumakad?" Tumalikod ito sa kanya. "Sumampa ka na. Umalis na tayo dito habang hindi pa nila napapansin na wala tayo."

Napabuntong-hininga si Araceae. 

Kapag ganito si Ertan, wala na siyang magagawa. Wala na siyang choice kundi isama sa pagtakas niya ang kaibigan. Sumampa si Araceae sa likod ni Ertan, kinuha nito ang duffle bag niya, at ito na ang nagdala ng mga gamit nila.

"Kumapit ka ng maayos nang 'di ka mahulog."

"Mhm!!" tango niya.

***

Natigilan ang mother superior nang ma-realize na bukas ang pinto ng opisina niya. Natataranta niyang binuksan ang pinto at tumakbo patungo sa office table, nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang drawer ng pinakatatagong file. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang naroon pa rin ang folder, akmang kukunin na iyon nang humahangos na pumasok sa opisina ng ginang si Celestine.

"Mother! Hindi ko mahanap si Ertan at Araceae!"

"Ano!?"

"Nawawala po sila."

"Tinignan mo ba sa likod-bahay? Baka naroon lang ang dalawa." Muling kumabog ng mabilis ang puso ng middle aged na babae. Kasama pa nilang naghapunan ang dalawa kagabi. Hindi pwedeng basta na lang mawala ang mga ito.

"Ginawa ko na po, pero hindi ko sila nakita doon."

"Mother!" sunod-sunod na pumasok ang mga bata sa opisina niya. "Wala na po ang mga gamit ni Araceae," sumbong ng singkit na batang babae.

"Ganun din po ang gamit ni Ertan," sabad naman ng batang lalaki.

"Mother, baka po tumakas sila." Lalong siyang kinabahan.

"Hanapin niyo sila! Madali kayo!" Nanlilisik ang mata na utos niya sa mga bata, agad naman na nagtakbuhan ang mga ito palabas ng opisina.

Lumapit sa ginang si Celestine. "Mother, bakit hindi na lang natin pabayaan ang dalawa? Ayaw nilang manatili dito, hayaan na lang—"

"Hindi pwede!" Sigaw niya sa mas batang tagapangalaga ng bahay ampunan. "Hindi pwedeng mawala sa poder natin ang batang iyon. Malaki ang donasyong mawawala sa atin sa oras na malaman nilang wala na sa kamay ko ang batang iyon!"

"Mother?" Pagtataka ni Celestine. 

Pinanood nitong buksan ng Mother superior ang drawer ng office table, at nilabas ang isang folder, inabot nito kay Celestine ang folder. Kinuha naman iyon ng babae at binuklat. Nagulat ito nang makitang record iyon ng isa sa dalawang batang tumakas, kalakip ng file ang isang ginupit na kapiraso ng lumang news paper. Binasa ni Celestine ang headline at nanlaki ang mata na nag-angat siya ng tingin sa nakatatandang babae.

"Mother! May kinalaman ba kayo sa kidnapping ng batang ito?"

Hindi sumagot ang mother superior.

"Kailangan nating mahanap ang batang iyon, kung hindi ay magkakaroon tayo ng malaking problema," sa halip ay sabi nito.

***

Nakuyom ni Araceae ang kamao nang makita si Ertan na natutulog sa bangketa, nakahiga ito sa sinapinan ng karton na sementong daan.

Parang piniga ang puso ng dalaga sa tanawin, kung hindi lang ito sumama sa kanya siguro ay mas maayos ang buhay nito, nakahiga sana ito sa malambot at magandang higaan. Narinig niya na mayamang negosyante sana ang aampon sa kaibigan, pero dahil sa kanya tumakas si Ertan sa maganda sana nitong bagong buhay.

"Ara, d'yan ka na pala. Ano may pagkain ka bang nakuha?" Bumangon si Ertan at kinusot ang mga mata. Dalawang linggo ng palaboy-laboy sa lansangan ang dalawa at umaasa sa mga pagkaing tira-tira ng mga restaurant at fast-food chain na nakukuha sa basura.

"May nakita akong fried chicken, tignan mo." Pilit tinago ni Araceae ang lungkot. Naupo siya sa tabi ng kaibigan at inilahad ang plastic bag na dala.

"Mukhang okay pa naman ang mga ito, 'di ba?"

"Mhmm!" Tango ni Ertan at ngumiti. Kinuha nito ang mas malaking hiwa at ibinigay sa kanya.

"Ertan..."

"Sayo na ang malaki, ikaw naman naghirap—"

"Ertan!" Natigilan ito sa pagtaas ng boses niya. "Sayo na ang malaki, may sakit ka kaya mas kailangan mo 'yan," giit niya. Tatlong araw ng mataas ang temperatura nito dulot ng naulanan sila nang umulan ng malakas noong nakaraang araw.

"Hindi naman ako masyadong gutom-"

"Pwede ba ‘wag nang matigas ang ulo? Makinig ka sa akin kahit minsan lang. Oh, ayan..." Inabot ni Araceae dito ang fried chicken. "Wala muna tayong panulak, ah? Ito lang kasi ang nakita ko sa basurahan na pwede pa."

"Mhmm! Salamat, kain ka na rin." Tumango siya at kumuha ng isang hiwa ng fried chicken, bagong tapon lang ang mga iyon sa basurahan sa fast-food chain sa tapat nila. Malamig na pero pwede pang kainin.

Susubo na sana si Araceae nang may pulang van na huminto sa harap nila, mula roon bumaba ang apat na lalaki. Tumayo agad ang dalaga at wala sa sariling itinapon kung saan ang hawak na fried chicken, hinila nito patayo si Ertan.

"Ertan, takbo!" Sigaw niya at hinila ang kaibigan palayo sa lugar. Kilala ni Araceae ang van, madalas niyang naririnig sa mga kwento ng mga kabataan na nakakasalamuha nila sa lansangan, nangunguha daw ang mga ito ng teenagers para ibenta sa mga banyaga, habang ang iba naman ay pinapatay para ibenta ang mga organs.

Nadapa si Ertan, mabilis namang itinayo ni Araceae ang kaibigan. Tatakbo na sana muli sila nang haranging ng dalawang lalaki, lumihis ang dalawa, ngunit may mga lalaki rin na humarang sa daan ng mga ito. Akmang babalik sila sa pinanggalingan nang siya namang paghatak ng isa pang lalaki kay Araceae, tinakpan ito ng panyo ang bibig niya.

"Araceae!!" Sigaw ni Ertan.

Nakita ni Araceae na pinagtulungan ng mga lalaki si Ertan, nagpumiglas siya upang tulungan ang kaibigan, ngunit bigla na lang umikot ang paningin niya. Bumagsak sa lupa si Ertan, at bago tuluyang nawalan ng malay si Araceae nakita niyang nilagyan ng sako ang ulo ng kaibigan.

***

"Aalis ka na naman?" Nilingon ni Kaya ang nakababatang kapatid. Nasa pocket ng khaki pants nito ang mga kamay habang naglalakad pababa ng hagdan. "Kailan mo balak umalis sa mafia organization na ‘yan, kuya? Kapag patay na rin ako tulad ng magulang natin?"

"F*ck off, Temur."

"Paano ko gagawin 'yan? Ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko, mali bang hilingin kong piliin mo ako kesa d'yan sa put*nginang organisasyon mo na iyan?"

"Aalis na 'ko." Tinalikuran ni Kaya ang kapatid at hindi na ito pinansin. Naglakad ang lalaki palabas ng mansion, ang bodyguards nito ay nakasunod lang sa likuran.

Wala siyang dapat ipag-alala, magaling ang bodyguards na kinuha niya para protektahan si Temur. Magiging ligtas ang kapatid niya.

"Boss, may balitang nakarating sa amin. Isa sa mga i-au-auction ngayon ang babaeng matagal na ninyong hinahanap." Napahinto si Kaya sa paglalakad at nilingon ang lalaking nagsalita.

"Auction?"

"Yes, boss. Kinompirma na rin namin."

Naglabas ito ng larawan. "Ito po siya..."

Kinuha ni Kaya ang larawan at tinitigang mabuti. Ito nga ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Napangisi siya. Tingnan mo nga naman, sino ba ang mag-aakala na sa ganitong sitwasyon uli sila magkikita ng babae.

"Maghanda ka ng malaking halaga. Siguraduhin mong sa akin mapupunta ang p*tanginang babae na 'yan." Walang emosyon na nilakumos niya ang larawan ng dalaga. Sa wakas, dumating na ang araw na makapaghihiganti siya sa babae, mabibigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng magulang niya.

***

"Ano ba! Lakasan niyo ang loob niyo. Hindi tayo mahina, ipakita natin sa kanila na hindi nila tayo masisira, hindi nila basta na lang makukuha sa atin ang ating kalayaan," puno ng determinasyon na pahayag ni Araceae sa mga kasama.

Nakatayo ang dalaga sa gitna ng mainit at masikip na silid. Hindi alintana ang init at pawis sa nanlalagkit na katawan. Walang sino man ang maaaring mag-alis sa kalayaan niya. Wala. Karapatan niyang mabuhay, magkaroon ng payapa at masayang buhay, kaya naman, hindi siya papayag na tanggalin ng sino man ang karapatan na iyon.

"Ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng lakas ng loob at tapang kung mamatay tayong lahat sa lugar na ito? Wala na tayong magagawa, bihag na nila tayo at nakasisiguro akong magiging impeyerno ang buhay natin sa kamay ng mga taong ito," nawawalan ng pag-asa na salaysay ng isa sa mga babaeng kasama niya sa silid. Katulad ni Araceae, puno ng pawis ang buong mukha ng babae, palitada ang takot sa madungis na mukha nito.

"Hindi. Tatakas tayo sa lugar na ito, hindi nila makukuha sa atin ang ating kalayaan."

"Tama na," singit ng isa pang babae. Wala itong makikitang emosyon sa mukha, ang pagkawalang pag-asa ay sinisigaw ng bilogan at itim nitong mga mata. "Itigil mo na ang pagpapalakas ng aming loob. Hindi tayo makakatakas sa lugar na ito, hindi natin sila matatakasan, sindikato ang mga taong ito. Imposible."

Nagtangis ang bagang ng matapang na dalaga sa negatibong tugon ng mga kasamahan. Ngunit hindi niya masisisi ang mga ito. Sino ba naman kasi ang hindi mawawalan ng pag-asa sa sitwasyon na kinasadlakan nila ngayon. Hawak sila ng pinakamalaking sindikato sa bansa at hindi nila alam kung ano ang balak gawin ng mga ito sa kanila, pero nakakasiguro siyang hindi maganda ang magiging resulta ng pagkakakulong nila sa lugar na ito.

"Tapang at lakas ng loob na lang ang meron tayo, hahayaan niyo ba na kunin nila pati ito sa atin? Ikinulong nila tayo na parang mga hayop sa gubat, pati ba ang tiwala natin sa ating mga sarili ay magagawa nilang tanggalin sa atin?" makahulugan sabi niya sa lahat ng babae na nasa silid.

"Iyang tapang at lakas ng loob rin ang papatay sayo." Lahat sila ay napatingin sa pinto ng silid na bukas pala. 

Hindi napansin ng lahat ang lalaki na pumasok doon at kanina pa nanonood sa dalaga na nagsasalita sa gitna na parang pulitiko na tatakbong pangulo ng bansa. Ito ang leader ng mga lalaking nagkulong sa mga babae sa masikip at mabahong silid.

"Pakawalan mo kami!" sigaw ni Araceae at sinugod ang lalaki sa harap ng pinto.

"Pakawalan mo kami! Wala kayong karapatan na ikulong kami sa lugar na ito!" Tinamaan sa mukha ang lalaki nang magbitiw siya ng solidong suntok.

Pero hindi sapat ang suntok na iyon para matinag ito sa kinatatayuan. Nag-unat ito ng leeg. Pagkatapos ay hinarap siya at walang pasabi na sinampal ng malakas sa mukha. Bumulagta siya sa sahig. Sa lakas ng impak hindi na niya maramdaman ang pisngi. Nahirapan siyang makabawi at umiyak na lang habang namimilipit sa sakit na nakahandusay sa sahig.

"Iyan ang napapala ng mga babaeng katulad mo. Hindi sapat ang lakas ng loob para mabuhay, kailangan mo ng diskarte at talino dahil hindi patas ang mundo." Naupo ang lalaki sa sariling mga paa at walang awa na hinila ang buhok ng dalaga para umangat ang ulo nito sa sahig.

"Tapang kamo? Sige, tignan natin ang tapang mo kapag naging laruan ka na ng mga taong kinamumuhian mo." Marahas nitong binalibag ang ulo ni Araceae sa sahig dahilan para mapaigik ito sa sakit.

Pakiramdam ni Araceae nagkaroon ng crack ang bungo niya sa sobrang lakas ng pagtama nito sa sahig. Nahihilo siya.

"Sige! Turukan na ng droga ang mga babaeng iyan!" utos ng lalaki sa mga tauhan nito.

Pinagsisipa nito si Araceae ng malakas. Ang mga babaeng naroon sa silid ay walang nagawa para tulungan siya, pinanood lang ng mga ito ang bawat pagtama ng paa ng lalaki sa sikmura ng kawawang dalaga. Gustuhin man ng mga ito na tulungan si Araceae, ay takot naman ang mga itong lumaban at ipahamak pa lalo ang mga sarili. Wala laban ang mga ito, at kung magma-matapang sila tulad ng babaeng nakahandusay sa sahig. Baka sila na naman ang diskitahan at bugbugin ng lalaki.

Hindi kayang igalaw ni Araceae ang kamay at mga paa. Hindi niya maramdaman ang sariling katawan dahil sa tindi ng tinamo, nanlalabo na ang paningin niya. Kaya nang turukan siya ng droga ay wala na siyang nagawa laban sa mga kalaban. Kahit ang umiyak ay hindi niya nagawa dahil sa sobrang panghihina ng katawan. At bago tuluyang nawalan ng ulirat, pinuno ng nakakabingi na sigaw ng mga babaeng naroon ang apat na sulok ng silid. Sigaw na dinala ni Araceae hanggang sa kanyang mga bangungot.

***

Trigger Warning (R+18)

Isang paulit-ulit na ingay ang gumising sa diwa ng natutulog na si Araceae. Ingay ng isang bagay na paulit-ulit na tumatama sa kung saan dahilan para lumikha ito ng nakakairitang tunog.

Minulat ng dalaga ang namimigat na talukap ng mga mata, at ang kamay na nakaposas sa bakal na haligi ng kama agad ang niyang nakita. Hindi alintana ang nananakit na katawan, pilit niyang ginalaw ang ulo upang makita ang paligid.

Nasa loob siya ng panibagong silid, hindi ito ang kwarto kung saan sila kinulong ng mga lalaki. Ngunit, hindi tulad ng dating silid na kinasadlakan, malinis ang kwarto kung saan siya dinala. Hindi gaanong makita ni Araceae ang kabuohan ng silid bagamat sigurado siyang, hindi ito ganun kalaki.

Pumaimbabaw na naman sa pandinig ni Araceae ang nakakairitang ingay na nililikha ng gumagalaw na kama. Nakadaragdag ang ingay ng bakal na kama sa sakit ng ulo at pagkahilo ng dalaga. Sa kagustuhan na itigil ang ingay, muling ginala ni Araceae ang mga mata upang hanapin ang pinagmulan ng nakakairitang ingay. Ngunit ganun na lang ang kilabot nito nang napagtanto ang lahat.

Ang kama kung saan siya nakahiga at mahigpit na nakaposas ang siya palang gumagalaw at lumilikha ng ingay sa pader.

Bumaba ang tingin ni Araceae sa kanyang paanan at doon lalo siyang kinilabutan sa nasaksihan. Isang hubad na lalaki ang nasa pagitan ng mga hita niya. Nagsasayaw ito sa ritmo ng ingay na nililikha ng bakal na kama. Ang bawat pag-indayog nito ay bumabaon sa kaibuturan ng pagkatao niya dahilan upang mabangis itong umungol.

Sinubukan igalaw ni Araceae ang mga kamay, iharang ang mga paa, ngunit walang silbi ang mga iyon dahil sa mga posas na kumukunekta sa kanya sa kama. Gusto niyang lumaban. Gusto niyang pigilan ang lalaki, ngunit wala siyang sapat na lakas para gawin ang balak.

Nadudurog ang puso ni Araceae, ang natitirang tapang at lakas ng loob na meron ang dalaga ay unti-unting ninakaw sa kanya. Dito na ba matatapos ang lahat? Hindi na ba niya makikilala ang totoong mga magulang? Mamatay na ba siya sa lugar na ito?

Muling nakaramdam ng matinding pagkahilo si Araceae nang turukan na naman siya ng kung anong droga ng lalaking kasama sa silid. At bago tuluyang na isara ang mga mata, nakuha pa niyang titigan ang mukha ng halimaw na lumapastangan sa kanya.

Hindi niya kalilimutan ang mukha ng lalaki, pagbabayarin niya ito ng malaki...malaking-malaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status