Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
View MoreNakita agad ni Araceae si Kaya nang lumabas siya sa pool area. Naupo ang dalaga sa gilid ng pool at pinanood ang paglangoy ng binata. Napaka galing nito, humahanga siya sa galing nito sa paglangoy at naiinggit, sana kasing galing siya ng bayaw.Ilang minuto ang lumipas bago siya napansin ni Kaya sa gilid ng pool. Lumangoy ito patungo sa gawi niya.“Kanina ka pa? Hindi mo ako tinawag,” anito nang umahon sa tubig. Sinuklay ng kanan nitong kamay ang basang buhok upang ayusin.“Napaka galing mong lumangoy, Kaya.”“Really?”“Oo, na inggit nga ako. Sana kasing galing mo akong lumangoy, ‘di naman ay kahit natuto lang sana akong lumangoy.”Nakunot ng binata ang noo.“Seryoso ka ng sabihin mong hindi ka marunong lumangoy?”“Oo, bakit mukha ba akong nagbibiro lang?” biro niyang tugon sa lalaki.“Yes. Dahil ang alam ko mas magaling ka pa sa akin lumangoy.”Si Araceae naman ang nagkunot ng noo. Bigla niyang naalala ang sinabi ng ama, magaling daw siyang lumangoy, ngunit nang mangisda sila at nah
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Araceae nang maabutan ang mga kasambahay na busy, paroo't-parito sa buong kabahayan. Tinanghali na siya ng gising dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang naabuso niya yata ang katawan, ayaw kasing tumigil ni Temur, masyado rin naging rough sa kanya ang asawa kagabi. "Para po sa party niyo mamaya, Madam..." Nakunot ni Araceae ang noo sa sagot ni Yana. Party niya? Wala naman siyang natatandaan na nagplano sila ni Temur ng party, at para naman saan ang party? "Anong party?" "Celebration po ng pag-iisang dibdib niyo ni Sir Temur." "Huh?" "Si Sir Kaya po ang nakaisip nito. Since hindi raw siya nakadalo at marami sa mga close friends nila ang hindi rin nakadalo sa kasal niyo ni Sir Temur sa probinsya, magkakaroon po ng party para sa kasal niyo ngayong gabi," paliwanag ni Yana. "Pero wala namang nasabi sa akin ang asawa ko." "Surprise party raw ito para sa inyong mag-asawa sabi ni Sir Kaya, regalo niya para sa inyong dalawa ni Sir Temur,"
“What do you think? It’s delicious, right?” Tumango si Araceae sa tanong ni Kaya. Napakasarap nga ng cookies nito, walang panama ang cookies na binibili nila sa bakery ni Aling Brenda.“Mhm! Sobrang sarap, sigurado akong mahal ang cookies na ito. Sa Germany mo pa ito nabili tama?”“Yes,” sagot nito at sumimsim ng kapi sa hawak na cup. “Mabuti naman at nagustuhan mo, pasalubong ko talaga ‘yan sayo. Hindi ako nakadalo sa kasal niyo ng kapatid ko kaya naisip kong pasalubungan ka na lang…”“Totoo? Salamat sa pasalubong kuya!”Sunod-sunod na umubo si Kaya nang masamid sa iniinom. “What did you call me?”“K-kuya?” alanganin na sagot niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng mood nito. Ang kilay nito ay bigla na lang nagsalubong. Hindi ba nito nagustuhan ang itinawag niya dito?“May problema ba? Ang ibig kong sabihin, hindi mo ba gusto na tinatawag na kuya?”Ibinaba nito ang cup sa table sa gitna nila. "No, call me whatever you want; I'm just surprised. I'm not used to
Hindi napigilan ni Araceae na kiligin nang alalayan siya ni Temur papasok sa isang itim na sasakyan. Paglabas nila ng airport may nakaabang ng sasakyan sa kanila, at lulan nito ang dalawang bodyguards ng asawa niya."Saan tayo, boss?" tanong ni James kay Temur nang makapasok na rin ang asawa niya ng sasakyan. Si James pa rin ang nagsisilbing driver ng kanyang asawa. Si Rupert naman ay sa shotgun seat ng sasakyan umupo, habang sila ni Temur ay nasa backseat."Let's go straight home. Is my brother already in the Philippines?" Nilingon siya ni Temur at nginitian. Alam nitong kabado siya dahil haharapin niya ang kaisa-isang kadugo ng asawa. Masaya siyang haharap siya sa pamilya ng asawa niya ngunit hindi mapigilan ni Araceae na hindi kabahan lalo na’t ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa bayaw niya."Don't be nervous. We're only going to deal with my older brother, not my father.""Kahit na, Temur.” Nakasimangot niyang tugon sa asawa. “Hindi ko pa rin mapigilan, kinakabahan ako. P
Kagat ang ibabang labi na ngumiti si Araceae nang mahigpit siyang niyakap ni Temur. Napahagikhik pa ang dalaga nang makiliti sa buhok ng lalaki na tumatama sa kanyang pisngi. Panay ang halik at singhot nito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya kaya sapilitan niyang tinulak ang ulo ng binata."Nakikiliti ako Temur," ani Araceae na hinihila ang kumot na bumaba na sa kanyang baywang dahilan para ma-expose ang hubad niyang katawan."I just wanna hug you," nakasimangot na reklamo ng binata. Napatili si Araceae nang bigla na lang pumaibabaw sa kanya si Temur at pinupog ng halik ang kanyang mukha. Panay ang tawa ng dalaga sabay tulak muli sa mukha ng binata. Ayaw talaga siyang tantanan nito."Nakikiliti ako itigil mo 'yan Temur." Ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng kasintahan. Pinuno nito ng halik ang mukha niya. Hindi pa ito na kontento, maging ang leeg ng dalaga ay nilapatan ng magagaan na halik. Ngunit agad din natigilan si Araceae nang mag-iba ang timpla ni Temur. Ang magaan at simple nit
"Nakakadiri ako, hindi ba?" Malungkot na ngumiti si Aracea pagkatapos ikwento kay Temur ang kanyang nakaraan. Ang nakalipas na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang alalahanin. Wala siyang iniwan, lahat ng detalye na natatandaan niya ay sinabi niya sa binata. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos ng mga sinabi niya ay nawalan na ng interes sa kanya ang binata. "Why?" "Huh?" Kunot ang noo na nilingon niya ang binata. "Bakit ikaw mismo ang nagsasabi niyan sa sarili mo?" Unti-unting nabura ang pagtataka sa mukha ng dalaga at napalitan ng lungkot. "Ano pa man ang nangyari sa nakaraan mo, hindi mo dapat ibinababa ng ganyan ang sarili mo. Ano ngayon kung ganun nga ang nangyari sayo? Nakaraan na iyon, dapat ng kalimutan." "Temur..." "Don't call yourself that again, I don't want to hear you insult yourself, Aries." Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinalikan. "You do not deserve to be called that just because of your heinous past." "Hindi ka ba nandidiri sa akin?
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments