Share

Kabanata 10

Kagat ang ibabang labi na ngumiti si Araceae nang mahigpit siyang niyakap ni Temur. Napahagikhik pa ang dalaga nang makiliti sa buhok ng lalaki na tumatama sa kanyang pisngi. Panay ang halik at singhot nito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya kaya sapilitan niyang tinulak ang ulo ng binata.

"Nakikiliti ako Temur," ani Araceae na hinihila ang kumot na bumaba na sa kanyang baywang dahilan para ma-expose ang hubad niyang katawan.

"I just wanna hug you," nakasimangot na reklamo ng binata. 

Napatili si Araceae nang bigla na lang pumaibabaw sa kanya si Temur at pinupog ng halik ang kanyang mukha. Panay ang tawa ng dalaga sabay tulak muli sa mukha ng binata. Ayaw talaga siyang tantanan nito.

"Nakikiliti ako itigil mo 'yan Temur." Ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng kasintahan. Pinuno nito ng halik ang mukha niya. Hindi pa ito na kontento, maging ang leeg ng dalaga ay nilapatan ng magagaan na halik. Ngunit agad din natigilan si Araceae nang mag-iba ang timpla ni Temur. Ang magaan at simple nitong halik ay na uwi sa mapaghangad at agresibong mga halik, nagawa pa nitong kagatin at s******n ang balat sa kanyang leeg.

Dalawang buwan na mula noong araw na nagpasya si Araceae na ibigay ang sarili kay Temur, at ang matamis niyang "Oo". Simula ng araw na iyon madalas na siyang pinasusundo ni Temur sa isla upang ipagluto ang binata ng paborito nitong mga pagkain, pagkatapos ay gagawin nila ang aktibidad na gustong-gusto ni Temur, na hindi maitatanggi ni Araceae na nagugustuhan din naman niya, ang pakikipagtalik.

Hindi madali ang set-up ng relasyon nila ni Temur, dahil nakabase ang binata sa Maynila madalas ay sa text at tawag lang sila kung mag-usap nito. Kung hindi hectic ang schedule ni Temur minsan ay dinadalaw siya nito at nag-i-stay ito ng dalawa hanggang tatlong araw sa lugar nila para lang makasama siya, at labis na na-appreciate ni Araceae ang effort na ito ng binata.

Sa bawat araw na dumaraan unti-unting nagiging matatag ang relasyon ni Temur at Araceae. Natutunan ng dalaga na hindi ang layo at araw-araw na pagkikita nila ang batayan para magkaroon sila ng magandang relasyon ni Temur. Natutunan din niya na tiwala at loyalty nila sa isa't-isa ang siyang pinaka mahalaga para maipakita nila ang pagmamahal sa isa't-isa. Hindi kung gaano sila kadalas magkita sa isang araw o kung gaano sila kalapit sa isa't-isa.

"What are your thoughts on marriage?" biglang tanong ni Temur na nagpatigil kay Araceae sa pagtawa. Ilang beses siyang napakurap at tumitig sa mukha ng binata. Tama ba ang narinig niya?

"Bakit?" wala sa sariling tanong ni Araceae sa kasintahan. "I mean, bakit mo naman hinihingi ang opinion ko tungkol sa bagay na iyan?" Napalunok siya ng malaki nang hindi agad sumagot si Temur at tumitig ng matagal sa kanyang mata.

"Temur? H-hindi mo naman siguro iniisip na–"

"Let's get married," putol nito sa kanya. "Hindi ko na kayang malayo pa sayo, Aries. Sa tuwing nasa Maynila ako at narito ka sa probinsya, pakiramdam ko ay mababaliw ako sa kakaisip sayo."

"Pero hindi ba masyado pang maaga para pag-usapan natin ang kasal?" Hindi naman siya nagmamadali. Hindi rin nito kailangang magmadali.

"It's never too early if we really love each other. We can still get to know each other while being together, right? I can court you forever you know. What do you think? Pakakasalan mo ba ako?"

"I–" Nag-iwas siya ng tingin, hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Temur. Nakakagulat ang proposal nito, nakipagrelasyon siya kay Temur na nasa isip ang kasal ngunit masyadong mabilis para sa kanya ito. Apat na buwan pa lang silang magkakilala ni Temur at dalawang buwan pa lang silang magkarelasyon.

"I know it's too fast... But why should we prolong this if we're still going to get married in the future? Why not spend the time together as early as we could? We don't know what will happen in the future, let's take chances." Nakuyom ni Aracea ang mga kamao na nakakapit sa hem ng kumot. Tama naman ito, bakit pa nila patatagalin kung doon din naman sila mauuwi? Bakit nga ba hindi nalang sila magsama ng mas maaga kung pwede naman?

"Don't you want to be with me?"

Nag-angat ng tingin si Araceae sa kasintahan. Matagal siyang tumitig sa mga mata nito, at ngumiti nang makitang tila maiiyak na ito sa kaba dahil sa pag-aalangan niya. 

"Hindi mo naman kailangan umiyak para pakasalan ko. Nawawala ang pagiging cool mo," tukso niya dahilan para pamulahan ng mukha si Temur.

"Tsh! What do you think of me? A kid?" Pagsusuplado ni Temur, umiwas ito ng tingin at umalis sa ibabaw niya. Patalikod itong humiga sa tabi ni Araceae dahilan para hindi na napigilan ng dalaga ang sarili at tuluyan nang pinagtawan ang kasintahan...ang cute talaga nito.

"Ayan... Nagtatampo ka na naman na parang bata. Hindi ko naman tatanggihan ang proposal mo, nagulat lang talaga ako. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis mo ako aalukin ng kasal, hindi ka ba magsisisi kapag kinasal ka sa babaeng katulad ko?"

"What do you mean by that?" Humarap si Temur sa kanya. "Bakit naman ako magsisisi?"

"Dahil mahirap lang ako? Hindi tayo magka-level, hindi ka ba mahihirapan?"

"No. Hinding-hindi ko pagsisisihan..." Inabot ng binata ang pisngi niya. "Hindi ako magsisisi na pinili ko ang babaeng gusto kung makasama sa habang-buhay. I let you go once, I will not let you leave me this time." Nakunot ni Araceae ang noo sa narinig.

"Anong–"

"I love you, Aries." Pinutol nito ang sasabihin niya. Naupo si Temur at may kinuha sa cabinet ng side table at nang muling humarap sa kanya ang kasintahan may hawak na itong red velvet box. Binuksan nito iyon at namilog ang mata ni Araceae sa gulat nang makita ang isang napakaganda na singsing. Nakasisisguro siyang mamahalin ang singsing dahil sa laki ng diamond niyon.

"Hindi mahalaga sa akin ang estado mo o kung ano man ang nangyari sa nakaraan mo. Dumating ka sa na parang kidlat sa buhay ko, tinamaan ako dito..." Hinawakan nito ang kaliwang d*bdib. "You brought my heart back to life after it had stopped beating for a long time. Will you marry me and serve as my defibrillator until my heart returns to it's normal rhythm?"

Kagat ang ibabang labi, naluluhang inabot ni Araceae ang kanang kamay sa kasintahan. Agad naman na sinuot ni Temur ang singsing sa kanyang palasingsingan. 

"Yes, Temur, I'll marry you and revive your heart whenever it stops beating."

***

Kagat labing tumayo si Araceae sa harap ng full-length mirror. Namasa ang mata niya habang sinusuri ang sarili. Napakaganda ng kanyang kasuotan, nagmukha siyang prinsesa sa bongga niyang wedding dress at make-up. Hindi niya halos makilala ang sarili, naninibago siya. Pwede palang siyang gumanda ng ganito, kahit siya ay namangha sa sarili.

"Oh, h'wag kang umiyak. Baka masira ang make-up mo niyan," saway ng make-up artist na nakatayo sa tabi niya, pinanonood ang ginagawa niya.

"Hindi ko lang mapigilan..." Hinarap ni Araceae ang make-up artist. "Ang ganda ko, napaka galing niyo."

"Naku! Natural ka ng maganda, bhe. Walang dapat ipagpasalamat!"

"Kahit na sabihin niyo iyan, maraming salamat pa rin sa ginawa niyo. Totoong nagustuhan ko ang ginawa niyong pag-aayos. Siguradong matutuwa nito si Temur."

Napalingon sila sa pinto ng hotel room ng bumukas iyon. Lalong lumapad ang ngiti ni Araceae nang makitang pumasok mula roon ang ina at ama niya. 

Patakbo siyang lumapit sa mga magulang.

"Oh, magdahan-dahan ka naman. Kasal mo ngayon hindi pwedeng ma-injure ka anak," saway agad ng ina niya nang muntik na siyang matumba nang maapakan ang sariling wedding gown.

"Pasensya na, excited lang akong yakapin kayo." At niyakap nga ni Araceae ang mga magulang.

Sa araw na ito mag-iisang d*bdib sila ni Temur. Isang buwan rin nilang pinaghandaan ang kasal na ito. Sa kasamaang palad, mag-isa lang si Temur sa araw na ito. Matagal na kasing pumanaw ang magulang ng soon to be husband niya, ang nakatatandang kapatid naman nito ay nasa ibang bansa, abala sa trabaho nito bilang Chief Executive Officer. Nitong huli lang din naintindihan ni Araceae kung gaano kalaki ang papel ng kapatid nito sa companya, kaya sa halip na ma-dissapoint dahil wala sa pamilya ni Temur ang haharap sa kanya, inintindi na lang niya ang sitwasyon ng binata.

"Masaya kami para sa iyo anak," anang ama niya pagkatapos bumitiw ng yakap. Matamis na nginitian ni Araceae ang ama. Walang makahihigit sa kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. Pagkatapos ng araw na ito lagi na silang magkakasama ni Temur, magiging asawa na siya ng lalaking minamahal niya.

Umalis din agad ang mga magulang ni Araceae matapos siyang i-check. Bumalik ang mga ito sa labas, sa venue ng kasal upang i-assist si Temur na harapin ang mga bisitang inimbita nila. Pawang mga kaibigan ng binata ang binigyan nila ng invatation, sa side naman ni Araceae, inimbita niya ang mga relatives niyang hindi naman niya maalala. Hindi naman mahalaga sa kanya ang mga ganitong bagay, sila ni Temur ang pinaka mahalaga sa event na ito–ang kasal nila.

Hapon nagsimula ang kasal, at isang beach wedding ang napili ni Araceae. Sa pinaka sikat na beach hotel sa Isla Verde nila napiling ganapin ang kasal. Kasama ng mga bisita at iilang kaanak ni Araceae maayos na ginanap ang kasal nila ni Temur.

"Itinuro mo sa akin na ang dalawang taong may paggalang, tiwala at bukas na komunikasyon ay maaaring maging mas malakas at mas masaya kaysa sa anupaman. Ikaw ang lakas na hindi ko alam na kailangan ko at ang saya na hindi ko alam na kulang sa akin. Temur, ngayon pinili kong gugulin ang natitirang bahagi ng aking buhay kasama ka..." Sa dami ng sinabi ni Araceae sa kanyang wedding vow hindi na niya halos matandaan ang lahat. Nang si Temur naman ang naghayag ng wedding vow nito, wala rin siyang matandaan, hindi na niya narinig pa ang mga salitang lumalabas sa bibig nito dahil ang mabilis na pagtibok na lang ng puso niya ang tanging naririnig ni Araceae.

Para siyang nakalutang sa hangin sa buong seremonya ng kasal. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat, isang magandang panaginip na ayaw niyang matapos, ayaw niyang mawala.

Sa gabi ng kasal bago matapos ang celebration, nagpaalam si Araceae sa mga magulang nang may luha sa mga mata ngunit naroon pa rin ang tuwa at saya. Tutungo sila ni Temur sa Hawaii para sa kanilang honeymoon. Isang linggo silang mananatili doon ng kanyang asawa bago siya nito dalhin sa Maynila at ipakilala sa nakatatanda nitong kapatid. Doon maninirahan si Araceae kasama ang asawa, doon sila bubuo ni Temur ng masayang pamilya.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Araceae. Malungkot siya dahil iiwan na niya ang ina at ama niya sa Isla Verde, ngunit masaya rin siya dahil sa wakas ay kasal na sila ni Temur, at nariyang excited din siya dahil makakapunta siya sa ibang bansa sa unang pagkakataon.

***

Umalpas ang mahabang ungol, umawang ang labi ni Araceae na napaliyad habang hawak sa parehong kamay ang buhok ng asawa niyang nasa pagitan ng kanyang mga hita.

"Temur~" tawag niya sa pangalan ng asawa nang makaramdam muli ng kakaibang kiliti sa kanyang puson. "Ayan na naman—Ahh!" Nangingisay ang katawan na umungol ang dalaga ng sa pangalawang pagkakataon naabot niya ang sukdulan.

5am na ng umaga at hito sila ng asawa, walang kasawa-sawa na nagpupulo't-gata. Simula ng araw na makarating sila ng asawa sa Hawaii, walang araw na hindi siya nito inangkin. Ayaw na siyang pakawalan ni Temur. Hindi naman sa nagrereklamo si Araceae, kahit siya ay gusto naman ang aktibidad nila, 'di lang talaga niya inasahang kulang na lang ay itali siya ni Temur sa kama upang hindi siya makawala dito. Hindi niya inasahan na ganito ito kaganado...

"Awat na Temur, wala pa tayong maayos na tulog, mamaya na ang balik natin ng Pilipinas, matulog na tayo."

"Isa na lang. Promise matutulog na tayo," hirit pa ng asawa niya. Gumapang ito paakyat upang pagpantayin ang mukha nila, saka siya nito sinugod ng halik sa labi.

Pinatitigil ni Araceae ang asawa ngunit hindi naman niya kayang pigilan ang sarili na tugunin ang halik nito nang mag-init muli ang kanyang katawan. Pambihira! Ganito ba siya kauhaw sa laman para masabayan ang asawa niya? 

Hindi tuloy niya mapigilan na itanong sa sarili kung ilang beses ba nilang ginawa ng lalaki sa panaginip niya ang ganitong aktibidad. Pamilyar ang katawan niya sa sensasyon na ipinararamdam ng asawa ngunit hindi sa paraan nito. Hindi niya itatanggi na gusto niya ang nakikipagtalik kay Temur, ngunit naroon pa rin ang agam-agam, tila ba may kulang sa ginagawa nila. Nasisiyahan siya ngunit hindi sapat, pero ano ang kulang?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status