Share

Kabanata 9

"Nakakadiri ako, hindi ba?" Malungkot na ngumiti si Aracea pagkatapos ikwento kay Temur ang kanyang nakaraan. Ang nakalipas na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang alalahanin. Wala siyang iniwan, lahat ng detalye na natatandaan niya ay sinabi niya sa binata. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos ng mga sinabi niya ay nawalan na ng interes sa kanya ang binata.

"Why?"

"Huh?" Kunot ang noo na nilingon niya ang binata.

"Bakit ikaw mismo ang nagsasabi niyan sa sarili mo?" Unti-unting nabura ang pagtataka sa mukha ng dalaga at napalitan ng lungkot. "Ano pa man ang nangyari sa nakaraan mo, hindi mo dapat ibinababa ng ganyan ang sarili mo. Ano ngayon kung ganun nga ang nangyari sayo? Nakaraan na iyon, dapat ng kalimutan."

"Temur..."

"Don't call yourself that again, I don't want to hear you insult yourself, Aries." Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinalikan. "You do not deserve to be called that just because of your heinous past."

"Hindi ka ba nandidiri sa akin? Marumi akong babae, Temur. Hindi ko nga matandaan kung ilang lalaki na ba ang gumamit sa akin." Hindi niya maintindihan. Iyon lang ba ang sasabihin ni Temur sa kanya? Ang pangit ng nakaraan niya, hindi ba siya nito itataboy palayo?

"I don't feel that way, Aries." Ngumiti ito at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.

"Walang nagbago sa nararamdaman ko. I want to learn more about you, and now that I know your history, all I want to do is protect you." Inabot ng kaliwang kamay ng binata ang kanang pisngi ni Araceae "I will f*cking protects you no matter what, I will not let you go through that again."

"Temur..." Nakagat niya ang ibabang labi. Pinipigilan na maging emosyonal, ngunit hindi napigilan ng dalaga ang mga luha. Masyado siyang naantig sa mga sinabi ni Temur.

Gusto niyang pagdudahan ito, ngunit hindi iyon ang gustong gawin ng puso niya. Ang mga mata ng binata ay puno ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya. Imposibleng gusto lamang siya nitong bolahin, nakikita ni Araceae, totoo ang lahat.

Pinahid ni Temur ang luha sa kanyang mga mata.

"I know everything goes too fast but don't worry...just take your time. I'm just here for you, Aries." Ngumiti si Araceae at niyakap si Temur, ang luha sa kanyang mga mata ay patuloy na umaagos. Masyado siyang na antig sa sinabi nito.

Gumanti ng yakap ang binata, mas mahigpit ngunit naroon pa rin ang pag-iingat. Siguro nga masyadong mabilis, pero hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili, Temur is too good to be true. Natatakot siyang baka mawala ito kapag hindi niya sinunggaban ang pagkakataon na makasama ang binata.

"Temur—" Hindi niya natuloy ang sasabihin. Magtatapat na siya sa lalaki at ibibigay ang kanyang sagot, ngunit nagsalita si Rupert mula sa kanilang likod.

"Boss, nakarating na po tayo sa isla." Hindi napigilan ni Araceae ang sarili at nakagat ang ibabang labi. Siguro mamaya na lang niya sasabihin kay Temur, hahanap muna siya ng timing. Total buo na ang pasya niya, sasagutin niya ngayon si Temur. Ayaw niya ng patagalin ito, gusto na niyang bigyan ang sarili ng kalayaan, at gusto na rin niyang maranasan ang magmahal at mahalin.

Sinalubong sila ng ina at ama niya pagdaong ng yate. Inalalayan siya ni Temur na bumaba habang sina Rupert at James naman ay bumalik ng yate.

"Magandang araw po," bati ni Temur sa magulang niya. "Ako nga po pala si Temur Flegenheimer, narito po ako para umakyat ng ligaw," nahihiyang sabi nito sa harap ng magulang niya. Mahina siyang natawa sa inasal ni Temur. Hindi niya akalain na may ganitong side pala binata—cute.

"Magandang araw din sayo, iho." Bumaba ang tingin ng ina niya sa dala ni Temur na plastic bags. "Ano ang mga iyan?"

"Sangkap po ng biko, nanay. Nabanggit ko po kasi sa kanya na magdadala dapat ako ng biko sa party niya ang kaso ay iniwan ko dito sa bahay ang hinanda niyo para sa kanya," magala niyang paliwanag sa ina.

"Talaga? Kung ganun ay ipagluluto ko na kayo—"

"Nanay, gusto raw ni Temur iyong luto ko." Putol ni Araceae sa ina. Gusto niya kasing siya ang magluto ng biko para kay Temur.

"Magpatulong ka sa nanay mo, Aries. Mahirap na, baka hindi pa makakain nitong bisita mo ang biko. Alam naman natin na walang hindi nasusunod kapag ikaw ang nagluluto."

"Tatay!" saway niya nang ilaglag ng ama ang cooking skills niya.

Nagtawanan ang mga kasama niya, kaya sumimangot ang dalaga.

"Bakit niyo naman po ako nilaglag? Ang dapat nga ay pinapabago niyo ang pangalan ko sa harap ng manliligaw ko."

"Mabuti nang malaman ng manliligaw mo ang kalakasan at kahinaan mo, para walang sisihan sa huli," giit pa ng ama niya na sumulyap kay Temur.

"Don't worry, sir. Kahit hindi marunong magluto si Aries, hindi pa rin kami magugutom. Handa akong ipagluto at pagsilbihan siya hanggat nabubuhay ako." Ito na naman ang binata sa mga matatamis na salita, at ito na naman siya, kinikilig. Pambihira!

"Naku, naku... Awat na nga, baka langgamin kayo dito. Pumasok na muna tayo sa bahay, maupo ka muna sa salas iho, habang itong si Aries naman ay dadalhin ko sa kusina," ani ng ina niya na sinang-ayunan naman ng dalawang lalaki.

***

"Ano iho, masarap ba ang biko ni Aries?" may panunukso sa tanong na iyon ng ina ni Araceae. Sinaway ito ng dalaga ngunit lalo lang siyang tinukso.

"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako, anak. May masama ba sa sinabi ko? Ano Temur masarap ba ang biko ng Aries namin?"

"Mahal, huwag na. Kita mong nahihiya na itong si Aries, tinutukso mo pa rin," saway rin ng ama niya. Nilingon nito si Temur. "Ano? Masarap ba ang biko ni Aries?"

"Tatay naman!" Tinawanan siya ng mga ito. Nag-init ang pisngi ni Araceae sa labis na kahihiyan.

"Hindi ko naman sinunog, eh. Sinunod ko ang instructions ni nanay sa pagluluto, kaya alam kung kahit paano masarap ang biko ko."

Pinagtawan na naman siya ng mga ito, kahit si Temur ay nakitawa rin. Lalo lamang siyang naasar. May masama ba sa sinabi niya? Totoo namang ginalingan niya sa pagluluto eh.

"Bakit ba kayo tumatawa?"

"Wala naman, ang cute mo kasi."

"Ayan ka na naman, Temur."

"Oh, sige. Maiwan muna namin kayong dalawa dito, magpapakain pa kasi ako ng alagang manok, itong tatay mo naman ay tutungo sa bayan." Tumango si Araceae bilang tugon. Tumayo ang magulang niya at iniwan sila ni Temur sa sala, minuto lang din silang nanatili doon, nang matapos kumain ay niyaya niya si Temur na maglakad-lakad sa baybayin.

"Kumusta naman ang pag-uusap ninyo ni tatay?" tanong niya habang naglalakad sila sa tabing dagat.

"At first, nahirapan akong magpaalam sa kanya, I was so nervous. Ganun pala ang feeling...pero nagkasundo din naman kami..." Temur chuckled. "Hindi ko alam na ang cool pala ang tatay mo. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya nang sabihin kong liligawan kita?" Huminto ang binata at hinarap siya.

"Ano?"

"Tinanong niya ako kung ilan ang nunal sa mukha mo." Tumawa ito ng malakas. Si Araceae naman ay nagkunot ang noo.

"Huh? Ano naman ang sagot mo?"

"Syempre sinabi kong lima; isa sa ibaba ng labi..." Hinawakan nito ang nunal sa kanyang ibabang labi. "Isa sa ilalim ng ilong," dagdag nitong tinitigan siya sa mata. "At tatlong may triangle pattern sa kanang pisngi malapit sa kanan mong tenga." Dinampian nito ng magaan na halik ang pisngi niya kung saan ang sinabi nitong nunal. Automatikong pumikit ang dalaga, dinama ang magaan na halik ng binata.

"You're the most beautiful woman to me, Aries."

"Ikaw din ang pinaka gwapong lalaki na nakilala ko, Temur." Ngumiti siya at sinalubong ang mata nito.

"May sasabihin nga pala ako sayo," panimula niya. Nagtataka na inilayo ni Temur ang sarili sa dalaga.

"Dapat na ba akong kabahan?" biro nito ngunit naroon ang pangamba.

"Depende," sagot niyang mahinang natawa. Ang cute talaga nito.

"Tsh"

Inabot ni Araceae ang pisngi ng binata at masuyo iyong hinawakan. Ito na yata ang pinaka gwapong lalaki na kanyang nakilala, bukod sa panlabas nitong anyo busilak din ang puso ni Temur. Ang asul nitong mga mata na kasing lalim ng dagat kung tumitig sa kanya ay nababalot ng emosyon, mga emosyong hindi niya mapangalan dahil sa lalim niyon.

Hindi pa niya lubusang kilala ang binata, may mga pagdududa pa rin siya at agam-agam, ngunit para sa puso ni Araceae sapat na ang lahat ng mga ipinakita nito. Mabuti itong tao, nakasisiguro siya.

"Alam kong hindi ka pa nagsisimula sa panliligaw mo, pero pwede bang maging tayo na habang ginagawa mo iyon?" Nakagat niya ang ibabang labi. Labis siyang nahihiya sa kanyang sinabi, nagmumukha siyang desperada, pero ito ang gusto ng puso niya, at gusto niyang maging malaya siya at bukas sa totoong nararamdaman.

"R-really?" Kagat ang labi na ngumiti si Temur, namumula ang mga pisngi nito. Namangha si Araceae sa nakita, posible pala sa kanya iyo?

"Ang cute mo," pang-aasar niya dahil palitada talaga sa maputla nitong balat ang tinatagong kilig.

"I'm not." Hinawakan siya ng binata sa magkabilang braso at tinitigan sa mukha. "Tama ba ang narinig ko?" paniniguro pa nito.

Tumango si Araceae.

"Yes!" Malaki ang ngisi nitong hiyaw at nagtatalon sa buhangin. Hindi pa nakontento, tumakbo pa ito sa tabing dagat na parang baliw. Hindi tuloy napigilan ni Araceae ang pagtawanan ito. Hindi niya akalain na sobrang sasaya si Temur sa ganito ka simpleng bagay.

***

"Masarap ba?" tanong niyang kagat ang ibabang labi. Nasa villa sila ngayon ni Temur at ipinagluto niya ng paborito niyang sinigang na bangus ang binata. First time niyang magluto ng sabaw kaya hindi ganun ka-confident si Araceae sa niluto.

"Hmm... Hindi ko malasahan iyong asim. Naglagay ka ba?"

"Hala! Nakalimutan ko pala 'yong pampaasim!" singhap niya at nagmadaling binalikan ang nilulutong sinigang sa kusina. "Wait, ayusin ko muna. Titimplahan ko!" Nagpapanic niyang hinanap ang sachet ng pampaasim. Si Temur ay napahagikhik dahil sa pagkataranta ng dalaga. He really loves this side of her.

Lumapit siya sa dalaga at tumayo sa likuran nito. Napasinghap si Araceae nang walang paalam na niyakap ni Temur ang kanyang baywang at pinatong sa balikat niya ang baba nito. Nagtayuan ang pinong balahibo sa batok niya nang tumama ang mainit na hininga ng binata doon.

"Temur..."

"You smell so good..." Inilapit ng binata ang ilong nito sa kanyang balat at sininghap iyon. Napigil ni Araceae ang sariling hininga nang makaramdam ng kakaibigan kiliti sa bahaging iyon. Hindi pa na kontento ang binata naglapat pa ito ng magagaan na halik sa leeg niya

"Temur..."

"You smell so nice, I wonder if you taste good too."

"Temur!" Naiiskandalo na saway ni Araceae sa binata, ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Ngunit hindi natinag si Temur, sa halip ay humigpit ang yakap nito sa kanyang baywang, ang magaan nitong halik ay naging mapangahas.

"Mhmm... I really love how you smell, Aries" Napasinghap si Araceae nang pumasok sa kanyang panloob ang isang kamay ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na umungol. Ang malikot na kamay ni Temur ay sesual na hinimas ang kanyang mga kabundukan. Wala sa loob na binitawan ni Araceae ang sandok at naghihinang tinukod ang mga kamay sa island counter.

"You wanna do it with me?" Napalunok siya nang malaki sa tanong ni Temur. Do what? What is he suggesting? Tama ba ang iniisip niya na iniisip nito?

"H-hah?"

"I wanna do it with you," payahag nito sa paos na boses. Humigpit pang lalo ang hawak nito sa kanyang baywang para ipadama ang nabuhay nitong sandata sa kanyang pang-upo. Nanlaki ang mata ni Araceae kasabay ng matunog na pagsinghap. A-ang...laki.

"Hindi kita maintindihan,Temur. A-ano ang gusto mong gawin?" Napalunok si Araceae ng malaki. Alam niya ang tinutukoy ng binata, ngunit nahihiya siyang pag-usapan nila, lalo na ang gawin ang bagay na iyon.

Idiniin lalo ng binata ang sarili sa likod niya at sensual na gumiling, ang mga kamay nito sa loob ng pang-itaas niyang kasuotan ay tinumbok ang tumigas niyang ut*ng. Nilaro nito iyon na umani ng malanding ungg*l mula sa kanya. Hinipan nito ang kanyang tainga at dinilaan.

"I'd like to have sex with you, Aries. Will you let me?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status