Home / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 2 - Oh God!

Share

Chapter 2 - Oh God!

Author: GRAY
last update Last Updated: 2025-10-16 12:10:41

"T-Tumalikod ka." Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Gusto kong magdamit na at tumakbo palayo sa kwarto na ito.

"I've seen it already, everything..." malamig niyang sagot at para bang sinadya pang bigkasin nang may diin ang salitang everything. "Wala ng dapat itago pa."

Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Napapipikit ako nang mariin habang nararamdaman na ang pag-init ng mukha ko. "J-Just turn a-around."

"How does it feel?" bigla niyang tanong at kahit gusto ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa dahil n*******d pa rin siya! "Am I good? Did I satisfy you?"

Napalunok-laway pa ako nang biglang maalala ang mga nangyari kagabi. Bakit ba kasi nanlabo ang paningin ko kagabi? Naaalala ko ang lahat! Pwera na lang sa mga mata kong si Gio ang nakita!

"U-Uncle—"

"Calling me uncle now like I didn't make you moan last night?" dagdag niya pang tanong na nagpairita sa akin. "What was the words you said? 'Undress me'."

"Will you shut up and turn around!" Halos hiningal ako sa sigaw ko na iyon.

Hindi ko namalayang nakatingin na pala ako sa mukha niya at bago pa man bumaba ang mga mata ko ay tumalikod na siya. Ang siste ay napatingin ako sa mapuputi niyang pwet.

"Tang ina..." bulong ko at dali-daling tumayo saka pinulot ang mga damit ko at tumakbo papasok sa banyo.

Pagka-lock ko sa pinto ay kaagad na bumuhos ang mga luhang hindi ko alam kung para saan.

Siguro dahil naibigay ko sa maling tao ang iningatan kong dangal sa loob lang ng isang gabi? Ano na lang ang iisipin ni Gio na hindi ko nga nabigay sa kanya sa sampung taon namin.

May pasabi-sabi pa ako na sa lalakeng pakakasalan ko ibibigay pero ano itong nagawa ko?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa loob ng banyo at umiiyak na parang wala ng bukas. Nakapagbihis na ako at nakaupo sa sahig.

Nagulat na lang ako nang may kumatok sa pinto. "S-Someone's calling you."

Ngayon ko lang din naisip ang bag ko. Malala na talaga ako! Sinusumpa ko na ang whiskey na iyon!

Inikot ko ang seradura at binuksan nang bahagya ang pinto. Napako ang mga mata ko sa mukha niya. Malayo naman ang mukha nila ni Gio pero bakit napagkamalan ko siya? Seven years lang ang agwat ng mga edad nila ni Gio at ten years naman sa akin.

Pero...

Mas lamang ito kung mukha ang pagbabasehan. Mas makisig. He looked so manly. Those eyes, those—

Tang ina ko talaga! Nagawa ko pang purihin si Uncle Troy!

Kaagad kong hinablot ang bag ko at isinara muli ang pinto. Kinalkal ang bag ko at wala namang nawawala kaya kinuha ko ang cellphone ko at nabigla nang makitang twenty miss calls na. Galing sa iisang number, kay mama.

Tinawagan ko siya kaagad. Nakailang ring pa bago niya iyon nasagot. "Nasaan ka ba, anak?"

Natigilan ako. "B-Bakit ka umiiyak, m-mama?" natataranta kong tanong.

"S-Si p-papa mo at a-ang kuya mo..." Hindi na natuloy ni mama ang sanang sasabihin dahil napahagulhol na ito.

Kaagad naman akong nilukuban ng kaba. "A-Anong nangyari sa k-kanila?"

"N-Nasa operating room ang kuya at papa ninyo n-ngayon..." sagot ni mama sa pagitan ng kanyang mga pag-iyak.

"A-Ano?" Kaagad na tumulo ang luha ko. May nangyari na pala kay papa pero ito ako at nagpakasasa buong gabi! Hindi ko na makausap nang maayos si mama. Kaya kaagad kong inayos ang bag ko at binuksan ang pinto. Ni hindi ko na nga tiningnan ang sarili sa salamin. "S-Saang hospital kayo, 'ma?"

Matapos marinig ang pangalan ng hospital ay dire-diretso ako sa pintuan.

"Sandali lang..."

Nakalimutan kong nandito pa pala si Uncle Troy. Nakahawak na ako sa seradura at wala akong balak na harapin siya. "A-Alis na a-ako."

Lagi ko siyang nakakasalamuha noon kapag may party sa bahay nina Gio. Pero hindi naman ako nauutal nang ganito kapag kaharap ko siya noon. Bakit ngayon parang naputulan ako ng dila?

Akma kong bubuksan ang pinto nang bigla na lang siyang lumuhod sa tabi ko. Ang puso ko...

Parang sasabog na ito sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok!

"Aalis kang nakayapak?"

"H-Ha?" Kaagad kong tiningnan ang mga paa ko. Nakagat ko na lang ang ibabang labi nang makitang hindi ko pala suot ang sapatos ko. Hindi ko na nga maalala kung paano iyon nahubad kagabi.

Natigilan na lang ako nang siya mismo ang magsuot sa akin ng sapatos ko. Nang maramdaman ng balat ko ang init ng mga palad niya ay naghatid iyon ng kakaibang emosyon sa akin.

Pigil ang hininga habang nanonood ako sa bawat pagkilos ng mga kamay niya. Bakit parang biglang nag-slowmo ang mga galaw niya? Wala pa ring tigil ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok.

Ano itong nararamdaman ko?

Posible bang magkaroon ng feelings pagkatapos ng isang gabi?

Namura ko ang sarili sa isipan. Hind iyon ganoon! Takot at kaba lang ito! Imposible talaga!

Nang matapos siya ay walang sabi-sabi akong lumabas ng kwartong iyon at kumaripas ng takbo. Saka ko na poproblemahin ang nangyari sa amin.

Pero hindi ko pa rin mapigilang mainis sa sarili. Iningatan ko ng buong buhay ko tapos mawawala sa isang pagkakamali lang? Ang sarap talagang itapon ng sarili ko sa bangin!

Lakod-takbo na ang ginawa ko. Tahimik na ang buong bar. May mga naglilinis pero hindi naman nila ako binigyan ng pansin.

Paglabas ko ng bar ay saka ko lang naalalang hindi ko pala dala ang kotse ko. Plano ko talaga kagabi na magpakalasing at mag-taxi na lang pauwi.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumara ng taxi. Mabuti na lang at hindi traffic kaya nakarating ako kaagad sa hospital. Kung nagkataong natagalan pa ako sa taxi ay mababaliw na siguro ako. Dahil puro na lang mukha ni Uncle Troy ang nakikita ko.

"M-Mama..." tawag ko sa atensyon ni mama habang naghihintay siya sa labas ng operating room. Kaagad ko siyang niyakap. "Ano po bang nangyari?"

"Pauwi na sila ng kuya mo galing sa isa sa mga site, t-tapos, n-nawalan daw ng brake a-at... at may n-nasalubong silang t-truck—"

Hindi na natuloy ni mama ang sanang sasabihin nang biglang bumukas ang sliding door ng operating room. Kapwa namin nilapitan ang doktor.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng mag-amang Jacinto?" tanong ng doktor.

"O-Opo, kami po..." Ako na ang sumagot. Hawak ko ang nanlalamig na kamay ni mama. "K-Kumusta po ang papa at kuya ko, dok?"

"Ligtas na si Mr. Harold Jacinto sa ngayon kaya kailangan natin siyang ilagay sa ICU, dahil nasa kritikal pa ang kondisyon niya," sagot ng doktor. "At... ikinalulungkot kong hindi namin nailigtas si Mr. Albert Jacinto..."

Hindi ko na marinig nang maayos ang mga sinasabi ng doktor. Wala na si papa... si kuya naman—

"Mama!" tanging naisigaw ko nang mawalan ng malay si mama.

Oh God! Ano ba itong nangyayari sa buhay ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 5 - Rules

    "P-Personal maid?" hindi makapaniwalang naitanong ko habang nakatingin sa babaeng may maiksing buhok. She was petite and cute. Personal maid ba talaga siya o—"Ako pala si Mayang, Ma'am Emie," nakangiti niyang pagpapakilala sa akin. Matigas iyong accent niya. Kung hindi lang nagsalita ay mapagkakamalan ko siyang batang naliligaw at hinanap ang mama niya.Naiilang akong ngumiti sa kanya. "H-Hello... parang inutusan ka lang bumili ng suka, ah?"Nagulat ako dahil napatawa siya nang malakas. "Juker ka pala, ma'am!"Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay sa kanya. "Bili ka ng meryenda.""Hala, salamat kaayo, ma'am!" At kumaripas na siya ng takbo palabas ng hospital room ko.Nang masigurong wala na siya ay naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Uncle Troy. Prente siyang nakaupo sa may sofa at may binabasa yata sa tablet na hawak niya."Uncle—"Natigil ako sa pagsasalita nang mula sa tablet ay nalipat ang atensyon niya sa akin. Ang naggagandahan niyang mga mata ay masamang nakatingin

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 4 - Questions and Answers

    "S-Sandali lang..." sabi ko at umiwas ng tingin.Naaalala ko pang tinawag niya akong baby nang gabing iyon. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko."May gusto kang idagdag? Sabihin mo lang," sagot niya naman at kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.Nanunuot ang mga titig niya sa akin.Dati naman ay hindi ganito ang reaksyon ko sa twing nandyan siya. Bakit ngayon ay nai-intimidate ako sa presensya niya?"M-May mga katanungan lang ako. Nalilito ako sa mga nangyayari," sabi ko pa habang nakayuko."Five questions for now, saka na ang iba," malumanay niyang sabi. "The doctor said you need to take a full rest. Buong buwan kang naging abala at napagod nang husto ang katawan mo."Paano niya nalamang buong buwan akong abala?Sa pagkakataong ito ay sinalubong ko na ang mga tingin niya sa akin. Natitigan ko na naman ang mga mata niya."Ang ganda..." wala sa sariling nasabi ko at nang umarko ang kilay niya ay saka ko napagtanto kung anong luma

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 3 - Proposal

    Kakalibing lang ni papa ngayon at isa-isa nang nagsialisan ang mga nakilibing.Nasa ICU pa rin si kuya, na-comatose. Ang sabi ng doktor ay twenty percent lang ang pag-asang magigising pa siya. Kung magising man siya ay baka hindi rin bumalik sa normal ang buhay niya.Ang masaya naming pamilya ay bigla na lang nalunod sa malalim na kalungkutan.Kasalukuyan kaming pabalik sa bahay. Nagpahuli kami ng uwi, kasama si mama, ang bunso naming kapatid na si Harvey, ang asawa ni Kuya Harold na si Ate Gwen at ang anak nilang si Samantha."Babalik ako sa hospital pagkatapos kong i-drop sina Samantha ay Yaya Connie," saad ni Ate Gwen, halatang pagod na.Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya natin ito, ate."Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa man kami maiyak na naman ay sumakay na siya sa kotse nila."Bye, Tita Emie," paalam sa akin ni Samantha habang nakaupo na sa backseat kasama ang yaya niya.Kumaway na lang ako at hinatid ng tingin ang papalayo nilang sasakyan."Emie..."Nilingon ko an

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 2 - Oh God!

    "T-Tumalikod ka." Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Gusto kong magdamit na at tumakbo palayo sa kwarto na ito."I've seen it already, everything..." malamig niyang sagot at para bang sinadya pang bigkasin nang may diin ang salitang everything. "Wala ng dapat itago pa."Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Napapipikit ako nang mariin habang nararamdaman na ang pag-init ng mukha ko. "J-Just turn a-around.""How does it feel?" bigla niyang tanong at kahit gusto ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa dahil nakahubad pa rin siya! "Am I good? Did I satisfy you?"Napalunok-laway pa ako nang biglang maalala ang mga nangyari kagabi. Bakit ba kasi nanlabo ang paningin ko kagabi? Naaalala ko ang lahat! Pwera na lang sa mga mata kong si Gio ang nakita!"U-Uncle—""Calling me uncle now like I didn't make you moan last night?" dagdag niya pang tanong na nagpairita sa akin. "What was the words you said? 'Undress me'.""Will you shut up and turn around!" H

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 1 - First

    "Bakit, Gio! Bakit!" sigaw ko pagkatapos inisang lagok ang whiskey sa hawak kong shot glass. Wala rin namang makaririnig sa akin.Nasa loob ako ng isang sikat na bar dito sa lungsod. Mga VIP lang ang nakapapasok dito. Patok ang bar na ito lalo na sa mga kilala sa lipunan. Dahil sa lugar na ito ay ligtas ang bawat sikreto.At ako?Hindi naman ako sikat pero kilala ang kumpanya namin na isang engineering firm. Wala rin akong sikreto.Hindi ko ba alam kung bakit dito ako pumunta. Pinapasok naman ako ng mga bantay sa labas pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko. So I assumed that they knew me.Hindi ko na rin alam kung ilang shot ng whiskey na ang nainom ko. Ang alam ko lang ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko, sakit na dulot ng lalakeng pinakamamahal ko.Gio cheated on me with my secretary.Punyeta lang.Pinagpalit niya ang sampung taon namin!That was ten years of my life!"Mishhh..." tawag ko sa bartender. Lasing na nga talaga ako at hindi na tuwid ang pananalita ko. "Ishaa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status