Se connecterKakalibing lang ni papa ngayon at isa-isa nang nagsialisan ang mga nakilibing.
Nasa ICU pa rin si kuya, na-comatose. Ang sabi ng doktor ay twenty percent lang ang pag-asang magigising pa siya. Kung magising man siya ay baka hindi rin bumalik sa normal ang buhay niya. Ang masaya naming pamilya ay bigla na lang nalunod sa malalim na kalungkutan. Kasalukuyan kaming pabalik sa bahay. Nagpahuli kami ng uwi, kasama si mama, ang bunso naming kapatid na si Harvey, ang asawa ni Kuya Harold na si Ate Gwen at ang anak nilang si Samantha. "Babalik ako sa hospital pagkatapos kong i-drop sina Samantha ay Yaya Connie," saad ni Ate Gwen, halatang pagod na. Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya natin ito, ate." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa man kami maiyak na naman ay sumakay na siya sa kotse nila. "Bye, Tita Emie," paalam sa akin ni Samantha habang nakaupo na sa backseat kasama ang yaya niya. Kumaway na lang ako at hinatid ng tingin ang papalayo nilang sasakyan. "Emie..." Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko— ang secretary at personal assisstant ni papa, si Kuya Diego. "Oh, kuya? May problema ba sa office?" Simula nang lamay ni papa ay sa akin na nagre-report si Kuya Diego. "May schedule ngayon para sa board meeting na pinahanda ni Sir Sanchez." Iniabot niya sa akin ang tablet at tinanggap ko naman iyon. Si Sir Sanchez ay ang head engineer ng Jacinto's Engineering Firm o mas kilala sa pangalang JEF (construction and engineering services). Nabigla ako sa nabasang agenda. "N-New CEO appointment?" "Ayon kay Attorney Magbanua, nasa last will and testament ni Sir Albert ay si Sir Harold ang susunod sa kanya, pero..." Kahit hindi niya ituloy ang sasabihin ay alam ko na ang kasunod. "Ikaw ang legitimate na successor ng JEF," dagdag niya pa. "Pero, kuya, alam mo namang tutok ako sa publishing company ko at wala akong karanasan sa engineering services," sagot ko pero alam kong kahit ano pang irason ko ay hindi ko pwedeng pabayaan na lang ang kumpanyang pinaghirapan ni papa. "Pwedeng ikaw na muna, or si Sir Sanchez." Sa amin na lumaki si Kuya Diego. Si papa ang nagpaaral sa kanya hanggang sa makapagtapos siya. Kaya alam kong mapagkakatiwalaan namin siya. "Sinabi ko na iyan sa kanila na posibleng tumanggi ka," sagot niya at napabuntonghininga bago muling nagsalita. "Ayaw ni Sir Sanchez at hindi ko rin tatanggapin ang offer kung sakali. Magiging gabay lang ako sa kung sino man ang uupo sa pwesto. At isa pa, board members will pull out their shares if you'll not be the one to take over. They want you as the new CEO at kung ako ang tatanungin, ikaw ang karapat-dapat sa pwestong iyon. Oras na siguro para gamitin mo ang unang kursong tinapos mo." Oo, nagtapos ako sa kursong engineering. Pero huli na nang malaman kong ayaw ko pa lang maging engineer. Na gusto ko pa lang maging isang manunulat. Kaya nang maka-graduate ako bilang engineer ay nag-aral akong muli sa kursong Development Communication. Habang nag-aaral ay nag-ipon ako. Nang matapos ko ang pangalawang kurso ay kaagad akong nagpatayo ng sarili kong publishing company, ang Emerald's Publishing House. Sa tulong ng mga magulang ko at ni Kuya Harold ay naging successfull ang kumpanya ko. Dalawang taon pa lang ang kumpanya ko pero palago iyon nang palago. ---- Wala na nga akong nagawa nang ma-appoint ako bilang bagong CEO ng JEF. "Congratulations, Miss Jacinto." Sari-saring mga pagbati ang natanggap ko. Pero marahil dahil sa mga nangyari sa pamilya namin ay hindi ako halos makangiti. Mas lalo akong naging abala. Dalawang kumpanya ang hinahawakan ko. Hindi pa ako makahanap ng secretary ko sa EPH. Na-trauma yata ako dahil iyong una at huli kong secretary ay tinraydor ako. Bukod pa sa abala ako sa dalawang kumpanya ay nag-o-online class ako. Matagal na panahon na rin nang mag-aral ako ng engineering kaya kailangan kong ibalik ang mga natutunan ko noon. Pauwi na kami ni Kuya Manuel, ang personal driver ko, nang maipit kami sa traffic. Mabuti na lang at lagi kong dala ang mga notes ko kaya nagbasa-basa na lang ako. Hindi sinasadyang mapalingon ako sa labas ng bintana at kaagad kong nakita ang Orion's Bar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mag-iisang buwan na pala simula nang magpakalasing ako at... Kumuta na kaya si Uncle Troy? Wala akong balita sa kanya simula ng araw na iyon. Ah, baka sinadya niyang hindi talaga magpakita sa akin? Para sa kanya ba, one night stand lang talaga iyon? Bakit parang ang sakit isipin niyon? Mabuti rin pala at naging abala ako. Hindi ako nagkaroon ng oras para isipin ang gabing iyon kasama si Uncle Troy. Pero ngayong nakita ko ulit ang bar ay sumariwa sa isip ko ang lahat. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso kong nagwawala. Wala lang ito. ---- Forty days ni papa at nagkaroon ng misa rito sa bahay. Si Kuya Harold ay hindi pa rin nagigising. Maganda naman ang takbo ng dalawang kumpanya kaya medyo wala stress-free pa ako. Napapagod lang naman ang katawan ko dahil lagi akong puyat at subsob sa trabaho. Nasa kagitnaan kami ng misa nang biglang umingay sa labas ng bahay namin. Napatayo kaming lahat at nagulat na lang ako ng may mga pulis ang pumasok. "Miss Maria Emerald Jacinto, you are under arrest for tax evasion under Republic Act No. 8424 section 254. You have the right to remain silent..." Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ng pulis. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkabigla o dahil sa pagod ay parang umiikot ang buong paligid. Naninikip na rin ang dibdib ko at ilang saglit pa ay naging blangko ang lahat sa akin. ---- Pagmulat ko ng mga mata ay puting kisame ang nabungaran ko. Kaagad akong bumangon nang maalalang inaresto ako ng mga pulis kanina. Pero sa halip na mga pulis ang makita ko ay pamilyar na mga mata ang natitigan ko. Those eyes... They were captivating. Para bang binasaba nito ang kaluluwa ko. "Uncle Troy..." Nakaupo siya sa paanan ng kama. Mahigit isang buwan na rin yata nang may mangyari sa amin. Ni isang beses ay hindi siya nagpakita sa akin para pag-usapan ang tungkol sa gabing iyon. Pero wala naman kaming dapat pag-usapan dahil wala naman kaming relasyon. Para sa akin, inisip ko na lang na one night stand lang iyon. Bago pa siya makapagsalita ay may pumasok na doktor. Napatingin ang doktor sa kanya na para bang tinatanong kung sino siya. "I'm the father, doc." Kailan ko pa siya naging tatay? "Oh, I see..." saad ng doktor. Magrereklamo na sana ako pero biglang nagsalita ang doktor habang nakangiting nakatingin sa akin. "Congratulations for being four weeks and two days pregnant." "H-Ha?" Hanggang sa makaalis na ang doktor ay hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi niya. "Marry me." Umangat ang tingin ko kay Uncle Troy habang nakalahad ang isang singsing na nasa loob pa ng kahon. "I'm the father of the child. I'm offering you a marriage." "K-Kasal?" "Ayaw kong maging bastardo ang bata kagaya ko," sagot niya at umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam ang bagay na iyon. "Bilang kapalit ay tutulungan kitang makabangon muli." "H-Ha? Wala akong maintindihan..." I said, frustration was etched on my voice. "You're being investigated. Kinumpiska ang lahat, bahay, kotse, at naka-freez ang lahat ng accounts mo. Pinasara ang JEF at ang EPH. Sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng shares. Pati board members ay gusto ka ng kasuhan. Sa madaling salita, bankrupt ka na at malalagay ang lahat sa alanganin." "A-Ano? P-Paanong nangyari i-iyon?" Akala ko ay walang problema. Akala ko ay maayos ang lahat. Pero bakit sa isang iglap lang nangyari ang lahat ng iyon? "Will you accept my offer?" Nabalik ang atensyon ko kay Uncle Troy. "Sasaluin ng kumpanya ko ang JEF at ang EPH. Ako ang bahala sa kuya mo. Ako ang bahala sa imbestigasyon. Ako ang haharap sa lahat," dagdag niya pa. "Just marry me and..." "A-And?" "Stop calling me uncle." Nagtama ang mga mata namin. He looked away and say..."You can call me baby if you want."Tahimik ang buong bahay, tila lumulubog pa sa bigat ng mga salitang binitawan ni Troy kanina. Mahimbing pa rin ang tulog ni TJ, habang ako naman ay nakaupo na sa gilid ng kama, nakahawak sa aking dibdib na parang sinusubukang pakalmahin ang pagbilis ng tibok nito.Nakahawak si Troy sa pinto ng kwarto, nasa anino siya ng ilaw sa hallway. Ang postura niya—nakayuko, nakasandal, parang wala nang lakas—ay mas malinaw pang ebidensya ng limang taon niyang tinago.At bago pa siya tuluyang umalis, bago pa kami lamunin ng katahimikan, lumabas sa bibig ko ang tanong na matagal ko nang kinikimkim.“Troy… lahat ba ng tungkol sa inyo ni Tricia ay totoo?”Napatigil siya.Hindi siya agad lumingon, hindi agad sumagot.Parang isang minuto siyang nanatiling nakatalikod, saka dahan-dahan umangat ang balikat niya sa paghinga. Nang humarap siya sa akin, doon ko nakita ang panginginig ng panga niya at ang pamumuo ng lungkot sa mata niya.“Hindi,” sagot niya, mariin. “Wala sa mga sinabi nila ang totoo. Wala
Tahimik ang buong bahay matapos ang pag-uusap namin. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si TJ na unti-unting humihikab. Nakapulupot pa rin ang maliit niyang braso sa leeg ng papa niya, parang ayaw nang kumawala.“Tulog na, anak,” mahina kong bulong.Si Troy ang marahang humiga sa tabi ni TJ, akay-akay ang ulo ng bata. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni TJ mula sa leeg niya at inayos ang kumot. Tinakpan niya ang bata mula dibdib hanggang paa, saka marahang hinaplos ang buhok nito.“Matagal ko nang pinangarap na ganito,” narinig kong sabi niya, halos pabulong.Hindi ako sumagot. Pinagmamasdan ko lang ang paraan ng pagtingin niya kay TJ—puno ng pangungulila, panghihinayang, at pag-ibig na itinatago niya sa limang taong lumipas.Nang tuluyan nang pumikit ang anak namin, tumayo si Troy at marahang lumabas ng kwarto. Sumunod ako, sinarado ko ang pinto nang dahan-dahan. Nasa hallway na siya, nakasandal sa dingding, nakatingin sa sahig na parang may mabigat na pasan.“Emie…
Nakita ko ang mga mata ni TJ— nanlalaki, matatalim, at punô ng katanungan. Hindi pa siya nakakausap ng malinaw si Troy, pero parang ramdam niya na may naiiba. May bahid ng lungkot, takot, at pagkasabik sa iisang tingin.“Baby…” bulong ko, dahan-dahang lumapit siya sa gilid ng kama. “T-TJ, halika… dahan-dahan lang, okay?”Ngumiti siya nang kaunti, hindi dahil natutuwa, kundi dahil natatakot. Ngunit ang takot na iyon ay hindi hadlang sa kanyang kumpiyansa. Parang alam niya na kahit may takot, may proteksiyon sa paligid niya.Si Troy, nanatiling nakaluhod, pinilit hawakan ang mata ng anak niya. Subalit napansin ko ang kaba sa mga galaw niya—ang bawat hinga, ang bawat titig, parang kinikimkim niya ang limang taon ng pangungulila.“H-Hi… TJ, it's me again,” nanginginig na boses niya, halos bulong.Tumigil ang puso ko sa isang iglap. Ang limang taong lumipas ay parang bumabalik sa isang sandali lang. Ang bata, ang ama niya, at ako—lahat sa iisang silid, nagtatagpo muli pagkatapos ng mahaban
Tahimik ang buong biyahe pauwi. Wala ni isa sa amin ang nagsalita—hindi si Mama, hindi sina Kuya Harold at Harvey, at lalo na ako. Sa likod, nakayakap si TJ sa stuffed toy niyang aso, pero ang tunog ng paghikbi niya ang mas naririnig ko kaysa sa tunog ng makina ng sasakyan.Parang ang bigat-bigat ng hangin na hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kanina lang, sa mismong lamay ni Papa Apollo, unang nakita ni TJ ang ama niya. At ngayon, ilang oras pa lang ang lumilipas, pero hindi pa rin nawawala sa tenga ko ang boses ng anak ko habang umiiyak—habang paulit-ulit niyang sinasabing “Papa… Papa…”At ang sakit. Sobrang sakit.Pagbaba namin ng sasakyan, si TJ ang unang bumigay. Mabigat ang hakbang, nanginginig ang balikat, tapos tuluyan na siyang umiyak nang malakas.“M-Mama… si Papa… bakit po hindi siya sumama?”Niyakap ko agad siya, halos gumuhit ang kuko ko sa likod ng damit niya dahil sa higpit ng pagkakakapit ko.“Anak… kailangan niyang manatili ro’n.”“Pero gusto ko pong s
“Emie,” mahina pero mariing bulong ni Mama Cynthia sa akin, “halika. Sandali.”Bago pa ako makapagtanong, hinila niya ako palayo. Hindi basta hila—kundi parang pagtakas. Parang may ayaw siyang makita. Parang may iniiwasan kami.Nilingon ko si Mama Estella, si Kuya Harold, tsaka si Harvey. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila pero tumango lang si Kuya, na parang sinasabing sige, sumunod ka muna kay Cynthia. Si TJ naman ay naiwan kay Troy, si Troy na halatang hindi pa rin makapaniwala na may batang nakayakap sa kanya.Habang naglalakad kami ni Cynthia, narinig ko ang sunod-sunod na click ng mga camera, ang bulungan ng mga tao, at ang mga masamang tingin na hindi ko alam kung saan galing—sa kanila ba o ako lang ang nag-i-imagine. Sa bawat hakbang namin, lalo pang lumalayo ang ingay, pero hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko.Pagdating namin sa gilid ng malaking bahay, malayo sa mga mata ng tao, saka lang binitawan ni Mama Cynthia ang kamay ko. Halos mapaupo siya sa hagdan ng maliit na
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang balitang natanggap namin. Parang hindi totoo. Parang isa lang itong masamang panaginip na sana paggising ko ay mawawala na. Pero pagdilat ng mata ko, naroon pa rin ang sakit. Ang bigat sa dibdib. Ang katahimikan ng buong bahay na parang pinagsakluban ng ulap.Patay na si Papa Apollo.Ang taong ilang beses sinabi sa akin noon na kailangan kong maging matapang. Ang taong nagsabi sa akin noon na may lugar ako sa pamilya nila. Ang lalaking itinuring kong pangalawang ama. Ngayon, wala na. Tinanggal mula sa mundong ito nang parang wala lang. Wala kaming detalye, wala paliwana, pero sa loob-loob ko—Alam kong hindi iyon aksidente gaya ng sinabi ni Mama Cynthia.At ngayon, narito ako. Nakatayo sa harap ng malaking gate ng mga Arizcon. Ramdam ko ang presensiya ng mga kamera at taong nag-aabang sa gilid. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamay o dahil sa presensiya ko. O baka pareho. May mga b







