LOGINHindi na bago ang lugar. Hindi na bago ang pasilyo. Hindi na bago ang pakiramdam ng paglalakad papunta sa isang silid na kayang baguhin ang direksyon ng lahat.Pero sa pagkakataong ito ay iba.Mas mabigat.Mas tahimik.At mas malinaw ang kapalit.Dalawang buwan.Dalawang buwan na halos hindi kami natulog. Dalawang buwan na walang tigil ang galaw—mula sa hilaga hanggang timog, mula sa mga lungsod hanggang sa pinaka-liblib na barangay.Dalawang buwan na pinatunayan namin na kaya namin.At ngayon ay nandito na ulit ako. Sa harap ng parehong pinto. Huminto ako sandali bago kumatok. Hindi dahil nagdadalawang-isip ako. Kundi dahil alam kong pagpasok ko ay hindi na ito tungkol sa pagpapatunay.Kundi sa pagpili.Kumatok ako.“Come in.”Parehong boses.Parehong bigat.Pagpasok ko ay naroon siya—nakatayo sa tabi ng bintana. Nakatingin sa labas. Tulad ng dati.Tahimik.Hindi niya ako agad hinarap. Hindi niya ako agad kinausap. Pero ramdam ko na alam niya na nandito na ako.“Two months,” sabi niy
Hindi ko hinabol ang mundo.Pero ngayon—parang ang mundo na ang lumalapit.Hindi na lang ito usapin ng bansa. Hindi na lang ito usapin ng lungsod. At lalong hindi na ito usapin ng isang proyekto.Dahil sa loob lamang ng ilang linggo matapos ang nationwide rollout ng Aether Grid—nagbago ang lahat.Hindi lang sa loob. Kundi pati sa labas.Nagsimula iyon sa mga balitang hindi ko naman pinapansin. Mga international articles. Mga segment sa foreign news. Mga analyst na hindi ko kilala pero pinag-uusapan ang sistemang binuo namin.“Aether Grid: A Model for Modern Urban Security”“A Nation Connected: How One System Changed Public Safety”“Arizcon’s TJ Arizcon Gains Global Attention”Hindi ko hinanap ang mga iyon. Pero sila ang kusang dumadating.Sa opisina.Sa email.Sa mesa ko.Sa bawat araw na dumadaan.“Sir, may request na naman po.”Napatingin ako kay Melvin. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano iyon. Alam ko na.“International na naman ba?” tanong ko.Tumango siya. “Tatlo po, as of
Hindi agad natapos ang katahimikan matapos ang huling sagot ko.Hindi iyon iyong klaseng katahimikan na awkward o walang laman.Ito ay katahimikan na sinusukat.Parang bawat segundo ay may bigat. Parang bawat hinga ay may katumbas na desisyon.Nakatayo pa rin siya sa harap ko. Hindi gumagalaw. Hindi rin nagsasalita. Pero ramdam ko na iniisip niya ang bawat sinabi ko. At sa ganitong klaseng tao, hindi sapat ang magandang sagot.Kailangan totoo.“Dahil buong bansa na ang kailangang naka-connect sa core ng Aether Grid…”Sa wakas ay nagsalita siya.“…kailangan ng panahon para doon.”Huminga ako nang malalim bago sumagot. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ng sagot.“Dalawang buwan,” sabi ko.Napatingin siya sa akin. Hindi nagbago ang ekspresyon. Pero alam kong nakikinig siya nang mas mabuti ngayon.“Kung makikipag-isa ang bawat local government unit,” dugtong ko, “baka isang buwan lang.”Hindi ako nag-explain pa. Hindi ko pinalawak. Alam ko na sapat na iyon. Naglakad siya nang bahagya. “C
Hindi ako nagmadali.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari ay pinili kong hindi magmadali. Hindi dahil may oras ako. Kundi dahil alam kong hindi ito isang meeting na pwedeng madaliin.Ito ang klase ng usapan na binabago ang direksyon ng lahat. At sa ganitong klaseng sandali ay hindi ka dapat nagmamadali.Maaga akong nagising. Mas maaga kaysa sa alarm. Mas maaga kaysa sa pagsakop ng liwanag sa madilim na kalangitan. Tahimik pa ang buong bahay. Walang galaw. Walang ingay. Pero ramdam ko na gising na rin ang isip ko bago pa man ako bumangon.Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa kisame. Hindi dahil nagdadalawang-isip ako. Kundi dahil inaayos ko ang sarili kong pag-iisip.Hindi pwedeng pumasok ako sa meeting na ito na may kahit anong kalabuan sa isip ko.Kailangan malinaw.Kailangan kontrolado.Kailangan handa.Pagbangon ko ay dire-diretso na. Naligo at naghanda.Walang unnecessary na galaw. Walang distractions. Paglabas ko ng kwarto ay naroon na si Mama.Nasa kusina.
Hindi ako agad bumaba ng sasakyan. Matapos maputol ang tawag ay nanatili lang ako roon. Nakatitig sa windshield. Nakatitig sa mga ilaw ng lungsod na unti-unting dumadaan.Pareho pa rin ang itsura. Pareho pa rin ang galaw. Pero hindi na pareho ang ibig sabihin. Huminga ako nang malalim.Hindi na ito tungkol sa proyekto. Hindi na ito tungkol sa lungsod.Ito na ang susunod na hakbang.At sa pagkakataong ito ay hindi na ako pwedeng mag-isa. Pagdating ko sa opisina ay hindi na ako dumiretso sa sarili kong floor.Diretso ako sa Aether Grid core.Hindi pa ganoon kalalim ang gabi pero buhay pa rin ang buong system. Mga screen na umiilaw. Mga data na gumagalaw. Mga tao na abala sa kani-kanilang trabaho.Sa gitna ng lahat ng iyon naroon siya.Si Samantha.Nakatayo sa harap ng main display. Nakatingin sa real-time feed ng lungsod. Tahimik at halatang mong focused siya. Para bang wala nang ibang umiiral kundi ang system.Hindi ko siya tinawag agad. Ilang segundo akong nakatayo lang sa likod niya.
Hindi ko hinabol ang atensyon. Hindi ko hinabol ang pangalan. Hindi ko hinabol ang pagkilala. Pero dumating pa rin.Sa loob ng ilang linggo matapos maging stable ang Aether Grid ay hindi na lang lungsod ang nakatingin.Kundi buong bansa.Nagsimula sa maliliit na balita. Mga segment sa umaga. Mga articles online. Mga analyst na nag-uusap tungkol sa “bagong sistema ng seguridad.”Hanggang sa lumaki.“Aether Grid: The System That Changed a City”“The Man Behind the Grid: TJ Arizcon”“From Vision to Reality: A New Era of Public Safety”Hindi ko binasa lahat. Hindi ko rin pinanood. Pero hindi ko rin kayang iwasan.Sa opisina ay may mga tawag. May mga imbitasyon. May mga request.Interviews. Panels. Features.Isa-isa kong tinanggihan. Hindi dahil ayaw ko. Kundi dahil hindi ko kailangan. Pero may isang hindi ko pwedeng tanggihan.“PrimeLine.”Isa sa pinakasikat na talk show sa buong bansa. Hindi lang dahil sa ratings. Kundi dahil sa influence.“Sir, confirmed na po,” sabi ni Melvin habang in
Tahimik ang buong biyahe namin palabas ng mansyon.Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa takot, o sa dami ng tanong na umiikot sa isip ni TJ kaya hindi siya nagsasalita. Nakaupo siya sa passenger seat, nakatingin sa bintana, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Masikip ang hawak niya
Mag-umpisa ito sa sandaling tuluyan nang bumigay ang mundo ni Heidi.Hindi sa pagsabog.Hindi sa sigawan.Kundi sa isang tunog na halos hindi marinig—isang mahina, tuluy-tuloy na paghinto ng mga makina.Sa wrist console ko, isa-isang namatay ang mga indicator.“Core isolation confirmed,” sabi ni Ra
Nag-umpisa ito sa tunog ng mga sirena. Hindi sa labas ng hideout namin. Kundi sa live feed na nakabukas sa harap ko.Alas-dos ng madaling araw nang magsimulang gumalaw ang mga sasakyan sa driveway ng mansyon ni Heidi. Hindi na ito ang dating tahimik at kontroladong teritoryo niya. Ngayon, pinapalib
Hindi na kami natulog.Mula madaling-araw hanggang sa lumalim ang gabi, walang tumayo sa kani-kanilang pwesto maliban kung kailangang magpalit ng kape o mag-unat ng likod sa loob ng ilang segundo.Ang buong hideout ay naging parang control room ng isang operasyong mas malaki kaysa sa kaya naming da







