Inicio / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 68 - Gyera

Compartir

Chapter 68 - Gyera

Autor: GRAY
last update Última actualización: 2025-11-30 21:59:38

“Emie,” mahina pero mariing bulong ni Mama Cynthia sa akin, “halika. Sandali.”

Bago pa ako makapagtanong, hinila niya ako palayo. Hindi basta hila—kundi parang pagtakas. Parang may ayaw siyang makita. Parang may iniiwasan kami.

Nilingon ko si Mama Estella, si Kuya Harold, tsaka si Harvey. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila pero tumango lang si Kuya, na parang sinasabing sige, sumunod ka muna kay Cynthia. Si TJ naman ay naiwan kay Troy, si Troy na halatang hindi pa rin makapaniwala na may batang nakayakap sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Cynthia, narinig ko ang sunod-sunod na click ng mga camera, ang bulungan ng mga tao, at ang mga masamang tingin na hindi ko alam kung saan galing—sa kanila ba o ako lang ang nag-i-imagine. Sa bawat hakbang namin, lalo pang lumalayo ang ingay, pero hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko.

Pagdating namin sa gilid ng malaking bahay, malayo sa mga mata ng tao, saka lang binitawan ni Mama Cynthia ang kamay ko. Halos mapaupo siya sa hagdan ng maliit na
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Elle
puro dika na matatakot eh isa isa n nga kayong tinutumba. dapat maging maingat at may mga hakbang ka ng gingawa at isa pa hanggat matatago mo ang anak mo gawin mo dahil baka iyan ang isunod
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 135 - New Hideout

    Tahimik ang paligid nang tuluyan kaming pumasok sa bagong hideout.Hindi ito katulad ng dati naming tinirhan—mas malawak, mas moderno, mas organisado. Halatang hindi ito basta taguan lang. Isa itong pasilidad na idinisenyo para sa digmaan. Makakapal ang pader, walang bintana sa pangunahing bahagi, at ang ilaw ay malamig—puti, walang emosyon, parang paalala na dito, bawal ang kahinaan.Huminto ang sasakyan sa loob ng isang underground bay. Kaagad itong sinalubong ng ilang armadong lalaki at babae, lahat ay naka-itim, lahat ay alerto. Hindi sila nagtaas ng baril, pero ramdam ko ang pagsusuri sa bawat galaw namin.Bumukas ang pinto at nauna si Troy na bumaba. Sumunod ako, kasunod si Charm.Sa sandaling tumapak ang paa ko sa sementadong sahig, alam kong wala na kaming atrasan.“Welcome back, sir,” sabi ng isang lalaking nasa hulihan, diretso ang tindig. Halatang may ranggo. “Handa na po ang briefing room.”Tumango si Troy. “Good. Tipunin mo lahat ng core team.”“Yes, sir.”Habang naglalak

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 134 - Mahal Pa Rin Kita

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang unti-unting umaandar palayo sa hideout. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang kontroladong paghinga naming dalawa—parang parehong may iniiwasang banggitin, parehong may binabantayang emosyon.Nakatanaw ako sa bintana, pinapanood ang mga ilaw ng siyudad na isa-isang nilalamon ng dilim. Pakiramdam ko, bawat metro na nalalayo kami ay isa ring piraso ng dating buhay na tuluyan nang iniiwan.“Hindi ba tayo makikita ni Heidi nito?” tanong ko, binasag ang katahimikan. Hindi ko siya tinitingnan, pero ramdam kong nakatuon ang pansin niya sa akin at ang mga mata niya naman ay nasa daan.“Higit pa sa triple ang mga nakabantay sa atin mula sa malayo,” sagot ni Troy, kalmado ang boses, parang normal lang ang lahat. “Hindi lang mga tao. May mga mata rin tayo sa system niya. Kahit gumalaw ang anino, malalaman natin.”Tumango ako, kahit hindi niya nakikita. Alam kong totoo ang sinabi niya. Si Troy ang klase ng lalaking hindi nagsasalita kung

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 133

    Matagal akong nakatayo sa gitna ng sala, hawak ang phone ko, nakatitig sa pangalan ni Troy sa screen. Isang pindot lang ang pagitan ng katahimikan at ng panibagong yugto ng gulo. Isang pindot lang, at tuluyan ko nang isinasama siya sa digmaang matagal ko nang tinatahak—kahit hindi niya alam ang buong katotohanan.Huminga ako nang malalim.Ito ang desisyong hindi na puwedeng ipagpaliban.Pinindot ko ang call.Isang ring.“Emie?” sagot niya, agad. Walang tanong kung bakit ako tumatawag. Parang alam na niya.“Kailangan kitang makausap,” sabi ko, diretso. “Now.”Sandaling katahimikan sa kabilang linya. Narinig ko ang mahinang ingay sa background—mga boses, marahil ay opisina pa rin.“Nasaan ka?” tanong niya.“Sa hideout.”“Okay,” sagot niya. “Magsalita ka.”Humigpit ang hawak ko sa phone. Pinili kong maging kalmado, kahit ang loob ko ay parang hinihila sa magkabilang direksyon.“Pumayag na ang ibang leaders,” panimula ko. “Papayag na sila sa joint operation laban kay Heidi.”“Good,” sagot

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 132 - Kondisyon Ng Mga Leaders

    Pagdating ko sa hideout, agad kong naramdaman ang bigat na hindi ko naiwan sa labas ng pinto.Hindi ito simpleng pagod. Hindi rin ito takot lang. Isa itong klase ng bigat na alam mong may kasunod na desisyon—at kahit anong piliin mo, may masasaktan.Isinara ko ang pinto sa likod ko at agad kong tinanggal ang sapatos ko. Tahimik ang buong lugar, pero alam kong hindi talaga kami nag-iisa. Ang bawat sulok ng hideout na ito ay may mata, may tenga, may alaala ng mga planong minsan nang nagtagumpay at minsan ding nauwi sa dugo.Naroon si Charm sa harap ng monitors, naka-upo, seryoso ang mukha. Hindi na niya ako kailangang tingnan para malaman niyang dumating na ako.“Hindi naging tahimik ang araw mo,” sabi niya, hindi tanong kundi obserbasyon.“Hindi kailanman,” sagot ko habang inilalapag ang bag ko sa sofa.Huminga siya nang malalim at tumayo. “Kailangan na nating tawagan si Valeria.”Tumango ako. Alam kong iyon ang susunod na hakbang. Wala nang paligoy-ligoy pa. Ang oras ay kalaban na nam

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 131 - Progreso

    Pagkababa ko ng sasakyan, hindi na nagtagal si Gio.Isang tango lang, isang ngiting may halong kaba at pananabik, saka siya umalis—parang gusto niyang ipakita na kaya niyang maging “kaswal,” kahit malinaw sa kilos niya na mas marami na siyang iniisip kaysa kanina.“Text me when you get home later,” sabi pa niya bago tuluyang sumara ang bintana ng kotse.Tumango lang ako. “Sure.”At ganoon lang—umalis siya, iniwang mag-isa ang katawang sanay nang magpanggap, pero ang isip ay palaging ilang hakbang ang layo sa kasalukuyan.Huminga ako nang malalim at napairap sa kawalan, nakakapanindig balahibo! Pumasok na ako sa building.Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko agad na parang may mali. Parang may nakabantay na mata, parang may hanging hindi gumagalaw.At hindi nga ako nagkamali.Kakalabas niya lang ng elevator nang makita ko siya.Si Heidi.Nakatayo siya roon na parang kanina pa naghihintay, suot ang mamahaling blazer niya, buhok na perpektong nakalugay, at ang ekspresyong hindi mo al

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 130 - Umaayon Sa Plano

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang umaandar kami palayo sa building.Hindi awkward—pero hindi rin komportable.May katahimikang parang sinasadya. Iyong uri ng katahimikan na alam mong may gustong sabihin ang isa sa inyo, pero pareho ninyong hinihintay kung sino ang unang bibitaw.Si Gio ang unang nagsalita.“So, saan mo gusto?” tanong niya, isang kamay ang nasa manibela, ang isa ay relaxed na nakapatong sa gilid.“Kung saan ka sanay,” sagot ko. “Wala naman akong preference. Iyong sa malapit na sinabi mo na lang siguro.”Tumango siya. “May isang place akong alam. Simple lang. Hindi fancy.”“Okay,” sagot ko ulit.Normal.Iyon ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Normal. Dapat normal lang ito. Lunch lang. Dalawang taong magkasabay kumain. Walang mas malalim. Walang mas mabigat.Pero alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko.Hindi dahil kay Gio—kundi dahil sa plano.Pagdating namin sa restaurant, isang maliit pero maaliwalas na lugar malapit lang sa opisina, agad niya ako

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status