Share

Undying Memories
Undying Memories
Author: Cactushoney

Chapter 1

"The Dominican Hill Retreat House was built in 1913 atop a hill in the famed Philippine City of Pines." Panimula ng tour guide namin dito sa Dominican hotel sa Baguio.

"The Japanese secret police, the Kempeitai, committed terrible acts of brutality, massacring, raping, and torturing many of the inhabitants, and even decapitating nuns and priests," dugtong pa nito habang patuloy kaming naglalakad sa isang lumang hotel na ito. Ang ilan sa mga pinsan ko ay kumukuha ng litrato at ang ilan naman ay kumukuha ng video habang kapit-kapit sila na animo'y mga takot talaga.

Patuloy kong iginagala ang paningin sa paligid. Kung matatakutin siguro akong tao masasabi kong ang creepy ng lugar na ito, dahil sa sobrang luma na at may ilang bitak sa pader. 

Family reunion namin at naisipan nilang sa Baguio kami mag-stay. Pangalawang araw na namin ngayon at naisipan ng mga magagaling kong pinsan na rito magpunta habang ang mga matatanda ay nagpa-iwan sa hotel. Dominican hotel was one of the top 10 historical and hunted places in the Philippines, dahil gusto nilang takutin ang sarili nila ay nagpunta kami rito. 

Pero ako? Wala naman akong nakikitang nakakatakot sa lugar na ito, para sa akin isa lang itong pangit at lumang lugar na pinabayaan na ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit gano'n matakot ang mga pinsan ko kapag pinag-uusapan nila ang lugar na ito.

"Palagi niyo lang tatandaan na kung ano man ang makikita at maririnig ninyo sa kahit saan lugar na katulad nito, ay 'wag ninyong papansinin o babatiin. Maraming ligaw na kaluluwa ang namamalagi sa mga lugar na katulad nito, kaya manatili kayo na sama-sama." Napairap ako sa sinabi niya. Duh! As if naman may makita kaming kakaiba rito maliban sa lumang pader na akala mo binalot na ng lumot.

"Quinn, hindi ka ba talaga natatakot? Tingnan mo, nagtatayuan na mga balahibo namin." Bulong sa akin ni Finley, habang ipinapakita ang braso niya.

"Sa totoo lang inaantok na ako." Tamad kong sagot dito at humikab. Ang boring naman kasi ng gusto nilang gawin, sana nag-stay na lang din ako sa hotel at nanood, kaysa rito napapagod lang ako sumunod sa kanila.

Ginulo ko ang buhok ko habang tamad na nakatingin sa harapan, hindi ko na alam ang iba pang sinasabi ng tour guide basta gusto ko na lang umuwi. 

Bumagal ako ng lakad hanggang sa huminto ako at sila ay lumiko na. Dahil sa abala silang lahat ay hindi nila napansing hindi na ako nakasunod sa kanila. Hindi ko napigil ang sarili kong matawa habang pabalik sa dinaanan namin kanina. Alas-tres pa lang ng hapon kung kaya't maliwag pa ang daan, naaalala ko pa naman kung saan ang dinaanan namin kanina kaya nagmadali na ako.

I don't believe in ghost, kaya hindi ako takot mag-isa na lumakad sa lugar na ito, ang mga pinsan ko lang naman ang mahilig takutin ang sarili nila sa mga bagay na hindi pa naman nila nakikita. Paminsan nag-uusap pa sila ng mga tungkol sa multo tapos matatakot, ewan ko ba sa kanila. Lalakas ng sapak sa utak.

"Nasaan na ba ako?" Bulong ko sa sarili ng hindi ko na alam kung saan na ba ako napunta. Hindi ko naman akalain na ganito pala ito kalaki, ang daming likuan at lagusan papunta sa kung saang bahagi. 

Dahil lumang-luma na ang pader pakiramdam ko paikot-ikot at pabalik-balik na lang ako rito. Dahil sa pagod ko kakahanap ng daan palabas ay sa bintana na lang ako dumaan, para mapunta sa isang lumang fountain at doon umupo. Gusto ko sanang tawagan sila Finley, ang problema hawak nila maging ang cellphone ko at ginamit pangkuha ng mga litrato.

Napabuntong hininga pa ako at napayuko para sana mag-isip ng pwede kong gawin. Hindi ko rin mahanap ang mga pinsan ko, malamang nasa ibang parte na sila ng lugar na ito. 

Muli akong tumayo, paalis na sana ako ng pamansin ang isang kulay ginto na nakalapag sa Fountain. Lumingon pa ako sa paligid kahit alam ko naman na walang tao bago ako yumuko para tingnan itong mabuti. 

Kumikinang pa ito sa tama ng araw kaya binalak ko itong kuhanin nang bigla akong nakarinig ng ingay mula sa loob. Agad akong napatingin doon at napansin ang isang babae na nakaputing dress na tumatakbo.

"Sandali!" Pigil ko rito at hinabol siya, nakita ko ang pag-akyat nito kaya agad akong sumunod. Baka sakaling alam niya palabas dito o kahit sa mga kasama ko na lang.

Dahil sa kalumaan ng lugar na ito, maging ang hagdan ay bitak-bitak na rin kung kaya't nahirapan talaga akong makaakyat, narinig ko rin kanina na bawal daw umakyat dahil may tendency na bumigay ang mga bato dahil sa rupok at kalumaan ng hotel na ito.

"Ate?" Tawag ko sa babae habang sinisipat ang bawat pader dito. Maging ang mga pader ay may bitak na rin at parang konting push na lang ay bibigay na ito. 

Dahan-dahan akong lumakad para hanapin ang babaeng ito. 

"And'yan ka lang pala." Natuwa pa ako ng makita siyang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. Kulay puti ang damit nito na may kalumaan na, baka isa siya sa nagbabantay sa lugar na ito at sa sobrang alikabok nadumihan na ang damit niya.

"Ate alam mo ba kung saan ang daan palabas?" Mahinahong tanong ko rito nang napahinto ako sa likuran niya. Hindi siya lumingon sa akin o nagsalita manlang, itinuro niya lang ang kamay niya sa bandang kaliwa, lumingon pa ako roon at ibinalik ang tingin sa kaniya na nasa malayo pa rin ang tanaw. Malamang kung matatakutin ako iisipin ko na multo siya kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya, pero mukhang hindi naman baka nahihiya lang siya sa akin.

"S-salamat," saad ko rito at yumuko pa ng kaunti. Palakad na sana ako ng mapansin ko ang kuko niya, nakaturo pa rin kasi ito kaya tanaw ko ang nangingitim na kuko nito at ang maputlang balat. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko at lumakad na patungo sa tinuro niya. 

Luminga-linga pa ako para maghanap ng daan pababa pero puro bintana lamang ang narito. Wala ng takip ang bintana kaya malalaking butas ang makikita, dumungaw pa ako sa ibaba at lumingon sa kanina niyang kinatatayuan, pero wala na siya. Aalis rin naman pala hindi pa ako sinama.

Napapikit ako at kumawala ng isang malalim na paghinga, kasabay ng pag-ikot ko ang pagdilat ng mga mata ko, pero agad akong napasigaw at muling napapikit sa nasilayan ko. 

Mabilis ang tibok ng puso ko at maging ang tuhod ko ay nanginginig. Napaatras ako sa sobrang gulat, dahilan ng pagbagsak ko paibaba. Agad akong namilipit sa sakit dulot ng pagkakahulog ko, rinig ko pa ang ingay na dulot nito.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit nanlalabo ito. Isang napakaliwag na paligid ang bumungad sa akin kahit pa man hindi malinaw ang nakikita ko, ay pakiramdam ko nasa isang mamahaling hotel ako. 

Nag-umpisa ang ingay sa paligid, mga usapan ng iba't ibang tao, paghila ng bagahe, paglalakad at tawanan. Dahil sa hilo ay muli akong napapikit, nais kong humingi ng tulong pero hindi kayang bumuka ng bibig ko, hindi ko rin maigalaw ang katawan ko.

"Buhay pa ba siya?" Rinig kong tanong ng isang babae at sa palagay ko ay may katandaan na ito.

"Sa palagay ko, hindi naman ganoon kataas ang pinaghulugan–aray! Bakit ba?" Reklamo ng isang matandang lalaki.

"Ipatawag mo na agad si Cora, malalagot tayo kay sir Florence kapag siya pa ang nakakita d'yan," utos ng babae at rinig ko pa ang yapak nila paalis. 

Muli kong idinilat ang mga mata ko at sa puntong ito ay may ilan na akong naaninag sa paligid. Umiikot man ang paningin ay labis ang pamamangha ko sa ganda ng lugar na ito, pakiramdam ko ay nasa isang five-star hotel ako dahil sa ganda ng paligid.

Nais ko pa mang pagmasdan at alalahanin ang mga nakikita ko, pero hindi na kinakaya ng mga mata ko, pilit kong dilat ay pilit na pagbagsak ng talukap ko.

Nais ko pang labanan ngunit tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
adiwahyubowo
Can't wait for the next updates!!! This is so great! I wish you could share any social media I could follow so I can send you lots of love!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status