Share

CHAPTER 03

"Hanggang dito na lang Mister." wika ko ng makarating kami sa paradahan. "Ano nga pa lang pangalan mo?" 

"I'm Hunther." walang buhay na boses niyang sagot. "Ito lang ba ang sasakyang mayroon dito? Wala bang kotse or van?"

Natawa ako sa tanong niya. "May nakita ka bang nakaparadang kotse o van?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Tss." anito. 

"Okay, hanggang dito na lang Mister Hunther. Nawa'y hindi na tayo magkitang muli." wika ko, bago sumakay sa isang tricycle na papa-alis na. 

"I hope so." tugon niya bago tuluyang maka-alis ang tricycle na kinaruruonan ko.

...

Nang makarating ang tricycle sa university ay bumaba na ako at nagbayad ng pamasahe. Habang naglalakad papuntang classroom ay nakasabayan ko si Marie.

"Hey girl!" masiglang bati nito sa akin, tinanguan ko lang ito hindi kagaya ng dati na babatiin ko rin pabalik kapag binati niya ako. "May problema ba?" tanong niya.

"Wala naman." matamlay kong sagot.

"Wait, what's this? Bakit may pasa ka?" naghihistrikal niyang sabi sa akin at iniangat ang kamay ko at ipinakita sa akin ang sarili kong pulso na ngayon ay bahagyang nangingitim na.

"Wala, nauntog lang." palusot ko.

"Are you nuts? Sinong sira ulo ang iuuntog ang wrist?" sarkastiko nitong tanong.

Bumuntong hininga ako at binawi ang sariling kamay. "Wala 'to hayaan mo na lang." 

"Haiist, bahala ka. Pero punta muna tayo ng cafeteria para bumili ng cold compress para diyan sa pasa mo." anito, tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

...

"Ouch!" d***g ko ng idampi ni Marie ang cold compress sa may pasa ko.

"Duh! Magtigil ka nga riyan, kasalanan mo naman kung bakit ka may pasa." nangangaral nitong sabi. 

'Kung alam mo lang Marie, kung alam mo lang.'

"Marie?" tawag ko sa kaniya.

"What?" 

"Nakuha na ba ang first kiss mo?" mahinang tanong ko.

"Yes, of course." sagot niya ng nakangiti at tila kinikilig.

"Kanino mo ibinigay?" maang kong tanong.

"Siyempre sa boyfriend ko." aniya, napakamot ako sa ulo ko. "Bakit nakuha na rin ba ang first kiss mo?" nanunudyo niyang tanong.

Alanganin akong tumango sa kaniya bilang sagot, napangiti ito at mukhang kinilig dahil sa sinabi ko. Tuwang tuwa siya. "Shocks! Bakit may boyfriend ka na? Bakit hindi mo man lang sa akin sinabi?" dahil sa tuwa nito ay naidiin niya ang cold compress sa wrist ko kung kaya napangiwi ako at napadaing. "Sorry." 

"Wala." nahihiyang sagot ko, nanlaki ang mga mata nito.

"Kung wala kang boyfriend paano nakuha ang first kiss mo?" 

"Hinalikan ako." inosente kong sagot dahilan para hampasin niya ako sa braso kung saan ang hinawakan ni Hunther kanina. Napangiwi ako at halos maiyak pero hindi ko ipinahalata.

"Ano nga?" 

"May lalaking humalik sa akin." mahinang sabi ko. "Hindi ko siya boyfriend. Kinuha niya ang first kiss ko." tila nagsusumbong kong sabi sa kaniya.

"Omg! For real?" napapatili pa niyang tanong.

"Huwag kang ganyan, masama sa kalooban ko dahil nawala na ang first ko kinikilig ka pa diyan." naiinis kong sabi.

"Okay lang 'yan, gwapo ba ang humalik sa'yo?" 

Napaisip ako, sasabihin ko bang oo? Baka sabihin niyang may gusto ako sa lalaki kapag sinabi kong oo. "Hindi ah, hindi gwapo kaya nga masakit sa kalooban ko e." napapangiwi kong sabi sa kaniya na ikinangiwi rin niya.

"Yuck ka naman fren. Sana kung magpapahalik ka lang rin ay dapat sa gwapo." pangaral niya, napangiwi ulit ako dahil sa sinabi niya.

Kung gano'n maswerte ako dahil sa gwapo napunta ang first kiss ko? Antipatiko at wala nga lang respeto ubod pa ng sungit akala mo kung sino.

...

Pumunta na kaming dalawa ni Marie sa classroom pagkatapos no'n, ang bruha ay niloloko pa ako dahil baka mukhang unggoy raw ang nakahalik sa akin.

Nanahimik na lang ako at hindi na siya pinansin dahil alam ko naman ang totoo, haist kong alam lang niya.

Sana nga talaga ay hindi na kami muling magkita pa.

Masyado akong napuyat kagabi kung kaya hindi ako gaanong makapag-consentrate sa pag-aaral idagdag pang sumasagi pa rin sa utak ko ang nangyari kanina, ang pag-halik niya sa akin. 

"Miss Valerina!" napa-iktad ako dahil sa sigaw ng professor ko. "Focus." 

"Yes Sir." mahinang sagot ko, nakinig na ako dahil ayaw ko na ulit na mapagalitan. 

Lumipas ang buong araw sa klase ay pakiramdam ko ay kalahating katawan ko ang lutang. 

"Una na ako." paalam ko kay Marie, ngumiti ito at tumango.

"Sige bye." tinanguan ko lang siya bago umalis.

...

Pagkarating ko ng coffee shop ay hindi na ako nagulat sa sigaw ng manager. "Late ka na naman!" yumuko lang ako at hinayaan siyang dumada.

Pumunta ako sa counter pagkatapos mag-bihis, pilit akong ngumiti sa isang costumer. "What's your order Ma'am?" 

Nang masabi nito ang order ay ginawa ko na at ng matapos ay iniabot ko na ito sa kaniya. "Thankyou Ma'am, have a nice coffee." 

Nang uwian na at matapos na ang trabaho ko ay pagod akong pumara ng sasakyan nang may dumaan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. 

Huwag naman sana akong magka-sakit dahil iyon ang hindi pweding mang-yari.

Nang makarating ang sinasakyan ko sa tapat ng bahay ay bumaba na ako at nagbayad ng pamasahe. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa habang natutulog at habang nakasandal ang ulo niya. 

Lumapit ako dito at hinalikan siya sa noo. "Ma naman sinabi ko na sa'yo hindi ba? Huwag mo na akong hintayin sa pagdating." wika ko ng magmulat ng mga mata si mama.

"Ayos lang anak. Kumain kana ba?" umiling ako bilang sagot, naglakad kami ni mama papunta ng kusina.

Pinag-hain ako ng pagkain ni mama sa plato. "Anak sinabi ko naman sa'yo ako na lang ang magtratrabaho. Ayaw mong pumayag." 

Tumigil ako sa pagsubo ng kanin. "Ma paano kung sumakit ulit ang puso mo? Sinabi na ng doktor ma na hindi ka pweding mapagod kaya, dito ka na lang sa bahay ma. Hayaan mo na po ako." mahinahon kong sabi.

Bumuntong hininga ito. "Tignan mo 'yang sarili mo ang payat mo na anak, masyado ka nang napapagod. Magpahinga ka naman." 

Tumango lang ako at nag-patuloy na sa pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status