Share

CHAPTER 02

"Ma-masakit." reklamo ko, mas lalong tumalim ang mga mata nito dahil sa sinabi ko bago binitawan ang palapulsohan ko.

Sapo ko ang pulsuhan kong madiin niyang hinawakan dahil sa sobrang sakit, iyon pa naman ang kanang kamay ko.

Ang sama niya!

"Again. Why am I here?" tanong ulit niya at inilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto ko.

"Nakita kasi kita kagabi ng walang malay sa daan, pinilit kitang gisingin Mister pero hindi kita magising." kahit kinakabahan ay nagawa ko paring mag-salita at magpaliwanag.

"Where's my car?" tanong nito.

Mabilis naman akong umiling. "Wala akong kotse na nakita Mister." nakayukong sagot ko.

"Where's my phone?" tanong ulit nito, bakas ang iritasyon sa mukha niya.

"Wala rin akong nakita Mister." sagot ko.

"Darn it!" malakas at galit niyang sigaw na nagpa-iktad sa akin.

"Bakit hindi mo na lang ako pinabayaan doon sa kalsada? Ninakaw mo ba ang mga gamit ko at sinasabi mo lang na wala kang nakita?" galit na galit ang boses na tanong nito at mahigpit akong hinawakan sa braso.

Napapikit ako dahil sa sakit na hatid no'n. "Hindi Mister, maniwala ka wala akong kinuha o ninakaw. Tinulungan lang kita."

"Tell me the truth or else I'll kill you." galit nitong banta sa akin, lahat ng takot at kaba ko ay nawala dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal ng mukha mo mister!" galit kong wika. "Ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang may ganang mambintang. Dapat ka pa ngang magpasalamat dahil kung hindi dahil sa akin malamang sa malamang ay nasagasaan ka na roon sa gitna ng kalsada." pagpapalatak ko at buong pwersa kong tinanggal ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso ko.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng bumukas iyon at bumungad si mama na mukhang kagigising lang. "Anong nangyayari dito?"

"Gising na kasi itong si Mister, mama. Wala ito, huwag mo ng pansinin nagtatanong lang siya, magluto ka na po ng agahan." bahagya pa akong ngumiti, tumingin si mama kay mister at nag-aalangan pa kung aalis ba o hindi.

Pagka-alis ni mama ay hinarap ko si Mister. "Kung gusto mo ng umalis, umalis ka na Mister. Walang utang na loob." Inirapan ko ito at tumayo na, akmang maglalakad na ako ng hilain niya bigla ang pulsuhan ko dahilan para mapaupo ulit ako sa kama, hindi mali dahil sa hita niya ako napaupo.

"Ano ba, Mister?!" pasigaw kong tanong dahil sa gulat.

"What did you just say?" madilim ang mukhang tanong niya.

"Ang dami kong sinabi, alin doon ang gusto mong ulitin ko Mister?" inosente kong tanong, napangisi ako ng mas tumalim ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin.

"Sinabi mo bang wala ako-"

Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya. "Ah 'yun ba mister? 'Yong wala kang utang na loob? Totoo naman mister hindi ba? Wala kang utang na loob, ni magpasalamat ay hindi mo man lang magawa at nagawa mo pang pag-bintangan akong magnanakaw. Ha? Ang kapal ng mukha mong kumag ka!"

Akmang tatayo na ulit ako mula sa pagkaka-upo ng bigla niya akong ipahiga sa kama at ibabawan. "I need to clean your mouth." anito at pagkatapos no'n ay walang sere-seremonyang hinalikan ako sa labi.

Nang ilayo niya ang mukha sa akin ay tulala pa rin ako, lahat ng tapang ko ay nawala at biglang nag-laho. "Now, it's clean." anito bago umalis sa pagkaka-ibabaw sa akin at walang pasabing lumabas ng kwarto.

Antipatikong manyak!

Medyo naiinis pa ako bago lumabas sa kwarto at naglakad papuntang kusina ngunit natigilan ako ng makitang naka-upo si Mister sa upuang katapat ng mesa sa hapag.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" hindi ko maiwasang hindi mag-taas ng boses ng tanungin ko siya. Nilingon niya ako ngunit hindi naman siya nagsalita.

"Huwag kang ganiyan sa bisita anak. Sige na, kumuha ka na ng plato para sa ating tatlo at ilagay na riyan sa mesa dahil mag-aagahan na tayo." mahinahong utos ni mama.

Matalim ko munang tinignan si Mister bago kumuha ng tatlong plato at maging kutsara at tinidor at baso.

Magkatapat kami ng upuan ni Mister samantala si mama naman ang pinaggigitnahan namin.

Pareho kaming tatlo na tahimik na kumakain ng almusal, mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil nawalan ako bigla ng gana ng maalala ang ginawa niyang pag-halik sa akin.

"Ma tapos na po ako." wika ko bago tumayo, napatingin pa ako saglit kay Mister bago nagmamadaling umalis ng hapag.

Inihanda ko na ang susuotin kong uniform sa pag-pasok at kinuha ko na rin ang tuwalya ko bago lumabas ng kwarto at pumunta ng banyo.

Habang nagsi-sipilyo ay naalala ko na naman ang ginawa niyang pag-halik sa akin kanina. Wala na ang first kiss ko dahil kinuha na niya. Dapat ay sa mapapangasawa ko lang ibibigay ang unang halik ko ang kaso ay inangkin na niya kanina.

Nang matapos na akong maligo at magbihis ay ipinulupot ko ang tuwalya sa ulo ko at lumabas ng banyo. Bumalik ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko sa bag at para mag-suklay at mag-suot ng sapatos.

Lumabas ako ng kwarto na naka-ayos na at handa ng umalis dala-dala ko na rin ang bag ko. Natigilan ako ng makita si Mister sa sala at prenting naka-upo.

"Ano pang ginagawa mo rito?" masungit kong tanong sa kaniya.

Si mama ang sumagot sa tanong ko. "Makikisabay siya sa'yo sa paradahan ng sasakyan dahil hindi niya alam ang daan."

Tumango lang ako. "Ma, alis na po ako." paalam ko at lumabas na ng bahay ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Mister.

"Where are you going?" tanong nito na bahagyang ikinagulat ko ngunit hindi ko ipinahalata, himala naman yata at nag-salita ulit siya.

"Hindi ba halatang papasok ako sa eskwelahan?" sarkastiko kong tanong.

Pinasadahan naman niya ako ng tingin.

"So you're a college student?" tanong nito habang nakatingin sa... mabilis ko siyang sinuntok sa tiyan ng makitang nakatingin siya sa hinaharap ko.

"Ang manyak mo mister!"

"What? I'm not. Tinitignan ko lang ang name tag na nakapin sa gilid ng damit mo. Darn!" depensa nito, napangiwi naman ako.

"Okay sorry, akala ko kasi ano, e." nahihiyang sabi ko.

"You're not flat, you have a nice asset." mahina nitong sabi na hindi ko gaanong narinig. Hindi ko na lang pinansin kung ano man iyon.

______

RIALLANNE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status