Share

CHAPTER 05

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Tama ako ng pagkakarinig hindi ba?

"May saltik ka ba sa utak?" wala sa sariling naibulalas ko.

Nandilim ang mukha nito. "I'm serious woman, you will marry me as soon as possible and you need to agree with it." 

Bumuntong hininga ako ng makabawi na sa pagkagulat. "Paano kung hindi ako agree?" 

"You need to agree." matigas at mariin niyang sabi na para bang wala akong choice kundi ang omu-o.

Umiling ako. Kahit anong mangyari, hindi ako papayag. "Hindi ako magpapakasal sa'yo. Tapos ang usapan. Kung kaya mo lang ako sinundo dahil doon ay maaari mo na akong ibaba ngayon din." 

Saglit kaming nagkatitigan, nagsusukatan ng tingin at walang may gustong umiwas at bawiin ang tinginan sa isa't isa. 

Ito ang unang umiwas ng tingin, bago binuhay muli ang makina ng sasakyan.

"Hoy, ano ba?! Ang sabi ko ay bababa na lang ako." Pagpapalatak ko rito habang magkasalubong ang parehong kilay, ngunit hindi ito sumagot nanatili pa rin itong nakatingin ng seryoso sa daan habang nagmamaneho.

Wala akong nagawa kundi ang tumahimik na lang, sumandal ako sa sariling kinauupuan at napapikit ng mariin.

...

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, kung hindi lang dahil sa pagtapik nang kung sino sa akin ay malamang tulog pa rin ako, ramdam kong hindi na rin umaandar ang sinasakyan namin kung kaya ay napamulat ang mga mata ko at unang dumako iyon sa lalaking katabi ko.

"Good, you already awake." Malamig ang boses na anito, napaayos ako nang upo. Lumabas ito ng sasakyan kung kaya ay mabilis rin akong lumabas, handa na ang mga ipangbabato kong salita sa kaniya nang matigilan ako dahil sa nakita, napakaganda at napakalaki nang mansyon. 

"Anong ginagawa natin rito? Bakit mo ako dinala rito? Nababaliw ka na ba? Kinidnap mo ba ako?" Naghihistrikal at sunod sunod kong sabi sa kaniya, saglit lang ako nitong nilingon bago nagpatuloy sa paglalakad, naiinis akong humabol sa kaniya.

"Hoy kinakausap kita lalaki, anong ginagawa ko rito? At bakit mo ako dinala rito?" Halos umusok ang ilong ko sa pagtatanong sa kaniya, ngunit balewala niya lang ito. Nakakaini, nakakagigil.

Hanggang sa huminto kami sa tapat nang malaki at magarang pinto. Binuksan niya iyon at pumasok kami. Dahil sa galit ay sinipa ko siya sa paa. 

Natigilan ito at bago dahan-dahang napatingin sa deriksyon ko, madilim at walang emosyon ang mukha nito, nakaramdam ako ng kaunting takot ngunit pinatatag ko ang sarili ko. Masungit ko siyang tinignan.

"My name is Hunther, huwag na huwag mo akong kakausapin nang ganyan." Malamig at baritonong boses na anito, bakas ang autoridad mula roon.

Napalunok ako nang humakbang siya palapit sa akin, napaatras ako nang dalawang hakbang dahil sobrang lapit na nito sa akin, sa hindi malamang dahilan napakabilis nang tibok ng puso ko. 

Ilang dangkal na lang ang pagitan nang mukha namin ng ngumisi siya at nagsalita. "You will marry me, and you can't do anything about it." Matigas at malalim na boses nitong ani, bago idinikit ang labi sa akin, nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, naging mabilis ang nangyari hindi ko namalayan ang ginawa niyang pagkagat sa pangibaba kong labi bago siya tuluyang lumayo nang ilang dipa sa akin.

Napahawak ako sa labi ko nang malasahan ang tila kalawang na likido, tinignan ko ang daliri ko at nakitang may kaunting dugo roon. Galit ang mga matang ipinukol ko sa kaniya.

"Bakit mo ako hinalikan? Anong karapatan mong gawin sa akin 'yon?" Galit na galit kong sigaw sa kaniya, bago siya pinaghahampas ngunit balewala lang iyon sa kaniya, hinuli niya ang parehong kamay ko at hinila ako sa kung saan man.

Huminto kami sa living room ng mansion, itinulak niya ako kung kaya napaupo ako sa sofa, umupo siya sa kaharap kong upuan. 

"You need to marry me. Ibibigay ko ang lahat nang gusto mo, pakasalan mo lang ako." Mahinahon ngunit naroon ang riin.

Natigilan ako, bago ngumisi. "Hindi ako ganoon kababa, Hunther hindi porque mahirap ako ay mabibili mo na ako ng yaman mo. Mahalaga sa akin ang kasal kung kaya pwedi ba tantanan mo ako, dahil hinding hindi ako magpapakasal sa'yo." 

"It was just a married, pakakasalan mo lang ako at pagkatapos wala nang pakialaman, but you need to stay at my house." Halatang maiksi ang pasensiya nito, madaling mainis at magalit.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo, "kahit anong sabihin mo hindi ako magpapakasal, hindi ganoon kababaw ang kasal para sa akin kagaya nang kung paano mo ito isipin." 

...

Hindi ko alam kung saang lugar ito, hindi pamilyar sa akin at hindi ko alam kung papaano ako makakauwi, sigurado akong mag-aalala si mama kung hindi ako makakauwi. Ayaw sabihin ni Hunther kung nasaan kami, at kung saang lugar ito. Walang akong ibang pagpipilian kundi ang itext si mama at sabihing hindi ako makakauwi at may importante lang akong aasikasuhin.

Bumalik ako sa pagkakaupo, wala si Hunther at umakyat ito kanina sa hagdan mukhang alam nitong hindi ako makakaalis kung kaya iniwan niya ako, pakiramdam ko tuloy ay dinakip ako dahil sa ginagawa niya.

Hindi ako mapakali, tumayo ulit ako mula sa pagkakaupo at nilibot ang bahay, nagtingin tingin ako ng mga kagamitang mamahaling nandito. Lahat ay mamahalin nakakatakot hawakan dahil sa ganda at kintab. 

Napatingin ako sa tiyan ko nang marinig itong tumunog, kanina pa pala ako hindi kumakain, at ramdam ko na rin ang gutom. Napatingin ako sa relos ko, alas-dose na ng madaling araw.

Napaiktad ako mula sa pagkakatayo at kamuntikan ko ng masagi ang vase na katabi ko lang dahil sa nagsalita.

"Are you hungry?" Malalim at baritonong boses na tanong nito.

Lumapit ito at inayos ang muntik nang mahulog na vase bago ibinaling ang tingin sa akin. Kahit ayaw kong umuo ay wala akong nagawa dahil ang mismong tiyan ko na ang sumagot sa kaniya, wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Follow me." Seryosong boses na anito bago ako tinalikuran, wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad, hanggang sa makarating kami sa malaki at napakagandang kusina kung iyon ba ang dapat na itawag.

Napakayaman ng lalaking ito, kung mahal ko lang talaga siya ay pumayag na akong pakasalan siya, ngunit hindi e, hindi ko siya mahal at wala akong planong pakasalan ang isang kagaya niya.

Binuksan nito ang ref at sinenyas sa aking lumapit. "Pwedi kang pumili ng gusto mong kainin." Lumapit ako sa kaniya, at sumilip sa loob ng ref, nalula ako dahil napakaraming laman no'n animong buong pabrika nang pagkain ay naroon, lahat masasarap.

Kinuha ko ang cookies at fresh milk, "pwedi ba ito?" Mahina ang boses na tanong ko, nakaramdam ako ng hiya ang lakas ng loob kong sigawan siya kanina ngunit heto ako ngayon at makikikain sa kaniya.

Tipid itong tumango. Tuluyan ko nang inilabas sa ref ang cookies at fresh milk. Kumuha ako ng baso at ibinuhos roon ang gatas bago sinimulang kainin ang cookies, napapikit ako ng malasahan ang sarap no'n. 

"Hmm, ahmm. Ang sarap." Mahinang sabi ko sa sarili.

"Tsk, stop moaning." Bakas ang irita sa boses nito, halos mabilaukan ako sa cookies na nasa bibig dahil sa sinabi niya mabilis akong uminom nang gatas bago tumingin sa kaniya.

"Anong moaning? Hindi ako umuungol. Ano bang pinagsasabi mo?" Mabilis na nagsalubong ang parehong kilay ko.

Nag-iwas ito ng tingin. "Finish your food. Matutulog na tayo." 

"Matutulog na tayo?" Kunot ang noong tanong ko, "bakit tayo? Magkasama tayong matutulog?"

"Yeah? Sa kabilang kwarto ka matutulog." Tipid nitong sagot, nakahinga ako ng maluwag dahil iba ang pagkakaintindi ng sinabi niya kanina para sa akin.

Tinapos ko na ang pagkain bago inayos ang sarili at tumayo mula sa pagkakaupo.

Saglit akong natigilan nang mapansing nakatitig siya sa akin, sa labi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

Umangat ang kamay niya, at pinahid ang hinlalaki sa gilid ng labi ko pagkatapos ay ipinakita nito sa akin at doon ko nakitang may gatas nanlaki ang mga mata ko ng ilapat niya ang hinlalaking ginamit sa sariling bibig at dilaan iyon, literal na namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

"Ba-bakit mo?" Nauutal kong tanong at hindi matapos tapos.

Ngumisi siya, "don't mind it. Just sleep and I'm tired." Anito at walang pasabing tinalikuran ako, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya at umakyat nang hagdan.

...

Pareho kaming huminto sa tapat ng isang pinto, "this is your room, you will sleep here. Lahat ng kailangan mo ay narito na, bukas na tayo mag-usap." Aniya at lumingon sa katapat lang na pinto, "and that is my room. Don't you dare to enter in my room or else you will regret, understand?" 

Tumango ako, pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko dahil sa klase nang pananalita nito. 

Binuksan ko ang pinto nang kuwartong tutuluyan ko at pumasok, saglit akong napatingin sa kaniya bago isinara ulit ang pinto. Pagkasarang-pagkasara nang pinto ay agad akong napahawak sa kaliwang bahagi nang dibdib ko, ang lakas ng tibok nito ayaw kumalma at dahil iyon sa kaniya. Siya ang dahilan nang mabilis na pagtibok nang puso ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status