Share

CHAPTER 04

Kinaumagahan ay hindi gaanong maganda ang pakiramdam ko, mainit rin ang ibinubuga ng hininga ko. Sinipat ko ang noo at leeg ko at doon ko napagtantong mainit pala ako.

"Aish! Bakit ako nilalagnat?" mahina at medyo naiinis kong bulong. 

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si mama na may dala-dala ang mangkok na may lamang lugar at tubig at isang piraso ng biogesic. "Hindi ka papasok sa school, at mas lalong hindi ka papasok sa trabaho." mautoridad na sabi ni mama.

"Ma." nagmamakaawa kong sabi, hindi pwedi marami akong lesson na mamimiss at mababawasan ang sahod ko sa coffee shop.

"Huwag matigas ang ulo mo Yara. Nilalagnat ka." galit na sabi ni mama.

"Paano mo po nalaman?" tanong ko.

"Pinuntahan kita kanina at napansin kong may mali kaya sinipat sipat kita at doon ko nalamang mainit ka. Masyado mong pinapagod ang sarili mo, magpahinga ka naman." 

Natahimik na lang ako sa sinabi ni mama. Ito ang nag-pakain sa akin at nag-painom na rin ng gamot. Sinabi rin niyang matulog ulit ako at ng makapagpahinga pa ako, at kukuha lang siya saglit nang bimpo upang punasan ako.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang magka-sakit. Dahil pakiramdam ko wala akong lakas. 

Lumipas ang buong araw na hindi ako pumasok at inasikaso lang ako ni mama. Ang swerte ko naman sa mama ko. 

Kinabukasan ay maayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi masakit ang ulo ko at hindi na rin ako nilalagnat kagaya kahapon, ang galing mag-alaga ng mama ko.

Kaya kina-umagahan maaga akong nagising upang ipag-luto si mama ng agahan. Sakto ng matapos akong mag-luto ay siyang pagdating ni mama sa kusina. 

"Good morning ma!" masiglang bati ko kay mama.

"Papasok ka na?" tanong nito bago umupo sa upuang madalas niyang upuan tuwing kumakain. 

Tumango ako. "Oo ma, hindi pweding hindi. Sapat na ang isang araw na absent ako." 

"Basta, huwag ma huwag mong pababayaan ang sarili Yara. Sinasabi ko sa'yo." tila nangangaral na sabi ni mama, mahina akong natawa bago sunod sunod na tumango.

...

Nang pumasok ako ng school at nang makarating sa classroom ay sunod sunod na tanong ang ibinungad sa akin ni Marie.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" kagaya na lang ng ganiyang tanong.

"Hindi ako pinapasok ni mama." sagot ko.

"At bakit?" 

"Dahil nilalagnat ako." walang buhay na boses kong sagot.

Napatakip pa ito ng bibig dahil sa sinabi ko. "Halla, ano okay ka na ba? Baka hindi pa? Mag-pahinga ka muna at umuwi." 

Napaikot ang mga mata ko. "Huwag ka ngang maingay baka marinig tayo ni professor at mapagalitan tayo. Okay na ako." mahinang sabi ko.

"Ayan kasi, puro ka si trabaho. Mag-chill ka naman kahit minsan." 

"Sa susunod, magpapalibre ako sa'yo at ng makapag-chill ako." nakangisi kong sabi na ikinairap niya sa hangin.

Pareho na kaming huminto at nakinig na sa nagdi-discuss naming Professor.

Nang matapos ang buong araw na klase ay mas inagahan ko ang pag-pasok sa coffee shop para hindi mas lalong magalit ang masungit kong manager.

"Bakit wala ka kahapon?" tanong ni Via pagdating ko.

"Nilagnat ako. Nagalit ba si Manager?" mahinang tanong ko, bago ngumiti sa isang costumer na naghihintay ng order.

"Hindi lang galit, galit na galit." sagot nito na ikinakaba ko. Huwag naman sana akong matanggal sa trabaho.

Bago matapos ang trabaho ay gaya ng inaasahan ko ay kinausap ako ng manager at pinagsabihang isang absent pa raw ay tanggal na ako. Siyempre sunod sunod na pag-hingi ng paumanhin ang ginawa ko hanggang sa hayaan na ako nitong pauwiin.

Hayss, I survived again. Thank you Lord! 

...

Isang linggo ang lumipas ay naging maayos naman ang lahat, mabuti na lang at hindi na kami muling nagkita pa ni Mister- este ni Hunther. 

Kasasarado lang ng coffee shop na pinagtra-trabahuan ko habang ako ay nasa labas pa rin at nagihihintay ng masasakyan. Nagulat ako ng may humintong sasakyan sa mismong tapat ko at muntik na rin ako nitong masagasaan.

Handa na akong sigaw sigawan ang taong nasa loob ng sasakyan at basagin ang salamin ng sasakyan ng lumabas ang taong nasa loob no'n. At ang mas ikinagulat ko ng makilala kong sino ito.

"H-hunther." bulalas ko ng makita siya. 

"We need to talk." anito at walang pasabing hinila ako at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat para papasukin ako, dahil gulat pa rin ako ay wala sa sariling sumunod ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Umikot siya para pumasok sa driver seat, pagkatapos ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaharurut papaalis.

Napakurap-kurap ako ng matauhan na. "Saan tayo pupunta? Anong pag-uusapan natin?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Are you single?" tanong niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Oo naman, single ako." walang pag-aatubiling sagot ko.

"Okay then, that's good." aniya at saglit na tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"At bakit mo natanong? Bakit ka nagpakita? Alam mo bang ayaw na ayaw kitang makita?" seryosong sabi ko. 

"I don't want to see you too, but I don't have choice so here I am with you." sagot nito ng nakatingin pa rin sa daan. 

Napatingin ako sa suot niya, nakasuot siya ng pang-business man suit at masasabi kong mas nagpadag-dag angking kagwapuhan iyon sa kaniya, wala na rin siyang mga pasa sa mukha maging mga maliliit na sugat. 

Mas gwapo siya sa ganitong itsura, ngunit mas magiging gwapo siya kung maamo at mabait siya. 

"Saan mo ba ako balak na dalhin? Kinikidnap mo ba ako?" bakas ang inis sa boses na tanong ko.

"No." tipid niyang sagot.

"Kung gano'n sabihin mo na kung ano 'yang pag-uusapan natin at ng matapos na at makababa na ako." 

Itinabi niya ang sasakyan sa gilid at huminto. Malalim siyang huminga bago tumingin sa akin.

"Ano? Anong pag-uusapan?" naiiritang tanong ko.

 "I want us to get married as soon as possible." aniya, sampung salita na ikinanganga ko ng literal. 

"A-anong sabi mo? Mali ako ng pagkakarinig hindi ba?" nauutal kong tanong.

"I want as to get married as soon as possible." pag-uulit nito sa eksaktong sinabi kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status