Share

Chapter 5: Freedom

KRIESHA

KASALUKOYANG nakapahinga ako dito sa sala nang tumunog bigla ang cellphone ko. Mabilis akong napadilay at napabangon. Inayos ko pa ang sarili ko, lalo na ang buhok kong bahagya na nagulo, bago ko ito sinagot.

"Hello?" Pero nagtaka ako nang mapansin na isang unregistered number ang tumawag sa'kin. "Sino po sila?"

"Where are you?" Halos mapaigtad ako sa paglitaw ng malalim at baritonong boses ni Sir Tres sa kabilang linya.

Ibig sabihin, sa kaniya itong numero?

"S-Sir?" Nauutal kong pag kompirma.

Narinig ko pa siyang napabuntong hininga, "Yes, it's me." Pag kompirma niya rin. "Gawan mo ko ng kape, I'll be waiting here in my office." Utos niya, saka naputol ang tawag na hindi man lang ako hinayaang makasagot.

Naiiling na napapatayo na lamang ako. Nagpunta sa kusina at ipinagtimpla siya ng ni request niyang kape.

Subalit, sa kalagitnaan ng paggawa ko sa kape niya, naaalala ko ang trabaho ko sa kaniya.

Hindi lang ako basta katulong niya, kundi NUTRITIONIST! at ang kape ay hindi maganda sa kalusogan at katawan.

Kaya bago ko maisipang dalhin sa kaniya ang kape ay isinantabi ko ito. Saka naghalungkat sa refrigerator ng maaaring gawin na masustansiyang inumin.

Saka ko naman nakita ang preserved soy beans. Kinuha ko iyon at ang mga ito ang tina-trabaho ko para gawing soy milk. Kahit papaano ay marunong naman ako gumawa nito. Marami nga lang procedures, ngunit masaya at satisfying naman gawin.

It took me almost an hour to prepare it. Kung kailan tapos na ako, saka naman ako ulit tinawagan ni Sir Tres.

"What took you so long? Where's my coffee?" Medyo nauubosan ng pasensya niyang sambit.

"Pasensya na, Sir. Papunta na po." Sagot ko, at ibinaba na ang tawag. Binuhat ko ang tray na may nakapalagay na baso tiyaka sliced bread with meat and vegetable patties.

Pagkalabas ko ng penthouse, direkta ang punta ko sa opisina ni Sir. Nakita ko naman siya agad. Nakatalikod na nakatayo siya mula sa banda ko. Animo'y may malalim na iniisip habang masusi na pinagmamasdan ang kabuoan ng ka Maynila-an.

Lumapit ako sa lamesa niya at maingat na inilapag ang dala kong tray. "Excuse me, Sir. Nandito na po snacks ninyo." Pagbibigay alam ko sa kaniya, sabay hakbang pa-distansya sa lamesa niya.

"I don't know what took you so long. Gano'n ba ka hirap mag timpla ng kape?" Puna niya sa seryosong mukha, saka lumingon sa banda ko.

Nagsalubong ang kaniyang kilay, nang makita kung ano ang dala ko. "What are these? Hindi ba't kape ang ini-uutos ko sa'yo?"

Lumunok ako ng mariin, saka tumikhim. "Malinaw po ang naging utos niyo sa'kin, walang duda doon. But as your nutritionist, Sir Tres. I disapproved tolerating coffee intake, lalo pa't nakakasama ito sa kalusogan. Posibleng tataas ang heart rate mo, at magiging sanhi ito para magkaroon ka ng anxiety, restless nights, at insomnia." Ramdam ko ang tulis ng kaniyang paninitig, animo'y sinusuri ako kung talaga bang nagsasabi ako ng totoo.

"You're quiet stubborn that disobeys me for the second time since the moment you were hired." Sabi niya saka kalmadong kinuha ang baso, sabay upo sa kaniyang upoan, at ininom ng walang preno ang soy milk na ginawa ko.

Napamaang na lamang ako sa kaniya, lalo pa't nakita kong wala ng laman ang baso.

Naubos niya ng ilang segundo lang!

"But I guessed, I must be thankful for your disobedience." Nag smirk pa siya pagkatapos at tila natutuwa pa. Sinunod niya namang kainin ang sandwich na ginawa ko. "Hmm, the sandwich is good too. I like it. How come that you've thought about it?" Mukha pa siyang interesado kung papaano ko 'yun naisip in a short time.

Bahagya akong napapakamot sa aking batok, saka umiwas ng tingin sa kaniya. Kasi naman, nakakailang kaya ang matitigan ng ganito ka tagal?

"Nakatuka ako sa oras at alam ko po sa mga oras na ito ay break time ng mga worker. Kaya imbes na bigyan ka ng kape, naisip kong gawan ka ng masustansiyang snacks." Makahulogan kong pagpapaliwanag.

"I see. So, how about this. I'll give you my schedule and I will let you handle everything that matters to my food and drinks." Suhestyon niya na mas convenient din para sa'kin.

"Kahit ano? Ayus lang po sa inyo? Papaano kung hindi mo magugustohan?" Sunod-sunod kong tanong, lalo pa't hindi ako sigurado kung lahat ng lulutuin ko ay magugustohan niyang talaga.

Nakatingin lamang siya sa'kin, hindi ko mawari kung ano ang meron sa mukha ko para titigan niya ng ganito ka tagal.

Pero siguro... Sanay siya makipag eye to eye contact sa mga nakakausap niya.

Walang ibang kahulogan iyon. Ako lang ang masyadong napapaisip. Hindi ba naman kasi ako sanay, saka mahiyain akong tao.

Ang mga kamay niya ay nakahawak sa bawat isa at nakapatong ang baba niya sa mga ito. He looked arrogant yet cool sa position niya. Aside from that, bagay sa kaniya ang kinaroroonan niya. Siguro, kahit sinong bago ang pupunta dito, masasabi ng mga ito na siya ang hari ng lugar na 'to.

Pupunuin ba naman sa aura at charisma.

"Yes, it's fine. I trust you."

"Pero, bakit?" Napapa-react ako agad ng wala sa oras.

Kita ko ang pagtataka sa mukha niya, "Bakit hindi? Should I not trust you?"

Napakurap-kurap ako, ngayon lang na realize ang nasabi ko. "Uhh, kasi... Kakakilala mo pa lang sa'kin, papaano kung lalasonin kita?-"

"So, are you going to poison me?" Putol niya sa'kin.

"Ha?! Hindi noh! Bakit ko gagawin 'yon?" Mabilis ko naman dine-pensahan ang sarili ko. Kaloka, bakit niya binabalik sa'kin ang tanong?

Siya nga tinanong ko di'ba?

"Yon naman pala, then, I might as well count on you in terms of my health." He shrugged and leaned back to his back rest.

Napapabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap naman niyang kontrahin. Masyado siyang matalino at maraming rason na makalap para kontrahin ako.

"I believe that you won't taint your job with that crazy action. Or maybe you keep on resisting because you don't want to take my suggestion nor the job?" Cool niyang sabi at mukhang naging tusong intinidante.

Napasinghap ako, kasabay ng pamimilog ng mga mata ko. He's making stories! How could he openly accuse me now?!

"Excuse me? Sumusobra ka na po yata, Sir. Nag apply po ako dito dahil gusto ko at kailangan ko ang trabaho. Responsable po akong tao, at hindi gaya ng mga sinasabi mo." Prangka kong salungat sa kaniya.

Pero tinawanan lang niya ako. Okay lang ba siya? Hindi naman siya nababaliw noh? Napapasuklay pa siya sa kaniyang makapal na buhok, tapos yung tawa niya, parang musika sa ganda ng ritmo at boses.

Gaga, bakit na naman ako nag daydreaming?

Sabagay, totoo naman talaga 'yon. Ang akin lang, hindi ko talaga gets ang mode of nature niya.

Parang panahon, pabago-bago. Kung ngayon, ma-araw. Mamaya, biglang naging makulimlim.

"That's what I'm saying, Miss Cervantes. I know you're reliable, so from now on, I'm not giving you options to oppose me in this matter. Pwede ka ng umalis, tatawagin na lang kita when I need anything from you." Kasuwal niyang sabi na ipinag-kibit balikat ko na lamang, bago tumalikod at naglakad pabalik sa bahay niya.

'Weird niya talaga,'

"Wait up, Miss Cervantes." Napahinto ako sa paglalakad nang tinawag niya ako.

Nilingon ko siya, "May kailangan pa po ba kayo?"

Umiling siya, "No. Gusto ko lang sabihin, that you are free to make time for yourself whenever that I'm not calling you in."

Napapaturo ako sa sarili ko, saka naman nag sink in ang understanding ko sa mga sinasabi niya. "Anong ibig niyo pong sabihin? Na free ako kapag hindi mo pinatawag at malaya akong maggala at gawin lahat ng gusto ko?"

Tumango-tango siya, "Yes, that's exactly what I mean."

Napapangiti ako ng malawak, feeling ko umabot ang ngiti ko sa tenga dahil sa tuwa.

'Ang galing naman pala ng trabaho kong to. Doble na nga ang sahod. Malaya pa ako at may maraming free time! Tumpak, hindi ako luge!' Pantasya ko sa likod ng isip ko.

"Salamat, Sir! Alis na po ako." Pagpapaalam ko at halos magtalong-talon ako sa tuwa.

"But, you must update me from time to time. Kung saan ka at anong ginagawa mo. Most especially, huwag ka gumala sa malayo. Dahil kailangan pa rin kita sa tanghalian at gabi." Pahabol niyang paalala sa'kin, na malinaw ko namang isinasa-isip.

"Okay po at tatandaan ko po. Salamat ulit, Sir!" Nakangiting tumango lamang siya sa'kin at ako naman ay diretsong bumalik sa bahay niya para kunin ang shoulder bag ko.

Plano ko maggala sa BGC. Alam kong malapit lang 'yun dito eh. Hehe.

Xerxes' POV

I couldn't help myself but smile at how cheerful she was. Naalala ko si Lian sa kaniya. Mabait din siya at gusto ko 'yung spirit niya. May dignidad at kayang magsalita para sa sarili niya. Bonus na lang siguro yung ganda niya sa simplisidad niya.

She's indeed the suitable nutritionist that I'm longing to have.

Naiiling na nangingiti akong bumalik sa trabaho, at ipinagpapatuloy ang pagbabasa ng mga reports na ipinasa sa'kin para mahingi ang approval ng iilang mga departamento ng kompaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status