Share

Chapter 4: Peace

Kriesha's POV

KINABUKASAN...

Alas sais na ng umaga at kanina pa ako gising. Gusto ko ng lumabas, tiyaka kanina ko pa talaga naisip na lumabas. Pero, 'yung tipong pinangungunahan ka ng kaba, hiya at matinding pag overthink ay siyang pumipigil sa'kin. That feeling na takot mong pakiharapan ang tao?

Gano'n ang nararamdaman ko ngayon. Parang ayoko na lang magpakaita o makita siya.

Ano ba kasi ang pumasok sa kukuti ko kagabi at nilabanan si Sir?

Like, really? Sa unang gabi ng unang araw ko matapos ma hired ay may gano'n pa talaga akong lakas para suwayin siya?!

Pabalik-balik ako ng lakad dito sa loob ng kuwarto ko. Parang baliw.

Baka sa oras ng paglabas ko ay sasalubongin niya na agad ako ng 'You're fired!' Jusko, huwag naman po sana.

Humugot ako ng isang malalim na hininga, pero hindi ko pa man na exhale ang hangin na in-inhale ko, napigil ko ang aking hininga nang may magkasunod na katok ang kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

Agad akong dinaganan ng kaba at matinding panlalamig.

"Up until when do you plan on hiding inside your room?" sumunod no'n ay ang boses ni Sir. Himig strikto at may kalakip na disgusto sa aking pag ku-kulong dito.

Umawang ang bibig ko, at gustong sumagot, pero feeling ko, may something na bumara sa lalamunan ko. Dahilan para hindi ko maisasatinig ang ninanais kong sabihin.

"Come out there and cook me my breakfast. I'll be going to work in an hour." Dagdag niya, saka ko narinig ang mga papalayo niyang yapak.

Doon lang ako nakahinga ng maluwang nang makumpirmang umalis na siya doon.

'Nagkakamali ba ako ng narinig? Tinawag ako ni Sir at inutosang magluto ng pang-agahan niya? Hindi ko naman siya narinig na sinisi-sante niya ako, di'ba?'

Tahimik akong napapatanong sa sarili, napatakip pa ako sa aking bibig dahil sa hindi literal na makapaniwala.

Pero agad din akong nakaramdam ng tuwa dahil wala na akong ibang aabalahin pa. Niyugyog ko pa ang katawan ko saka nag stretching para sa paghahanda, bago lumabas ng kuwarto.

Dumiretso ako sa kusina. Hindi ko nakita si Sir sa paligid at malamang ay naghahanda iyon sa kuwarto niya.

Mga ilang minuto lang, tapos na ako sa paghahanda. Hinanda ko sa kaniya ang whole grain waffles, tofu scramble tiyaka yogurt and maliit na bowl ng oatmeal. Since, breakfast lang naman.

Tamang-tama, pagkababa niya ay kakatapos ko lang din.

"Good morning po, Sir." Bati ko sa kaniya nang makalapit sa dining.

"Same to you." Umupo siya sa kabisera at akmang kakain na, nang napalingon siya sa'kin. Nagtaka naman ako.

"May ibang kailangan po ba kayo?" Masugid kong tanong. Napalunok pa ako ng mariin dahil naaalala ko na naman 'yung kagagahan ko kagabi.

"Why are you preparing for one person only?" Tanong niya na ikina-kunot ng noo ko.

"Po?" I pardoned.

"Are you not eating? You should've prepared for two people, hindi lang naman ako nag-iisa sa bahay na 'to."

Mas lalo akong nagtaka. "Bakit po? May iba pa po ba kayong kasama?"

Napabuntong hininga siya, tila ba problemado siya. Bakit naman siya problemado? May mali ba sa sinabi ko?

"Hindi ba kasama kita dito sa bahay?" Nauubusan ng pasensya niyang sambit.

Namilog ang mga mata ko, at natatarantang nag wave ng mga kamay sa kaniya. "A-Ahhh! Ako po ba? Naku, huwag niyo na pong abalahin na alalahanin ako, kakain naman ako pag alis niyo." rason ko.

"Why? Ayaw mo akong kasabay kumain?" Tanong niya, at nagsimula ng kumain.

"Hindi naman po sa gano'n..." I tried to make up for it with a reasonable reason pero,

"Is it about last night?" Singit niya para maputol ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kaniya ang nangyaring pagtatalo namin kagabi, pero masaya ako dahil binigyan niya ako ng assurance not to worry about it.

"Hindi--"

"If not, then what?" Pinutol na naman niya ako. Sabay salubong ng mga mata ko.

Napahawak ako sa mga kamay kong hindi ko napansin na namamawis na pala. "Eh kasi, amo ko po kayo. Empleyado mo naman ako. Dapat lang na unahin kita palagi, Sir. Dahil 'yon po ang trabahong pinasukan ko."

"You do have a point, Miss Cervantes. But you don't have to prioritize me when you can prioritize us both at a time." Agad niyang sagot, yung tipong nakakapagpa-tikom sa'kin. "I'm not that strictly heartless, and I'm not even clinging to you either. I'm just doing this for convenient work and closure with my employees. Meaning, lahat ng empleyado ko, kampante sa'kin. Perhaps, it's your choice whether you like it or despise it." Dagdag niya and I was completely speechless.

Sa kabila pala ng pagiging strikto ni Sir ay may ganito siyang kabaitan?

I mean, hindi lahat ng boss ay ganito.

Mostly, ang mga amo ay malalayo ang loob sa mga empleyado nila. Lalong-lalo na mababa ang tingin sa mga kagaya naming trabahante lang.

Pero, siya... Hindi ko inaasahan na ganito siya ka sensible at ka generous.

"Tungkol kagabi, it was my fault. Thank you for aiding my wound even though I muttered a lot of unpleasant words to you." Saka ulit siya nagpatuloy sa pag kain niya.

Kinalma ko ang sarili ko, saka humugot din ng malalim na hininga, bago siya sinagot. "P-Pasensya na rin po talaga sa inasal ko kagabi, Sir. Hindi ko po napigilan at sinagot-sagot kayo." I was very apologetic, lalo pa't alam kong may mali din talaga ako.

Ngumiti siya sa'kin and gives me that assuring gaze, "It's fine. In fact, I was pissed and drunk. Wala ako sa tamang pag-iisip and was at fault also."

Ngumiti din ako sa kaniya. Uri ng ngiti na hindi pilit at natural. "Kung gano'n po... Bati na tayo?"

He chuckled and brushed his hair backwards. "Yes, we're cool. You may rest assured."

MASAYA pa rin ang umaga ko, kahit hindi maganda ang tulog ko. Nagkaayos na rin kami ni Sir at wala na akong dapat pang ipag-aalala.

Bago siya umalis, sinabihan pa niya akong pwede ko raw kainin ang kahit anumang magustohan ko sa ref.

Kaya ng umalis siya, nag pyesta ako sa tsokolate.

Yes, chocolate! Favorite ko talaga ang chocolates. Lalo na kapag masarap at branded. Gaya ng snickers, KitKat, Hershey's, kisses, toblerone at iba pa. Lalo na kapag flavored cocoa.

After kung kumain, nagligpit ako tiyaka naglinis. Sinisiguradong malinis talaga ang bahay.

"Yayy! Natapos din!" Alas nuwebe pa lang, tapos na ako. Patalon akong bumagsak sa malambot na couch, sabay inat ng mga galamay ko.

Makapagpahinga rin sa wakas.

Xerxes'POV

"Hi babe!" Lian cheerfully greeted me when she saw me at the camera. "Kamusta? How's work?" She's very beautiful, kind and cheerful. No wonder why I fell for her 5 years ago.

"I'm doing good, babe. How about you? How was your gig goes?" I asked as I lean my back at the back rest of the swivel chair.

She took a deep breath and sighed, "Actually, kakatapos lang namin. It was so tiring that I wanna go home and hug you like this, babe." She hugged the teddy bear I brought for her and snuggle it.

Napangiti ako.

"Do you want me to come over?" I suggested.

Her eyes glowed in surprise, "As much as I want to, babe. You should not. May trabaho ka pa and I know it's more than difficult than my work."

I chuckled at tapped her forehead through the screen of my laptop. "Silly, as long as it's you... I don't mind going to you."

She smiled brightly, "Of course, I know that. But I can't just drag you out there for my own beneficiaries. Uuwi din naman ako diyan after nitong gig ko."

"I missed you, Lian." I stated as my eyes didn't left hers. "I want to feel and smell you so bad." Yes, I do really miss her. It's been a whole fvcking month since we saw each other.

She was in awe and gave me a kiss, "I missed you too, so damn much Tres. Please wait for me. Ito na yung last and I will be forever yours." She swore and wala na naman akong magawa doon kundi intindihin siya at suportahan.

Kahit na gustong-gusto ko na siya dito sa tabi ko.

It's her dream. To be a singer. To perform on a big stage, internationally.

"Alright, babe. Alam mo naman na ako ang number one fan mo, right?" Sambit ko at kahit malungkot ako, ngumiti pa rin ako para sa kaniya.

Ayaw ko siyang mag-alala kapag nakita niya akong malungkot. Gusto kong wala siyang ibang alalahanin kundi ang pag sungkit ng mga pangarap niya.

"Alam ko, babe. Kaya nga ganito ako ka passionate at inspired, dahil sayo eh. Salamat and I love you so much for being a supportive partner to me, babe!" She giggled and blushed as she said that, probing that she's sincere with what she said.

"I love you too, Lian. So, kailan ang possible day na uwi mo?" I want to know, because I want to prepare a surprise for her.

A surprise that I've never done and promising for our relationship.

"Hmm... After two weeks, babe. Siguro mga Wednesday. I'll tell you the exact day, kapag tapos na ako dito." Wika niya, kita sa mukha niya ang galak. "I'm excited to see you."

"Noted and me too, babe. See you soon!"

Kumaway siya sa'kin at nagpaalam dahil may kumatok sa kaniyang silid at hindi kami pwedeng ma spot na nag-uusap.

Yes, our relationship is not officially announced. Tinatago lang namin, at dahil isa siyang celebrity singer, hindi siya maaaring makipag-relasyon sa kung sinumang lalake gayo'ng marami ang humahanga sa kaniya.

Kapag nangyaring nag leak ang relasyon namin, maaari itong makaapekto sa career niya.

Kahit kating-kati na akong ibunyag at ipagsigawan sa buong mundo na akin siya, hindi ko pa rin maaatim na sirain ang pangarap na binubuo niya.

"Osya, babe. Sa susunod na tawag ulit, bye! I love you!"

Kumaway at ngumiti lang ako nang magpaalam siya. Nawala lang ang aking ngiti nang maputol na ang aming komunikasyon.

"She's doing great, I'm glad."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status