Share

Chapter 6: I need help

KRIESHA

Base sa nalaman ko dito sa g****e map, mas mabilis ang byahe papuntang Bonifacio Global City sa Taguig kapag nag tren ako. Kung mag bus naman, nasa 36-40 minutes ang itatakbo.

Kaya naman, sumakay muna ako ng taxi papunta sa estasyon ng tren. Pagkarating, kumuha ako agad ng ticket. Timing naman na kaunti lang 'yong tao dito kaya napagbentahan at nakasakay din agad.

As I was traveling, sinigurado kong kumukuha ako ng short vids at moment pics dito sa tren. Plano ko kasi gawing reels at e post sa social media. Nang sa gano'n ay may maganda akong video ng mga alaala, bilang tanda na nakapunta ako sa mga lugar na ito.

Aliw na aliw ako sa pagtingin-tingin sa mga nadadaanan namin. May mga tunnel, seaside, skuwaters, buildings at marami pang iba.

Kahit mag isa lang ako, hindi ko ramdam ang pag-iisa. Nag e-enjoy akong mag travel mag isa.

Shempre, pinangangalagaan ko ng maayos ang mga gamit ko. Mahigpit ko itong hawak. Ang cellphone ko naman ay nakasilid sa looban ng suot kong varsity jacket.

Nga pala, ang outfit ko ay isang simpleng trouser na pinaresan ng mahapit na white shirt. Tapos pinatungan ng jacket. Para sa paa ko, nakasuot lang ako ng tsinelas.

Sumakay ulit ako ng taxi, since hindi ko kabisado ang lugar. Para direkta din akong ihatid sa patutungohan ko. Also, para magabayan ako... Naggamit ako ng g****e map.

Same sa tren, kumuha ako ng short vids at nice shots na nakikita kong magandang picturan.

Pagkarating ko, lubos akong namangha.

"Heto po, manong. Salamat po sa paghatid sa'kin." Wika ko sa driver at ibinigay sa kaniya ang pamasahe ko.

"Salamat, ma'am. Enjoy po kayo sa pagliwaliw niyo dito." Sagot naman ng driver.

Excited akong bumaba ng taxi, at sa mismong pag apak ko halos magtatakbo ako sa tuwa. Nalanghap ko na 'yung hangin ng isa sa magandang spot ng Manila.

Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng magandang kalsada.

In fact, fan ako ng mga buildings. City's scape at modern structures. Lalo na 'yung matatayog at malilinis na lugar.

Naalala ko no'ng nag-aaral pa ako, titingin lang ako sa mga naghihigantehang buildings sa Cebu para ma relieved yung stress ko.

I went to many streets and took plenty of pictures and videos with me. Marami na din akong selfies.

Hindi na rin ako nagulat kung halos sa mga taong nakakasalamuha ko ay trabahante ng mga call center company, dahil kagaya sa Cebu Business Park or kilalang lugar as I.T Park sa Cebu, ang BGC ay isang Business community rin na naka-destino dito sa Manila. Kung ikukumpara sa Cebu, mas malaki at malawak ito.

Marami din ditong mga iba't-ibang fast food restaurants at agaw pansin din talaga ang ka abalahan ng lugar. Hindi nakakaburong tingnan. Hindi rin nakakatakot, dahil in every street, may mga guards, traffic enforcer o kaya mga police. May mga sasakyan din kasi na dumadaan.

Makalipas ang mahigit isang oras...

"Uwahh, ang sakit na ng mga binti ko." sambit ko sa aking sarili nang makaupo na ako dito sa bench. Nakapuwesto ang bench na ito, malapit sa isang open field. Marami ding tao dito, kadalasan... Mga baggets around my age.

'Yun nga lang, masakit sa mata kung tingnan. Kasi sila may pares, samantalang ako... heto, wala.

Uminom din ako ng dala kong tubig, saka nagpunas ng munting pawis sa leeg at noon ko.

While wiping myself up, my phone rings. Napasilip ako sa cellphone ko at nakitang incoming call iyon ni Mama. Napapangiti ako habang in-swipe ang answer button ng tawag.

"Hi, Mama. Kamusta po?" Ang ganda ng araw ko ngayon. Hindi lang ako nagkaroon ng malayang oras para gumala, tumawag pa si Mama sa'kin.

Nakangiting nag wave siya sa'kin, saka ako sinagot. "Heto anak, nasa ospital. Sinamahan ko ang Papa mo dito. Wala naman akong mapag-abalahan sa bahay at wala ka na rin doon. Mas mabuting nandito ako, para matutokan ko sa pagbabangay itong Papa mo."

Hindi ko maiwasang hindi malungkot, lalo na sa situwasyon ng Papa ko ngayon. Aaminin ko, hindi man gano'n ka perpekto at ka buti ni Papa sa'kin... Mahal ko pa rin siya, kaya ako nalulungkot ng ganito.

"May balita na po ba mula sa doktor?" Halos pabulong ko ng tanong. Umiwas din ako sa camera, para punasan ang iilang takas na butil ng luha.

Narinig kong napapabuntong hininga ng malalim si Mama, sa pagbuntong hininga niya pa lang, alam ko nang gano'n pa rin ang situwasyon ni Papa.

"Wala pa ring bago anak, any time maaaring manganganib ang buhay niya. Ang solusyon natin sa ngayon, kailangan natin siyang ipa-opera hangga't maaga pa at hindi pa gano'n kalala ang kidney stones niya."

Yes, tama kayo ng nalaman. May kidney stones ang Papa ko. At ito ang dahilan kung bakit siya na ospital. Kinailangang matanggal ang mga batong 'yon para makawala siya sa sakit na dinanas niya ngayon.

Ang mismong dahilan at pinagmulan kung bakit kailangan ko magpakalayo at mapasabak sa paghahanap buhay.

Even though, hindi ako maalam sa larangang ito.

"Huwag po kayong mag-alala, ma. Sa unang sahod after 15 days ko sa trabaho, magpapadala din po ako kaagad. Tiyaka, hindi naman po nakakahalata si Papa di'ba?" Ang totoo, hindi gusto ni Papa na mag trabaho ako para sa kaniya. Ayaw niyang inaalala ko siya, dahil feeling niya nakaka-isturbo siya sa'kin.

He might be tough, but he's also sensitive in a way that he's sensible enough. Kaya nga nasa rooftop si Mama ngayon, kasi sekreto lang namin ang pag ta-trabaho ko.

"Nagtatanong nga kanina, bakit hindi ka raw dumalaw sa kaniya kahapon. Pero nagawan ko na ng paraan. Huwag mo na alalahanin iyon. Ikaw anak, kamusta ka diyan? Kamusta ang byahe mo no'ng nakaraan?" Pag kuwento niya na ikinatawa ko ng marahan.

Nakakalungkot, pero nakakatuwa. Kasi, dalang lang naman ako hanapin no'n. At ang marinig mula kay Mama na hinahanao ako ni Papa, ay nagbibigay tuwa sa puso ko.

"Na-miss ko rin si Papa, ma. Pero siguro, babawi na lang ako kapag nakauwi na ako diyan, balang araw." Makahulogan kong saloobin. "Ayus lang, ma. Nakakatawa nga, kasi nakakasama ko sa flight 'yung amo ko."

Lumarawan ang pagka-sorpresa sa mukha niya, "Talaga? Paano nangyari 'yon? Nagpunta din pala siyang Cebu at nagkataon na nagkasabay kayo?"

Nagagawang tumango-tango ako, saka ko ikinuwento sa kaniya ang mga sumunod na nangyari. Panay tawa niya sa tuwa.

"Baka nga tadhana 'yon, anak."

"Psst, ma. Walang dahilan 'yon, huwag mo bigyang dahilan." Sita ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

"Malay mo, anak. Bilog ang mundo. Hindi naman kita tinutukso." Napangiwi ako sa sinabi niya, mukhang hindi nga siya seryoso sa huling salaysay na sinabi niya. Kasi nagkimkim ng tawa eh.

"Ma, malabo 'yon. Tiyaka, hindi kami bagay." Naisip ko pa lang ang status ni Sir, nalula na ako. Guwapo, matalino, mayaman pa at may negosyo!

Eh, ako? Waley, ang layo ko.

"Alam mo, anak. Ganiyan din ako sa Papa mo dati. Sabi ko, ayoko sa taong ito kasi masyadong hambog, pero tingnan mo? Saan ako bumagsak? Sa Papa mo pa rin. Hindi lahat ng engkuwentro ay nagkakataon lang. Lahat ng engkuwentro ay may dahilan na kaakibat. Kaya hindi mo pa masasabing ganito at ganiyan, kasi gaya ng sabi ko, bilog ang mundo. Marami pang mangyayari sa hinaharap na hindi mo inaasahang mangyari sa'yo."

Napapanguso na lang ako kay Mama, ayaw kasi paawat. Saka, nauna siya sa'kin sa duyan. Mas marami siyang karanasan at panahon sa mundo kaysa sa'kin.

Isa pa, wala namang masama sa mga sinabi niya. Mabuting advice lang naman ang mga 'yon, pero masyado yata akong defensive.

"Naiintindihan ko naman ang punto mo, mama. Pero, masyado namang mataas si Sir oi. Hindi ko 'yon abot, tiyaka may jowa na po siya. Ayoko mag assume, basta magpatuloy lang ako sa buhay. Mangyari ang mangyari."

She chuckled at me, kung nasa malapit lang ako, hinahagod-hagod na niya ang ulo ko sabay bahagyang paggulo ng buhok ko. "Ikaw talagang bata ka, osya, ikaw ang bahala. Basta kapag kailangan mo ng karamay, always remember na nandito lang si Mama. Okay?"

Ngumiti ako ng napaka-lawak, pati ngipin kong pantay at maputi ay nakalitaw. "The best ka talaga, mama. I love you po!" Kung may ipagmamalaki man ako sa sarili ko, ito 'yung pagiging honest at vocal ko sa lahat. Lalo na sa mga mahal ko sa buhay.

She kissed me through the phone screen, "Gihigugma ta pud ka, Kriesha. Mag-amping ka pirmi diha kay naa ka sa layo ug dili mi makaara ug dali-dali kung naa may bati na mahitabo nimo. (Trans: mahal din kita, Kriesha. Mag ingat ka palagi diyan, Lalo na't nasa malayo ka at hindi ka agad namin mapupuntajan kung sakali mang may mangyari sa'yong masama diyan.) Sige na, anak. Ba-bye na. Oras na ng lunch ni Papa mo. Ikaw din diyan, kumain ka na at huwag magpalipas ng gutom." Mahabang litanya at pagpapaalam ni Mama.

Nakakahinayang, kailangan na niyang magpaalam.

"Bye, ma. Kayo din po diyan, ingat!" Pagpapaalam ko rin, saka kumaway sa kaniya hanggang sa naputol na ang koneksyon namin.

I sighed deeply, afterwards.

Ngunit ilang segundo pa lamang ang nakalipas ay may tawag na namang dumating sa'kin. Pagod ko itong binalingan ng pansin.

Subalit, gano'n na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makitang si Sir ang tumatawag sa'kin ngayon.

Mabilis kong sinagot ang tawag, "Hello, Sir?"

"Where are you?" As usual, his voice were manly and appealing to the ears. Kalmado at ngayon pa lang ay na i-imagine kong nakatanaw na naman siya sa malayong tanawin ng ka Maynila-an, habang nakapamulsa ang isa niyang kamay.

"Nasa BGC po ako ngayon, pero pabalik na po ako." Sabi ko at nagmamadaling naglakad papunta sa kung saan ang tingin ko ay mapupuntahan.

Kakaloka, ni hindi ko alam kung papaano BUMALIK!

"What? Anong ginagawa mo diyan? Didn't I told you na huwag kang maggala sa malayo?" Medyo napataa ang tinig niya, kaya bahagya kong nailayo ang cellphone ko sa tenga.

"Sorry po, pero matagal ko na kasing pangarap na makita in person ang BGC..." Rason ko.

"I don't care. Just get back in here. I only have an hour for my lunch, I'll give you thirty minutes." Saka naputol yung tawag pagkatapos niyang sabihin iyon sa'kin na siyang ikina-awang ng bibig ko.

Gano'n ba talaga siya ka galit para malaman na lumayo ako?

Like, hindi niya naman sagot kung may mangyari sa'king masama ah?

"Haist, bahala na nga lang. Kailangan ko ng makabalik." Wika ko sa sarili ko. Timing naman na namataan ko ang linyahan ng mga taxi. Pumara ako at hindi nagtagal, sumakay na ako pabalik sa kompaniya.

"Saan po kayo, ma'am?" Tanong ng driver.

"Grand Hotel Makati po." At umandar na nga ang taxi papunta sa patutungohan ko.

Ilang minuto lang, nakarating na ako sa hotel.

"Magkano po, kuya?"

"₱780 pesos, ma'am." Sabi na nga ba't ang mahal Pag taxi eh. Nag-iisang one thousand bill ko na lang itong nasa pitaka ko.

"Saglit po," kinapa ko ang bag ko at hinanap ang pitaka ko.

Pero, agad akong dinaganan ng kaba nang mapansing wala ang pitaka ko dito!

"Pakibilisan po, ma'am. Kung maaari, kailangan ko na kasing umuwi at ito na ang huling pasada ko ngayong araw." Sabi ng driver sa'kin.

"O-Okay," nauutal na ako, st kahit anong halughog ko sa bag ko ay wala talaga ang wallet ko!

Naiiyak na ako. Nando'n pa naman ang mga ID ko at important cards. Kinagat-kagat ko na 'yung labi ko kasi hindi ko alam ang gagawin.

"Matagal pa ba, ma'am?" Tila nauubosan na ng pasensya yung driver sa'kin.

"Uhm, kuya. Sorry, kasi yung wallet ko n-nawala..."

"Ano?! Hindi maaari 'yan, ma'am. Kailangan mo kong bayaran." Asik sa'kin ng driver. "Kung hindi mo ko babayaran, e report kita sa presinto!"

Napaangat ang mga kamay ko sa ere, "H-Huwag po, Kuya. B-Babayaran po kita, wait lang po." Nakakatakot ang driver. Feeling ko namumutla na ako, lalo pa't malalamig ang pawis na lumabas sa balat ko.

Hindi ko alam kung magandang balita ba na tumawag ulit si Sir sa'kin or masama, pero kasi wala akong ibang kakilala dito sa Manila.

Kundi, siya lang.

"Nasaan ka na? My lunch almost over, Miss Cervantes." Bungad niya.

"Uhm, S-Sir. Nasa baba po ako, mamaya niyo na po ako pagalitan, please po? T-Tulongan niyo po ako..."

Na i-imagine ko na rin ang pagsasalubong ng makakapal niyang kilay ngayon, "Help? About what?" Naiinis niyang sagot.

"Eh, kasi po... Nawala ang wallet ko, wala akong pangbayad sa taxi na sinakyan ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status