تسجيل الدخول“Sino naman ang nagsabi sa’yo na narito ako para tulungan ka?” mataray kong sagot habang nakataas ang isang kilay at malamig siyang tinitigan.Bahagyang tumigas ang kanyang panga.“Kung gano’n… bakit ka pumunta rito?” madilim niyang tanong.Napangisi ako.“Manonood lang,” walang emosyon kong sagot. “Gusto ko lang makita kung gaano kayo kagaling. Masama ba ’yon?”Lalong nagdilim ang ekspresyon ni Jansen.Bago pa siya makapagsalita ay agad nang sumingit si Veronica. Humawak siya sa braso ng lalaki na para bang siya ang legal na may karapatang gawin iyon.“Jansen, huwag mo nang pansinin ang babaeng ’yan,” pagsusumbong niya habang matalim ang tingin sa akin. “Sinampal niya kami ni tita.”Agad na bumaling sa akin si Jansen.“Sinampal mo sila?” paangil niyang tanong.“At proud pa akong ginawa ko,” nakangisi kong sagot. “Kung hindi lang tumigil ang tatay mo, baka pati siya nasampal ko rin.”“Ano?” halos manginig siya sa galit. “Sinaktan mo ang nanay ko, tapos plano mo pang saktan ang tatay
“NAIMBESTIGAHAN ba ang aksidenteng nangyari sa inyo?” maya-maya’y narinig kong tanong ni Jeremiah habang dahan-dahan niya akong inalalayan pababa ng sasakyan.Bahagya akong natigilan.Muli na namang bumalik sa isip ko ang gabing pilit kong kinakalimutan—ang duguang sasakyan, ang malamig na katawan ng aking mga magulang, at ang mapait na katotohanang ako lang ang naiwan.“Hmmm… hindi ko na iyon nagawa,” mahina kong sagot habang nakakapit sa kanyang braso. “Naging abala ako sa pagbabayad ng utang na loob sa kanila.”Napatingin si Jeremiah sa akin, tila sinusubukang basahin ang laman ng isip ko.Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na ang matatayog na pintuan ng engrandeng hall. Sunod-sunod na dumarating ang mga kilalang personalidad sa mundo ng negosyo. Kumukutitap ang mga ilaw ng camera, kasabay ng mahihinang bulungan ng mga taong naroroon.Ngunit sa kabila ng marangyang gabing iyon, nanlalamig ang aking mga palad.Dahil alam kong sa loob ng hall na iyon… naghihintay ang mga taong kailangan
“MISS, okay ka lang ba?”Iyon ang unang boses na narinig ko sa gitna ng nag-uunahang sigaw, nakabibinging tunog ng sirena, at nakasisilaw na ilaw sa paligid. Isang lalaking bakas ang matinding pag-aalala sa mukha habang mabilis akong itinutulak sa loob ng emergency room ng ospital.Hindi ko siya kilala.Hindi ko maalala kung sino siya o kung bakit ganoon na lamang ang takot sa kanyang mga mata habang paulit-ulit niyang tinatawag ang mga doktor. Ngunit kahit estranghero kami sa isa’t isa, tila ba nakasalalay sa kanya ang buhay ko.Habang unti-unting nilalamon ng kadiliman ang aking kamalayan, muli ko siyang nasilayan.“Dok, gawin n’yo ang lahat para mailigtas siya!” halos pasigaw niyang sabi. “AB negative ako. I-test n’yo ako. Kung kailangan niya ng donor… ako na ang magdo-donate ng atay!”Sa kabila ng paghina ng aking pandinig, malinaw kong narinig ang bawat salitang iyon.At sa mga sandaling iyon, tila may kung anong marahang humaplos sa wasak kong puso.Hindi ko akalaing may isang t
“ANG GANDA mo…”Iyon agad ang bungad ni Jeremiah pagkapasok pa lang niya sa aming hotel suite.Sa ibaba ng hotel idaraos ang engrandeng gala, at abala pa ang mga stylist sa huling pag-aayos ng aking buhok at damit. Ngunit nang marinig ko ang sinabi niya, tila biglang naging mahina ang lahat ng ingay sa paligid.Napangiti ako.Sanay na ako sa mga papuri niya, ngunit iba ang titig niya ngayon.Punong-puno iyon ng paghanga.Parang sa mga mata niya, ako lang ang tanging babae sa mundong iyon.At sa totoo lang, iyon ang lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.“Bagay ba sa akin?” mahina kong tanong habang inaayos ng stylist ang laylayan ng suot kong gown.Hindi agad siya sumagot.Sa halip, titig na titig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwalang kaharap niya ako.Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.“Lumabas muna kayo,” mahinahon niyang utos sa mga taong naroon. Subalit ang kanyang mga mata, ay nanatiling nakatuon sa akin.Nagkatinginan muna ang mga stylist bago isa-isang lumaba
Si Veronica iyon.Kasama niya ang mga magulang ni Jansen.Pagkakita ko pa lang sa kanila ay agad nang nagsikip ang dibdib ko sa pagkainis. Mukhang hindi talaga mapapakali ang babaeng iyon hangga’t hindi siya nakakagawa ng eksena.Talagang sinadya niya.At halata namang gusto niyang ipahiya ako sa harap nina Lolo at Elizza.“Hindi ba siya ‘yung babae kanina?” pabulong na tanong ni Elizza habang nakatingin sa direksiyon nila Veronica.“Hmmm…” maikli kong sagot.“Sino naman ‘yung mga kasama niya?”“Mga magulang ng ex ko.”“Aah…” Bahagya siyang napangiti at tumango na tila ba bigla niyang naintindihan ang sitwasyon. “Kaya pala mukhang may balak manggulo.”Napansin kong yumuko siya sandali at may ibinulong kay Lolo George. Hindi ko man narinig ang sinabi niya, nakita ko namang bahagyang ngumiti ang matanda habang sumusulyap kina Veronica.Samantala, nakangisi naman ang grupo nila habang nakatingin sa amin.Maya-maya pa’y kinausap nila ang waiter at tila nag-request ng mesa na malapit sa am
“Saan ka galing?” agad na tanong ni Elizza nang makita niya akong papalapit.“Nagbanyo lang ako,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko. “Tapos na ba kayo?”“Oo,” nakangiti niyang sabi. “Nagpunta rin kasi sa banyo si Lolo. Hintayin na lang natin siya rito. Gusto raw niyang kumain ng steak.”“Ah…” bahagya akong tumango. “Saan? Dito lang ba sa mall o sa labas pa?”“Dito na lang daw,” sagot niya, ngunit maya-maya’y napatingin siya sa likuran ko. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Galit ba sa’yo ang babaeng iyon?”Napalingon ako.At tulad ng inaasahan ko, nakatayo pa rin si Veronica sa di-kalayuan habang masama ang tingin sa akin. Halatang hindi pa rin siya makamove on sa sagutan namin kanina.Napairap na lang ako.“Ah, siya ba?” walang gana kong sabi bago muling bumaling kay Elizza. “Hayaan mo na ‘yon. Talagang masama lang ugali niyan.”“Kilala mo siya?” tanong niya habang pasimpleng sumusulyap muli kay Veronica.“Hmmm…” kunwari’y nag-isip pa ako. “Oo. Bagong girlfriend ng ex ko.”“Aah…” Ba







