Home / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 130: Paano nakilala si Jansen

Share

CHAPTER 130: Paano nakilala si Jansen

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-15 10:40:03

“MISS, okay ka lang ba?”

Iyon ang unang boses na narinig ko sa gitna ng nag-uunahang sigaw, nakabibinging tunog ng sirena, at nakasisilaw na ilaw sa paligid. Isang lalaking bakas ang matinding pag-aalala sa mukha habang mabilis akong itinutulak sa loob ng emergency room ng ospital.

Hindi ko siya kilala.

Hindi ko maalala kung sino siya o kung bakit ganoon na lamang ang takot sa kanyang mga mata habang paulit-ulit niyang tinatawag ang mga doktor. Ngunit kahit estranghero kami sa isa’t isa, tila b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alexis Venzon
salamat po sa update. sana lg dagdagan pa po
goodnovel comment avatar
Alexis Venzon
hayaan muna chantal. wag muna balikan ang masakit na nakaraan. ang mahalaga ayus kna ngayun. kasama ng mahal mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 50: Asawa ng artista

    Nang tumunog ang pribadong elevator at dahan-dahang nagbukas ang pinto nito sa pinakataas na palapag, agad na humakbang palabas si Mang Arturo habang dala-dala ang aking briefcase.Inaasahan ng matanda na maglalakad ako patungo sa pinto ng katapat na unit—ang penthouse na tinuluyan namin ni Aila. Subalit lumagpas ako roon at huminto sa harap ng pangunahing pintuan ng aking sariling residential suite. Ipinatong ko ang aking daliri sa fingerprint scanner.Beep.Click.Nangunot ang noo ni Mang Arturo saka tumingin sa akin, bahagyang nagtataka kung bakit doon ako papasok. Dahan-dahan kong itinulak ang mabigat na pintuan.Sa gitna ng malawak at napakagandang sala, agad na bumungad ang isang napakagandang babae. Nakasuot si Gia ng isang simpleng silk robe, nakalugay ang kanyang buhok, at may hawak na tasa ng tsaa habang nakatayo sa tapat ng panoramic glass window. Nakaabang na pala siya sa aking pagdating.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, dahan-dahan siyang lumingon at ngumiti sa akin—i

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 49: Ilayo si Aila

    "I miss you na, mahal ko..."Ang malambing at pilit na paimbabaw na boses ni Aila ang agad na humagupit sa aking tainga pagkababa ko pa lamang ng sasakyan. Bago ko pa man maituwid ang aking tayo sa underground parking, mabilis siyang lumapit at yumakap sa aking baywang."Akala ko... hindi ka na uuwi rito," dagdag niya sa isang pa-cute at naglalambing na tono. "Tara sa unit ko, ipagluluto kita ng paborito mong hamonado..."Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng matinding inis sa aking dibdib. Ang pabangong gamit niya—na dating humahalimuyak sa akin—ngayon ay nagdudulot na lamang ng matinding pagkasuklam.Marahas kong inalis ang kanyang mga kamay na nakayakap sa aking baywang at mabilis siyang itinulak nang bahagya palayo."Bakit ka naman nagagalit? Ano bang ginawa kong mali sa 'yo?" pagkukunwari niya, habang ipinapakita ang paborito niyang mukha ng isang inosenteng biktima."Aila... niloko mo ako. Bakit itinatanong mo pa kung ano ang ginawa mong mali?" malamig at nandidiri kong tu

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 48: Matagal ng Panloloko

    "Matagal ko na po sanang gustong sabihin sa inyo ito, Attorney," pahayag ng matanda, habang dahan-dahang pinapatakbo ang SUV. "Nong mga panahon po na kayo pa ni Miss Aila... napakarami ko pong nakikita at nalalaman tungkol sa kanya na hindi niyo alam. Ilang beses ko po siyang naihatid sa kung saan-saan kapag wala kayo sa mansyon o kapag busy kayo sa korte. May mga pagkakataon po na nagpapahatid siya sa mga bar at hotel, at doon... nakikita ko po siyang may kasamang ibang lalaki."Natahimik ako. Hindi ako nagulat sa katotohanan, ngunit ang marinig ito mula sa aking matapat na driver ay nagdulot ng panibagong pait sa aking lalamunan."Ang lalaking 'yon... si Benny," patuloy ni Mang Arturo. "Ilang beses ko pong nakitang sumasakay 'yon sa kotse kapag malayo na tayo sa opisina niyo. Nagpapapabili si Miss Aila ng mga mamahaling gamit gamit ang credit card niyo, tapos ibinibigay niya sa lalaking 'yon. Nakikita ko po sa rear view mirror kung paano sila maglambingan sa backseat... habang ka

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 47: Uuwi sa asawa

    Bumaba ako gamit ang pribadong elevator ng gusali. Paglabas ko sa may lobby, agad na lumapit si Mang Arturo upang kunin ang aking briefcase at pinagbuksan ako ng pinto ng itim na SUV.Nang makapasok ako sa backseat, isinara niya ang pinto at mabilis na umikot patungo sa driver's seat. Inihinto niya ang sasakyan sa exit ng parking habang inaayos ang rearview mirror upang tignan ako."Saan po tayo ngayon, Attorney? Sa mansyon po ba sa Antipolo o sa condo niyo sa may BGC?" tanong ni Mang Arturo habang umaandar na kami sa gitna ng abalang kalsada.Isinandal ko ang aking ulo sa leather seat ng sasakyan at tumingin sa labas ng bintana."Sa condo, Mang Arturo," malamig kong sagot. "Doon muna ako uuwi ngayon... naghihintay doon ang asawa ko."Biglang napatapak si Mang Arturo sa preno ng sasakyan, dahilan upang bahagya kaming yumugyog sa gitna ng daan! Mabilis na nagmura ang ilang driver sa likod at bumusina nang malakas, ngunit tila hindi iyon narinig ni Mang Arturo.Nangatog ang kanyang mg

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 46: Ang pag aalok ni Aila ng kabayaran

    POV: CrisostomoNakatitig pa rin ako sa dumidilim na screen ng aking cellphone habang nakasandal sa aking swivel chair sa loob ng opisina. Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling umaalingawngaw sa aking isipan ang mga huling salitang binitawan ni Gia sa telepono.Kakastiguhin niya si Aila?Napailing ako nang bahagya. Paano kaya niya gagawin iyon? Sa kabila ng pagiging tahimik at tila mahinhin ni Gia, may natatagong talim, tapang, at kakaibang awtoridad sa kanyang mga mata na ngayon ko pa lamang tuluyang natutuklasan. Isang katangiang napakalayo sa babaeng naging bahagi ng buhay ko sa loob ng pitong taon.Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang bumabalik ang aking isip sa nakaraan.Pitong taon na ang nakakaraan nang unang magtagpo ang aming mga landas ni Aila. Trenta y tres pa lamang ako noon at nagsisimula pa lamang magpundar ng pangalan bilang isang abogado nang hawakan ko ang kaso ng kanyang ama. Sa kasamaang-palad, napatay ang kanyang ama sa i

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Gia 45: Kakastiguhin si Aila

    Matapos ang maingay at nakakatawang eksena ni Aila sa labas ng pinto, muling naghari ang katahimikan sa loob ng napakalawak na penthouse.Nakatayo pa rin ako sa harap ng glass wall, habang dahan-dahang hinahalo ang mainit na tsaa sa aking hawak na tasa. Ang mga ilaw ng siyudad sa ibaba ay patuloy sa kanilang maningning na pagsayaw, ngunit ang aking isip ay nagsimula nang gumawa ng sarili nitong mga hakbang.Hindi ako pwedeng manatiling manonood lamang sa sarili kong buhay. Matagal akong naging biktima—sa kamay ng sarili kong mga magulang, sa karahasan ni Anthony, at sa takot na bumalot sa akin nang ilang buwan. Ngunit ngayon, sa ilalim ng proteksyon at pangalan ng isang Crisostomo Ricaforte, hindi ko na hahayaan na kahit sinong tulad ni Aila ay tapak-tapakan o guluhin ang aking kapaligiran.Kinuha ko ang aking telepono mula sa mesa. Hahanapin ko sana ang numero ni Crisostomo, ngunit bago ko pa man iyon mapindot, biglang umilaw ang screen at lumabas ang kanyang pangalan.Dahan-dahan ko

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 3: Bestfriend Daw?

    “CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 5: Knight and Shining Armor

    SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 4: Pakikipagplastikan

    “AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 1: One Night Stand

    POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status