LOGIN“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.
Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna ng mga cubicle bago nag usap ng ganoon. Agad kong inilabas ang aking recording pen, at inirecord ang naging usapan nila.
“Pero. Ikakasal na sila di ba?” Tanong ng babaeng kasama niya.
“Gag*! Paano nga magpapakasal s Jansen kung ako yung gusto niya? Isa pa, kababae niyang tao, para siyang linta. Tapos ke arte arte pa niya. Sabi nga ni jansen, sa noo at pisngi niya lang nahahalikan si Chantal. May pa reserve reserve pang nalalaman sa sarili. My god! Anong year na ba ngayon? 2026 na! Uso pa ba sa mga babae ang pa-demure? Masyado niyang bina-value ang p*kpek niya. Bakit, perfume ba amoy nun?”
Nagtawanan ang mga kasama niya sa kanyang sinabi.
“Grabe ka naman talaga. Mabait pa naman si ma’am chantal.”
“Heh! Ang sabihin mo, uto uto siya! Alam mo kasi sa buhay, dalawa lang yan, isang loko loko, at isang nagpapaloko. Eh , malay ko bang ganoon pala siya katanga para maniwalang bestfriend lang kami ni Jansen.”
“Magjowa ba kayo?”
“Ano pa? Sa palagay mo ba, saan kami nagpupupunta kapag nag a-out of town? Malamang, mas malaya kami kapag malayo no. Ang babaeng iyon ,masyadong naniniwala kay Jansen. Guwapo naman nga kasi ang babe ko..”
“Eh di ikaw na ang may guwapong babe..” biro ng isa.
HIndi magkandamayaw ang tawanan ng grupo, saka lumabas ng rest room.
Naiwan ako sa loob ng cubicle na nanlalamig at namumutla.
Tama naman si Veronica. Uto uto ako saka tanga. Napaikot nila ako sa loob ng ilang taon. Ni hindi o man lang naisip na kahit paano, babae at lalaki pa rin sila.
Nanghihina ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto, bago lumabas ng banyo. Naghilamos ako, at inayos ang aking sarili, na parang walang nangyari.
Itnago ko ang recording pen sa bulsa ng suot ko, at kaswal na lumabas ng banyo.
Sa pasilyo, nakita ko sina Jansen at Veronica na nag uusap.
Kitang kita ko ang ngisi ni Veronica ng makita niya ako.
‘Alam kong nasa banyo ka.. at tama lang na ilugar mo ang sarili mo kung sino ka sa buhay ni Jansen,’ bulong ni Veronica sa sarili.
“Jansen, nagugutom na ko..” malambing na sabi ni Veronica habang inuuga ang braso ng lalaki. Nilakasan niya talaga iyon.
“Hinahanap ko pa si Chantal,” sagot ni Jansen.
“Ayan pala siya oh,” itinuro ako ni Veronica.
“Chantal, kanina pa kita hinahanap. Nagkaproblema sa billing ng ating ilang loans. Ayusin mo nga.” Utos niya sa akin.
“Okay,” malamig kong sagot sa kanya. Hindi na ako huminto sa paglalakad. Iniwan ko na sila. Subalit mabilis akong hinabol ni Jansen, saka hinila ang aking braso.
“Teka nga.. anong inaarte mo ngayon? Bakit nagliligalig ka na naman ata?” Naiirita niyang tanong sa akin.
“Baka gutom na rin siya. Bakit hindi natin siya isamang kumain?” May kislap sa mga mata ni Veronica ng sabihin niya iyon.
“Hindi ka pa ba kumakain?” Tanong ni Jansen sa akin, “halika, kumain na muna tayo.”
Hinila niya ako. Hindi na ako tumanggi. Ayoko ng eskandalo. Siguro, ito na rin ang panahon, para makipaghiwalay ako sa kanya.
*****************
Madaming inorder na pagkain si Veronica, parang fiesta ang mesa.
Magkatabi sila sa upuan, at ako naman ang nasa tapat ni Jansen. Nakakatawa lang, dahil nagmukha akong third wheel nilang dalawa.
Ang mga pagkaing naroroon, ay ang mga pagkaing hindi ko kinakain, lalo na ang hipon at ang clams.
May allergy ako sa seafoods, at mukhang nakalimutan iyon ni Jansen.
“Masarap ito,” nakangiting sabi ni Veronica, saka sumandok ng seafood soup at inilagay iyon sa mangkok ni Jansen. “Alam mo ba, Chantal, mahilig sa sabaw si Jansen, kaya dapat, pakainin mo siya ng ganito kapag ikinasal na kayo.”
Ikakasal? Malabo iyon. Wala akong planong magpakasal sa isang kagaya ni Jansen na masyadong mataas ang ihi. Hindi siya nararapat para sa akin.
Napatingin si Jansen sa akin, at napansin niyang hindi ako kumakain. Kumunot ang kanyang noo.
“Anong problema, Chantal? Busugin mo ang sarili mo para hindi ka na nagtatantrums ng ganyan.” Kumuha siya ng mga pagkain at inilagay iyon sa aking plato.
Parang naging kaning baboy ang nasa harapan ko, sa dami ng pinaghalo halong pagkain. Nakakawalang gana!
“Kumain ka, wag mong painitin ang ulo ko, Chantal.”
Napangiti ako ng mapait, at parang kasama ng aking laway ay ampalaya juice ng lumunok ako. Money can’t buy class talaga. Kung saang squatter nanggaling si Jansen, iyon pa rin ang ugaling dala dala niya kapag ako ang kaharap.
“Busog ako,” sagot ko sa kanya.
“Busog? Hindi ka pa kumakain!” ibinagsak ni Jansen ang kanyang tinidor at kutsara. Malakas iyon, na tila ba nagtatawag ng mga taong titingin sa kaya niyang gawin, “Chantal, tigilan mo na ang pa-petty mo. Nakakairita na yan!”
“Oo nga naman, Chantal. Bakit masyado ka naman atang nag iinarte nitong mga nakaraan. Simula noong dumating ako sa opisina, parang nagkaganyan ka na. Alam kong naiinis ka sa akin, pero wala namang masamang suportahan ko ang kaibigan ko, hindi ba?” yumuko pa si Veronica saka nagpaawa. Ibang iba siya sa babaeng narinig ko sa banyo kanina lang. “Jansen, siguro, kailangan ko ng magresign, para mapanatag na si Chantal..”
Tatayo na sana siya, subalit pinigilan siya ni Jansen.
“Hindi. Wala kang ginagawang masama,” hinila ng bahagya ni Jansen si Veronica paupo, “Chantal, tingnan mo nga ang ginagawa mo, nakakasakit ka na ng damdamin ng iba. Magsorry ka kay Veronica, ngayon na!”
“Ha?” natawa ako ng may pangungutya, “at bakit naman ako magsosorry sa kanya ha?”
“Napaka irational mo!” tumayo si Jansen saka itinoon ang mga palad sa mesa, at bahagya siyang yumuko sa akin, “inaya ka dito ni Veronica para pasayahin. Tapos, ganito lang ang matatanggap niya mula sayo? Iinsultuhin mo siya, sa pamamagitan ng hindi pagkain ng mga inorder niya?”
Huminga ako ng malalim, saka ko siya tiningnan ng diretso, “kakainin ko ito.. Pero bayad na ang utang na loob ko sayo.” sabi ko sa kanya.
Kahit mukhang kaning baboy ang laman ng aking plato, kinain ko ang kaunting hipon at clams na naroon, habang nakatingin ng masama sa kanya.
Nararamdaman ko na ang pangangapal ng aking labi, at ang sikip ng paghinga.
Binitawan ko ang aking kutsara at tinidor, saka nag umpisa akong umubo.
“A–anong nangyayari sayo?” tanong ni Jansen sa akin.
Lalapitan na sana niya ako, subalit biglang umarte si Menchie. Sinabuyan niya ng mainit na sabaw ang kanyang kamay.
“AAAAH! Jansen, ang sakit!” nag umpisa na siyang umiyak habang ipinapakita ang kanyang paso.
“Veronica!” agad nilapitan ni Jansen ang babae at nag aalalang hinipan ang kamay nito.
Samantalang ako, hindi na ako makahinga. Namumula na ako at nagkukulay ube na ang aking mga labi.
“Dadalahin kita sa ospital!” malakas na wika ni Jansen saka binuhat si Veronica.
Hindi man lang niya nagawang lingunin ako, at hinayaan na lang akong mahulog sa upuang aking kinalalagyan.
Bago pa man mawala sa dilim ang aking isipan, narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.
“UMALIS daw po agad si Madam pagkatapos niyang makita ang CCTV footage, sir,” balita ni Lionel sa kabilang linya. Halatang nagmamadali ang kanyang tinig. “Tiningnan ko po ang parking area. Wala na po roon ang sasakyan niya.”Bigla akong kinabahan.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mariin kong tanong habang mahigpit na nakahawak sa cellphone.“Sinuri ko rin po ang CCTV footage sa parking area. May isang bagay po akong napansin na kakaiba.”“Ano iyon?”Sandaling natahimik si Lionel bago nagsalita.“Blind spot po ang daanang dinaanan ni Madam patungo sa parking ng hotel. Hindi malinaw ang kuha ng camera. Pero bago iyon, may nakita po akong kahina-hinalang detalye.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa aking katawan.“Anong detalye?”“Sir, iba po ang suot ng taong nagmaneho ng sasakyan ni Madam.”Napatuwid ako ng upo.“Ano?”“Opo. Nang dumating po si Madam sa hotel, malinaw sa CCTV na nakasuot siya ng puting blazer at itim na paldang hanggang tuhod. Pero nang may sumakay sa driver's sea
POV: Jeremiah"Sir, nagpunta po dito ang asawa niyo, tiningnan niya po ang CCTV footage ilang buwan na ang nakakaraan. Gaya po ng sinabi niyo, ipinakita ko po iyon sa kanya."Bahagya akong natigilan nang marinig ang ulat mula sa manager ng hotel.Ilang segundo akong natahimik bago unti-unting napangiti.Ibig sabihin...Nagsimula na ring maghanap ng katotohanan si Chantal.Sa wakas.Matapos ang lahat ng pagtatalo, pagdududa, at masasakit na salitang ibinato niya sa akin, nagkaroon din siya ng lakas ng loob na alamin kung nagsisinungaling ba talaga ako.At alam kong kapag nakita niya ang footage, mauunawaan niya ang lahat.Mauunawaan niyang hindi ko siya niloko.Hindi ko siya nais saktan.At hindi ako nagsinungaling kailanman.“Ano pa ang ginawa niya diyan?” tanong ko habang nakasandal sa aking upuan.“Wala na po, Sir. Pagkatapos niyang makita ang footage, umalis na rin po siya.”Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.“Sige. Salamat.”Pagkababa ko ng tawag, tuluyan akong napangiti
ILANG araw nang hindi umuuwi si Jeremiah sa bahay.Ni isang mensahe ay wala akong natanggap mula sa kanya.Wala na ang mga pasalubong niyang madalas iuwi. Wala na rin ang simpleng pangungumusta na dati ay hinahanap-hanap ko ngunit hindi ko pinapahalagahan.Unti-unting nagsimulang sumikip ang aking dibdib.Nag-aalala na ako.Hindi ko alam kung nasaan siya.Hindi ko alam kung kumusta na siya.At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya matapos ang lahat ng masasakit na salitang ibinato ko sa kanya.Hindi na ako mapakali.Kailangan kong malaman ang katotohanan.Kailangan kong malaman kung nagkamali ba talaga ako.At ang sagot ay matatagpuan lamang sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.Sa hotel.Sa hotel kung saan aksidente akong nakapasok sa maling silid ilang buwan na ang nakalilipas.Mabilis akong naligo at nagbihis.Pagharap ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang sarili ko.Lumalim ang aking mga mata.Namayat ang aking mukha.At ang dating sakto kong palda
“Sana… sana hinayaan mo na lang akong mamatay! Sana, isinama mo na lang ako sa anak ko!”Halos mapunit ang lalamunan ko sa tindi ng sigaw na lumabas mula sa lalamunan ko.Parang buong bahay ang nayanig sa sakit at galit na matagal kong kinimkim.Ngayon lang kami nag-away nang ganito ni Jeremiah.Ngayon lang ako sumigaw sa kanya nang parang wala nang natitirang pagmamahal.At ngayon ko lang din nakita ang lalaking mahal ko na unti-unting nadudurog sa harapan ko.“Naririnig mo ba ang sarili mo?!” galit na galit niyang sigaw pabalik. "Sigurado ka bang iyan ang nais mo?!"Namumula ang kanyang mga mata. Nakaumbok ang mga ugat sa kanyang leeg habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon na kanina pa kumakawala.Ngunit wala na akong pakialam.Hindi na kayang pigilan ng sakit ko ang bibig ko.“Oo!” sigaw ko habang humahagulgol. “Mas mabuti pang namatay na lang ako kasama ng anak ko!”Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.Parang mismong puso niya ang sinaksak ng mga salitang iyon.“Wag mong sa
“BABY, papasok na muna ako sa trabaho…”Mahinang paalam ni Jeremiah habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo.Isang buwan na ang lumipas matapos mangyari ang lahat.Isang buwan mula nang mawala ang batang nasa sinapupunan ko.At isang buwan na rin akong unti-unting lumalayo kay Jeremiah.Tahimik lamang akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit narinig ko ang kanyang paalam, hindi ko man lamang siya nilingon.Gaya ng nakasanayan nitong mga nakaraang linggo.Ngunit kahit paulit-ulit ko siyang hindi pinapansin, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sa akin.Araw-araw siyang nagpapaalam bago umalis.Araw-araw din siyang umuuwi nang may dalang kung anu-ano—pagkain, gamot, stuffed toy, at kung minsan ay mga bulaklak.Napuno na ng tuyong bulaklak ang buong silid ko. Mga bulaklak na hindi ko man lamang hinawakan.Unti-unti na iyong nalalanta, katulad ng relasyong pilit naming binubuhay.“Lumabas ka naman kahit saglit,” muli niyang sabi habang marahang
NAKAUWI na ako ng bahay, ngunit pakiramdam ko’y naiwan pa rin ang kalahati ng pagkatao ko sa ospital.Tahimik ang buong silid habang nakatanaw lamang ako sa bintana. Madilim na sa labas, ngunit mas madilim ang bigat na bumabalot sa aking dibdib.Pakiramdam ko’y may malaking puwang sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.At alam kong kailanman, hindi na iyon mapupunan pa.Ipinaliwanag na sa akin ni Elizza ang lahat ng nangyari.Hindi raw maaaring manatili ang bata sa aking sinapupunan dahil masyado nang mahina ang aking katawan. Kapag ipinilit pa raw ang pagbubuntis, pareho kaming maaaring mawala ng bata.Ngunit higit sa lahat…Si Jeremiah mismo ang pumirma.Siya mismo ang nagdesisyong alisin ang batang nasa loob ko.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pilit pinipigilan ang pag-agos ng luha.Masakit.Napakasakit.Pakiramdam ko’y hindi lamang bata ang nawala sa akin.Parang may bahagi ng puso ko ang pilit na inukit at tinanggal nang walang pahintulot ko.Alam kong hindi niya ana







