Se connecter“UMALIS daw po agad si Madam pagkatapos niyang makita ang CCTV footage, sir,” balita ni Lionel sa kabilang linya. Halatang nagmamadali ang kanyang tinig. “Tiningnan ko po ang parking area. Wala na po roon ang sasakyan niya.”Bigla akong kinabahan.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mariin kong tanong habang mahigpit na nakahawak sa cellphone.“Sinuri ko rin po ang CCTV footage sa parking area. May isang bagay po akong napansin na kakaiba.”“Ano iyon?”Sandaling natahimik si Lionel bago nagsalita.“Blind spot po ang daanang dinaanan ni Madam patungo sa parking ng hotel. Hindi malinaw ang kuha ng camera. Pero bago iyon, may nakita po akong kahina-hinalang detalye.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa aking katawan.“Anong detalye?”“Sir, iba po ang suot ng taong nagmaneho ng sasakyan ni Madam.”Napatuwid ako ng upo.“Ano?”“Opo. Nang dumating po si Madam sa hotel, malinaw sa CCTV na nakasuot siya ng puting blazer at itim na paldang hanggang tuhod. Pero nang may sumakay sa driver's sea
POV: Jeremiah"Sir, nagpunta po dito ang asawa niyo, tiningnan niya po ang CCTV footage ilang buwan na ang nakakaraan. Gaya po ng sinabi niyo, ipinakita ko po iyon sa kanya."Bahagya akong natigilan nang marinig ang ulat mula sa manager ng hotel.Ilang segundo akong natahimik bago unti-unting napangiti.Ibig sabihin...Nagsimula na ring maghanap ng katotohanan si Chantal.Sa wakas.Matapos ang lahat ng pagtatalo, pagdududa, at masasakit na salitang ibinato niya sa akin, nagkaroon din siya ng lakas ng loob na alamin kung nagsisinungaling ba talaga ako.At alam kong kapag nakita niya ang footage, mauunawaan niya ang lahat.Mauunawaan niyang hindi ko siya niloko.Hindi ko siya nais saktan.At hindi ako nagsinungaling kailanman.“Ano pa ang ginawa niya diyan?” tanong ko habang nakasandal sa aking upuan.“Wala na po, Sir. Pagkatapos niyang makita ang footage, umalis na rin po siya.”Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.“Sige. Salamat.”Pagkababa ko ng tawag, tuluyan akong napangiti
ILANG araw nang hindi umuuwi si Jeremiah sa bahay.Ni isang mensahe ay wala akong natanggap mula sa kanya.Wala na ang mga pasalubong niyang madalas iuwi. Wala na rin ang simpleng pangungumusta na dati ay hinahanap-hanap ko ngunit hindi ko pinapahalagahan.Unti-unting nagsimulang sumikip ang aking dibdib.Nag-aalala na ako.Hindi ko alam kung nasaan siya.Hindi ko alam kung kumusta na siya.At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya matapos ang lahat ng masasakit na salitang ibinato ko sa kanya.Hindi na ako mapakali.Kailangan kong malaman ang katotohanan.Kailangan kong malaman kung nagkamali ba talaga ako.At ang sagot ay matatagpuan lamang sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.Sa hotel.Sa hotel kung saan aksidente akong nakapasok sa maling silid ilang buwan na ang nakalilipas.Mabilis akong naligo at nagbihis.Pagharap ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang sarili ko.Lumalim ang aking mga mata.Namayat ang aking mukha.At ang dating sakto kong palda
“Sana… sana hinayaan mo na lang akong mamatay! Sana, isinama mo na lang ako sa anak ko!”Halos mapunit ang lalamunan ko sa tindi ng sigaw na lumabas mula sa lalamunan ko.Parang buong bahay ang nayanig sa sakit at galit na matagal kong kinimkim.Ngayon lang kami nag-away nang ganito ni Jeremiah.Ngayon lang ako sumigaw sa kanya nang parang wala nang natitirang pagmamahal.At ngayon ko lang din nakita ang lalaking mahal ko na unti-unting nadudurog sa harapan ko.“Naririnig mo ba ang sarili mo?!” galit na galit niyang sigaw pabalik. "Sigurado ka bang iyan ang nais mo?!"Namumula ang kanyang mga mata. Nakaumbok ang mga ugat sa kanyang leeg habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon na kanina pa kumakawala.Ngunit wala na akong pakialam.Hindi na kayang pigilan ng sakit ko ang bibig ko.“Oo!” sigaw ko habang humahagulgol. “Mas mabuti pang namatay na lang ako kasama ng anak ko!”Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.Parang mismong puso niya ang sinaksak ng mga salitang iyon.“Wag mong sa
“BABY, papasok na muna ako sa trabaho…”Mahinang paalam ni Jeremiah habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo.Isang buwan na ang lumipas matapos mangyari ang lahat.Isang buwan mula nang mawala ang batang nasa sinapupunan ko.At isang buwan na rin akong unti-unting lumalayo kay Jeremiah.Tahimik lamang akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit narinig ko ang kanyang paalam, hindi ko man lamang siya nilingon.Gaya ng nakasanayan nitong mga nakaraang linggo.Ngunit kahit paulit-ulit ko siyang hindi pinapansin, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sa akin.Araw-araw siyang nagpapaalam bago umalis.Araw-araw din siyang umuuwi nang may dalang kung anu-ano—pagkain, gamot, stuffed toy, at kung minsan ay mga bulaklak.Napuno na ng tuyong bulaklak ang buong silid ko. Mga bulaklak na hindi ko man lamang hinawakan.Unti-unti na iyong nalalanta, katulad ng relasyong pilit naming binubuhay.“Lumabas ka naman kahit saglit,” muli niyang sabi habang marahang
NAKAUWI na ako ng bahay, ngunit pakiramdam ko’y naiwan pa rin ang kalahati ng pagkatao ko sa ospital.Tahimik ang buong silid habang nakatanaw lamang ako sa bintana. Madilim na sa labas, ngunit mas madilim ang bigat na bumabalot sa aking dibdib.Pakiramdam ko’y may malaking puwang sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.At alam kong kailanman, hindi na iyon mapupunan pa.Ipinaliwanag na sa akin ni Elizza ang lahat ng nangyari.Hindi raw maaaring manatili ang bata sa aking sinapupunan dahil masyado nang mahina ang aking katawan. Kapag ipinilit pa raw ang pagbubuntis, pareho kaming maaaring mawala ng bata.Ngunit higit sa lahat…Si Jeremiah mismo ang pumirma.Siya mismo ang nagdesisyong alisin ang batang nasa loob ko.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pilit pinipigilan ang pag-agos ng luha.Masakit.Napakasakit.Pakiramdam ko’y hindi lamang bata ang nawala sa akin.Parang may bahagi ng puso ko ang pilit na inukit at tinanggal nang walang pahintulot ko.Alam kong hindi niya ana







