Home / Romance / Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 150: Pagbubuntis

Share

CHAPTER 150: Pagbubuntis

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-20 07:07:50
“Chantal…” mahinang tawag ni Jeremiah habang nakatitig sa walang malay na asawa.

Ilang araw na akong nakahiga sa ospital. Halos hindi ko na alam kung ilang beses akong tinurukan, sinuri, at kinabitan ng kung anu-anong aparato para lamang mabantayan ang aking kalagayan. Masyadong naging maselan ang kondisyon ko matapos akong magsuka ng dugo at mawalan din ng dugo mula sa aking ibabang bahagi.

Gising ang diwa ko, ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Para akong nakalutang sa gitna ng dilim—
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alexis Venzon
kawawa nman c chantal. akla q happy ending na sila.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 150: Pagbubuntis

    “Chantal…” mahinang tawag ni Jeremiah habang nakatitig sa walang malay na asawa.Ilang araw na akong nakahiga sa ospital. Halos hindi ko na alam kung ilang beses akong tinurukan, sinuri, at kinabitan ng kung anu-anong aparato para lamang mabantayan ang aking kalagayan. Masyadong naging maselan ang kondisyon ko matapos akong magsuka ng dugo at mawalan din ng dugo mula sa aking ibabang bahagi.Gising ang diwa ko, ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Para akong nakalutang sa gitna ng dilim—nakakarinig, nakararamdam, ngunit walang kakayahang gumalaw o magsalita.Mga yabag lamang ang malinaw kong naririnig.Mahihinang yabag… at mga tinig na pamilyar sa akin.Nanatili akong tahimik at walang imik habang pilit inuunawa ang usapan sa loob ng silid.“Elizza…” muli kong narinig ang tinig ni Jeremiah. May kaba at pananabik iyon na tila may hinihintay na sagot.Huminga nang malalim si Elizza bago nagsalita.“Napakahirap matukoy agad ng totoong nangyari sa kanya. Halos ilang araw naming ina

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 149: Pagtatapos nina Jansen

    Makalipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa bulwagan, tuluyan nang kumalat ang balita tungkol sa pamilya nina Jansen.Hindi man inilabas sa media ang lahat ng detalye ng gabing iyon, sapat na ang mga ebidensyang hawak nina Jeremiah at Lolo George upang tuluyang mabuksan muli ang kaso ng aksidenteng ikinamatay ng pamilya ni Chantal.At sa pagkakataong iyon—Hindi na sila nakalusot.Maagang dumating ang mga pulis sa mansyon nina Jansen.Tahimik lamang na nakatayo si Jansen sa sala habang pinapanood ang mga pulis na isa-isang pumapasok sa kanilang bahay.Samantalang si Estella ay halos maglupasay sa iyak.“Huwag ninyo kaming hulihin!” sigaw nito habang yakap-yakap si Ramon. “Hindi namin sinasadya iyon!”Ngunit malamig lamang ang ekspresyon ng mga pulis.“Jansen Moore, Ramon Moore, at Estella Moore,” matigas na sabi ng hepe. “Inaaresto namin kayo dahil sa pagtatakip sa krimen, obstruction of justice, at iba pang kasong may kaugnayan sa pagkamatay ng pamilya Gray.”Parang nawalan n

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 148: Galit

    Nakahandusay si Jansen sa sahig habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ilong. Nanginginig siyang napahawak doon habang hirap na hirap huminga.“Jansen!” sigaw ni Veronica habang mabilis na gumagapang palapit sa kanya.Halatang taranta ang babae habang pilit siyang inalalayan.“Tumigil ka.”Malamig ang tinig ko kaya agad siyang napahinto.Natigilan si Veronica at dahan-dahang napalingon sa akin. Nanginginig ang kanyang mga labi habang bakas ang takot sa kanyang mukha.Tahimik ang buong bulwagan.Tanging impit nilang pag-iyak at paghingal lamang ang maririnig.Nakatayo lang ako habang mahigpit na hawak ang latigo sa aking kamay.Ngunit habang nakatingin ako sa kanila…Mas lalong bumibigat ang dibdib ko.Dahil kahit anong gawin ko—Hindi na mababalik ng lahat ng ito ang pamilya ko.Hindi na muling tatawa si Papa habang sabay kaming nag-aalmusal.Hindi na ako yayakapin ni Mama tuwing malulungkot ako.At hindi ko na muling mararanasan ang pakiramdam ng may kumpleto at masa

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 147: Simula na ng paniningil

    “Unahin mo si Veronica!”Halos mapunit ang lalamunan ni Estella sa pagsigaw habang nanginginig itong nakaluhod sa gitna ng bulwagan.“Siniraan ka niya sa akin!” mabilis nitong dagdag habang nakaturo kay Veronica. “Siya ang unahin mo!”“Ako agad?!” gulat at galit na sigaw ni Veronica. “Tita, ikaw kaya ang may sabi sa akin na ayaw mo kay Chantal!”Napapikit ako sandali habang pilit pinipigilan ang pagragasa ng emosyon sa dibdib ko.Sa kabila ng sitwasyon nila ngayon…Nagawa pa rin nilang magtaksilan.Nagawa pa rin nilang magsisihan.Nakakatawa.Pero higit sa lahat—Nakakadiri.Unti-unting bumalik sa isip ko ang mukha ng pamilya ko.Ang mga ngiti nila.Ang masasayang alaala naming magkakasama.At kung paano iyon nawala sa isang iglap dahil sa pamilyang nasa harapan ko ngayon.Sila ang dahilan kung bakit ako naulila.Sila ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko.At ngayon?Nagtuturuan sila na parang mga asong takot mamatay.“Veronica…”Agad siyang napatingin sa akin nang tawagin ko siy

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 146: Sino ang mauuna?

    “Sino ang gusto ninyong mauna?”Mabagal kong iniangat ang latigo bago ko iyon malakas na inihampas sa sahig.PAAAK!Umalingawngaw sa buong bulwagan ang matinis na lagitik niyon. Para iyong matalim na tunog ng paghuhukom na lalong nagpalamig sa paligid.Napapikit sa takot sina Veronica at Estella, habang si Ramon naman ay halos hindi na makatingin nang diretso sa akin.Samantalang si Jansen…Nakatitig lamang sa hawak kong latigo.Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang mariin.Takot.Sa wakas, natutunan din nilang matakot.“Sige lang, Chantal,” kampanteng sabi ni Lolo George habang marahang umuupo sa isang sofa kasama si Jeremiah. “Dito lang kami. Sabihin mo lang kung may kailangan ka.”Ngumiti pa ang matanda na para bang isang palabas lamang ang lahat ng nangyayari.Ngunit para sa akin—Ito ang simula ng pagbabayad nila.Nanlaki ang mga mata ni Jansen habang nakatitig sa pamalong hawak ko.Ang mahabang latigong iyon ay hindi pa man dumadampi sa kanila, ngunit sapat na para mangi

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 145: Walang lugar ang awa

    “Ang kakapal ng mga mukha ninyo!”Halos mapunit ang lalamunan ko sa lakas ng sigaw habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.“Pinaniwala ninyo akong kayo ang nagligtas sa akin! Na may utang na loob ako sa inyo!” nanginginig kong sigaw habang nakaturo sa pamilya ni Jansen. “Ginamit ninyo ang aksidente para mabitag ako! Ibinigay ko sa inyo ang lahat—pera, tiwala, tulong, respeto—dahil akala ko, utang ko sa inyo ang buhay ko!”Napasinghap ang ilang taong naiwan pa sa bulwagan habang nanginginig ako sa galit.“Tapos ngayon…” halos mawalan ako ng boses sa sobrang hinanakit, “malalaman kong kayo pala ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ko?!”Tahimik ang buong paligid.Walang ni isa mang nagtangkang magsalita.“Mga hayop kayo…” bulong ko habang tumutulo ang luha sa aking mukha. “Wala kayong awa…”“Chantal… Chantal, makinig ka…” umiiyak na sabi ni Estella habang paluhod na lumapit sa akin.Lumuhod siya sa harapan ko at mahigpit na yumakap sa aking mga binti na para ban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status