Share

CHAPTER 49: Kasal

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-04-22 14:31:14

"Bakit ba ako ang inaaya mo? bakit hindi mo ayain si Dr. Delgado magpakasal?"

Nangunot ang kanyang noo ng marinig iyon. Napatingin siya sa akin na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ha? anong sinabi mo?"

"Bakit kako, hindi si Eli ang pakasalan mo? Bakit ako?"

"Ayaw mo ba?" tanong niya, "nagalaw na kita tapos gusto mo sa iba ako magpakasal? Maraming babaeng naghahabol sa lalaki, kapag may nangyari na sa kanila. Ikaw naman, pananagutan ka na, parangt ayaw mo pa?"

"Hindi naman ikaw ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 51: Lumaban

    KINABUKASAN..Naroon na silang lahat, halatang mga puyat. Ako naman ay pakanta kanta lang habang naglalakad."Dapat, tinatanggal na lang kapag hindi marunong makisama.." pasaring ni Geraldine."Oo nga.. mahirap yung ganyan hindi makakasundo ng iba.""Dapat ang pinapaalis ay yung mga tumatakas sa trabaho," wala akong kinakausap pero nilakasan ko lang ang aking tinig. "Yung mga tipong gumagala sa oras ng trabaho tapos ipapasa sa iba ang gawain nila. Umaasa na lang sa pasahod pero tamad naman.""Aba!" tumayo si Geraldine at hinarap ako, "ke bago bago mo dito, mayabang ka? baka gusto mong ipagkalat naming ginulpi ka ni Lucille!""Oo nga. Duwag ka naman, napakayabang mo!" segunda ni Winona."Akala niyo ba, natatakot ako?"Ngumiti ako—hindi yung simpleng ngiti, kundi yung ngiting halatang may babala.“Akala niyo ba, natatakot ako?” ulit ko, mas mababa na ang boses, pero mas tumalim. “Kung natatakot ako, hindi ako babalik dito. Sana, doon na lang ako sa bahay, at tumambay na lang ako kasama

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 50: New Employee

    "Miss Gray, ito ang table mo.." sabi sa akin ng isang HR. Sabi ni sir, lumapit ka lang daw sa aking kung may kailangan ka..""Salamat."Uupo na sana ako, ng bigla akong may marinig mula sa likuran."Buhay pa pala to?" tumatawang sabi ng isa."Oo nga, hindi pa siya namatay.""Sayang, nagulpi sana natin kung walang dumating."Hinarap ko sila. Ang mga babaeng kasama ni Lucille. Ngayon, may pagkakataon na akong makaganti talaga."Buhay pa ako.. para balikan kayo..""Wow, matapang pala siya," nagkatinginan ang tatlo na akala mo, triplets."Nagagalit kayo sa akin ng walang dahilan. Bakit ba? dahil ba mas maganda ako sa inyo? o dahil mga pangit kayo?"Natigilan sila. Halos kainin na nila ako sa sama ng kanilang tingin. Magsasalita pa sana sila, subalit nagsalita ang isang kasamahan namin."Si President Smith."Agad kaming pumila sa dadaanan ni Jeremiah.Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Kasama niya ang ilang assistant at saka si Lucille. Nakatingin si Lucille sa akin na tila ba na

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 49: Kasal

    "Bakit ba ako ang inaaya mo? bakit hindi mo ayain si Dr. Delgado magpakasal?"Nangunot ang kanyang noo ng marinig iyon. Napatingin siya sa akin na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko."Ha? anong sinabi mo?""Bakit kako, hindi si Eli ang pakasalan mo? Bakit ako?""Ayaw mo ba?" tanong niya, "nagalaw na kita tapos gusto mo sa iba ako magpakasal? Maraming babaeng naghahabol sa lalaki, kapag may nangyari na sa kanila. Ikaw naman, pananagutan ka na, parangt ayaw mo pa?""Hindi naman ikaw ang nauna sa akin.. may nauna na.. Kaya isipin mo na lang na pareho tayong nag enjoy."Bago ko pa pagsisihan ang aking sinabi, agad niyang hinablot ang aking pulso. Masakit iyon, halatang may gigil siya."Magpapakasal ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!" mariin niyang sabi. "Kahit tumanggi ka, marami akong paraan para mapapayag ka.""Bakit mo ba ako pinipilit, ha?" pilit kong hinihila ang aking kamay. Ayaw niya akong bitawan."Gusto mong mabawi ang lahat kay Jansen, at kung wala ako sa tabi mo, pal

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 48: Si Elizza!

    "Miss Gray?" gulat niyang bati sa akin, "anong nangyari sayo? kanina wala namang benda ang ulo mo ah?""Dr. Delgado.." pumipiksi ako para mabitawan ako ni Jeremiah, subalit bahagya niya pang hiigpitan ang kapit sa aking baywang.Lumapit siya sa amin, saka nagtatakang palipat lipat ang tingin sa amin ni Jeremiah."Magkakilala kayo?" magkasabay nagtanong ang dalawa."Oo.. galing siya dito kanina.. Nagpacheck up siya at---" biglang natigilan ang doctor, saka nanlalaki ang mga matang tumitig kay Jeremiah."Doon tayo sa opisina mo." Nauna ng maglakad si Jeremiah patungo sa opisina ng doctor.Pagdating namin doon, sinabihan niya ang kanyang secretary."Magbreak ka muna, at lagyan mo ng close sign ang pintuan ko.""Yes doc."Pagkalabas ng secretary niya, ibinaba ako ni Jeremiah sa maliit na higaan doon."Galing si Chantal dito kanina?" nakakunot na tanong niya sa babae."Hmm.." tumango si Dr. Delgado saka ako sinulyapan."Bakit may sakit ba siya?" tanong niya.Tiningnan ako ni Dr. Delgado, s

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 47: May sakit ka?

    Humarap ako sa kanya, dahil hindi man lang siya nag aabalang sumagot sa akin. Nanlaki ang aking mga mata, matapos kong masilayan ang aking "bisita.""Hindi mo man lang sinabing narito ka," hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata. Parang wala lang? "May sakit ka ba?"Bigla akong nagiya. Namula ang aking mukha at hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Ano bang isasagot ko?Na namamaga ang kipipay ko dahil sa kanya?Na kailangan ko ng ointment para gumaling ako?Na bakit niya ako binembang na para bang nagbabayo ng palay?Ano? Paano ako magpapaliwanag?"Ah-- wala! May tiningnan lang ako.." mahina kong sagot sa kanya. Ibiniling ko ang aking mukha sa kabilang bahagi ng silid.Hindi ko maiwasang mamula ng husto. Paano ko ba siya tatanungin? Paano ko sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit nasa ospital ako?Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Naupo siya sa kana, at bahagyang hinaplos ang noo ko na may gasa."Anong nangyari sa noo mo?" tanong niya sa akin.Naalala ko na nam

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 46: Alok na Pagbabalik

    DAHAN dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin, ay ang maputing kisame, kasunod ang nakakasunok na amoy ng disinfectant sa paligid.Lumingon ako sa bandang kanan, walang tao doon. Tanging pinto lang ang naroroon.Pagsilip ko sa kaliwa, may lalaking nakaupo doon. Nakatagilid siya, may hawak na phone.Marahil, naramdaman niyang gising na ako, kaya nagmamadali siyang tumayo."Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos ka na ba?" tanong niya sa akin."Jansen?"Hindi ako namamalikmata kanina bago ako mawalan ng malay. Si Jansen nga talaga!"Oo, ako ito..""Ba-bakit ka nandito?""Kanina, habang nasa parking ako, nakita kong may kausap ka sa bintana ng fire exit, at mukhang nag aaway kayo. Nagmamadali akong pumasok, hindi ko naman inakalang madadatnan kitang gumugulong na sa hagdanan. Sino ba sila?"Hindi ko alam, kung kailangan ko pa siyang sagutin, pero wala naman sigurong masama. Iniligtas naman niya ako ngayon."Isang kakilala..""Kung kakilala mo lang sila, bakit par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status