LOGIN"Hindi ka na niyon babalikan," nakangising sabi pa ni Ephraim habang nakasandal sa kanyang upuan. Para siyang isang taong siguradong-sigurado sa kanyang sinasabi, at bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya sa sitwasyon."At bakit mo naman nasabi 'yan?" nangunot ang noo ko at tiningnan ko siya nang masama. Sa totoo lang, naiinis ako sa lakas ng loob niyang magsalita na parang kilalang-kilala niya si Fonze."Gusto mo bang makipagpustahan sa akin?" hamon niya habang itinataas-baba ang kanyang mga kilay. Puno ng kumpiyansa sa sarili ang kanyang boses, na lalong nagpa-init ng ulo ko."Bakit ko naman gagawin 'yan? Ano namang pakialam ko sa pakikipagpustahan mo?" naiinis kong sabi sabay tusok nang mariin sa pagkain ko. Gusto ko lang namang kumain nang tahimik, pero heto siya, nanggugulo na naman."Ganito kasi 'yan... Kapag bumalik siya rito, pangako, hindi na kita aabalahin pa kahit kailan. Hahayaan na kita sa buhay mo," panimula niya, sabay lapit nang kaunti sa akin upang mas maging mapang-
Habang maganda ang usapan namin ni Fonze, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Isang pamilyar na boses ang narinig ko, at bago pa man ako makalingon, may isang lalaki nang pumasok sa pagitan namin."Kumain ka muna, Leila. Kanina ka pa rito, hindi ka pa kumakain," seryosong sabi ni Ephraim habang nauupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Parang wala siyang nakikitang ibang tao dahil hindi niya man lang nilingon o pinansin si Fonze na katabi ko lang.Napairap ako sa kanya dahil sa biglaang pagsulpot niya. Gusto ko sana siyang tarayan, kaya lang, nang tingnan ko ang plato na dala niya, napalunok ako. May dala siyang mga pagkain na paborito ko at talagang nakakatakam ang hitsura nito."Kumain ka na nito, Leila," sabi pa ni Ephraim habang inilalapit sa akin ang plato. Hindi pa rin niya nililingon ang isa pa naming kasama sa mesa, pero halatang-halata sa tono ng boses niya na nagpaparinig siya. "Kumain ka na ngayon, dahil 'yang mga pagkaing 'yan ay naubos na sa lagayan doon sa buffet. Ang mga na
Habang nag-uusap kaming dalawa sa sulok ng wedding hall, unti-unti kong nalaman ang kanyang buong pinagmulan. Ikinuwento niya na galing siya sa isang napakayamang pamilya. Pero sa likod ng karangyaan ng kanilang angkan, may madilim na katotohanan—marami silang magkakamag-anak na nag-aagawan at nag-aaway para lang sa mamanahing kayamanan.Dahil ayaw ni Fonze ng ganoong klaseng gulo, gumawa siya ng sarili niyang diskarte. Nagtayo siya ng sarili niyang kompanya at negosyo sa construction upang hindi na umasa sa anumang mamanahin mula sa kanyang mga magulang. Habang nakikinig ako sa kanya, hindi ko mapigilang humanga. Kahit may kayabangan siya, may paninindigan siya sa buhay at talagang kahanga-hanga ang kanyang sipag."Sayang nga eh. Sana talaga sumali ako doon sa laro kanina kung alam ko lang na ikaw ang mananalo," nakangiti niyang sabi habang umiiling-iling pa na tila nanghihinayang. "Kung sumali ako, siguradong ako ang makakakuha ng premyo at ako ang makakasama mo sa biyahe.""Ang yab
"And you are?" nangunot ang aking noo nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ang kanyang pananamit, nakasuot ng mamahaling polo na bumabagay sa kanyang tindig, at may hitsura rin naman. Kaya lang, may kung ano sa kanyang mukha na tila ba bilib na bilib siya sa kanyang sarili."I'm Fonze Ludwig..." nakangiti niyang sabi. Kitang-kita ang kumikinang niyang mga ngipin, saka siya naglahad ng kamay sa akin para makipagkilala.Hindi ko iyon inabot. Nanatili lang akong nakaupo at tiningnan ko lang ang kamay niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Napansin kong parang napahiya nang kaunti ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at napakamot na lang sa kanyang ulo, sabay ayos ng kanyang buhok. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang ngumiti nang malawak."I saw you kanina habang nasa game kayo, and I found you interesting. Leila, right? By the way, isa akong engineer... na-share
"Ah..." napatango si Chantal habang nakikinig sa aking kuwento. Bakas sa kanyang mukha ang pag-unawa. "May karapatan ka naman palang magalit ng ganoon, Leila. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas matindi pa ang maging reaksyon ko.""Oo nga, Leila," pagsang-ayon naman ni Eli na nakaupo sa tabi namin. Umiling-iling pa siya na tila naiinis din. "Loko talaga itong si Ephraim. Hindi niya man lang iniisip ang mararamdaman mo bago siya gumawa ng mga ganyang bagay."Bumuntong- hininga ako at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. "Naiinis ako, dahil nga sa lahat ng pinagdaanan ng mama ko noon. Bata pa lang ako, nakita ko na kung gaano siya nasaktan at nahirapan dahil sa ginawa ng papa ko. Ayokong magaya sa kanya. Alam niyo naman 'di ba? Iniiwasan mo na nga na mapunta sa isang lalaking ganoon ang ugali, tapos ang unang lalaki na minahal mo sana, ay katulad pa rin pala ng papa mo."Natahimik ang dalawa kong kaibigan. Alam nilang sensitibong paksa sa akin ang aking pam
"Leila!" Malakas na tawag ni Ephraim sa akin.Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. At lalong nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Ayokong isipin niyang kaya niya akong paikutin sa kanyang palad. Na kaya niyang paglaruan ang isang tulad ko.Malaki ang campus namin. Halos kasinglaki ng isang buong barangay. Kaya sa loob ng halos dalawang taon, naging madali para sa akin ang umiwas sa kanya.Pero graduation day namin noon.At graduation day naman nila kinabukasan.Hindi ko inaasahang pupunta pa siya sa venue para hanapin ako."Leila! Wait!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagkakataong iyon.Mas binilisan ko ang paglalakad.Lumiko ako sa isang hallway.Pero naroon pa rin siya.Sumunod.Humabol.At kahit nakihalo na ako sa dagsa ng mga estudyante at magulang, nahanap pa rin niya ako.Parang may radar siya at mabilis siyang nakasunod sa akin.Nang sa wakas ay maabutan niya ako, mabilis niyang hinawakan ang aking braso."Ephraim, bitawan mo ako!"Pero imbes na sumunod, hinila niya ako p
Posas sa magkabilang duloo ng tali!Ang itim na bagay na iyon, saan niya gagamitin?Kinuha niya ang aking sakong, at itinali iyon sa kabilang gilid. At ang isa pa, sa kabila naman.Nakataas ang dalawa kong paa, pabukaka. Kitang kita niya ang aking kabuuan.Nanlaki ang aking mga mata. Anong trip ng
“Ano ba! Nasasaktan ako!” pilit kong sigaw habang tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Ngunit tila bakal ang kanyang mga daliri—hindi ko siya matinag. Mukhang wala siyang balak na pakawalan ako. Ano bang nangyayari sa kanya?Hindi ko na kinaya. Nagsimulang pumatak ang aking m
Hindi ko masalubong ang kanyang tingin. Para iyong tumatagos sa aking kaluluwa—malalim, malamig, at nakakakilabot. Para bang sa isang iglap, kaya niyang basahin ang lahat ng iniisip ko, pati ang mga bagay na pilit kong itinatago.Wala siyang salitang binitiwan. Dumaan lamang siya sa harapan ko, dir
Lahat sila ay humahanga sa aking bagong upuan. Ang sarap sa pakiramdam na habang nagtatrabaho, para kang minamasahe."Pa-try kami minsan ha," sabi ng iba kong katrabaho."Oo naman.. basta kayo lang. Hindi yung iba diyan.." saka ko tiningnan yung dalawa.Kita ko ang pagkainis sa mukha nila. Alam ko







