LOGINTanghali na nang unti-unti akong mamulat. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, para bang may buhangin na naiwan sa gilid ng pilik ko. Sobrang hapdi. Sobrang sakit. Para akong umiyak buong gabi—well, oo nga pala. I did.
Sumandal ako sa headboard habang hinahagod ang sentido ko. Nasa guest room pa rin ako ng bahay ni Killian. Everything looked too pristine, too expensive, too far from my chaotic world. The linen smelled like fresh cotton and something subtle—lavender, maybe? O baka amoy lang talaga ni Killian na na-absorb ng buong paligid. Napatingin ako sa paanan ng kama, at doon ko lang napansin ang neatly folded clothes na nakalapag sa maliit na bench. May kasama pang robe at towel. May label pa sa ibabaw. “For Claudette.” Parang may kuryenteng dumaloy sa batok ko. Naglakad ako papunta roon, at hinaplos ang tela. Hindi ito ‘yung karaniwang cotton shirt na binibili ko sa mall. This was soft, imported. Obvious na hindi lang ito basta pinili—pinag-isipan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalo akong mahihiya. Napabalikwas ako ng upo nang biglang tumunog ang phone ko. Agad kong dinampot sa bedside table. Killian. Napalunok ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” mahina kong sabi, halos pabulong. “Did you sleep well?” tanong niya, at kahit sa boses lang niya, ramdam kong kalmado siya. “Yeah… I guess,” mahina kong sagot. “Sorry, I didn’t mean to oversleep. Tanghali na pala.” “You needed the rest. Your body went through a lot last night,” sagot niya, calm but firm. “I had your clothes prepared. Take a shower, eat something. You’re safe here.” Napapikit ako sandali. Safe. Ilang beses ko na ba ‘yang narinig, pero ni minsan, hindi ko ‘yon naramdaman mula sa taong dapat sana ay nagpoprotekta sa akin—si Larkin. “Killian…” mahina kong tawag sa pangalan niya. “Thank you, ha. Pero hindi na ako magtatagal dito. I can’t be a burden.” There was a short silence on the other end before he replied, “You’re not a burden, Claudette. Don’t ever think that way.” “I need to go back sa bahay ng parents ko… or maybe I’ll stay with Ate Caleigh. I can’t stay here. What if—what if Larkin finds out?” Nagsimula nang bumilis ang tibok ng dibdib ko. “This could get messy. I don’t want to involve you sa gulo ko. Baka bumalik ulit siya rito sa bahay mo. Madadamay ka pa.” “Too late for that,” he cut in, but his tone remained composed. “You’re already involved with me the moment I saw you crying in my car, shaking like a child who had no one.” Hindi ako agad nakasagot. Parang sinuntok ako sa puso ng sinabi niya. Totoo naman. Ang hina ko kagabi. Ang duwag. Ang basag. “I don’t want you to go back to that house or anywhere na maaring sundan ka ni Larkin. What he did was unacceptable, and I won’t let it happen again,” tuluy-tuloy niyang sabi, authoritative. “Instead, stay in one of my condos. It’s secure, and it’s yours for as long as you need it. Itapon mo rin ang phone mo para hindi ka ma-track ng asawa mo.” “Wait… condo?” nagulantang kong tanong. “Yes. It’s already ready. My driver can take you there once you're done resting. You don’t need to worry about anything.” Napakagat ako sa labi. Why is he doing all this for me? Hindi kami close. Oo, boss ko siya, pero hindi kami… ganito. Hindi siya kailangang magmalasakit ng ganito. “Mr. Nicolaj, this is too much,” mahina kong bulong. “I can’t accept this. You’ve already done enough.” “No, Claudette. Not even close to enough,” seryoso niyang sagot. “You’re under my care now. I take responsibility for the people I value.” Parang may kung anong kumislot sa puso ko sa sinabi niyang ‘people I value.’ Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyon, pero para bang may ibang tono. “Besides,” dagdag pa niya. “I already had security protocols in place. If he tries anything again, we’ll know.” Napakagat ako sa labi. I should feel safer. I should feel grateful. Pero bakit parang may bahagi ng sarili kong gustong tumakbo palayo? Baka kasi kapag masyado akong nagpaalaga, masyado akong umasa… masasaktan lang ulit ako. Pero wala na akong ibang pupuntahan. Sa ngayon, kailangan kong magpakatatag. Para sa sarili ko. Para sa dignidad ko. “Okay…” mahinang sagot ko. “Just for a few days.” “I’ll have someone deliver some groceries too. You don’t have to lift a finger.” Napangiti ako kahit papaano. “You’re starting to sound like my fairy godfather.” “Hmm. I prefer ‘guardian billionaire,’ if we’re choosing titles.” Napatawa ako nang mahina. That was the first time I laughed genuinely in days. And it felt… light. Pagkababa ng tawag, agad akong naligo at nagbihis gamit ang mga damit na iniwan niya. Fit sila sa akin, parang alam ni Killian ang sukat ko. Or maybe he just had someone pick out sizes close enough. Either way, it felt thoughtful. I went downstairs and found a note on the kitchen counter. “Help yourself. I had breakfast delivered from Le Jardin. P.S. There’s fresh orange juice in the fridge. – K.” Napailing ako. Le Jardin? ‘Yung French café na hindi ko man lang kayang tingnan ‘pag dumadaan ako sa Greenbelt? Killian, what are you doing to me? Tinungo ko ang dining area at doon ko nakita ang basket ng croissants, isang container ng scrambled eggs na may truffle oil, at fresh fruits. Gano’n ba talaga siya ka-extravagant? Or… gusto niya lang talaga akong i-spoil? Habang kumakain ako, napatingin ako sa mga painting na naka-display sa hallway. Lahat museum-worthy. May isang abstract na parang sigaw—pula, itim, puti. Parang naramdaman ko ang sarili ko roon. Basag. Magulo. But still hanging on the wall… existing. Hindi ko maiwasang mapaisip. Anong klaseng lalaki si Killian? Bakit parang hindi siya totoo? Hindi siya mukhang may sabit, pero imposibleng single pa siya, ‘di ba? At his age? At his looks? At his power? Napailing ako. Don’t overthink, Claudette. This is temporary. Don’t get used to the kindness. Or worse, don’t fall.Pinupunasan ni Killian ang luha niya habang nakatayo sa harap ng altar. Halos hindi siya huminga nang makita si Claudette na dahan-dahang naglalakad papasok ng simbahan, suot ang wedding gown na matagal nitong pinangarap. Puting-puti, simple pero elegante, bagay na bagay sa kaniya. Hawak ni Claudette ang bouquet habang nakangiti, pero halatang nangingilid rin ang luha sa mga mata. Maraming bisita ang naroon — pamilya, mga kaibigan, pati mga anak nila na nakaayos sa harapan. Si Alessandro, na siyam na taong gulang na, ang ring bearer. Ang kambal na sina Larkin at Lara, suot ang cute na damit at barong, ang flower girl at page boy. Nang magtagpo ang tingin ni Claudette at Killian, pareho silang natawa sa gitna ng emosyon. Paglapit nito sa altar, inabot ni Killian ang kamay niya. “You’re so beautiful,” bulong ng lalaki, halos hindi maipinta ang ngiti. “Thank you,” sagot ni Claudette, medyo nanginginig ang boses. “You’re not bad yourself, Mr. Nicolaj.” Tumawa si Killian, pinunasan u
Excited si Claudette habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin. Suot niya ang simpleng white silk dress na pinili ni Killian para sa date nila. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay makakapag-relax din sila kahit isang gabi lang, malayo sa mga bata.Nasa ibaba si Killian, naka-white polo na bahagyang bukas ang tatlong butones, habang hawak ang kamay ni Claudette nang bumaba ito.“Ready ka na, Mrs. Nicolaj?” tanong ni Killian na may ngiti sa labi.“Ready na, Mr. Nicolaj,” sagot ni Claudette habang nakangiti rin. “Na-check mo na ba ‘yong mga bata? Baka iyakan na naman ni Lara si Ate Caleigh kapag hindi niya ako nakita.”“Checked and double-checked. Si Mommy Celeste na nga ang nagpatulog kina Larkin at Lara. Si Alessandro naman, busy makipaglaro sa mga pinsan niya. Don’t worry, babe. This night is all ours.”“Sigurado ka ha, kasi ayokong may tumawag sa gitna ng—”“Promise. I already turned off my business phone. Tonight, it’s just you and me.”Habang naglalakad sila papunta sa p
Binuhat ni Killian si Claudette papasok sa loob ng silid nila. Mahigpit ang yakap nito sa babae, parang sabik na sabik na muli sa lambing ng asawa. Wala pa silang nasisimulan, pero halata na agad ang init sa pagitan nilang dalawa. Pagkalapat ng pinto, hindi na niya napigilan ang sarili. Agad niyang sinunggaban ang labi ni Claudette, marahas pero puno ng halik na matagal na niyang gustong ibigay. Gumanti naman si Claudette, hawak sa batok ng asawa habang napapaungol sa bawat paggalaw ng kanilang mga labi. “Killian…” mahina niyang tawag, halos hindi na maayos ang boses dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. “Hmm?” bumaba ang mga halik ni Killian sa leeg nito. “Gusto mo ba talaga ng isa pa? Gusto mo bang sundan sina Larkin at Lara?” Napangiti si Claudette, kahit nakapikit. “Oo naman. Pero baka ikaw ang mapagod, ha?” Tumigil saglit si Killian, nakatingin sa mukha ng asawa. “Ako? Mapagod? Claudette, sa dami ng anak natin, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog minsan.”
Tahimik na nakaupo si Killian sa study room ng bahay habang hawak ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Matagal niya itong tinitigan, saka bahagyang ngumiti. Galing ito sa ibang bansa, binili niya habang nagbi-business trip sa Singapore dalawang linggo na ang nakalipas. Sa isip niya, paulit-ulit niyang sinasabi: This time, I’ll do it right.Pumasok si Alessandro sa kwarto, hawak ang laruan niyang eroplano. “Daddy, what’s that?” tanong ng bata habang lumapit.Ngumiti si Killian. “Secret, buddy. Pero para ito kay Mommy.”“Kay Mommy? Is it her birthday again?” tanong ni Alessandro, halatang excited.Killian tumawa. “No, not birthday. But I’m planning something special.”“Special?” nakangiti ang bata. “Like when we had cake last time?”“Even better than cake,” sagot ni Killian, sabay kindat. “Promise, you’ll see soon.”Tumakbo palabas ng kwarto si Alessandro, sigaw nang sigaw ng “Mommy, Daddy’s planning something!” kaya napailing si Killian. “Ay naku, anak talaga,” mahina niyan
Mainit pero maliwanag ang umagang iyon. Sa loob ng bahay ng mga Nicolaj, puno ng tawanan at ingay ng mga bata. May mga lobo sa bawat sulok, pastel ang tema ng dekorasyon, at may malaking tarpaulin na may nakasulat: Happy 1st Birthday, Larkin and Lara!Masayang pinagmasdan nina Killian at Claudette ang kambal habang tumatawa ito sa sala. Nakaupo sa malambot na playmat sina Larkin at Lara, habang abala naman si Alessandro—ang panganay nilang anak—sa pagpapatawa sa mga kapatid niya.“Tingnan mo ‘yan,” natatawang sabi ni Claudette habang nakasandal sa balikat ni Killian. “Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas maingay.”Ngumiti si Killian habang nakatingin sa tatlong bata. “Definitely Alessandro. He got that energy from you.”Napangiwi si Claudette. “Excuse me? I’m calm and composed.”“Really?” tumawa si Killian. “You used to throw things at me sa office noong hindi mo ako pinapansin after... you know.”Pinandilatan siya ni Claudette. “Don’t start, Killian.”Napahagikhik si Killian at
Binyag ng kambal na sina Larkin at LaraMaagang nagising si Claudette sa araw ng binyag. Halos hindi siya nakatulog sa excitement at kaba. Gusto niyang maging perpekto ang lahat—mula sa handa, sa dekorasyon, hanggang sa mga bisita. Nakasuot siya ng simpleng kulay beige na dress habang abala sa paghahanda sa loob ng kanilang bahay.Kasama niya si Killian na kanina pa nakatingin sa kambal habang tulog pa ito. Nakangiti si Claudette habang inaayos ang ribbon sa maliit na ulo ni Lara.“Killian, make sure dalhin mo ‘yung extra milk nila, ha? Baka magutom ‘to sa simbahan,” paalala ni Claudette habang nag-aayos.Ngumiti si Killian. “Yes, Professor Claudette. Lahat ng checklist mo, nasunod ko na. Promise.”Umiling si Claudette at napangiti. “Ikaw talaga. Seryoso ako. Alam mo namang hindi ako mapalagay kapag may nakalimutan.”Lumapit si Killian at hinawakan ang balikat niya. “Hey, relax. Everything’s under control. Today is for our twins. Let’s just enjoy it.”Napatango siya at huminga nang ma







