I swallowed hard. Napalunok ako ng ilang beses habang parang pinipilit ng utak kong mag-react pero ang katawan ko, parang sinapian.
Papalapit na ang mukha niya. God, he was going to kiss me again. Pero bago pa man magtagpo ang mga labi namin... biglang tumunog ang cellphone niya. Kasabay no'n, parang binuhusan kami ng malamig na tubig. Agad siyang umatras at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya. “Shit. I have to take this,” sabi niya, at walang paalam na lumabas ng kwarto. Napapikit ako sa sobrang hiya. Gusto ko nalang matunaw at maging alikabok sa sahig. Bakit ko ba sinuot ‘tong lingerie na ‘to? Hindi ko na naisip, hindi ko na na-filter—basta suot ko na lang. Agad akong nagbihis. Paglabas ko, diretso agad ako sa guest room kung saan ako dapat nananatili. Pagkabukas ng pinto ay agad kong napansin ang cellphone ko—nasa sahig, at basag. Napakunot ang noo ko. Nabagsak ko ba ‘to kanina? Pero ang mas ikinagulat ko ay ang bagong cellphone sa ibabaw ng kama. May maliit na note sa tabi niyon, naka-tuck in pa sa box: "To: Professor Claudette" Napakagat ako sa labi. New phone? Just like that? “Seriously?” bulong ko sa sarili ko habang dinadampot ang box. Habang tinititigan ko ang bagong phone, bigla namang bumukas ang pinto. At doon na naman—si Killian. Topless. May pawis pa sa sentido. Para akong natahimik. Lord, bakit mo sinusubok ang faith ko ngayong gabi? Sinundan ng mata ko ang hulma ng abs niya pababa sa waistband ng shorts niya. Na-realize ko na lang na para akong ginamitan ng slow motion effect sa mata. “May I?” tanong niya habang tinuturo ang kama. “Ha?” lutang kong sagot. “The bed,” ngiti niya. “Tabi tayo. I hope that’s not a problem. Hiwalay ka na sa asawa mo, 'di ba?” Parang gusto kong maiyak. Tabi? As in side by side? But what could I say? Nakikitulog lang ako sa bahay ng boss ko. Hindi ako pwedeng umangal. Isa pa, wala naman siyang ginagawa na masama… so far. “O-Okay…” bulong ko, pilit na tinatakpan ang sarili ko sa kumot kahit fully clothed na ako. Humiga siya sa tabi ko, as if it was the most normal thing in the world. Ako naman, nakatingala sa kisame, parang nakikipag-debate sa konsensya ko. Hindi ako makatulog. Paano ka naman makakatulog kung isang Greek God ang katabi mo at every few seconds ay naaamoy mo ang expensive perfume niya mixed with his skin? Pero kalaunan, siguro dahil sa pagod, nakatulog rin ako. At pagmulat ko kinaumagahan… wala na siya. Napabalikwas ako ng bangon. Blangko pa ang isip ko habang sinusundan ang amoy ng lutong pagkain na tila umaalingasaw sa hallway. Pagdating ko sa kusina, muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cellphone sa gulat. Si Killian… nasa harap ng stove. Naka-apron. May hawak na spatula habang nagluluto ng sunny side up at pancakes. “Good morning,” bati niya habang nakangiti, parang wala lang. “I hope you like your eggs medium cooked.” Napalunok ako. Husband material fantasy “You… cook?” tanong ko habang papalapit sa counter, medyo awkward pero curious. “Sometimes. Cooking relaxes me. Besides, I figured you could use a decent breakfast after last night,” sagot niya habang nilalapag sa table ang plate ng food. Napaupo ako, hindi na rin tumanggi pa. Gutom din ako, to be honest. Pero mas na-appreciate ko 'yung gesture. It felt... personal. Intimate. “About last night…” nagsimula akong magsalita pero pinutol niya ako. “You don’t need to say anything,” sabi niya, sabay abot ng juice. “You were vulnerable, and I respect that. I just want to make sure you're okay.” And for some reason, hindi ko alam kung bakit pero parang may gumaan sa dibdib ko. 'Yung tipong parang hindi niya ako hinuhusgahan. Hindi niya ako minamadali. Hindi rin niya ako pinipilit. “I’m not used to this,” amin ko habang nakatingin sa kanya. “To what?” “To someone who… respects boundaries.” Napangiti siya. “Well, I’m not like other men, Professor. I'm not your husband.” Tiningnan ko siya—ang seryosong mukha niya habang umiinom ng kape, ang paraan ng paghawak niya sa mug, pati ang pa-simple niyang sulyap sa akin kada ilang segundo. Nakatitig ako sa pancake sa harap ko habang unti-unting nauubos ang init ng kape sa mug ko. Tahimik ang buong kusina maliban sa tunog ng kutsara’t tinidor ni Killian. Kahit mainit pa ang pagkain, parang mas mainit pa rin ang bigat ng sasabihin ko. "This is the right thing, Claudette," bulong ko sa sarili ko. "You can’t stay here forever." Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Mr. Nicolaj,” panimula ko, mahinahon pero diretso, “I’ve been thinking… I should start looking for a new place. I’ll move out as soon as I find one.” Tumigil siya sa pagsubo. Hindi siya agad tumingin sa akin, pero alam kong narinig niya ako. Naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng hangin sa pagitan naming dalawa. “I mean,” dagdag ko kaagad, “hindi naman ako pabigat, okay? I have savings. My family can help if needed. Ayoko lang talagang ma-misinterpret lahat ‘to. We’re not in a relationship, Killian. And I don’t want you to feel responsible for me.” Finally, tumingin siya. Calm. That kind of calm na mas nakakapangilabot kaysa sa galit. “I know,” he said. “And you’re right.” Hindi ko alam kung bakit medyo sumakit ang dibdib ko. Akala ko magre-react siya. Akala ko aawat siya. But no—he just accepted it. Like it was just another day, another statement. “I think it will be good for you,” dagdag pa niya habang muling kumuha ng hash brown. “You just got out of a marriage. You need space. Independence.” Napakagat ako sa labi. Totoo naman ang sinabi niya. Tama lahat ng rason. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang… may parte sa 'kin na nadismaya. Na nalungkot. Na umasa siguro. “Thanks for understanding,” bulong ko, pilit pinipigil ang disappointment sa tono ko. “Just promise me one thing,” sabay tingin niya ulit sa akin. “Ano ‘yon?” “Don’t push people away just because you’re scared of needing them.” Hindi ako agad nakasagot. Because deep inside… he was right. I was scared. I was scared of depending again. Of trusting again. Of losing myself in someone else, just like I did with Larkin. I didn’t reply. Tumango lang ako at inubos ang kape ko, sabay tayo para ayusin ang plate sa sink. Pero kahit busy ako sa paghuhugas, ramdam ko pa rin ang tingin niya sa likod ko. That quiet, observing gaze na parang sinisilip ang iniisip ko, ang nilalaman ng loob ko. *** Pagkatapos naming mag-ayos, sabay na kaming bumaba sa basement parking. Medyo awkward pa rin ang pagitan namin lalo na't empleyado niya lang ako. “Dadaan tayo sa likod, ha?” sabi ni Killian habang binubuksan ang car door para sa akin. “Ayokong magtaka ‘yung mga tao sa university kung bakit magkasama tayong dumating.” “Yeah, good idea,” sagot ko. “I mean, hindi pa naman annulled ‘yung kasal ko.” Tumango lang siya habang nagmaneho. Tahimik ang biyahe, pero hindi nakakailang. It was that kind of silence na punong-puno ng hindi sinasabi. At sa kabila ng lahat, mas lalo kong napansin kung gaano siya ka-considerate. Hindi siya nagtatanong ng sobra. Hindi rin siya nangungulit. Pero ramdam mong andiyan lang siya. Pagdating namin sa Adamson, dumaan nga kami sa staff parking sa likod. Wala gaanong tao roon kaya walang masyadong makakakita sa aming sabay na dumating. “Dito na lang ako bababa,” sabi ko habang binubuksan ang pinto. “Thanks for the ride.” “Wait.” Hinawakan niya ang braso ko, hindi mahigpit pero sapat para mapalingon ako. Nagtagpo ang mga mata namin. Nandoon na naman ‘yung tingin niyang tahimik pero malaman. ‘Yung tipong kaya kang basahin nang walang binubuklat. “If anything happens today,” seryoso niyang sabi, “call me. I don’t care what time it is.” Napakagat ako sa labi. Hindi ko na sinagot. Tumango lang ako at agad na bumaba ng sasakyan, dala ang bag at pilit na pinipigil ang ngiting gustong kumawala. "He really means it," sigaw ng puso ko.Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat
Umarte si Don Rafael na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa habang nakakulong sa loob ng isang malamig na detention cell. Nakaupo siya sa sulok ng selda, nakasapo ang isang kamay sa dibdib habang paulit-ulit na umuungol na tila hirap na hirap sa paghinga.“Guard! Guard!” sigaw ng isa sa mga kasamang detainee, habang lumalapit sa rehas. “’Yung matanda! Parang inaatake na sa puso!”Agad na nagdatingan ang mga bantay. Tumakbo ang isa sa kanila papasok, habang ang isa ay tinawagan ang in-house medic ng presinto. Nang buksan ang selda, tumumba sa sahig si Don Rafael, nangingisay, nilalaro ang sariling dila, at pilit inaabot ang dibdib.“Sir, huwag kang gagalaw. Dito ka lang. Relax. Parating na ang nurse,” saad ng isang officer, habang sinusubukan siyang pasandalin sa dingding.Ang totoo, wala ni kaunting sakit ang nararamdaman ng matanda. Mula’t sapul ay plinano na niya ang lahat. Kilala niya ang sistema. At sa tagal ng pananatili niya sa kapangyarihan at impluwensiya, alam niya k
Marahas ang pagkakabukas ng pintuan sa silid ni Killian. Agad siyang nagising mula sa sandaling pagkaidlip sa malamig na sahig habang nakakadena pa rin ang kanang pulso. Dalawang malalaking tauhan ni Don Rafael ang pumasok, walang pakundangang sinunggaban siya at pinilit tumayo."Bitawan n’yo ako!" sigaw ni Killian, nanginginig sa galit. "Hindi ako papayag sa kasal na 'to!"Ngunit bingi ang mga tauhan ng matanda. Parang mga makina silang sumusunod lamang sa utos. Pinwersa nilang ilakad si Killian habang nakakadena pa ang isa niyang kamay. Wala siyang suot kundi puting long sleeves na gusot at duguan pa sa bahagi ng balikat—tanda ng sariwa pang sugat. Nagsusumiksik pa rin sa isip niya ang huling beses na nakita niya si Claudette.Ilang hakbang pa, at nasilayan na niya ang hardin sa likod ng mansyon. Lahat ay puti’t ginto—mula sa carpet, bulaklak, hanggang sa telang nakasabit sa altar. Maraming bisita, karamihan ay mga taong may impluwensya sa negosyo ang naroon. Sa harap ng altar ay n
Madilim na ang kalangitan at ang katahimikan ng gabi ay tila naging saksi sa muling paghinga ni Claudette matapos ang mga araw ng impyernong pinagdaanan niya. Suot ang lumang hoodie na ipinahiram ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael, halos hindi na siya makilala. Gasgas ang ilang bahagi ng balat niya sa tuhod, may pasa sa braso, at ang labi niya ay may punit—tila marka ng pananakit at pang-aalipusta. Ngunit ang mga mata niya—bagamat pagod at namumugto ay puno ng paninindigan. "Ma'am, hanggang dito na lang po ako," ani ng lalaking tumulong sa kaniya, marahan ang tono. Isa siyang tauhan ni Don Rafael na, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay naantig sa hirap ni Claudette. "Salamat po... sobra," mahina niyang tugon. Napatingin siya sa maliit na flash drive na iniabot ng lalaki. "Ano 'to?" "’Yan po ang kasagutan sa lahat," sagot ng lalaki bago siya tinalikuran. "Ingatan n’yo. Magsasabi ‘yan ng totoo." Nang bumukas ang gate, agad siyang sinalubong ng mga matang puno ng gulat at pag-aalala—a
Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling makita si Claudette. Tatlong araw ng walang kasiguraduhan, tatlong gabing walang tulog ang pamilya niya, lalo na si Caleigh, na halos ikabaliw ang pagkawala ng kapatid. Maging ang kanilang ina ay halos hindi na kumain. Kahit buntis si Claudette, walang konsiderasyong ipinakita si Don Rafael—ang lalaking buong pusong kinamumuhian na ngayon ng pamilyang Villamor.Nakapag-file na ng missing person report si Caleigh sa tulong ni Drako, ngunit wala silang hawak na ebidensiyang magtuturo kay Don Rafael. Maging ang CCTV footage sa ospital ay nabura na rin—isang patunay kung gaano kalawak ang impluwensiya ng matandang Nicolaj. Wala siyang iniwang bakas. Samantala, sa isang lihim na silid sa ilalim ng isang hacienda sa labas ng lungsod, naroroon si Claudette—nakakulong at hindi pa rin mapipigil ang kanyang pag-iyak. Sa bawat pag-ikot ng araw, mas lumalalim ang takot sa puso niya. Hindi dahil sa maaaring may mangyari sa kanya, kundi dahil walang nak