Share

1.2-COMET

"Dalawang ice cream po manong," Nakangiting ani ko sa matandang nagtitinda ng ice cream. Mag-aalas syete na, mamaya pa naman ang klase ko kaya dito muna ako.

"Salamat po!" ani ko ulit at iniabot ang bayad ko sa kaniya bago na umalis at pinuntahan ang batang umiiyak.

Kanina ko pa siya tinitingnan pero hindi ko siya agad nilapitan dahil baka may kasama siya. Pero nang mapagtanto ko na mag-isa lang siya ay bumili na muna ako ng ice cream para madali ko siyang mapatahan.

"Tahan ka na. Eto oh, ice cream!" Nginitian ko siya habang naka-squat ako sa harap niya.

Umiiyak pa rin siya at ang cute niya sa paningin ko. Naka-pigtail siya habang tumutulo pa ang luha niya. Ang cute-cute! Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa mapansin ko na makapal ang kilay niya kagaya ng kay Cepheus at kulay karagatan na mata kagaya ng kay papa. Para siyang combination ni papa at Cepheus, ang galing!

"Nawawala ka ba?" tanong ko na kinatango niya habang kinakain ng ice cream na ibinigay ko.

Buti at madali siyang tahanin. Pasimple ko ring pinupunasan ang pisngi niya dahil nababahiran ito ng ice cream, mabuti na lang talaga at may dala ako palagi na wipes. Nalaman ko na kasama niya ang Mommy at Daddy niya pero nahiwalay daw siya.

"Alliah!" 

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot ang hindi katandaang babae sa harap namin ng bata. Maputi siya at maganda, mas matanda yata ng halos limang taon si mama sa kaniya. Mukha siyang pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"Kanina pa kita hinahanap!" inis na aniya at hinablot ang braso ni Alliah.

Tinginnan ko si Alliah at kita ko ang takot na gumuhit sa mukha niya. Nilipat ko naman ang tingin ko sa mama at saktong tinitingnan niyarin ako. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang tinatanong ako kung bakit ko kasama si Alliah, magsasalita na sana ako para sabihing nakita ko lang ang anak niya at pinakain ng ice cream pero inismidan niya ako kaagad bago bumaling ulit kay Alliah.

"Halika na! Uuwi na tayo!" aniya sa mataas na boses.

Nanlumo ako nang malaglag ang ice cream na binigay ko kay Alliah dahil sa paghatak sa kaniya ng Mama niya. Hindi naman sa nanghihinayang ako sa perang pinambili ko, kita ko kasing nag-eenjoy siyang kumain ng ice cream kanina kaso ay nalaglag. Parehas kaming nagkatanginan ng bata and I don't know why it seems like we both feel sad. Mahilig ako sa ice cream at sa tingin ko ay ganoon din siya. Para kaming kuryente, may spark sa aming dalawa. Ang gulo, kung ano-ano ang naiisip ko.

Nakikita ko sa kaniya si Cepheus noong bata pa. Ganoon din kasi ang tingin sa akin ni Cepheus noon kapag pinapagalitan siya ni mama at humihingi siya ng tulong sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na sa school namin, baka late na ako, kainis! May kukunin pa naman ako sa locker kong mga libro!

Pagdating ko sa school ay dumiretso agada ko sa locker ko. I'm at the middle of picking up my books when someone tapped my shoulder. 

"Celeste?"

Sinara ko ang locker ko bago hinarap si Anna. Hindi ko muna inilock dahil may kukunin pa ako.

Anna is one of my classmates in astrophysics. She's smiling at me. Weird, we're not that close. Why is she even approaching me? It's not that I don't want her to talk to me but, it's so bizarre. We haven't talked all the time, then, whatever Celeste you're overthinking. Maybe she's up to something.

"Uhh?" Panimula ko dahil nakatingin lang siya sa akin. She's smiling widely and I find it creepy, geez!

"Eto oh!" Napabuntong hininga ako nang galing sa likod niya ay inilabas niya ang isang bouquet ng bulaklak. Tatanggi na sana ako at sasabihing hindi ko iyon tatanggapin pero naunahan niya ako.

"No, Celeste! My cousin can wait! 'Wag kang mag-alala at mabait naman iyon, matalino pa at gwapo!" Pangbubugaw niya sa pinsan niya habang itinataas at baba ang kilay niya na parang kinukumbinsi ako. Pero hindi ako kumbinsido, parang may iba pa siyang pakay pero hindi niya masabi.

"Anna, alam mo namang ayoko pa talaga 'di ba?" ani ko pero sumimangot lang siya sa akin habang sunod-sunod na umiling. 

"Okay then. Pero tanggapin mo ito!" aniya at siya na mismo ang nagbukas sa locker ko.

"Ohh!" Umiling ako nang kalkalin ni Anna ang laman ng locker ko. Tiningnan niya ang ilang chocolates at flowers na nakalagay doon.

Hindi naman na bago. Alam naman nila na ayokong tumanggap ng kahit ano sa kahit kanino kaya ang ginagawa nila ay inilalagay nila sa itaas ng locker ko. Alam ko rin na para sa akin iyon dahil may pangalan ko. Noong una ay hindi pa ako sanay hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na laging nagdadala ng paper bag pagpasok at uuwi na puno ito ng tsokolate at bulalak.

"Galing ba 'yan sa nobyo mo, Celeste?" Umiling ako sa tanong ni mama.

Ilang beses niya ng itinatanong kung galing daw ba sa boyfriend ko ang iniuuwi ko pero hindi siya naniniwala, noong una. Napansin niya siguro na madalas ang pag-uuwi ko ng ganoon kaya na-realize niyang sa manliligaw nga lang iyon galing.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-boyfriend anak? Hindi naman ako magagalit at isa pa ay nasa tamang edad ka na." Umiling ako kay mama. Lagi na lang namin itong pinag-uusapan. Sinabi kong ayoko pero sa susunod na araw ay uulitin niya ulit. Kung hindi ko siguro siya nanay ay nasigawan ko na siya dahil sa kakulitan niya.

"Mama, ayoko nga po. At si Cepheus, kaya 'yan nanliligaw na ay dahil bata pa siya at nacu-curious siya sa mga bagay-bagay. Mag-aaral na lang po muna ako," pangangatwiran ko.

"Ikaw kailan ka macucurious sa bagay-bagay?" Napabuga ako ng hangin, puputi yata ang buhok ko sa kulit ni mama.

"Ayaw mo ng boyfriend?" tanong niya na ikinatango ko na naging dahilan para lumaki ang mata niya.

"So, girlfriend ang gusto mo!?" Naibuga ko ang milktea na iniinom ko dahil sa sinabi niya. Nasamid pa ako dahil sa tapioca pearls.

"Mama naman kasi! Hindi ako tibo!" ani ko habang medyo nasasamid pa rin. Nag-sorry naman siya sa akin. Tumango na lang ako at nilinis ang milktea na naibuga ko.

"Sana talaga," Tiningnan ko si mama dahil bitin ang sinabi niya. Nasa tapat na siya ng pinto sa sala at mukhang palabas na.

"Ma-curious ka na sa bagay-bagay." Nanlaki ang mata ko at magsasalita na sana pero nakatakbo na siya paalis dala ang dalawang piraso ng Toblerone at Cadbury.

"Mama talaga,” saad ko at nagtuloy na sa paglilinis.

Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ang pag-uusap namin noon ni mama. Tinapik ko ang balikat ni Anna na kinakalkal pa rin ang laman ng locker ko. Mukhang hindi pa siya tapos sa pag-iimbestiga niya pero male-late na talaga ako sa klase ko kung hahayaan ko pa siya.

"May klase pa ako, Anna."

Tumingin siya sa akin bago ilagay ang bouquet na galing sa pinsan niya doon sa locker ko. Hinayaan niya akong ilock iyon. Alam kong may gusto siyang sabihin kaya tumango ako habang papalabas kami.

"Bakit ayaw mong mag-boyfriend or kahit magpaligaw man lang?" kuryosong tanong niy.

Hindi ako sumagot, hindi ko naman siguro kailangan na sagutin ang tanong niya hindi ba? At isa pa ay hindi naman kami close.

Weird na ba talaga sa panahon ngayon ang hindi pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend? Ang dami na nilang nagtatanong sa akin niyan. Hindi ba pwedeng gusto ko lang talaga munang mag-focus sa pag-aaral at ayoko sa hindrance? I am not saying that boys are hindrance, the responsibility and relationship is.

"Dito na ako," ani ko at itinuro ang klaseng papasukan ko. Sumimangot siya bago nagpaalam na papasok na rin sa klase niya. Tiningnan ko pa si Anna bago pumasok sa classroom, she's really up to something, hindi niya minentiom kanina.

"Celeste. You're late." Natigil ako sa pagpasok noong batiin ako ng professor namin.

"S-sir?" medyo gulat na tanong ko kay Mr. Delavin na nasa harapan. Tiningnan ko ang pinto ng room na pinasukan ko. Tama naman ang room na pinasukan ko ah? Bakit professor namin sa astrophysics ang nandito?

"Wala ang professor niyo ngayon kaya ako ang nandito," aniya na parang sinasagot na ang tanong ko saaking utak.

Tumango ako nang senyasan niya akong pumasok na. Pumunta ako sa gitnang parte, kung saan wala masyadong nakaupo. Madalas kasi ay sa unahan sila nakaupo o sa pinakalikod.

"Wala siyang iniwang gawain kaya magtuturo na lang ako," aniya ulit.

Hindi ako kumibo at dumiretso sa upuan na tingin ko ay magandang spot para upuan.

"At dahil late ka ay ikaw na ang mag-didiscuss." Doon ako natigilan. Paupo na ako pero dahil sa sinabi ni sir ay nabitin ang pwet ko sa ere.

Nakatingin ako sa kaniya habang siya ay nakangisi sa akin habang pinapakita at iwinawagayway ang flash drive. Tatanggi pa sana ako pero wala na akong nagawa nang lumapit siya sa akin at iniabot ang flash drive. Bumuntong-hininga ako bago ilabas ang laptop ko at sinimulan ng ayusin ang gagamitin ko sa presentation.

"10 minutes to review all the slides, Celeste."

Binuksan ko ang presentations at napahinga ako ng maluwag nang makitang 20 slides lang 'yon. Umupo ako sa upuan kaharap ng laptop at nireview na ito. Ginoogle ko rin 'yong ibang hindi ko maintindihan.

"Times up! Let's start!" Tumango kay Sir at tumayo nang maayos. Hingang malalim, Celeste! Kaya mo 'yan!

"A meteor shower is a celestial event in which a number of meteors are observed to radiate, or originate, from one point in the night sky called Radiant. These meteors are caused by streams of cosmic debris called meteoroids entering Earth's atmosphere at extremely high speeds on parallel trajectories. The Meteor Data Center of the IAU lists over 900 suspected meteor showers of which about 100 are well established."

Tiningnan ko si Sir. Tumango siya kaya nagpatuloy ako. Akala ko ay may itatanong na naman siya, Mabuti naman at wala.

"The meteor showers listed below are the easiest to observe and provide the most activity. Particular attention should be noted to the time and moonlight conditions. All these showers are best seen after midnight. Some are not even visible until after midnight. Showers that peak with the moon's phase greater than one half illuminated will be affected by moonlight and difficult to observe."

Napatango ako sa sariling sinabi. Kadalasan nga sa mga meteor showers ay nakikita lang tuwing hating gabi at kapag maliwanag ang buwan. Tiningnan ko ang mga kaklase ko at nakikinig naman sila kaya nagtuloy ako.

"While the time each shower is best seen remains much the same year after year, the moonlight conditions change considerably from one year to the next. As we approach the date of each shower's maximum, be sure to consult the latest AMS article about Meteor Showers, which will provide in depth information on each shower and how to best view it."

"Proceed to the schedule of meteor showers Celeste," abiso sa akin ni Sir.

Tumango ako kay sir at inilipat sa susunod na slides. Iilan lang ang kinuha ni sir dito. Kanina ay nakita ko sa G****e na marami ang nakalagay. Pero dito sa slides ay kaunti lang ang nilagay ni sir.

"First is Orionids. Orionids will peak on the night of October 20-21, 2020 night. On this night, the moon will be 23% full. And then, Southern Taurids will peak on the night of October 29-30, 2020 night. On this night, the moon will be 98% full."

I click the next slide. Mahigit 10 lang ang kinuha ni Sir. Nakalagay pa dito ang speed pero hindi ko na isinama, hindi rin naman ipinasama ni sir.

"Northern Taurids will next peak on November 11-12, 2020 night. On this night, the moon will be 15% full. Meanwhile, Leonids will peak on November 16-17, 2020 night. On this night, the moon will be 5% full."

Nagtuloy lang ako sa pag-didiscuss ng meteor showers. May mga definition pa kasi ito pero ang tine-take down notes lang ng mga kaklase ko ay ang schedule ng mga meteor shower dahil iyon ang masasama sa quiz sabi ni sir.

"Okay. Go back to your seat, Celeste. Next time na malate ka ay ikaw ang magdidiscuss ng lahat ng topic sa 2nd semester, you understand?" Tumango ako kay Sir at tahimik na bumalik sa upuan ko. May ilan pa siyang idiniscuss bago nagpa-quiz.

Itong notpa na ito nakakainis. Kung hindi ko lang siya nirerespeto, nakuu! Buti na lang at pinalaki kami nila mama na may self-discipline. Kahit naman tinatawag ko na notpa si sir ay sa isip ko lang 'yon. At isa pa ay madami naman kaya kami! Lahat kami ng kaklase ko ay sir notpa ang tawag sa kaniya. Naalala ko pa nga noon na sila Brian, kaklase kong lalaki, ang unang tumawag kay Mr. Delavin ng "Sir Notpa".

"You can leave now, Celeste. Exempted ka na sa quiz," ani sir. Kaya tumango ako at lumabas.

Naisipan kong pumunta sa cafeteria pero busog pa ako at isa pa ay may pinabaon si mama sa akin na sandwich. Kung sa bench naman ay mainit dahil mag-aalas dose na rin ng tanghali. Although may shade ng puno, mainit pa rin.

"Celeste," Nginitian ko ang librarian noong batiin niyo ako pagkapasok ko. Sa library na lang ako since after lunch pa naman ang susunod na klase ko.

"Magbabasa lang po," paalam ko. Tumango ito sa akin kaya nagpatuloy na ako sa pagpasok. Humanap muna ako ng libro ni Nicholas Spark. I was about to pull the book at first sight by Nicholas Spark but I saw one book that caught my attention.

"He's into her," basa ko sa title. May full moon sa book cover nito at sa ibaba ay name ng writer which is Maxinejiji. Hinanap ko ang season one dahil season two ang nakalagay dito pero wala akong mahanap.

Nakakaakit talaga ang book cover. Simple pero malakas ang dating. Nakailang tingin na ako sa mga bookshelves pero wala talaga akong makitang season one kaya pumunta na ako sa librarian. Pero bago iyon ay ibinaba ko muna ang bag ko sa isang lamesa na gusto kong upuan bago na lumapit sa librarian.

"Uhm, miss may copy po kayo ng season one nito?" tanong ko at ipinakita ang librong he's into her. Tumango siya sa akin.

"Meron. Ayon sa lalaki." May itinuro siyang lalaki. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita. Tumango na lang ako at nagpasalamat bago siya talikuran.

"Uhh, excuse me?" tawag ko sa kaniya dahil nakayuko siya.

"Hmm?" malamig na sagot niya, sinlamig ng klima sa green land. Geez!

"Uhm, babasahin mo ba 'yong libro?" tanong ko at itinuro ang libro na hinahanap ko sa harap niya. Umiling siya at iniabot ito sa akin.

"Uhh, ano kasi. Table ko 'to. Ayon gamit ko oh," ani ko ulit at itinuro ang gamit ko na nasa tabi niya. Tumango siya at umusad. Napabuga ako ng hangin.

"Ayoko kasi ng may katabi. Pwede bang lumipat ka na lang?" inis ng saad ko at lumapit na sa gilid niya. Mas nakaiinis pa na ayaw niya ayokong lingunin. Grrr!

"Umupo ka na lang," malamig na tugon niya. Oh shit, malamig ang boses niya pero buong-buo at malalim.

"Ayoko nga ng may katabi--AHHH!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang humarap sa akin nang sumigaw ako.

May tumulak sa akin at dahil humarap siya sa akin ay sigurado akong sa kaniya ako babagsak. Slowly, lahat ay nag-slow motion na maging ang pagharap niya sa akin ay bumagal. Ang buhok niya ay sumayaw kasabay ng hangin. Ang kaninang mukha niya na hindi ko makita dahil nakayuko siya ay nakita ko na.

His algid deep set of eyes were now focused on me. He has a thick eyebrow just like a thick atmosphere and long eyelashes like a tale of a comet. His eyes were black and dark just like a night sky.

"Like a comet, you have fallen," makahulugang bulong niya bago ilahad ang kaniyang braso upang saluhin ako. Saluhin ako mula sa pagkakahulog.

Who'd have thought that I'd breathe the air. Spinning 'round your atmosphere. I'll hold my breath, falling into you. Break my fall and don't let go. Inch by inch, we're moving closer. Feels like a fairytale ending. Take my heart, this is the moment. I'm moving closer to you.

            Credits to the song Moving Closer by never the strangers.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status