"Here." I looked at Cepheus when he handed me a glass of water.
"Your meds," he said again then showed me the tablet in his hand.
"Kailan mo kakausapin si Karl?" tanong niya sa akin pagkatapos kong inumin 'yong gamot na iniabot niya.
"Nag-uusap naman kami." Kibit balikat na sagot ko.
“This is so bizarre,” I said while counting the stars.“What?” Karl asked and I saw him in my peripheral vision that he turned to face me but I didn’t make a move and just stared at the sky.“This. Watching the night sky and waiting for a comet while we’re lying together,” I paused. “It feels like I will see or hear something I wouldn’t like,” I added with a chuckle but I didn’t get a response from him.
"Celeste sigurado ka ba na kaya mong kumanta ngayon?" Tinanguan ko si Cristina, siya ang may-ari ng bistro na ito.I've been working to this bistro for almost 2 years, I guess. Sila Cepheus talaga ang kumakanta dito ng banda niya pero ngayon ay ako na dahil may kumuha sa kanila para sa regular na pagbabanda."Sige. 'Wag mo na lang isama 'yong spoken na part. Wala kasi 'yong dapat na gagawa noon e. Mag-ready ka na, start na kayo kapag nakapag-set up na sila Bart." Tinanguan ko na lang ulit siya at lumagok sa beer na hawak ko.Dati ay hindi ako umiinom ng alak o beer kasi mabaho ang amoy at mapakla ang lasa. Pero ngayon, kayang-kaya ko na. Siguro kasi na-realize ko na mas mapakla pa sa kahit anong alak ang nangyari sa amin. Napailing ako sa sarili kong naiisip at ngingisi-ngising lumagok ulit sa beer."Celeste tama na 'yan. Start na tayo in 5 minutes." Tinanguan ko si Bart, siya ang guitar
A/N; Play “Pagsamo by Arthur Nery” for better reading experience. “Celeste, napakagaslaw mo! Pumirmi ka nga riyan sa upuan mo!” Sita sa akin ni tatay. Kanina pa kasi ako lilingon-lingon. Hindi kasi ako nakaihI kanina sa bahay at ngayon ay naiihi na ako. Hindi ako makalabas dahil nagsisimula na ang misa at pagagalitan ako ni tatay pero naiihi na talaga kasi ako. “Tay, naiihi po talaga ako,” bulong ko kay tatay. Nakita ko ang pag lingon niya sa akin at ang pagalit na ekspresyon. Tinanggal niya ang suot niyang salamin bago bumuntong hininga at tumango. “Sorry, tay. Mabilis lang po ako,” ani ko pero hindi na siya sumagot. Tinapik ako ni Cepheus kaya sinamaan ko siya ng tingin, nang-aasar kasi ang pagtapik niya sa akin na parang sinasabi na maghanda na ako dahil siguradong pag uwi namin ay pagagalitan ako ni tatay. “Oh, hija. Kanina pa nagsisi
To you, who made it this far, thank you! Thank you so much for exerting effort to read my story. Thank you for choosing to read my story even though there is much more great and famous story. Thank you for your support, my star! May you always have a great day, and always remember that we're beautiful in our own aesthetic and unique way! I hope you learned something from my story even though there is a lot of insufficient information. You can reach your dreams no matter how far it is, I believe in you. Padayon! Stalwart Selene loves you!
"Okay, attention! Before we tackle the different comets, meteor showers, stars, constellations, etc. Celeste will give us some key facts about them." Napabuga ako ng hangin noong tawagin na ako ng professor namin sa astrophysics. Ewan ko ba sa panot na 'to. Ako na lang palagi ang pinag-rereport. Ang dami-dami naman namin na estudyante niya pero suki ako ng report sa kaniya. Tapos hindi pa ako makatanggi dahil baka ibagsak niya ako, amp. "Celeste?" tawag niya sa akin.
"Dalawang ice cream po manong," Nakangiting ani ko sa matandang nagtitinda ng ice cream. Mag-aalas syete na, mamaya pa naman ang klase ko kaya dito muna ako. "Salamat po!" ani ko ulit at iniabot ang bayad ko sa kaniya bago na umalis at pinuntahan ang batang umiiyak. Kanina ko pa siya tinitingnan pero hindi ko siya agad nilapitan dahil baka may kasama siya. Pero nang mapagtanto ko na mag-isa lang siya ay bumili na muna ako ng ice cream para madali ko siyang mapatahan. "Tahan ka na. Eto oh, ice cream!" Nginitian ko siya habang naka-squat ako sa harap niya. Umiiyak pa rin siya at ang cute niya sa paningin ko. Naka-pigtail siya habang tumutulo pa ang luha niya. Ang cute-cute! Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa mapansin ko na makapal ang kilay niya kagaya ng kay Cepheus at kulay karagatan na mata kagaya ng kay papa. Para siyang combination ni papa at Cepheus, ang galing! "Nawawala ka ba?"
"Celeste, are you listening!" Napaigtad ako nang bigla akong sigawan ni Mr. Delavin. Nanlalaki ang mata niya at halatang gigil na gigil na nakatingin sa akin. Kanina niya pa daw ako tinatawag at nakatulala lang ako sa kawalan habang ngumingisi-ngisi. Jusmiyo, nakakahiya! "Ano ba ang nangyayari sa iyo ha, Celeste?!" tanong pa niya. "You stand up! Answer my questions!" gigil talaga na aniya, kinakabahan akong tumayo. Ang mga mata ng kaklase ko ay nasa aming dalawa ni sir, naglalakad na pabalik sa harap si sir. Pagkarating doon ay agad niyang binura ang nakasulat sa white board. Basta ang nabasa ko lang ay tungkol sa comet ang dinidiscuss niya. "One! What is halley's comet?!" Napaismid ako sa tigas ng tanong niya. Hindi na nga halos patanong ang dating niyon dahil parang sumbat na. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Halley's Comet is the most famous of all comets.
"Celeste, matutulog na ako ha. Maaga pa ang pasok ko bukas. Matulog ka na rin mamaya," ani mama. Tumango naman ako sa kaniya bago ibinalik sa laptop ko ang tingin, nag-aadvance reading kasi ako para sa topic namin bukas. "Shit! 12 am na pala!" mura ko at iniligpit na ang gamit ko. Hindi ko napansing hating-gabi na. Nalibang kasi ako sa pagbabasa e. Nilagay ko 'yong gamit ko sa kwarto ko pero bumaba ulit ako para kumuha ng makakain. Ginutom kasi ako. "Ate galit ka pa ba sa akin?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Cepheus pero hindi ako kumibo, tiningnan ko lang siya. Umupo siya sa upuan kaharap ko. Nakatayo ako habang nilalagyan ng asin at betsin 'yong fries na niluto ko kanina lang. Nakatingin lang siya sa akin habang inaayos ko iyon. Naka-pout siya habang salo-salo niya ang sariling mukha gamit ang kaniyang dalawang palad. "Ate," tawag niya pero hindi ko ulit siya