Share

CHAPTER SEVEN

Author: CyLili
last update Last Updated: 2020-10-05 13:14:40

Dahan-dahan siyang lumuhod para abot ako. “Jeltrod Bonifacio nice to meet you…”

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa pagsambit niya sa pangalan ko.

Teka bakit…parang boses ko ang naririnig ko sa ‘kaniya?

“B-Bakit ka boses kita? Ginagaya mo ba boses ko ha?!” malakas na tanong ko.

Dahan-dahan niya nilapit ang mga palad niya sa pisngi ko. Nilayo ko ang pisngi ko sa ‘kaniya at masama siyang tiningnan kahit takot na takot na ako sa mga kilos niya.

Nanalangin ako na sana may taong makakita sa ‘kin o dadaan dito.

“Jeltrod?!” Agad ako napatingin sa paligid ng narinig ko ang boses ni Kyle na tinatawag ang pangalan ko.

“Magkikita pa tayo ulit.” Binalik ko ang tingin ko sa misteryosong tao nakatayo sa harap ko. Napansin kong bumalik sa pagkalalim ang boses niya.

Ibig sabihin ginagaya niya lang talaga ang boses ko para takutin ako o inisin?!

Tumayo siya at lumayo sa ‘kin. Tiningnan ko siyang naglakad papalayo sa ‘kin na parang walang nangyari. Parang normal lang ang lahat nasa paligid niya. Parang hindi siya natatakot na may makakita sa ‘kaniya sa mga ginagawa niya sa ‘kin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba nararamdaman ko.

“Jel.” Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak bigla sa balikat ko mula sa likod.

Paglingon ko si Kyle lang pala.

“O? Anong mukha ‘yan? Para kang nakakita ng multo,” natatawang sabi niya nang mapansin ang reaction ko.

Hindi ako nakapag salita.

“Bakit kaba nakaupo dito? Tumayo ka nga.” Tinulongan niya akong makatayo.

Nang makatayo pinagpagan ko ka agad ang unifrom ko.

“Bakit kaba kasi dito umupo? May upuan naman do‘n.” Turo ni Kyle sa bench na inupuan ko kanina.

Kinalma ko ang sarili ko at binalik ang mukha ko sa dating kong expression. Huminga mo na ako ng malalim bago nag salita. “Trip ko lang bakit?”

Tumawa siya. “Hayst, ang pangit talaga ng mga trip mo. Nga pala, pinapatawag ka sa ‘kin ng mama mo. Gusto ka daw makausap.”

“Bakit naman daw?”

Kumibit balikat siya. “Ewan ko, siguro may kasalanan ka nanaman. Nakipag-away o nakipag sabunutan kananaman ‘no?”

“Hindi ah—”

“Nako Jel ha, ilang beses nakitang sinabihan na mag bagong buhay. At ‘wag mo narin idamay sa sabunutan iyong bebe ko.”

Inirapan ko siya. “Tsk, oo na ang dal-dal mo.”

“Oo daw. Tapos bukas o sa susunod na mga araw, mababalitaan ko nanaman na nakipag away ka. Ikaw talaga!” Pinitik niya ang noo ko.

Napahawak ako sa noo ko at masama siyang tiningnan.

Feeling kuya talaga palagi si Kyle sa ‘kin. Magka edad lang naman kami. Daig niya pa si papa kong paaalahanan at pagalitan ako.

Na alala ko dati noong mga bata kami. Lagi kaming sinasabihan ng mga kaibigan nila mama na baka  kami raw magkatuluyan. Hindi kasi kami mapaghiwalay dati. Kong saan ako doon ‘din siya.

Pero mali sila. Hanggang magkaibigan lang talaga ang turing namin ni Kyle sa isa‘t-isa at hindi na hihigit pa do‘n.

“Huwag mo na nga ako tingnan ng ganiyan. Tara na habang may oras pa.”

“Oo na sandali.” Kinuha ko ang paper bag na may laman na pinagkainan ko at sumunod kay Kyle.

Bakit kaya ako pinatawag ni mama? Wala naman akong na aalala nakipag-away ako kahapon o kanina. Hayst, nadagdagan nanaman tuloy ang takot nararamdaman ko sa dibdib ko.

“Good luck my best friend. Kwentohan mo ‘ko pagkatapos mo ma sermonan ha?” Kumindat siya.

Inapakan ko ang paa niya sa inis. Talagang nakuha niya pang asarin ako.

“Ito naman biro lang. Peace.” Nag peace sign siya with matching nguso.

Napangiwi ako. “Saan mo naman na kuha ang peace sign na ‘yan with matching nguso?”

“Si Scart nag pauso nito sa room natin. Ang cute nga, e.”

Sumingkit ang mata ko. Cute daw. E, hindi naman. Sabagay hindi naman cute ang nagpa-uso niyan.

“Bahala ka nga diyan. Pasok na ako kakausapin pa ako ni mama. Hintayin mo ako dito.” Turo ko sa kinatatayuan namin.

Sumaludo siya. “Yes, ma‘am.”

Inirapan ko lang siya at dahan-dahan binuksan ang pinto ng classroom ni mama. Kinakabahan tuloy ako. Ayo ko ma sermonan ulit. Ang sakit kasi sa tenga ng bibig ni mama. Para akong pinapakinig ng tunog ng baril.

Sumilip mo na ako. Nakita ko si mama na may kausap na gurong lalaki. Halata na teacher siya dahil sa mga pormahan niya palang. Sino naman ‘yon?

“Ba‘t hindi kapa pumasok—”

Naputol ang sasabihin ni Kyle ng sinenyasan ko siyang manahimik. Taka niya ako tiningnan at nakisilip narin.

“Sino ang kausap ng mama mo? Bago ko lang siya nakita dito,” bulong na sabi ni Kyle.

“Hindi ko rin kilala,” mahinang sabi ko.

Binalik ko ulit ang tingin sa kausap ni mama. Tinitigan ko ito ng mabuti. Matangkad siya, medyo payat  kulot na kulot ang mga buhok at naka glasses pa siya. Mukha tuloy siyang nerd.

Napansin ko na sa tuwing ngingiti siya parang nakikita ko sa pennywise sa ‘kaniya.

Kulang nalang mag make up siya at mag suot ng clown na costume. Pwede na siya gawing pennywise sa mga halloween party.

“I know everything about you. Especially your all of your secrets.” Ngumisi ang kausap ni mama. “Do you want me to tell her about—” Naputol ang sasabihin ng lalaking kausap ni mama ng bigla nagsalita si mama at dinuro siya.

“Wag na ‘wag kang magkakamaling sabihin sa ‘kaniya Endren. Alam mo na kong sino ang makakalaban mo!”

Napatawa ang tinawag ni mama na Endren. “Sino? Si Henry na magaling mong kapatid na may kasalanan ng lahat?”

Hindi nakasagot si mama at masamang tiningan ang Endren.

Kapatid? Henry? Sino ‘yon? Wala akong kakilalang Henry o kapatid ni mama. Ang alam ko only child siya.

“My name is Endren, Rosie. End…ren…” diin na sabi niya. “End means katapusan. And I am the one people who end all of your lies on her! Biglang sigaw niya kay mama.

Napakuyom ang kamao ko at akmang papasok ng pinigilan ako ni Kyle.

“Bakit mo ‘ko pinipigilan? Sinisigawan niya ang mama ko,” diin na mahinang sabi ko.

Umiling siya. “Pigilan mo mona ‘yang inis mo. Makinig mo na tayo sa uspan nila.”

Wala akong nagawa kong hindi ang tingnan si mama at ang Endren na masama ang tingin sa isa‘t-isa.

“Remember this Rose. Hindi mo habang buhay matatago sa ‘kaniya kong sino siya at kong saan siya galing. She will know the truth one day. Remember that,” diin na sabi niya kay mama.

Bigla siyang tumingin sa gawi namin ni Kyle. Kaya agad kaming tumakbo ni Kyle at naghanap na pwedeng pagtaguan.

“Dito!” Hinila ako ni Kyle sa gilid ng locker.

Bahagya ako sumilip mula dito sa gilid ng locker at tiningnan ang Endren nakalalabas ng classroom ni mama.

Nakikita ko sa mukha niya ang pagpigil sa galit. Kinalma niya ang sarili niya at naglakad papalayo.

Naglalakad kami ngayon ni Kyle papunta ng classroom. Hindi mawala sa isip ko ang narinig kong pinag-usapan ni mama at ni Pennywise— este ni Endren na ‘yon.

Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin kanina dahil sa ginawa niyang pagsigaw sa mama ko.

“Jel, bakit kaya parang galit iyong Endren kay mama mo?” tanong ni Kyle sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

“Ewan, hindi ko alam. Pero ang sarap niyang suntukin alam mo ba ‘yon? Kong hindi mo lang sana ako pinigilan. Basag ang mukha no‘n sa ‘kin. Ang lakas ba naman sigawan ang mama ko?!”

“Hayst, hindi kalang pala maldita. Isa karin dakilang basagulera. Pati ba naman teacher papatulan mo?”

Hinampas ko ang paper bag ko braso niya. “Biro lang!”

Napahimas siya sa braso niya. Sa lakas pa naman ng pagkahampas ko. Malamang masakit ‘yon.

“Habit mo talaga manakit ng tao, e ‘no?”

“Kainis ka kasi!”

“Ito seryoso na, h‘wag mo sana mamasamain ang opinyon ko. Pero para sa ‘kin may dahilan naman siguro kong bakit parang galit ang Endren na ‘yon sa mama mo.”

Hindi ako nakapagsalita at napaisip.

Kanina kita ko naman kong gaano ang galit sa mukha ng kausap ni mama. At kong galit siya kay mama anong atraso naman kaya ang nagawa ni mama para magalit siya?

Ang dami ko na ngang isipin. Dumagdag pa ‘to!

“Kong meron man kaaway si tita. Mag-ingat ka at baka ikaw ang gamitin laban sa ‘kaniya. Mas mabuti narin kausapin mo si mama mo mamaya.”

Natigilan ako at napahinto sa paglalakad.

Sandali bakit ngayon ko lang naisip ‘to?

Kong kaaway nga ni mama si Endren at kong sakaling tama si Kyle na gagamitin niya ako laban kay mama. Posibleng kayang kasabwat ng Endren na ‘yon ang misteryosong tao na lagi sumusunod sa ‘kin— o siya mismo ‘yon? Pero babae ‘yon! Imposible pero pwede ‘ding posible. Hayst! Ang gulo!

“Kyle,” tawag ko kay Kyle.

Huminto siya sa paglalakad. “Bakit?” tugon niya.

“May sasabihin ako sa ‘yo. Pero pwede bang atin-atin lang ‘to?”

“Sige, ano ba ‘yon?”

Huminga mo na ako ng malalim bago nagsalita ulit. “Makailan kasi…m-merong sumusunod sa ‘kin, tumatawag at nag papadala ng message. Kahapon nga may pinadala pa nga sa ‘kin ng sapatos at kanina nga lang—” Napahinto ako sa pagsasalita ng nagsalita siya.

“Wait Jel.” Lumaki ang mata niya.

Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. “Naiisip mo kong ano ang naiisip ko?” tanong ko.

Dahan-dahan siya tumango. “Hindi kaya…” pambibitin niya. “…may secret admirer ka!” biglang sigaw niya. Kaya napatingin sa ‘min ang mga taong dumadaan dito ngayon.

Sumingkit ang mata ko. Akala ko nakukuha niya na ang ibig kong sabihin. Hindi pala! Mukhang mali yata akong sinabi ko pa ‘to sa ‘kaniya.

“Uy! May secret admirer na siya,” panunukso niya. “Sino kaya ‘yan? Gusto ko tuloy siya tanongin kong ano nagustuhan niya sa ‘yo,” natatawang sabi niya.

“Ewan ko sayo!” inis ko siyang tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

Narinig kong ang tawa niya ng sumunod sa ‘kin. Hindi niya tinigilan ang panunukso sa ‘kin hanggang sa makarating kami ng classroom.

Natigil lang siya ng makita niya si Kate.

Pagkaupo ko napatingin ka agad ako kay Scart na nakikipag tawanan sa mga kaklase naming lalaki. Mukhang madami na siyang friends.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa ‘kaniya. Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ako.

“Ano?” pabulong niyang tanong.

Inirapan ko lang siya.

“Ang maldita talaga,” dinig kong bulong niya at nakipag kwentohan at tawanan ulit sa mga kaklase namin.

“Guys! Nandito na daw ang bago nating teacher sa first subject natin this afternoon!” Balita ng Vice President namin nakakapasok lang ng classroom.

“Gwapo at bata pa?” tanong ng President namin.

“Hindi mukhang masungit nga, e. Nakita ko kanina pinagalitan ang mga student do‘n na ang kakapal ng make-up. Kaya kayo Cloe at Charisse.” Turo niya sa dalawa kong kaaway na nag mamake-up.

Napahinto ang dalawa sa pag mamake-up at tiningnan ang Vice President namin.

“Bakit?” sabay nilang tanong.

“Burahin niyo ‘yang blush on at kilay niyo. Mag liptint nalang kayo. Mga mukha kayong chaka doll.” Inirapan sila ng Vice President namin.

“Inggit kalang baklang Jollibee!” si Charisse.

Iniwas ko nalang ang paningin ko sa ‘kanila at naglabas ng libro para basahin. Ilang minuto palang ako nagbabasa ng nagsisigaw ang isa sa mga pasaway namin na kaklase na kakapasok lang ng classroom.

“Papunta na ang bagong teacher natin dito! Mag si upo at si ayos na kayo!” sigaw niya.

Agad naman nag si balik sa mga upuan nila ang lahat at ang mga kalat sa sahig nilinis nila at agad tinapon sa basurahan.

“Ayan na siya!” sigaw ng taga look up sa labas at umupo sa upuan niya.

Tahimik ang lahat ng pumasok ang bago naming teacher. Natigilan ako ng mapagtanto ko kong sino.

Siya ang kaaway kanina ni mama. So siya ang bago naming teacher?

Dahan-dahan niya nilapag ang mga librong hawak niya sa table. Tiningnan niya kami lahat ng napaka seryoso.

“Nakakatakot naman siya…” bulong ni Kate sa ‘kin.

“I am Fernando Del Santos. You can call me sir Santos and i am your new teacher on this subject,” pakilala niya sa harap naming lahat.

Napakalamig niya kong magsalita.

Pero teka bakit Fernando? Ang narinig namin kanina ni Kyle noong banggitin ni mama ang pangalan niya Endren. Bakit Fernando ang pinakilala niya sa ‘min?

Nilingon ko si Kyle sa likod. Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. Sumagot naman siya sa pamamagitan ng tingin rin. Pati siya nagtataka kong bakit Fernando.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa bago naming teacher. Natigilan ako ng magtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko kong paano rin siya natigilan ng makita ako.

Hindi ko alam pero bigla lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Sandali ang mga mata niya. Bakit ngayon ko lang napansin? Kilala ko ang mga mata niya. Parang nakita ko na ‘to.

Bigla pumasok sa isip ko ang mata ng misteryosong tao na laging sumusunod sa akin. Parehong-pareho sila ng mga mata.

Hindi kaya iisa talaga sila? Hindi kaya mali lang ako at lalaki pala siya.

CyLili

Edited Version

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unlocking Her Memories   Authors Note:

    Hello, It's have been a long time since I last update. Sorry for the no update this past few months because I am so busy with my school work. And nakaranas din ako ng depression and stress sa family ko dahilan na lalo ako hindi nakapagsulat at napilitan magpahinga muna ng ilang buwan.Bilang pambawi sa hindi ko pag-update. I am happy to announce na you can read now this story just for free here at Goodnovel! You don't need coins just to unlock by reading each Chapter. I hope you continue to support this book and expect me to update many chapters this week. Stay safe everyone!

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 25

    "D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas."Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.Huminga siya ng malalim bago ako iwan.Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 24

    Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 23

    Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo."J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin."Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 22

    JELTROD‘S POV.Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng kwarto ni Kate. Pinagmamasdan ko siya mula dito. Matagal narin akong nakatayo dito at nasa tabi ko si Justin ngayon.“Bakit ayaw mo pumasok?” tanong ni Justin sa ‘kin.Umiling ako. “Ayo ko. Hindi ko pa siya kayang lapitan tanging pagmasdan lang siya mula dito ang magagawa ko ngayon,” sagot ko at tiningnan siya.“W-What happened to her?”“Sinasagaan siya at pinagbabaril.”Nanlaki ang mata niya. “What?”Bununtong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa labas. Tumabi sa ‘kin si Justin at bumuntong hininga rin. Hindi na ako nagsalita at hindi narin siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikang dalawa.Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang braso ko

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 21

    Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate. Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko. "Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot. Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kas

  • Unlocking Her Memories   Authors Note:

    Hello po it's been a long time since my last update for this story. I want to know all of the readers who read this book that there are some changes I put in this story. I just revised it to make this book more suspenseful. And about the name of the main character. I want you to know that I changed it to make it unique. At para hindi kayo malito sa story, I suggest reading it again from the prologue. The flow of the story is still the same pa naman pero mas maganda na basahin niyo po ulit siya. That's all. Stay safe and thank you for your support. I hope you will still support this book until we reach the Epilogue of the story.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 20

    JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 19

    THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status