Umaga na. Tinawag niya ang pulis na nagbabantay.
“Wala po bang dumalaw sa akin? Wala po akong kasalanan!”
“Miss, wala talagang criminal na umaamin sa kasalanan. Eto, kakakadating lang ng drug test mo. Positive. At hindi din birong gramo ng shabu ang nasa bag mo.”
“Hindi akin ‘yan! Kagabi, may dalawang lalaking lumapit sa akin at may tinurok sa braso ko. Baka iyon ang dahilan kung bakit ako nag positibo. Maniwala po kayo sa akin.”
“Tinatawagan po namin ang number na binigay ninyo ngunit walang sumasagot.”
Inabandona na ba siya ng tuluyan ni Noah?
Pangalawang araw na niya sa bilangguan. Hindi na niya kayang tumagal pa sa loob. May dumating na tatlong babae pa kagabi. Para na silang sardinas na nagsisiksikan sa lata.
Hinihintay niya si Noah. Naniniwala siyang tutulungan siya nito.
Pangatlong gabi. May isang babaeng bagong dating. Pinagtripan siya nito.
“Alis diyan. Kahapon ka pa nasa pwestong ‘yan. Gusto ko dyan.”
Wala na siyang lakas na makipagtalo. Umalis na lamang siya.
Ngunit, tinulak siya ng babae. Napasubsob siya sa sahig. Tinapakan nito ang mukha niya.
“Naiinis ako sa lahat ng maganda. Kagaya mo! Gusto kong basagin ang mukha mo!”
Kinuha nito ang relo at singsing niya.
For the first time in her life, nawalan na siya ng ganang lumaban. Hinayaan na lamang niya ang babaeng tadyakan at sipain siya hanggang mapagod ito. Duguan ang mukha niya ng umawat ang mga pulis. She didn’t feel pain anymore. Manhid na yata siya. She’s all alone.
Pang limang araw. Pinakawalan na siya ng mga pulis.
May pumaradang Mercedes-Benz sa harap ng presinto. Iniluwa nito ang isang gwapong lalaki. Sinalubong siya ng lalaki at agad na pinagbuksan ng pinto. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito.
“What took you so long?”
“Welcome back. Maddison! Sa lakas ng sampal mo, ikaw nga ‘yan. Walang duda. I’m sorry. Your dad stopped me from helping you.”
Umismid na lamang siya. Hinawakan ng lalaki ang kanyang mukha na may galos at labing may sugat.
“Are you okay?”
“Mukha ba akong okay?”
“Dumaan muna tayo sa ospital.”
Umiling siya at pumasok sa kotse.
“I guess, he just wants you to learn your lesson. Umalis ka ng tatlong taon ng walang paalam. Lahat ng transaction mo online. Siguro naman hindi ka na aalis pa.”
“Anong nirereklamo ninyo? I have done my job efficiently kahit pa malayo ako. If you’re going to look at the figures, we are number one in technological industry. Numbers don’t lie.”
“Well, we’re so happy that you’re back,” he said sincerely.
Caleb Martinez was her childhood friend and assistant.
“It’s like saying that you’re happy seeing me unhappy.”
Napatingin sa kanya ang binata. “What do you want me to do with that bastard?! Hindi ko mapapatawad ang treatment na ibinigay niya sa nag-iisang tagapagmana ng Tech Systems.”
Yes, she is wealthier than Noah! Nagpakatanga lamang siya dahil sa pag-ibig. She could not believe na hindi siya nito nagustuhan. Noong una ay challenge ito sa kanya. Hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya sa binata. Ganoon yata talaga. We often desire and pursue what we cannot have. The more someone pulls away, the more we end up wanting them. Isang malaking sampal sa ego niya ang rejection mula kay Noah. But it’s more than that. She knew it's true love, a once in a lifetime kind of love. Nagpakababa siya at tinalikuran ang buhay na meron siya just to be with him. Tama na ang ilang taong pagpapakatanga sa lalaking hindi nakita ang halaga niya. She put her pride aside chasing the love of Noah. It was time to let go.
Samantala sa presinto.
“I'm here for Ms. Maddison Santiago.”
“Sir, nakalaya na po siya ngayon lang po, fifteen minutes ago. May sumundo pong nakakotse.”
“What? Let me check the CCTV.” He couldn’t believe it. Ulilang lubos at walang ibang kaibigan si Maddie maliban sa mga tao sa kumpanya. Inabutan niya ng ilang libo ang nasa front desk upang ipasilip ang CCTV footage. Isinama siya nito sa isang room. Nakita niya na sinundo ito ng isang lalaki. Dali-dali niyang isinulat ang plate number. Hindi pa sila hiwalay ay may bagong lalaki na agad ito. Tama ang hinala niya, she was a greedy gold digger.
Tinawagan niya ang number nito. Unang beses na ginawa niya na hindi work related.
Nakailang dial siya. Busy ang kabilang linya or she blocked his number.
Tinawagan niya si Justin, ang kanyang lawyer at kaibigang matalik.
“I will send a plate number. Find who’s the owner. Make a background check. And I also want you to look for Maddison. She’s gone and leave without a trace.”
“Yes, boss. Wait, you want Maddie to be out of your life. So why waste your time looking for her? Do you miss her?” May himig panunukso ang kaibigan.
“You know what? I can look for another lawyer if you don’t want to do it. It’s work-related. She left without a proper turnover.”
“Chill, bro. Okay. I will update you later.”
He’s sitting in his swivel chair. He hated to admit but he felt lost without Maddie. She’ s really an excellent assistant. But he’s sure that she’ll come back. He loved her that much.
Tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot ang tawag mula kay Justin.
“Caleb Martinez is the owner of Mercedes-Benz plate number you sent. He’s a share holder of Tech Systems. Unfortunately, there’s not much public information about him. Surprisingly, Maddison has no online footprints. Ang info lang na nakuha ko ay mula sa company mo. What’s most intriguing is that she has no records sa presinto kung saan siya nakulong. There’s not even a CCTV footage of her.”
“That’s impossible. I saw it with my own eyes. The police even confirmed that she’s out because someone helped her.”
“Well, mukhang bigating tao ang tumulong sa kanya. Hindi pa naman kayo annulled naunahan ka nang palitan. I just couldn’t believe that she can do it. She’s so tame and shy. Although when she’s working, it looks like she’s a different person. Well, you lost a wife and a great assistant. Accept it and move on.”
“No way! I will make her come back! I should be the one who dumped her not the other way around. Sisiguraduhing kong babalik siyang nakaluhod sa harap ko.”
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas