Nakangiting pinakatitigan ni Aling Dia ang makinis na mukha ni Gretel. Hanggang sa dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Nagulat ito nang makita siya. Ngumiti siya rito. "Ako nga pala ang Nanay Dia ni Zairus," sagot niya sa gulat na dalaga. Napabalikwas ito ng bangon. "N—nasaan po ako?!" bulalas ni Gretel at inilibot ang tingin, pagdakay napangiwi siya sa sakit. Oo nga pala, may sugat ang kanyang kaliwang-balikat at may daplis ulit siya sa kanang braso. Argh! Ramdam niya rin ang pananakit ng kanyang katawan. Siguro, dahil ito sa nakakagimbal na engkwentro nila kanina. Ngayon lang niya napansin na gumagabi na pala. "Huwag ka munang bumangon, hija. Baka mabinat ka pa. Mabuti at gising ka na, tamang-tama may niluto akong tinolang manok at ginataang gulay. Dadalhin ko na lang dito ang hapunan mo," nakangiting tugon ni Aling Dia kay Gretel. Palibhasay, sobrang saya niya nang makita ang magandang modelo. "Nay, kumusta na si Ms. Gomez? Tulog pa ba?" tanong ni Zairus sa ina. "Gising na
"YOU'RE such a crazy woman, you know," tanging nasabi ni Zairus sa dalaga."Mabaho ba ako para ipagtulakan mong maligo?" nakangiting tanong ni Gretel. Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kakaibang lungkot na bumabalot sa anyo ng binata. "Kailangan mong magpatuloy sa buhay, Z. You can count on me. Willing akong makinig sa mala-alaala mong buhay," biro pa ni Gretel sa binata. Gusto lang na man niyang patawanin ito. At habang kasama pa niya ito. Sisikapin niyang memorable ang sandaling nagkasama sila nito. Dahil darating ang araw na hindi na ulit siya nito papansinin. Susulitin niya ang nalalabing araw."No thanks, ayokong kaawaan mo ako," hindi ngumingiting saad ni Zairus sa dalaga. "Abnormal mo na man, normal lang na kaawaan kita dahil sa narinig ko. Alangan namang mamatay ako sa kakatawa dahil wala ka na pa lang ina, 'di ba?" palatak ni Gretel. Nang matapos siya sa kanyang hapunan ay niligpit niya ang kanyang pinagkainan. Dahan-dahan siyang tumayo, ayaw niyang i-asa ang la
MULI, idinilat ni Gretel ang kanyang mga mata. Ano ba 'yan, ba't kaya ang ilag ng antok sa kanya? Argh! Hindi lang siguro siya sanay na may kasamang matulog sa iisang kama, lalo na at ang ultimate man of her dreams pa. Napangiti siya. "Z, tulog ka na ba?" tanong ni Gretel sa binata. Hindi sumagot si Zairus, bagkus ay tinugon niya ito nang kunway malakas na hilik. Napangiti siya. Damn! Nahawa na yata siya sa pagiging praning ng kanyang kasama. Damn it! Bumangon si Gretel mula sa kama dahilan para umuga iyon, napangiwi siya sa munting kirot ng kanyang mga natamong sugat. Napasulyap siya sa orasan. Alas dyes na pala ng gabi. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang maliit na salas. She turn on the TV para magpa-antok. Nahihiya na man siyang magtimpla ng gatas, since nakitira lang siya. Hindi pa na man siya sanay na hindi umiinom muna ng gatas bago matulog. Nang matapat ang channel sa pambatang cartoon characters na Tom and Jerry. Natawa siya sa dalawang naghahabulan. Bigla niyang naalala
Napangiwi si Gretel. "Z, wala ka bang Diatab diyan?" tanong niya sa binata. "Ihahanda ko, ano ba kasing kinain mo at nagkaro'n ka ng LBM?" balik-tanong ni Zairus sa dalaga. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang maninipis na mga labi. Damn! Para lang siyang baliw. "Hindi ko alam, iyon lang namang ulam kanina ang kinain ko. Pwede mo bang kuhanan din ako ng underwear? Natae kasi ako sa panty ko," walang-gatol na saad ni Gretel sa binata. Natawa na naman si Zairus. Pero hindi siya nakikita ng dalaga dahil nasa loob ito ng naturang banyo. Damn! Hindi niya akalain na ang isang maganda, elegante, sosyal, sexy at sikat na super-model ay para lang ordinaryong tao na palagi niyang nakakasalamuha sa araw-araw. Marami siyang nadiskubre sa dalaga. Pilya man ito, pero wagas na man kong magpatawa, take note, in her natural way. Wala siyang choice kundi ang kuhanan ito ng panty. Kinatok ni Zairus ang pinto ng banyo. "Open it, here."Binuksan ni Gretel ang pinto. Napangiwi siya. "Salamat, muk
Naiiling na tinanggal ni Gretel ang kanyang pinky finger mula sa butas ng ilong ng natutulog na binata. Naririnig na niya ang mahina nitong hilik. He look so handsome, napadako ang tingin niya sa mga labi nitong bahagyang nakanganga. Damn! Napaisip siya, ang sarap lang maramdaman ang mga labing iyon sa kanyang mga labi. Naitanong niya tuloy ang sarili, ano kayang feeling na mahagkan ng isang Zairus? Totoo nga kaya ang kasabihang hihinto ang mundo kapag nahagkan ka sa mga labi ng taong matagal mo ng inaasam-asam? Libre lang mangarap ika-nga. Tumayo na siya at nilisan ang natutulog na binata. Tinungo niya ang kwarto. Nakiramdam muna siya sa kanyang tiyan. Medyo kumalma na ito. Sana lang maging okay na. Muli, naglakad siya patungo sa kwarto. Nang biglang mahagip ng kanyang tingin ang isang frame. Nilapitan iyon ni Gretel. Napangiti siya, ang cute pala ni Zairus no'ng bata pa. Nang umandar na naman ulit ang kanyang kapilyahan, kinuha niya mula sa frame at itinago sa kanyang bulsa. Naghan
"Saan ba tayo pupunta? Hindi ko na kinontak pa si Manay Dolce," basag ni Gretel sa katahimikang namayani sa kanila ng binata. "Sa isang hotel," sagot ni Zairus sa dalaga. "H—hotel?!" bulalas ni Gretel. Pagdakay ngumisi siya. "Anong gagawin natin do'n?" biro niyang tanong sa binata. Napansin ni Zairus ang ekspresyon ng mukha ng dalaga sa rearview mirror. Nagsalubong ang kanyang kilay. At ano naman kayang iniisip ng babaeng ito? "Kung ano man iyang mga iniisip mo, i-utot mo na lang 'yan. Hindi pwedeng mag-stay tayo ng matagal sa bahay ni Nanay Dia. Alam mo namang delikado, hindi ba?" "Ay naku, walang problema sa'kin 'yon, a! Basta ba kasama kita wala akong tutol," nakangising sagot ni Gretel sa binata.Makalipas ang ilang minuto narating nila ang Hotel Le Milie Rose. Napangiti si Gretel at nagtataka ulit siya. Isa ito sa mga pinakamahal na hotel sa Paris. Kunot-noo na napasulyap siya sa binata. "D—dito tayo mag-stay?""Yeah, may problema ba?" tanong ni Zairus sa nagtatakang dalaga.
Pinunasan ni Gretel ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumayo siya at lumabas ng suite, still, nanatiling may takip ang kanyang mukha. Gusto niyang maglibot sa naturang hotel. Tinungo niya ang patio na may ilan ring naroon. Napangiti siya. Naupo siya roon at inaaliw ang sarili sa nakikita sa labas ng glass window. She can say the place offers a peaceful, comforting cosy haven with excellent, attentive service. "Hi, are you alone?" Nag-angat ng tingin si Gretel nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Sa totoo lang wala siya sa mood na makipag-usap ng kahit na sino. Pero ayaw rin naman niyang maging bastos sa gwapong panauhin. "Hello, y—yes," pagdakay sagot niya sa binata, nang biglang napansin niyang tila pamilyar ang hitsura ng gwapong binata. Hindi nga lang niya matandaan kung saan sila nito unang nagkita. "I see, I'm wondering kung bakit mo tinatakpan ang sarili mong mukha, may pinagtataguan ka ba?" nakangising tanong ng gwapong binata. Pagdakay naupo sa katapat niyang couch.
Pansin ni Zairus ang kakaibang energy sa anyo ng magandang dalaga. Hindi nawawala ang matingkad na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Aaminin niyang hindi mahirap mahalin ang isang tulad nito, kaya lang dumating ito sa buhay niya kung kailan may tinatangi na ang kanyang puso. Si Alina. "Alam mo ba, Z. Sobrang saya ko, imagine, para lang tayong nag-date?" masiglang tugon ni Gretel sa binata. "Well, masasabi kong date nga ang tawag dito. Pero hindi sa dalawang taong nagmamahalan. This kind of date is for you, para hindi ka ma-bored sa hotel. Remember, huwag mong kalimutang mag-disguise mamaya paglabas natin sa kotse. Pinagbigayan lang kita ngayon," ani Zairus sa dalaga. "Pero salamat, ang saya ko dahil kasama kita. Sana hindi na matapos pa ang araw na ito, Z. I know it's kinda weird for you, but not for me," nakangiting saad ni Gretel sa dalaga. Nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. Plano ni Zairus na dalhin ang dalaga sa Bateaux Parisiens River Cruise. Paniguradong matut
Tulad ng pangako nila sa mga anak, sinamahan nila ang mga ito sa ilang mga rides. Halos 18 rides din ang sinakyan ng mga ito at talagang walang pinalagpas. Naaaliw nga lang sila sa mukha ng anak nilang si Tinay. Umiiyak pagkatapos ay tumatawa sabay sigaw. Si Gretel ang taga-kuha ng ilang videos, si Thirdy naman sa ilang mga pictures. There's a lot of rides. Tulad na lamang ng: Star Flyer, Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Wacky Worm, Mini Pirate Ship, Telecombat, Zyklon Loop, Dragon Express, Wild River, Viking, Magic Forest, Music Express, Spring Ride, Giant Wheel, Blizzard, Tornado and Top Dancer.Mga ilang oras din ang iginugol nila sa looban ng Star City. Hanggang sa dumating nga ang gabi. Lahat ng rides ay nasakyan ng kanilang mga anak. Ang resulta, pagod na pagod ang mga ito. Halata sa mga anyo ng mga ito. Nailing na lamang si Gretel sa hitsura ng mga anak. Halata ang pagod at antok sa mga mukha nito. "Dinner na tayo?" tanong ni Thirdy."Yes, daddy!" si Dianah sabay hik
2 years later..... Nakatitig si Gretel sa sariling repleksyon. Awa ng Panginoon naibalik ang tunay niyang mukha na siyang hindi niya inaasahan. Napasulyap siya sa frame kung saan kapwa sila nakangiti ni Thirdy. Their wedding day. Yes, last year pagkatapos niyang manganak sumabak siya sa isang critical na operasyon para lang maibalik ang kanyang mukha. Pagkatapos ay ikinasal sila. Hindi niya akalain, that facelift surgery can be repeated successfully more than once, kung kinakailangan. And she was surprised. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sunud-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Inaasahan na niya sina Tharia, Tinay at Dianah. Dinampot niya ang suklay at sinuklay ang mahaba niyang buhok. "Come in, girls." Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nga roon ang tatlo. "Mom, dad's waiting for you downstairs," si Tharia. "Okay, malapit na ako matapos mga anak," ani Gretel sabay sulyap sa kanyang tatlong prinsesa na tulad din niya'y
"Sweetie, are you okay?" tanong agad ni Thirdy sa babaeng minamahal. "Ikaw talaga, ginulat mo 'ko. Parang walang amnesia ka lang, a, kung umasta," nakangiting tugon ni Gretel."Dahil, ayokong malungkot ka," sagot niya rito."Ang mabuti pa, tulungan mo nalang ako rito na dalhin ang mga niluto ko doon sa mesa," palatak ni Gretel nang nakangiti."Iyan lang pala? Sure!" Nakangising dinampot ni Thirdy ang ilang mga niluto ni Gretel at dinala sa round table kung saan naroon ang tatlo nilang prinsesa na naghihintay.Nakangiting pinagmamasdan ni Gretel si Thirdy. Hindi niya akalaing kung umasta ito ay parang wala lang. Hindi niya makakalimutan ang gabing kanilang pinagsaluhan. Sh*t! Naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya ng mga kawaksi, blooming daw kasi siya. Argh! Siyempre, sino ba naman ang hindi maging blooming, e, nadiligan siya kagabi. Naks! At dahil sa isipin na 'yon, biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Ma'am, 'yong tiyan niyo po ba ilang buwan na po 'yan?""Naku, manang hi
Nakatitig lang si Thirdy sa puting kisame habang nakahilata sa king size bed. He hated himself for not remembering anything. Tulad ng sabi ng kanyang kapatid, temporary lang naman daw ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa painkillers na maintenance na iniinom niya.Ramdam niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso nang masilayan ang larawan ng isang babae na nakita niya kanina. Inaalala niya ang sinabi ng batang si Tharia. Iyon daw ang dating mukha ng babaeng kaharap niya kanina. Gustuhin man niyang ipikit ang mga mata ay hindi niya magawa. Tanging hiling niya na sanay matapos na itong iniinom niyang painkiller. Mula sa sariling kama naisipan niyang bumalikwas ng bangon. Lumabas siya ng naturang kwarto. Tinungo niya ang living room, hindi niya inaasahang madatnan roon si Gretel. Ang fiancee niya kuno na kahit ano'ng gawin niyang alalahanin ito ay hindi niya maalala. Masasabi niyang mas pamilyar pa ang mukha no'ng babaeng nakita niya sa larawan.Nagulat si Gretel nang maramdaman ang
AAMININ niyang napuno ng galak ang kanyang puso nang makita ang lalaking minamahal. Pero hindi maipagkakaila ang ibang kinikilos nito. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang bad news. Since nakita mo ang successful na operasyon ng kapatid ko, kung ano ngayon ang napapansin mo, 'yan ang bad news." "W—what do you mean?" kinakabahang tanong ni Gretel kay Celina. Nagpakawala ng isang marahas na hininga si Celina. "Dahil sa painkillers na ininom niya apektado ang kanyang memorya. I don't know kung ano ang pangalan ng naturang painkiller, but because of that the stem pain signals affecting chemical messengers in the brain. Na siyang naging dahilan ng pagkakaroon niya nang—amnesia." "N—no!" Malungkot na lumapit sina Tharia, Dianah at Tinay sa kanya. Dahil sa pagtrato ni Thirdy na tila hindi nito nakikilala ang mga anak. "Mommy, I think dad didn't recognize us," malungkot na tugon ni Tharia sa ina. Agad na nilapitan ni Celina ang mga pamangkin at niyakap ang mga ito. Ipinaliwanag niya kung
"Order ka na, sweetie." Nakangiting kinuha ni Tharia ang menu at mabilis na itinuro ang nais niyang kainin. "Mom, I want Creamy Parmesan Chicken Meatballs and Grilled Cheese Tomato Soup."Nakangiting napasulyap si Gretel sa waitress na nag-aabang din sa kanilang nais orderin. "Please give her what she wants, thank you.""Yes, ma'am.""Ikaw mom, ano ang iyo?" "Skillet Ravioli Lasagna is enough for me and pineapple juice, how about you, sweetie?" ani Gretel sa anak sabay sulyap sa nakangiting waitress."Same, mom. Pineapple juice.""Thank you, ma'am. A minute," nakangiting turan ng magandang waitress saka ito tumalikod palayo para ihanda ang kanilang order.Hindi naman nagtagal ay dumating ang order nila. Nilantakan agad ni Tharia ang masarap na dinner na nasa kanyang harapan. Magiliw na nakamasid lang si Gretel sa anak na halatang gutom na gutom.Hinarap niya na rin ang kanyang sariling pagkain. Napangiti siya at na-appreciate ang sarap ng naturang dinner nila. Makalipas ang ilang mi
"Ma'am, narito na po ang ilang mga papeles." "Pakilagay na lang dito sa office table ko, Steve." Napahilot si Gretel sa sariling sentido. Tambak na naman siya ng ilang mga papel. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang trabaho ng kanyang minamahal. Sa ngayon, nag-iisip siya ng ilang mga ideya. At ang mindset niya ngayon, she need to ensure that the company has enough money to be successful and be able to meet it obligations. "Coffee, Ma'am?" si Steve. "Yes please, Steve. Please, 'yong creamier," ani niya rito. Muli, may kumatok sa pinto. "Come in," sagot niya. "Mom?" si Tharia. Kunot-noo na nag-angat ng tingin si Gretel. Nagulat siya nang makita ito. "Wala kang klase? Sino ang naghatid sa'yo rito, bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod niyang tanong sa anak. "Ayokong ma istorbo kita, mom. Tita Niña is the one who drive me here," sagot ni Tharia. "Really?" hindi makapaniwalang turan niya sa anak. "Wala rin po kasing klase sina Trace. Since nakita niya ako, sinabay na
"Nice meeting you, Ms. Gomez," ani Mr. Hanz. Isa ito sa mga kliyente na kailangan niyang harapin to discuss the proposal."Glad to see you, Mr. Hanz. I am expecting an old man honestly. But I'm surprise na mali pala ako," nakangiting saad ni Gretel sa gwapong kliyente na wagas kung tumitig sa kanya. Naiilang man ay hindi niya iyon ipinahalata. Iniisip na lamang niya na parte iyon ng pagiging negosyante. Hindi iyon mawawala lalo na at siya ang acting CEO at sa posturang kagalang-galang na meron siya ngayon. She looks so professional and gorgeous. Halos hindi nga niya makilala ang sarili. Hindi nakaligtas sa paningin ni Steve ang kakaibang kilos ni Mr. Hanz. Siyempre, bilang isang loyal na assistant ng amo niyang si Thirdy, it was his obligation to take charge by some assholes obvious dumb actions towards the woman who loves his boss. "Hello, Mr. Hanz. I am Steve, Ms. Gomez assistant," magalang na tugon ni Steve pagdakay ibinigay rito ang ilang folders. Medyo nagulat si Gretel sa big
“Ngayon ang alis nila, ayaw mo bang ihatid man lamang ng tingin ang jet plane na kanilang sasakyan?” tanong ni Hercules sa kanya. “No, mas lalo lang akong masasaktan. Lalo na at hindi pa siya gising. Masakit sa part ko, Hercules. Specially sa mga bata rin.” Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng lalaking kausap. Nakatitig siya sa seryosong anyo nito. At nag-tama ang kanilang mga paningin. Matapang na sinalubong niya iyon. “I am ready to accept the offer. Iniisip ko na lang ang future ng mga anak namin. Total, para rin naman ito sa kanila.” “Glad to hear that, don't worry, Manong Abner will be the one who will pick them up from school while your under on a training.” "Salamat naman at may susundo sa mga bata kung gano'n, pwede bang dito sila ihatid?" "Sure, pwedeng-pwede." Medyo mahirap ang training pero pinakatatandaan iyon ni Gretel. Ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa kanyang mga anak at sa taong kanyang minamahal. Napahaplos siya sa kanyang 'di-kalakihang tiyan.