Pumasok na sila sa loob ng kotse. Pansin ni Niña ang kakaibang sigla sa anyo ni Trace. "Fasten your seat belt everyone!" si Ayesha. "Ano bang trip mo ngayon, Ayesha at naisipan mo na namang ihatid si Trace?" "Ibabalik ko sa'yo ang tanong, ano bang trip mo at sumama ka sa'min?" "Pwede ba, sagutin mo 'yong tanong ko?!" "Of course, inaanak ko si Trace kaya may obligasyon ako bilang pangalawang magulang niya." "Sigurado ka bang 'yon lang? O talagang gusto mo lang makita ang hot at gwapong sub-teacher nila na si Mr. Lim?" pilyang ngisi ni Niña. "Well, isa 'yan sa ipinunta ko roon," diretsang sagot ni Ayesha. Oh, yeah. Mr. Lim. Ang bukod-tanging lalaki na siyang unang nagpatibok nang kanyang puso. Sa malas ay may anak at asawa na ito. Damn! "Sabi na, e. Bakit ba sa may asawa ka pa umibig? Ang bobo mo talaga." "Bakit Ikaw ba hindi?" sarkastikong sagot ni Ayesha sa kaibigan. Umirap lang si Niña sa kaibigan. Pagdakay pinaandar na nito ang naturang kotse patungo sa paaralan kung s
Pagkatapos niyang maihanda ang mesa ay tinawag na niya sina Gretel, Trace at Manang Irma. Sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Gretel kasama nito si Trace na hindi maipinta ang mukha."Hey, what's happen? Bakit ganyan ang hitsura ng batang 'yan, sweetie?""Ginamot ko lang naman iyong sugat niya. Masakit daw," nakangiting tugon ni Gretel. "By the way, tulog si Manang Irma. Hindi daw kasi siya nakatulog kagabi. Kakain na ba tayo? Ikaw Trace gutom ka na?" si Gretel."Opo, Tita.""Tara na, kumain na tayo," nakangiting tugon ni Thirdy. Pinaghila pa ng upuan ang dalawa. Napangiti siya ng makita sa mga mukha ng mga ito na tila natakam sa niluto niyang ulam. "So, how was it?""It's so yummy po!" si Trace! "Delicious, sweetie," sagot ni Gretel nang matikman ang isang putahe."Sige na, pray muna tayo," ani Thirdy and he lead the prayer of course gaya ng nakagawian nila. After, kumain silang tatlo na masaya at magana. Makikita ang larawan ng isang perpektong pamilya. "How I wish ganito
Pansin ni Gretel ang frustration sa mukha ng lalaking minamahal. Gusto niya sana iyong tanggalin sa pamamagitan ng sarili niyang paraan. Kahit man lang sa paraan na ngayo'y pilyang naglalaro sa kanyang imahinasyon, maibsan man lamang ang ilang mga isipin na kasalukuyang iniisip nito na nagsilbing nagpapa-stressed dito. "Magandang hapon po, sir." "Salamat naman at narito ka na manang. Sumunod lang po kayo sa amin," saad ni Thirdy. Ngumiti si Manang Shirley sa tatlong batang babae. Pansin niyang tahimik ang isa, which is ang pinaka-edest na nagngangalang Tharia. Habang jamming naman itong isa na nagngangalang si Tinay. Si Dianah naman ay palangiti. Limit lang kung ito'y magsalita. Kinakabahan siya, sana mabait ang tatlong bata na anak ng bago niyang amo. Nakasunod lang siya sa mga ito. Pansin niyang panay himas ng magandang babae sa medyo maumbok nitong tiyan na sa tingin niya'y asawa ng kanyang among lalaki. Mukhang mabait naman ito at medyo may pagka-mataray nga lang ang mukha. "
"Mommy, sino ang lalaking kausap ni daddy?" tanong ni Tharia sa ina. "Si Tito Bernard mo, sweetie. His cousin, anak ng kapatid ng namayapa mong Lola Carolina," sagot ni Gretel sa anak. "How did you know him, mom?" tanong ni Dianah. "Well, sinabi sa'kin ng Tita Aialyn niyo. Nagkita na kami ni Tito Bernard niyo nang hindi pa kami nagkitang muli ng daddy niyo." "Kaya pala kamukha niya si daddy," sagot ni Tinay. "At kamukha din niya si Tito Hugo at Hercules!" Ngumiti si Gretel sa mga anak, araw ng Sabado kaya nasa bahay lang sila. Pero balak nilang ipasyal ang mga bata mamaya pag-alis ni Bernard. May pinag-uusapan ang dalawa patungkol sa business. Kasalukuyang naghahanda ng cookies si Gretel requested ng tatlo niyang chikiting na ngayo'y nakatunghay lang sa kanyang ginagawa habang paunti-unting kinakain ang natapos niyang cookies. "Enough, Tinay. Ubos na naman ang gawa ni mommy paano mapupuno ang tray?" nakangising tugon ni Dianah sa kapatid. "Hindi ko kasalanan ate dahil may di
"I love you," nakangiting tugon ni Thirdy sa babaeng minamahal. "I love you too, sweetie."Kumuha ng isang cookies si Gretel at isinubo sa bibig ng lalaking minamahal. Sa ganoon silang tagpo nang maabutan ng tatlong sina Tharia, Tinay at Dianah. "Mom, we're done!" si Tinay na may pa-English pa."Wow, ha? Hindi na inay ang tawag mo sa'kin, mom na at marunong ka ng mag-English!" nakangising ani Gretel sa bibo niyang anak na si Tinay."Of course mom, I need to!" ani Tinay sabay takip ng kanyang bibig at bumungisngis. Nagpakawala ng malakas na tawa sina Dianah at Thariah sa reaksyon ng kapatid. Pati sina Gretel at Thirdy ay nahawa na rin."Okay, so let's go!" si Thirdy."Yeheey!" sigaw nina Tinay at Dianah. Tumikhim lang si Tharia. "Hindi ka ba masaya na puntahan natin ang paborito mong lugar? The place of wonders and discoveries." tanong ni Thirdy kay Tharia.Pinipigilan ni Tharia na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. At nagtagumpay naman siya. Deep inside sobrang saya niya. "Hon
Masayang-masaya sina Dianah, Tinay at Tharia at nasaksihan iyon ni Thirdy. Pasimpleng hinaplos niya ang hindi kalakihang tiyan ng babaeng minamahal. He hug her from behind. He was so happy being with them. His own family, his treasure. At sa pagkakataong iyon, hindi nila akalaing makita doon sina Trace kasama si Niña at Ayesha. "Mommy, daddy!" sigaw ni Trace nang makita sila. Lumawak agad ang ngiti sa mga labi ni Gretel nang masilayan ang gwapong mukha ni Trace. Damn, bakit ba kasi kamukhang-kamukha ito ni Thirdy. Lumapit ito sa kanya sabay yakap. Kasabay niyo'n ay ang pagtikhim ni Niña na tila hindi nagustuhan ang narinig, maybe, sa pagtawag ni Thirdy sa kanila ng mommy at daddy."Hindi ko akalaing pati utak ng anak mo ay nilason mo na, Ms. Gomez," pasaring agad ni Niña. Palihim na siniko ni Ayesha ang kaibigan, ngunit binalewala lang nito iyon."Huwag kang magsimula ng gulo, Ms.Ty!" sita ni Thirdy, tinanggal ang pagkakayakap sa babaeng minamahal at hinarap si Niña. He gave her a
Nakatulog na Ang tatlo nang bumiyahe na sila patungo sa drive thru. Nakangiting pinagmamasdan ni Gretel ang mga anak. Her heart felt the undeniable joy. She was so happy. Pagdakay, napasulyap sa lalaking minamahal. Naresolba na ang problema nila regarding kay Trace. At ang kailangan nilang alamin ay kung anak ba ni Bernard si Trace which is malakas ang kutob niyang, oo. Huminto sila at um-order ng pagkain for dinner. Pagkatapos ay muling pinaandar ni Thirdy ang naturang kotse. "Sweetie, malapit ng matapos ang bahay natin which is malapit lang sa school at pinagtatrabahoan mong flower shop." "Mabuti naman at para makalipat na rin tayo do'n. Thank you, sweetheart." "Para sa pamilya ko handa kong ibigay ang lahat. I love you, sweetheart," nakangiting tugon ni Thirdy habang ang mga mata ay naka-focus sa pagmamaneho. Ngunit nakikita niya sa kanyang peripheral vision ang nakangiting mukha ng babaeng minamahal. "I love you too, sweetie," nakangiting sagot ni Gretel habang hinimas-hima
"NO, YOU can't!" asik ni Niña sa kaibigan. "Hindi ba't tulad ng sinabi niya sa'yo ni-rape mo siya ng gabing may nangyari sa inyo?" ani Ayesha sa kaibigan, pinipigilan niya ang mapangiti. "Ako'y tigil-tigilan mo, Ayesha, ha?!" "Ikaw ang siyang nag-kwento niya'n sa'kin, remember?" paalala pa ni Ayesha. "Hindi pwedeng malaman niya na anak niya si Trace!" "What?! Ipagkakait mo kay Trace na makilala ang tunay niyang ama? Are you nuts?!" gulat na tugon ni Ayesha sa kaibigan. "Aba! Baka bigla na lang ako no'ng yayain ng kasal! Gusto mo ikaw nalang!" asik ni Niña. "Sure ka? Aba't papatulan ko talaga 'yon. Gwapo, mayaman, at isa pa sobrang hottie! Gosh, Niña! Ano pa bang hinahanap mo sa isang lalaki?!" palatak ni Ayesha sa kaibigan. "Aanhin ko siya, e, hindi ko mahal 'yon!" "Excuse me, natuturuan ang utak na mahalin mo ang isang tao. However, the main organ affected by love is actually brain. Real talk tayo dito, day!" "But still, love is a matter of the heart, right?" ani Niña.
Tulad ng pangako nila sa mga anak, sinamahan nila ang mga ito sa ilang mga rides. Halos 18 rides din ang sinakyan ng mga ito at talagang walang pinalagpas. Naaaliw nga lang sila sa mukha ng anak nilang si Tinay. Umiiyak pagkatapos ay tumatawa sabay sigaw. Si Gretel ang taga-kuha ng ilang videos, si Thirdy naman sa ilang mga pictures. There's a lot of rides. Tulad na lamang ng: Star Flyer, Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Wacky Worm, Mini Pirate Ship, Telecombat, Zyklon Loop, Dragon Express, Wild River, Viking, Magic Forest, Music Express, Spring Ride, Giant Wheel, Blizzard, Tornado and Top Dancer.Mga ilang oras din ang iginugol nila sa looban ng Star City. Hanggang sa dumating nga ang gabi. Lahat ng rides ay nasakyan ng kanilang mga anak. Ang resulta, pagod na pagod ang mga ito. Halata sa mga anyo ng mga ito. Nailing na lamang si Gretel sa hitsura ng mga anak. Halata ang pagod at antok sa mga mukha nito. "Dinner na tayo?" tanong ni Thirdy."Yes, daddy!" si Dianah sabay hik
2 years later..... Nakatitig si Gretel sa sariling repleksyon. Awa ng Panginoon naibalik ang tunay niyang mukha na siyang hindi niya inaasahan. Napasulyap siya sa frame kung saan kapwa sila nakangiti ni Thirdy. Their wedding day. Yes, last year pagkatapos niyang manganak sumabak siya sa isang critical na operasyon para lang maibalik ang kanyang mukha. Pagkatapos ay ikinasal sila. Hindi niya akalain, that facelift surgery can be repeated successfully more than once, kung kinakailangan. And she was surprised. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sunud-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Inaasahan na niya sina Tharia, Tinay at Dianah. Dinampot niya ang suklay at sinuklay ang mahaba niyang buhok. "Come in, girls." Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nga roon ang tatlo. "Mom, dad's waiting for you downstairs," si Tharia. "Okay, malapit na ako matapos mga anak," ani Gretel sabay sulyap sa kanyang tatlong prinsesa na tulad din niya'y
"Sweetie, are you okay?" tanong agad ni Thirdy sa babaeng minamahal. "Ikaw talaga, ginulat mo 'ko. Parang walang amnesia ka lang, a, kung umasta," nakangiting tugon ni Gretel."Dahil, ayokong malungkot ka," sagot niya rito."Ang mabuti pa, tulungan mo nalang ako rito na dalhin ang mga niluto ko doon sa mesa," palatak ni Gretel nang nakangiti."Iyan lang pala? Sure!" Nakangising dinampot ni Thirdy ang ilang mga niluto ni Gretel at dinala sa round table kung saan naroon ang tatlo nilang prinsesa na naghihintay.Nakangiting pinagmamasdan ni Gretel si Thirdy. Hindi niya akalaing kung umasta ito ay parang wala lang. Hindi niya makakalimutan ang gabing kanilang pinagsaluhan. Sh*t! Naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya ng mga kawaksi, blooming daw kasi siya. Argh! Siyempre, sino ba naman ang hindi maging blooming, e, nadiligan siya kagabi. Naks! At dahil sa isipin na 'yon, biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Ma'am, 'yong tiyan niyo po ba ilang buwan na po 'yan?""Naku, manang hi
Nakatitig lang si Thirdy sa puting kisame habang nakahilata sa king size bed. He hated himself for not remembering anything. Tulad ng sabi ng kanyang kapatid, temporary lang naman daw ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa painkillers na maintenance na iniinom niya.Ramdam niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso nang masilayan ang larawan ng isang babae na nakita niya kanina. Inaalala niya ang sinabi ng batang si Tharia. Iyon daw ang dating mukha ng babaeng kaharap niya kanina. Gustuhin man niyang ipikit ang mga mata ay hindi niya magawa. Tanging hiling niya na sanay matapos na itong iniinom niyang painkiller. Mula sa sariling kama naisipan niyang bumalikwas ng bangon. Lumabas siya ng naturang kwarto. Tinungo niya ang living room, hindi niya inaasahang madatnan roon si Gretel. Ang fiancee niya kuno na kahit ano'ng gawin niyang alalahanin ito ay hindi niya maalala. Masasabi niyang mas pamilyar pa ang mukha no'ng babaeng nakita niya sa larawan.Nagulat si Gretel nang maramdaman ang
AAMININ niyang napuno ng galak ang kanyang puso nang makita ang lalaking minamahal. Pero hindi maipagkakaila ang ibang kinikilos nito. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang bad news. Since nakita mo ang successful na operasyon ng kapatid ko, kung ano ngayon ang napapansin mo, 'yan ang bad news." "W—what do you mean?" kinakabahang tanong ni Gretel kay Celina. Nagpakawala ng isang marahas na hininga si Celina. "Dahil sa painkillers na ininom niya apektado ang kanyang memorya. I don't know kung ano ang pangalan ng naturang painkiller, but because of that the stem pain signals affecting chemical messengers in the brain. Na siyang naging dahilan ng pagkakaroon niya nang—amnesia." "N—no!" Malungkot na lumapit sina Tharia, Dianah at Tinay sa kanya. Dahil sa pagtrato ni Thirdy na tila hindi nito nakikilala ang mga anak. "Mommy, I think dad didn't recognize us," malungkot na tugon ni Tharia sa ina. Agad na nilapitan ni Celina ang mga pamangkin at niyakap ang mga ito. Ipinaliwanag niya kung
"Order ka na, sweetie." Nakangiting kinuha ni Tharia ang menu at mabilis na itinuro ang nais niyang kainin. "Mom, I want Creamy Parmesan Chicken Meatballs and Grilled Cheese Tomato Soup."Nakangiting napasulyap si Gretel sa waitress na nag-aabang din sa kanilang nais orderin. "Please give her what she wants, thank you.""Yes, ma'am.""Ikaw mom, ano ang iyo?" "Skillet Ravioli Lasagna is enough for me and pineapple juice, how about you, sweetie?" ani Gretel sa anak sabay sulyap sa nakangiting waitress."Same, mom. Pineapple juice.""Thank you, ma'am. A minute," nakangiting turan ng magandang waitress saka ito tumalikod palayo para ihanda ang kanilang order.Hindi naman nagtagal ay dumating ang order nila. Nilantakan agad ni Tharia ang masarap na dinner na nasa kanyang harapan. Magiliw na nakamasid lang si Gretel sa anak na halatang gutom na gutom.Hinarap niya na rin ang kanyang sariling pagkain. Napangiti siya at na-appreciate ang sarap ng naturang dinner nila. Makalipas ang ilang mi
"Ma'am, narito na po ang ilang mga papeles." "Pakilagay na lang dito sa office table ko, Steve." Napahilot si Gretel sa sariling sentido. Tambak na naman siya ng ilang mga papel. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang trabaho ng kanyang minamahal. Sa ngayon, nag-iisip siya ng ilang mga ideya. At ang mindset niya ngayon, she need to ensure that the company has enough money to be successful and be able to meet it obligations. "Coffee, Ma'am?" si Steve. "Yes please, Steve. Please, 'yong creamier," ani niya rito. Muli, may kumatok sa pinto. "Come in," sagot niya. "Mom?" si Tharia. Kunot-noo na nag-angat ng tingin si Gretel. Nagulat siya nang makita ito. "Wala kang klase? Sino ang naghatid sa'yo rito, bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod niyang tanong sa anak. "Ayokong ma istorbo kita, mom. Tita Niña is the one who drive me here," sagot ni Tharia. "Really?" hindi makapaniwalang turan niya sa anak. "Wala rin po kasing klase sina Trace. Since nakita niya ako, sinabay na
"Nice meeting you, Ms. Gomez," ani Mr. Hanz. Isa ito sa mga kliyente na kailangan niyang harapin to discuss the proposal."Glad to see you, Mr. Hanz. I am expecting an old man honestly. But I'm surprise na mali pala ako," nakangiting saad ni Gretel sa gwapong kliyente na wagas kung tumitig sa kanya. Naiilang man ay hindi niya iyon ipinahalata. Iniisip na lamang niya na parte iyon ng pagiging negosyante. Hindi iyon mawawala lalo na at siya ang acting CEO at sa posturang kagalang-galang na meron siya ngayon. She looks so professional and gorgeous. Halos hindi nga niya makilala ang sarili. Hindi nakaligtas sa paningin ni Steve ang kakaibang kilos ni Mr. Hanz. Siyempre, bilang isang loyal na assistant ng amo niyang si Thirdy, it was his obligation to take charge by some assholes obvious dumb actions towards the woman who loves his boss. "Hello, Mr. Hanz. I am Steve, Ms. Gomez assistant," magalang na tugon ni Steve pagdakay ibinigay rito ang ilang folders. Medyo nagulat si Gretel sa big
“Ngayon ang alis nila, ayaw mo bang ihatid man lamang ng tingin ang jet plane na kanilang sasakyan?” tanong ni Hercules sa kanya. “No, mas lalo lang akong masasaktan. Lalo na at hindi pa siya gising. Masakit sa part ko, Hercules. Specially sa mga bata rin.” Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng lalaking kausap. Nakatitig siya sa seryosong anyo nito. At nag-tama ang kanilang mga paningin. Matapang na sinalubong niya iyon. “I am ready to accept the offer. Iniisip ko na lang ang future ng mga anak namin. Total, para rin naman ito sa kanila.” “Glad to hear that, don't worry, Manong Abner will be the one who will pick them up from school while your under on a training.” "Salamat naman at may susundo sa mga bata kung gano'n, pwede bang dito sila ihatid?" "Sure, pwedeng-pwede." Medyo mahirap ang training pero pinakatatandaan iyon ni Gretel. Ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa kanyang mga anak at sa taong kanyang minamahal. Napahaplos siya sa kanyang 'di-kalakihang tiyan.