Share

Chapter 3

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2025-04-02 10:30:48

Raina

Halos manginig ang buo kong katawan sa takot ko kay Daddy. Isinantabi ko na muna ang katotohanang natuklasan ko na ang fiance pala ng half-sister ko ang lalaking naka-one-night-stand ko. Mas inaalala ko ang galit ni Daddy dahil tiyak na gagawa siya ng hakbang na hindi ko magugustuhan.

"Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang narinig ko na sinabi, Rina. Sabihin mong hindi ka buntis!" malakas na sigaw ni Daddy, napaigtad ako dahil sa takot.

"I-It's true, Dad. I'm pregnant." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang boses ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko at nais lumipad palayo sa harapan ng tatlo.

Napapikit ng kanyang mga mata ang ama ko at mahigpit na ikinuyom ang mga kamao. Pagdilat niya ay nakikita ko sa mga mata niya ang malaking pagka-disappointed sa akin.

"Sino? Sino ang ama ng batang nasa tiyan mo, Raina?" nagpipigil ng galit na tanong nito sa akin. Kung wala siguro ang presensiya ni Evo Mondragon ay kanina pa niya ako sinaktan.

"Isa siyang disgrasyada, Dad. Magiging dalagang-ina siya. Baka tinakbuhan siya ng lalaki g nakabuntis sa kanya kaya hindi niya masabi kung sino at nasaan ang ama ng bata," wika naman ni Rina, for obvious reason, nais nitong gatungan ang galit na nararamdaman ng ama namin sa akin. Tiyak na tuwang-tuwa siya sa nangyaring ito sa akin.

"No! Hindi ito maaari! Hindi puwedeng walang ama ang batang nasa tiyan mo, Raina!" galit na sigaw ng ama ko. "Sino ang ama ng batang iyan? Nasaan ang lalaking iyo?!" Halos maglabasan ang mga ugat sa leeg ng Daddy ko sa tindi ng galit na nararamdaman nito. Ganoon siya ka-disappointed sa akin.

Umiling na lamang ako habang nangingilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang magsalita dahil tiyak na gagaralgal lamang ang boses ko. Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil ng kanyang galit ang ama ko. Mabilis siyang nakalapit sa akin at binigyan ako ng malakas na sampal.

Sobrang lakas at halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Daddy. Tumilapon pa nga ako  papunta sa ibabaw ng kama at dumugo ang kaliwang gilid na bahagi ng aking mga labi. Wala ng pakialam ang Dad ko kung may ibang tao man sa paligid basta masaktan lamang niya ako at mailabas ang galit na kanyang nararamdaman.

Nilapitan ako ng Dad ko at marahas na hinablot sa braso. Akmang sasampalin niya ulit ako nang isang malakas na kamay ang pumigil sa kanya.

"Don't hurt her. Buntis siya at makakasama sa kalagayan niya ang saktan niya," ani Evo na siyang pumigil sa ama ko para huwag akong saktan ulit.

"Bakit ka nakikialam, Evo? She deserves the beating. Mataas ang expectation sa kanya ng angkan namin lalo na ni Dad pero ano ang ginawa niya? Nagpabuntis siya at wala pa siyang ama na maiharap sa amin. She's a slut!" mariing wika ni Rina kay Evo. Ngunit nang tapunan ito ng matalim na tingin ng fiance nito ay parang maamong tupa na bigla itong nanahimik.

"Huwag kang makialam sa problema naming ito, Evo. Problema ito ng pamilya namin at labas ka na dahil hindi pa naman kayo kasal ni Rina," mariing sawata ng ama ko kay Evo.

"Yeah. You're right. Hindi pa kami kasal. At sa tingin ko ay dapat ikansel muna natin ang engagement na ito," sagot ni Evo sa aking ama.

"What? No! Hindi puwedeng i-cancel ang engagement natin," mariing tutol ni Rina, tinapunan niya ako ng masamang tingin dahil ako ang sinisisi nito kung bakit nais i-cancel muna ni Wvo ang kanilang engagement party.

"That's my final decision," giit ni Evo. Nahalata siguro ng ama namin na final na ang desisyon ni Evo kaya hindi ito nagsalita para tumutol.

Naglakad si Evo palabas sa aking silid ngunit hindi pa ito nakakalabas ay biglang huminto at lumingon sa amin. "Don't hurt her. As of now ay hindi pa ako bahagi ng pamilya ninyo kaya wala akong karapatan na makialam but soon, magiging bahagi na ako ng pamilya ninyo and I will make sure it will happen," seryoso ang mukha na sabi ni Evo bago tuluyang lumabas sa aking silid. Agad namang humabol sa fiance nito si Rina.

Akala ko ay muli akong sasaktan ni Daddy pagkaalis ni Evo ngunit tinapunan lamang niya ako ng masamang tingin at walang salitang lumabas sa silid ko. Napapikit na lamang ako nang malakas nitong isinarado ang pintuan ng kuwarto ko.

Parang apoy na mabilis kumalat ang balita sa mga kamag-anakan ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ng walang maipakilalang ama. Lahat sila ay kinutya ako at ininsulto. Ipinakita nila sa akin ang malaking disappointment nila sa nangyari sa akin. Sinira ko raw ang respeto at tiwala nila sa akin.

Sa lahat ng mga mapanirang salita na ibinabato sa akin ng mga kamag-anak ko ay walang ginawa ang ama ko para ipagtanggol ako. Ito ay labis na dumurog sa puso ko ngunit pinilit kong magpakatatag para sa baby na nasa tiyan ko. Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga ay ligtas ang baby sa tiyan ko at nakakapasok na ulit ako sa trabaho pagkatapos ng one week na leave ko.

Palabas na ako sa pinagtatrabahuhan ko nang makita ko si Evo na nakatayo sa tabi ng kotse ko. Obviously, ako ang hinihintay nito. Wala sana akong balak na pansinin siya dahil nahuhulaan ko na kung ano ang sadya niya sa akin ngunit pinigilan niya ang braso ko para hindi ako makapasok sa kotse ko.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Pumiksi ako kaya binitiwan niya ang braso ko.

"Ako ba ang ama ng batang nasa tiyan mo?" pranka at walang paligoy-ligoy na tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan at bahagya akong natigilan ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya.

"Nababaliw ka na ba? At bakit mo naman nasabi na ikaw ang ama ng batang nasa tiyan ko?" kunwari ay inis na sagot ko sa kanya.

"Ako ang unang lalaking nakasiping mo at hindi mo maipagkakaila dahil hanggang ngayon ay nasa puting uniform ko pa ang patunay na totoo ang sinasabi ko."

Bigla akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng hiya. Kung kailan matagal ng nangyari iyon ay saka pa lamang ako tinablan ng hiya.

"Tama ka. Ikaw nga ang unang lalaking nakasiping ko. But it doesn't mean that you are the last man na nakasiping ko pagkatapos ng gabing iyon." Gusto kong alisin sa isip nito ang ideya na posibleng anak niya ang nasa tiyan ko. Baka kapag nalaman niyang anak nga niya ang nasa tiyan ko ay bigla niyang kuhanin ito at ilayo sa akin pagkatapos kong manganak.

"I don't believe you. I think you're not that kind of a woman." Hindi raw ito naniniwala sa sinabi ko ngunit bakit biglang dumilim ang mukha nito nang marinig ang sinabi ko?

"It's up to you. Basta ako ay nagsasabi ng totoo. Hindi mo anak ang dinadala kong bata. Period," giit ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at pumasok sa loob. Akmang isasara ko na ang pintuan ngunit pinigilan ng kamay nito ang pintuan para hindi ko ito maisara.

"I'm willing to do the DNA test. At kapag napatunayan kong anak ko ang batang nasa tiyan mo ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," mariing banta nito sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaya sinamantala nito ang pagkakataon para sabihin sa akin kung ano ang plano nito. "Ngunit kapag inamin mo na anak ko nga iyan ay willing akong pakasalan ka. But of course, hindi kita itatali sa kasal natin. Dahil magiging kasal lang tayo sa papel at sa mga mata ng tao. Pareho tayong makikinabang sa sitwasyon natin. If you're willing, I will explain everything to you."

"Are you offering me a marriage of convenience?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes," walang gatol na sagot naman niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Let me think about it." Sa pagkakataong ito ay hinayaan na ni Evo na maisara ko ang pintuan para makaalis na ako at makalayo sa kanya.

Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ako nang makita ko sa sala sina Daddy, Mommy, at Rina na may kasamang dalawang babaeng parang mga doktor. I think they are waiting for me.

"It's good that you're already here, Raina," kausap sa akin ni Daddy bago binalingan ang dalawang babae para kausapin. "We can start now."

"Anong ibig sabihin nito, Daddy?" Bigla akong kinabahan nang hawakan ako ng dalawang babae at walang babala na tinurukan ako ng injection sa kaliwang braaso. Ilang segundo lamang ay nakaramdam ako ng panghihina. "Anong gagawin nila sa akin, Daddy?"

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang gagawin sa akin ng dalawang babaeng mukhang doktor ngunit ayokong tanggapin iyon. Hindi ko akalain na makakayang gawin ito sa akin ng sarili kong ama.

"We will get rid of that baby in your stomach, Raina. Ayokong magkaroon ng apo na walang kinikilalang ama," mariin ang boses na wika ni Daddy.

"At sino naman ang nagsabi na totoong walang ama ang batang dinadala ni Raina?" Tinig mula sa bumukas na pintuan. Tulad ng isang night in shining armor, pumasok si Evo para pigilan ang balak gawin ng Dad ko sa baby ko. "Hinahanap niyo ang ama ng batang nasa tiyan ni Raina, 'di ba? Nandito na siya sa harapan ninyo. Dahil ako lang naman ang ama ng batang nais ninyong patayin!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 62

    Raina Hindi ko inaasahan na magiging bisita ko ngayong araw si Evo. Nagulat na lamang ako pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong siya pala ang kumakatok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nais ko siyang yakapin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon dahil baka maging katawa-tawa lamang ako. Pinapasok ko si Evo at pinaupo sa sofa. Hindi ko ipinahalata sa kanya na natutuwa akong makita siya. "Anong sadya mo sa akin? Bakit ka naparito?" tanong ko matapos maupo sa katapat nitong upuan. Sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula ng pisngi dahil sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw. "May kailangan ka ba sa akin o wala? Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Tila naman nahimasmasan si Evo nang marinig ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Napapitlag ako sa ginawa niya at agad na binawi mula sa kanya ang aking kam

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 61

    Raina Mala-demonyo ang pagkakangisi ng pinuno ng mga rebeldeng NPA habang nakatitig sa akin. Nakasuot pa ako ng damit ngunit parang hubad na ako sa kanyang paningin. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin niya sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na magtagumpay siya sa masama niyang binabalak gawin sa akin. Mamamatay muna ako bago niya magawa ang gusto niya. "Halika, Sweetheart. Lumapit sa akin. Paligayahin mo ako ngayong gabi. At kapag nasiyahan ako ay palalayain ko ang isa sa dalawang nurse na bihag namin," nakangising pangungumbinsi nito sa akin. Akala yata nito ay kaya niyang paikutin ang ulo ko."Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinabi mo? Ang isang katulad mong demonyo at halang ang kaluluwa ay walang isang salita," mariing sagot ko sa kanya. Pasimpleng inikot ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kahit anong bagay na puwede kong ipanlaban sa kanya sakaling ipilit niya sa akin ang sarili niya."Well, tama ka. Wala nga akong isang salita.

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 60

    Raina "Huwag mong isipin na porke't gusto kita at balak gawing asawa ko ay hindi kita kayang patayin," mariing wika sa akin ng pinuno. Muling hinawakan nito ng mariin ang mukha ko at ibinaling paharap sa kanya. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong mabuhay ay kailangan mong sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo." Mahapdi ang mga labi ko at nalalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig ko ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa pinuno. Gawin man niya akong asawa ay natitiyak kong papatayin pa rin niya ako kapag nagsawa siya sa katawan ko. Kaya bakit ako susunod sa mga sasabihin niya sa akin? "Kill me if you have balls," nakakuyom ang mga kamao sagot ko sa pinuno. Pabiglang binitiwan ng pinuno ng mga NPA ang mukha ko bago nilapitan ang isang miyembro nito at kinuha mula sa tagiliran nito ang isang matulis na patalim. Inisip ko na papatayin na ako ng pinuno kaya ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang ajing katapusan. Ngunit wala akong naramdaman na tumusok sa katawan

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 59

    Raina Pang-apat na araw na ngayon sa araw na taning na ibinibigay ng pinuno para makapagbigay ng ramsom money ang aming mga pamilya. Tiyak na natawagan na nila ang mga number na isinulat ng bawat isa maliban sa akin. Dahil gaya ng sinabi ko ay wala naman silang tatawagan dahil ulila na ako ng lubos. "Sa tingin mo ay magbibigay ng twenty million si Sir Evo para sa ransom money nating dalawa?" Sa labis na pag-aalala ay hindi na nakatiis si Irene na mag-usisa kay Nissi. Ilang araw na lamang ay deadline na kaya naman masyadong anxious na hindi lamang si Irene kundi kaming lahat. "Don't worry, Irene. I believe Evo. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," buo ang loob na sagot ni Nissi kay Irene. Matibay siguro ang relasyon nina Nissi at Evo kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa boyfriend nito. "Hindi ko alam kung makakagawa ng paraan ang pamilya ko na makahanap ng sampung milyon. Masyadong malaki ang hinihinging pera ng mga NPA at natitiyak akong hirap na hirap na ngayo

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 58

    RainaPasalamat ako na hindi ako pinatay ng mga NPA pagkatapos kong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi man nila ako pinatay ay nakatikim naman ako ng malakas na sampal nang hindi ko sinagot ang tanong nila kung nasaan ang kasama kong volunteer. Ang tinutukoy nilang kasama kong volunteer ay si Alexa.Ikinulong kami ng mga NPA sa loob ng isans silid sa bahay ng baranggay captain. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay magawang makatakas ni Alexa para makahingi siya ng tulong sa mga pulis."Ano ang gagawin natin ngayon? Tiyak papatayin nila tayo," umiiyak na tanong ng nurse na si Irene."Ang mga taong iyan ay halang ang mga kaluluwa. Hindi sila natatakot na pumatay ng tao. Kaya ihanda na lang natin ang mga sarili natin dahil tiyak na hindi nila tayo pakakawalan ng buhay," napapailing na komento ni Dr. Salazar. Alam kong takot din siya ngunit hindi niya ipinapakita sa amin ang takot na nararamdaman niya. Buo ang loob nito nang magtungo sa mapanganib na lugar na ito kaya tinanggap

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 57

    Evo"What? Nag-volunteer si Raina para magtungo sa lugar kung saan nangyari anv lanslide?" Bigla akong napatayo nang marinig ko ang hatid na balita ni Pit. Palihim na pinabantayan ko sa kanila si Raina. Hindi ko kasi maintindihan ngunit masama ang kutob ko kay Mike. Maliban sa malayo ang probinsiya na pinuntahan nina Raina ay delikado rin ang lugar na iyon. Mga brutal ang mga NPA na naninirahan doon at wala silang pakialam kahit sino pa ang taong pinapatay nila. Nire-recruit nila ang mga taong takas mula sa bilangguan at mga taong pinaghahahanap ng batas. Hindi kasi madaling puntahan ang kanilang kuta dahil sa mahirap na lokasyon at terrain kaya perfect na pagtaguan ng mga kriminal."Hindi lang si Raina ng nag-volunteer, Sir Evo. Nakita namin na kasama rin si Nurse Nissi at dalawa pang doktor mula sa hospital ng pamilya mo," dagdag pagbabalita ni Pit."Shit! Kailangan kong magpunta sa lugar na iyon para ibalik sila ng ligtas sa siyudad." Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status