Share

Chapter 2

Author: NewAuthor
last update Huling Na-update: 2025-04-02 10:30:04

Raina

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang resulta ng pagsusuri sa akin ng doktor. No! It can't be. Oo nga't hindi ko pinagsisihan na ibinigay ko ang virginity ko sa lalaking iyon isang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi ko inasahan na magbubunga ang isang gabing pagiging wild ko.

"Congratulations, because you're three weeks pregnant," nakangiting bati sa akin ng doctor. Masaya siya para sa akin ngunit hindi nito alam na labis ang pag-aalalang nararamdaman ko ngayon dahil sa aking natuklasan.

"Are you sure na hindi po kayo nagkamali ng diagnosed sa akin, Dok?" Kahit na malabong mangyari dahil nagdudumilat sa mga mata ko ang katotohanan ay nagtanong pa rin ako sa doktor.

"Yes, I am very sure na buntis ka. Wala kang sakit pero buntis ka," nakangiti pa rin na wika ng doktor. Hindi yata nito napansin ang pagkabahala sa aking hitsura.

Bumisita ako sa hospital at nagpa-check up dahil lately ay marami akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Napapansin ko na nagiging madalas ang aking pagkamahiluhin. Nangangasim din ang sikmura ko at palagi akong nagsusuka lalo na sa umaga. Madalas ay tinatamad din akong bumangon at gusto ko lang na matulog. Naaapektuhan tuloy ang trabaho ko bilang isang interior designer sa isang architecture firm, ang Apex Architectural Studio. Kapag kasi nagising ako na masama ang pakiramdam ko ay hindi na ako pumapasok sa opisina dahil baka sa trabaho pa ako biglang mahimatay.

Nang hindi ko na matiis ang nangyayari sa akin ay nagdesisyon akong magpa-check up sa doktor dahil baka may sakit ako. Ngayon lang naman kasi ito nangyari sa akin. Ngunit hindi ko akalain na sa halip na sabihin ng doktor na may karamdaman ako ay malalaman kong buntis pala ako. Ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi pa nga pala ako dinaratnan ng buwanang dalaw ko para sa buwan na ito.

Nanghihina ang mga tuhod na naupo ako sa bakanteng upuan sa labas ng opisina ng doktor na tumingin sa akin. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa opisina nito matapos niya akong bigyan ng reseta para sa aking pagbubuntis.

Labis akong nag-aalala sa aking kalagayan. Kapag natuklasan ng aking ama na buntis ako at walang ama na maipakilala sa kanya ay tiyak na itatakwil niya ako o di kaya ay pilitin na ipalaglag ko ang bata sa sinapupunan ko. Hindi ko man gusto na magkaroon ng anak sa mga panahong ito ngunit hindi ko naman maaatim na ipalaglag ang buhay na pumipintig sa loob ng tiyan ko. Pero ano ang gagawin ko sakaling matuklasan ng ama ko na nagdadalan-tao ako?

Mataas ang expectation sa akin ng aking ama, hindi lang siya kundi maging ang halos buong angkan namin. Hindi man kami nagmula sa mayayaman at kilalang angkan ngunit malaki ang angkan na pinagmulan ko.

Ang ama ko ang tumatayong pinuno ng angkan namin. At ipinagmamalaki niya ako sa buong angkan dahil palagi akong kasama sa honor list noong nag-aaral ako. Nagtapos ako bilang summa cum laude sa isang private university kung saan ang kinuha kong kurso ay Bachelor of Science in Interior Design. At mas lalong naging proud sa akin ang aking ama nang pagka-graduate ko ay nakapasok ako sa isang malaking architectural firm.

Hindi lang ang ama ko ang proud sa akin kundi pati na rin ang mga kamag-anak namin. Ang iba kasi sa mga pinsan ko ay maagang nag-asawa at nagka-anak, ang iba naman ay tamad, at ang iba naman ay may trabaho ngunit hindi katulad ko na mataas ang sahod at sa malaking kompanya pa nagtatrabaho.

Matamlay na umuwi ako sa bahay pagkagaling ko sa hospital. Nagtaka ako nang makita ko na abala ang lahat sa pag-aayos ng buong sala na para bang may magaganap na okasyon.

"Anong meron at busy ang lahat?" tanong ko kay Adela, ang katulong namin na halos kasing-edad ko ngunit mas matanda pa sa akin ang hirsura dahil stress sa asawa't mga anak.

"Nakalimutan mo na ba na mamayang gabi ang engagement party ni Rina at ng kanyang fiance na si Congressman Evo Mondragon?" paalala nito sa akin.

Bahagyang natampal ko ang aking noo. Tama siya. Nakalimutan ko nga ang bagay na iyon. Paano ko ba nakalimutan ang engagement ng aking half-sister gayong halos araw-araw niyang ipinagmamayabang sa akin ang guwapo at mayaman nitong fiance?

Si Rina ay ang nag-iisa kong half-sister. Namatay ang mother ko pagkatapos akong ipanganak at pagkalipas ng tatlong taon ay muling nag-asawa ang ama ko. Iyon na ang ina ni Rina, si Minerva, na itinuring kong sariling ina kahit na hindi maganda ang trato sa akin.

Nagseselos kasi si Minerva dahil sa magkaiba raw kung itrato kami ni Raina ng ama namin. Favorite daw ako ng ama ako kahit na hindi ko iyon maramdaman. Mahigpit nga sa akin ang ama ko at hindi katulad kay Rina na anuman ang gusto nito ay ibinibigay agad niya. Samantalang ako, kapag may hiningi sa ama sa kanya ay kailangan ko pang maghanda ng very convincing na paliwanag para pagbigyan lang niya ang gusto ko. Kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang selos ng aking madrasta at half-sister.

"Magpapahinga lang ako sa kuwarto. Kapag hinanap nila ako sabihin mo na masama ang pakiramdam," bilin ko kay Adela bago ako umakyat sa hagdan para magtungo sa silid ko.

Pagkapasok ko sa silid ko ay agad akong nahiga sa kama ko nang hindi nagpapalit ng damit. Inaatake na naman ako ng antok kaya agad akong nakatulog at hindi namalayan ang paglipas ng oras. Nagising na lamang ako dahil sa malakas na pagsarado sa pintuan ng aking silid. Pagmulat ko ay nasa paanan ng kama ko si Rina at matalim ang tingin habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka pa nakabihis ng maayos na damit, Raina? Alam mo naman na engagement party ko ngayon. Dapat nasa akin ang center of attention because this is my night but you ruined it as always. Kanina pa kami naghihintay sa paglabas mo sa silid mo. Hindi ko magawang ianunsiyo sa mga bisita ang tungkol sa nalalapit na kasal ko kay Evo dahil gusto ni Daddy na present ka kapag mag-announce na ako para bang ikaw ang ikakasal at hindi ako," mahabang talak ng halfh-sister ko.

Saka ko lang napansin na nakasuot na pala siya ng evening gown at magandang-maganda ang hitsura niya.

"I'm sorry. Napagod ako kaya nakatulog ako ng matagal," paumanhin ko sa kanya. "Magbibihis lang ako ng dress at bababa na ako agad."

Bumaba ako sa kama at lumapit sa aparador para kumuha ng damit na angkop sa okasyon.

"Ano ba itong inasikaso mo at umalis ka pa ng bahay sa halip na tumulong sa pag-aayos ng sala?" tanong ni Rina. Paglingon ko sa kanya ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak niya ang envelope na naglalaman ng aking pregnancy result. Mabilis akong napatakbo palapit sa kanya para agawin ang envelope ngunit mabilis niya itong naiiwas sa akin.

"Huwag mong pakialaman iyan," natatarantang sigaw ko sa kanya. Sa naging reaksiyon ko ay mas lalong nagpursige si Rina na makita kung ano ang laman ng envelope hanggang sa nagtagumpay itong mabasa ang aking pregnancy result.

"Y-You're pregnant, Raina?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Rina.

"Please, huwag mong sabihi kay Daddy ang natuklasan mo, Rina," nakikiusap ang boses na sabi ko sa kanya. Hindi ako natatakot na itakwil ni Daddy, ang mas ikinatatakot ko ay ang posibleng gawin niya sa baby na nasa tiyan ko.

"Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo? Nasaan ang ama ng batang iyan?" tanong ni Rina matapos makabawi sa pagkabigla. Nang hindi ako sumagot ay bigla itong natawa. "Walang ama ang batang nasa tiyan mo? You're really great, Raina. Kailangan itong malaman ni Daddy."

"Anong ibig sabihin ni Rina na buntis ka at walang ama, Raina?"

Sabay kaming napatingin ni Rina sa may pintuan nang marinig namin ang malakas at galit na boses ng aking ama na nakatayo sa bukas na pintuan. Bakas sa mukha nito ang matinding galit at pagka-sorpresa.

Dahil natagalan si Rina sa aking silid kaya siguro umakyat na ito para tawagin kami at nagkataong narinig nito ang sinabi sa akin ni Rina.

"Dad! Evo!" Lumapit si Rina kay Daddy at sa lalaking kasama nito na nasa gilid pala ng pintuan.

Para akong natuka ng ahas nang makilala ko ang mukha ng fiance ni Rina. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana dahil ang lalaking naka-one-night-stand ko at ama ng batang nasa tiyan ko at ang fiance ng aking half-sister ay iisa!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 62

    Raina Hindi ko inaasahan na magiging bisita ko ngayong araw si Evo. Nagulat na lamang ako pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong siya pala ang kumakatok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nais ko siyang yakapin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon dahil baka maging katawa-tawa lamang ako. Pinapasok ko si Evo at pinaupo sa sofa. Hindi ko ipinahalata sa kanya na natutuwa akong makita siya. "Anong sadya mo sa akin? Bakit ka naparito?" tanong ko matapos maupo sa katapat nitong upuan. Sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula ng pisngi dahil sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw. "May kailangan ka ba sa akin o wala? Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Tila naman nahimasmasan si Evo nang marinig ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Napapitlag ako sa ginawa niya at agad na binawi mula sa kanya ang aking kam

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 61

    Raina Mala-demonyo ang pagkakangisi ng pinuno ng mga rebeldeng NPA habang nakatitig sa akin. Nakasuot pa ako ng damit ngunit parang hubad na ako sa kanyang paningin. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin niya sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na magtagumpay siya sa masama niyang binabalak gawin sa akin. Mamamatay muna ako bago niya magawa ang gusto niya. "Halika, Sweetheart. Lumapit sa akin. Paligayahin mo ako ngayong gabi. At kapag nasiyahan ako ay palalayain ko ang isa sa dalawang nurse na bihag namin," nakangising pangungumbinsi nito sa akin. Akala yata nito ay kaya niyang paikutin ang ulo ko."Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinabi mo? Ang isang katulad mong demonyo at halang ang kaluluwa ay walang isang salita," mariing sagot ko sa kanya. Pasimpleng inikot ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kahit anong bagay na puwede kong ipanlaban sa kanya sakaling ipilit niya sa akin ang sarili niya."Well, tama ka. Wala nga akong isang salita.

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 60

    Raina "Huwag mong isipin na porke't gusto kita at balak gawing asawa ko ay hindi kita kayang patayin," mariing wika sa akin ng pinuno. Muling hinawakan nito ng mariin ang mukha ko at ibinaling paharap sa kanya. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong mabuhay ay kailangan mong sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo." Mahapdi ang mga labi ko at nalalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig ko ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa pinuno. Gawin man niya akong asawa ay natitiyak kong papatayin pa rin niya ako kapag nagsawa siya sa katawan ko. Kaya bakit ako susunod sa mga sasabihin niya sa akin? "Kill me if you have balls," nakakuyom ang mga kamao sagot ko sa pinuno. Pabiglang binitiwan ng pinuno ng mga NPA ang mukha ko bago nilapitan ang isang miyembro nito at kinuha mula sa tagiliran nito ang isang matulis na patalim. Inisip ko na papatayin na ako ng pinuno kaya ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang ajing katapusan. Ngunit wala akong naramdaman na tumusok sa katawan

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 59

    Raina Pang-apat na araw na ngayon sa araw na taning na ibinibigay ng pinuno para makapagbigay ng ramsom money ang aming mga pamilya. Tiyak na natawagan na nila ang mga number na isinulat ng bawat isa maliban sa akin. Dahil gaya ng sinabi ko ay wala naman silang tatawagan dahil ulila na ako ng lubos. "Sa tingin mo ay magbibigay ng twenty million si Sir Evo para sa ransom money nating dalawa?" Sa labis na pag-aalala ay hindi na nakatiis si Irene na mag-usisa kay Nissi. Ilang araw na lamang ay deadline na kaya naman masyadong anxious na hindi lamang si Irene kundi kaming lahat. "Don't worry, Irene. I believe Evo. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," buo ang loob na sagot ni Nissi kay Irene. Matibay siguro ang relasyon nina Nissi at Evo kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa boyfriend nito. "Hindi ko alam kung makakagawa ng paraan ang pamilya ko na makahanap ng sampung milyon. Masyadong malaki ang hinihinging pera ng mga NPA at natitiyak akong hirap na hirap na ngayo

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 58

    RainaPasalamat ako na hindi ako pinatay ng mga NPA pagkatapos kong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi man nila ako pinatay ay nakatikim naman ako ng malakas na sampal nang hindi ko sinagot ang tanong nila kung nasaan ang kasama kong volunteer. Ang tinutukoy nilang kasama kong volunteer ay si Alexa.Ikinulong kami ng mga NPA sa loob ng isans silid sa bahay ng baranggay captain. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay magawang makatakas ni Alexa para makahingi siya ng tulong sa mga pulis."Ano ang gagawin natin ngayon? Tiyak papatayin nila tayo," umiiyak na tanong ng nurse na si Irene."Ang mga taong iyan ay halang ang mga kaluluwa. Hindi sila natatakot na pumatay ng tao. Kaya ihanda na lang natin ang mga sarili natin dahil tiyak na hindi nila tayo pakakawalan ng buhay," napapailing na komento ni Dr. Salazar. Alam kong takot din siya ngunit hindi niya ipinapakita sa amin ang takot na nararamdaman niya. Buo ang loob nito nang magtungo sa mapanganib na lugar na ito kaya tinanggap

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 57

    Evo"What? Nag-volunteer si Raina para magtungo sa lugar kung saan nangyari anv lanslide?" Bigla akong napatayo nang marinig ko ang hatid na balita ni Pit. Palihim na pinabantayan ko sa kanila si Raina. Hindi ko kasi maintindihan ngunit masama ang kutob ko kay Mike. Maliban sa malayo ang probinsiya na pinuntahan nina Raina ay delikado rin ang lugar na iyon. Mga brutal ang mga NPA na naninirahan doon at wala silang pakialam kahit sino pa ang taong pinapatay nila. Nire-recruit nila ang mga taong takas mula sa bilangguan at mga taong pinaghahahanap ng batas. Hindi kasi madaling puntahan ang kanilang kuta dahil sa mahirap na lokasyon at terrain kaya perfect na pagtaguan ng mga kriminal."Hindi lang si Raina ng nag-volunteer, Sir Evo. Nakita namin na kasama rin si Nurse Nissi at dalawa pang doktor mula sa hospital ng pamilya mo," dagdag pagbabalita ni Pit."Shit! Kailangan kong magpunta sa lugar na iyon para ibalik sila ng ligtas sa siyudad." Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status