Nick’s POV
“Nick, please… please save Andrea… huhuhu…”
Pagkarating ko sa ospital, agad akong sinalubong ni Mrs. Laviste. Halos masubsob siya sa gulong ng wheelchair ko habang tulak-tulak ito ng nurse.
“Hindi ko kakayanin, Nick... Hindi ko kaya kung mawala siya. Please... iligtas mo ang anak ko.”
Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Tulala ako. Parang wala ako sa sarili.
“Nasaan na po ang asawa ni Ma’am Laviste? Gusto po siyang makausap ng pasyente,” tanong ng nurse.
Tumingin ako sa kanya.
“Ako,” sagot ko, halos pabulong.
“Sumunod po kayo.”
Bago pa man ako makapasok, narinig ko ulit ang sigaw ni Mrs. Laviste, basag, puno ng desperasyon.
“Nick, please… huhuhu… Iligtas mo si Andrea. Iligtas mo ang anak ko…”
Pagpasok ko sa loob ng kwarto, bumungad sa akin si Andrea, pale, pagod, parang unti-unti nang nawawala ang sigla.
“Nick…” she smiled faintly.
“Dumating ka… salamat…”Pilit niyang binigkas ang mga salita kahit hirap na siyang huminga.
“I just wanna say sorry, Nick… huh… I’m sorry for everything. Pinaglayo ko kayo ni Jessica…”
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Mabigat. Mabigat lahat.
“Marami akong nagawang kasalanan… lalo na kay Jessica. Pero kung sakaling magkita kami… I’ll say sorry. I’ll ask her to forgive me… personally.”
Lumuluha na si Andrea, nanginginig ang labi, pinipilit pa ring magsalita.
“Nick…”
“Please… save my son. Alagaan mo ang anak ko…”
“Please, Nick… save Dylan…”
Tut-tut-tut...
“Sir, excuse me po…”
Nagkagulo sa paligid. Tumakbo ang mga doktor at nurse.“Emergency!” sigaw ng isa.
Nanlamig ako. Parang tumigil ang mundo ko.
“Sir… kailangan niyo pong magdesisyon!” sabi ng doctor.
“Delikado na po ang lagay nila!”
“Sir… Sir…!”
Parang nananaginip ako. Lahat ng boses nag-eco. Lahat ng tunog malabo.
Then a voice echoed in my head..
"Save my son… Save Dylan..." Wala sa sarili, bulong ko,
“Save our son. Save Dylan…”Dali-daling dumating ang nurse, may hawak na mga papel.
Hindi ko na binasa. Hindi ko na inintindi. Basta pumirma ako.
…….
Dalawang oras.
Dalawang oras akong nakatitig lang sa pader ng delivery room. Tahimik. Walang emosyon. Hanggang sa...
“Waaaah! Waaaah!”
Napalingon ako. Tumunog ang sigaw ng isang sanggol.
Unti-unting bumukas ang pinto ng delivery room.
“Sir, your baby is safe,” ani ng nurse, may hawak na munting sanggol na umiiyak.
Pinakita nila ito sa akin.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Pero habang tinitingnan ko ang bata… tila ba may kung anong pumitik sa puso. Then he gave a sudden smile. I felt a warmth in my heart.“Habang andito pa sa ospital, sa nursery muna siya mamalagi,” dagdag ng nurse.
Biglang nagsalita si Mrs. Laviste, nanginginig ang boses.
“Si Andrea? Kumusta si Andrea?”
Tahimik ang doktor. Tumingin siya sa amin, mabigat ang kanyang ekspresyon.
“I’m sorry, Mrs. Laviste. Im sorry, Mr. Ford. Hindi po kinaya ng katawan niya ang operasyon. She gave her all to save the baby, she keeps on telling us, to save the baby.”
“AAAHHH… WAAAHHHH!!!” Isang hagulgol ang umalingawngaw sa hallway.
Si Mrs. Laviste, lumuhod at sumigaw ng buong lakas. Basag ang tinig. Basag ang puso.Ako? Nanlalamig. Naninigas.
Kasalanan ko ba ‘to?Ako ba ang dahilan kung bakit siya namatay?Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Hindi ko na kinaya ang bigat. Lumuha ako ng tahimik… hanggang tuluyan akong nawalan ng ulirat.
Pagmulat ko, nasa kama na ako ng ospital.
Mabigat ang katawan. Blangko ang isip.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko si George. May binabasang libro sa gilid ng kama.“Gising ka na pala. Nahimatay ka sa sobrang pagod”
“Siya nga pala, hinihintay ka nila na magising. Dadalhin na nila ang bata sa’yo.”
“Healthy ang baby, Nick. Bukas pwede na kayong umuwi.”
Diretsong sabi niya. Walang damdamin ang tono.
“…I killed them,” bulong ko.
“I killed Jessica. Ngayon naman si Andrea. I killed them, George…”Napalingon siya bigla. Tumayo. Hinampas ang librong hawak niya sa lamesa.
“SHUT UP, NICK!”
Nagulat ako sa lakas ng sigaw niya.
“Stop blaming yourself! Walang may kasalanan sa pagkamatay nila! Not even you!”
Tumalikod siya.
“Stay put. I’ll call the nurse. Dalhin na nila ang baby.”
Umalis siya, galit. Naiwan akong tulala. Tahimik.
Ilang sandali pa, pumasok ang nurse, may karga-kargang sanggol. Si George, nasa likod niya.
“Sir, baka gusto niyo pong buhatin ang baby.”
“Hindi… I don’t know how.” Umiling ako.
“Subukan niyo lang po, Sir. Ganito po ang tamang paghawak.”
Pinakita ng nurse ang posisyon ng kamay.
Umiling pa rin ako.“No… I can’t.”
“Nick… subukan mo lang. Kawawa naman ang bata,” sabat ni George, medyo naiinis.
Huminga ako ng malalim. Nilabanan ang takot. Inabot ko ang sanggol.
Dahan-dahang inilipat ng nurse sa mga bisig ko ang bata.
“Uh… uh…” Kabado kong hinawakan siya, hindi masyadong mahigpit, pero sapat para siguradong ligtas siya.
Then, suddenly… tumigil ang pag-iyak ng sanggol.
Tahimik. Kumalma siya.
Napatingin si George. Napangiti. Lumapit ito sa baby para titigan ng maigi.
“Aw… ang cute! Gusto lang palang magpakarga kay Daddy…”
Kinurot niya ang pisngi ng baby.
“Ang cute cute cute… uhmm!”
Narinig naming pumipigil ng tawa ang nurse.
“Hmp?” tanong ni George.
Umiling ang nurse, pero hindi mapigilan ang pagtawa.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
“Sorry po… kasi, ang cute niyo pong tingnan. Para kayong bagong panganak, tapos si Sir…” sabay turo kay George,
“Mukhang siya po ang daddy ng baby.”
Nagkatinginan kami ni George.
“HUY!” sabay naming sigaw.
Napatawa si George.
Dahil siguro nakita niya ang hitsura ko, naka-hospital gown, nasa kama, may kumot… at may karga-kargang sanggol.At ang loko… kinuhanan pa talaga ako ng picture.
“GEORGE!” sigaw ko.
Ngumiti siya, nakangisi.
Tumawa na ng malakas ang nurse, di na niya pinigilan ito.At sa sandaling iyon… nakita namin ang liwanag sa gitna ng dilim.
Tahimik kong tinitigan ang sanggol sa aking mga bisig.
Mahimbing ang tulog niya… At sa kanyang paghinga, doon ko muling naramdaman… na pwede pa pala akong mabuhay muli. May isang maliit na nilalang ang umaasa sa akin.~~~ end of flashback ~~~
Nick’s POV Buti na lang talaga, hindi malala ang pagkabangga ko sa puno. Nauntog ako sa manibela, tapos tumama pa ‘yung ulo ko sa bubong ng kotse, kaya ayun, may sugat ako sa noo. ‘Yung braso ko rin, medyo masakit kasi malakas ‘yung tama. Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi ko na makikita si Audrey ulit. Thank God, I’m still alive. At sobrang thankful ako sa mga taong nag-rescue at nagdala sa akin dito sa ospital.Habang inaasikaso ako ng nurse, biglang bumukas ang kurtina.Paglingon ko, si George. Hingal na hingal, namumula ang mukha, parang galing sa sprint.“Oh my God, Nick!” Yun lang ang nasabi niya sabay hawak sa dibdib, halatang kinakabahan. Kita ko rin sa mukha niya ‘yung takot, pati pamumutla niya.Ngumiti ako kahit sumasakit pa ulo ko. “Don’t worry, buhay pa ako,” biro ko, pilit na pinapagaan ang sitwasyon.“Tsk! Don’t say that, Nick!” singhal niya, halatang may halong inis at relief. “Alam mo bang muntik na akong himatayin nang marinig kong naaksidente ka?”Napak
Audrey’s POV Hinatid ako nina George at Scarlett sa may lobby bago sila bumalik sa kabilang building.Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil, sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon, nagawa ko nang buksan muli ang puso ko sa kanila. Hindi ko inasahang gano’n ko pala sila namiss.Halos hindi maubos ang kwentuhan namin kanina. Tawanan, asaran, at inalala namin ang masasayang nangyari sa buhay namin noon. Nakakatuwa, kasi nakalimutan namin ang lahat ng masama. It helps a lot. Because it reminds me how blessed I am after everything.“Dito na lang ako. Huwag niyo na akong samahan sa taas,” sabi ko habang nasa lobby kami ng condo. “OK! Thank you for tonight, Boobae!” nakangiting sabi ni Scarlett sabay yakap sa akin nang mahigpit. “No, thank you for inviting me for dinner. Kapag tinatamad akong magluto, doon na lang ako kakain sa inyo,” biro ko. “Of course, Jes. I’m happy to cook for you. Naku, dalasan mo, dahil umiingay ang bahay pag andoon ka. You know how much Scarlett and Ai
Audrey’s POV Hinatid ako nina George at Scarlett sa may lobby bago sila bumalik sa kabilang building.Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil, sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon, nagawa ko nang buksan muli ang puso ko sa kanila. Hindi ko inasahang gano’n ko pala sila namiss.Halos hindi maubos ang kwentuhan namin kanina. Tawanan, asaran, at inalala namin ang masasayang nangyari sa buhay namin noon. Nakakatuwa, kasi nakalimutan namin ang lahat ng masama. It helps a lot. Because it reminds me how blessed I am after everything.“Dito na lang ako. Huwag niyo na akong samahan sa taas,” sabi ko habang nasa lobby kami ng condo. “OK! Thank you for tonight, Boobae!” nakangiting sabi ni Scarlett sabay yakap sa akin nang mahigpit. “No, thank you for inviting me for dinner. Kapag tinatamad akong magluto, doon na lang ako kakain sa inyo,” biro ko. “Of course, Jes. I’m happy to cook for you. Naku, dalasan mo, dahil umiingay ang bahay pag andoon ka. You know how much Scarlett and Ai
Nick’s POVNasa balkonahe ako ng villa, tulalang nakatingin sa tahimik na dagat.Ang ganda ng buwan ngayon, bilog na bilog, napakaliwanag, ang ganda nitong pagmasdan sa malawak na karagatan. Halos isang buwan na ang lumipas, pero heto pa rin ako… nilulunod ng lungkot at mga alaala. Ngunit, katulad ng liwanag ng buwan, tila may konting liwanag na sa aking puso at isipan.Ngayon, pakiramdam ko, mas magaan na. Siguro kasi natanggap ko na lahat ng impormasyong binigay ni Nathan tungkol kay Don Carlos, ang aking tunay na ama. He found the truth… at totoo nga lahat ng sinabi niya. Hindi siya ang pumatay kay Daddy. Hindi siya ang pumatay sa ama ng babaeng mahal ko.Parang may malaking tinik na natanggal sa dibdib ko.Ngayon, pakiramdam ko, malaya na akong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Audrey.“Haah…” huminga ako nang malalim, sabay lagok ng beer. Sapat na siguro ang isang buwan na binigay ko sa kanya. Whatever happens, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako. Gusto kong magsimu
George’s POV“Bhabe, sa atin magdi-dinner si Audrey,” masayang sabi sa akin ni Carly. Maaga akong umuwi dahil gusto ko palaging kasama si Aiah. Simula nang ikasal kami ni Scarlett, pinili kong ibigay ang buong oras ko sa kanila. Yes, mahirap humawak ng malaking kompanya, pero kung may mapagkakatiwalaan kang mga tao, everything becomes manageable.“Ok, Bhabe. I’ll order and cook Audrey’s favorite food,” excited kong sagot.“Bhabe, daddy needs to prepare our dinner. Tita Audrey will eat with us later, ok?” sabi ko kay Aiah. Nasa playroom kasi kami noon, naglalaro ng bola.“Really, Daddy? Auntie Pretty will visit us? I miss her! Ok, Dad, I’ll just stay here for a while then I’ll help you in the kitchen,” sagot niya. Natawa ako sa sinabi niya, as if naman marunong talaga siyang magluto. Lumambot ang mata ko habang hinihimas ko ang buhok niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na anak ko ang batang ito. She’s so adorable, so lovable. Damn, baka makapatay talaga ako kapag m
Scarlett’s POVAng bigat marinig ang mga salitang iyon kay Audrey. Alam kong maganda ang intensyon niya, pero pakiramdam ko, unti-unti niyang inilalayo ang sarili niya sa amin. She changed. Napakalaki ng nabago sa aming relasyon sa loob ng limang taon. Kahit na bumalik na ang lahat ng alaala niya, pinili pa rin niyang lumayo at manatiling si Audrey.“Carly, the truth is, these past few days, pinamimbestigahan ko lahat ng nangyari sa inyo ni George simula nung pagsabog,” mabigat niyang sabi.Nagulat ako, napatingin sa kanya. Pinisil niya ang kamay ko, sabay yuko ng ulo, parang kinukuha ang lakas para magpatuloy.