Nick’s POV
“Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Nick… Hindi lang ikaw ang nahihirapan...”
“It wasn’t easy for me.”Nanginginig ang boses ni George habang pilit pinipigil ang pag-iyak.
“Kung pwede ko lang palitan ang buhay ko… kapalit ng buhay ni Jessica… matagal ko na sanang ginawa.”Nanlumo ako. Bigla akong naging estatwa.
Wala akong nasabi.He looked completely shattered, broken in a way I’ve never seen before.“I was there, Nick... I was there!”
Sumabog ang tinig niya, bumasag ang matagal niyang kinikimkim na sakit.“I saw everything! At wala akong nagawa… WALA!”Ngayon ko lang siya nakita nang ganito.
Si George, ang laging matapang. Laging nakangiti. Laging may sagot.Ngayon, wasak. Ngayon, basag.He tried so hard to be strong when he visited me at the hospital.
He wore his pain like armor.Pero ngayon… wala na. Hubad na ang lahat ng depensa niya.“Bawat gabi... Nick...” bulong niya, habang tumutulo ang luha sa ilalim ng kanyang mga mata.
“Bawat gabi, paulit-ulit sa panaginip ko ang mukha ni Jessica. Yung takot niya. Yung sigaw niya. Yung… pagsabog.”At sa huling salita, napasigaw siya.
Isang sigaw na punong-puno ng panghihinayang.“Hindi ko siya dapat iniwan, Nick… BUHAY sana siya ngayon...”
Doon ako napahinto. Nanlaki ang mga mata ko.
My breath hitched.“Anong... anong ibig mong sabihin, George?”
Hindi siya tumingin sa akin.
Parang wala akong boses.Nakatitig lang siya sa kawalan, sa isang bangungot na sigurado akong ilang ulit niyang tinakbuhan, pero hindi nakatakas.“Nung ni-rescue namin sila… I saw her first,” mahina niyang simula.
“She was on the floor… she was hurt.”Pigil ang boses niya, parang may bara sa lalamunan.
“Nilapitan ko siya, pinilit kong itayo. Pero… hindi siya makalakad.”Pumikit si George, sinasariwa ang bawat detalye.
“She pushed me away... at sinabing balikan ko na lang daw siya.
‘Puntahan mo si Scarlett,’ sabi niya.‘Nanghihina na siya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.’”Nagdidilim ang paningin ko. Pakiramdam ko’y may humihigop sa bawat hininga ko.
“I was torn, Nick… Nalito ako. I didn’t know what to do. I was scared. I was worried about Scarlett…
But Jess…. she smiled at me, Nick.She promised na okay lang siya.I told her babalikan namin siya… and she agreed. Smilingly.”Diyos ko… Jessica...
Halos mabali na ang kamao ko sa higpit ng pagkuyom.
Every word felt like a dagger to my chest.“Nailigtas ko si Scarlett…”
“Pero pagbalik namin sa kwarto… wala na si Jessica.”Biglang tumigil ang mundo ko. Nag-ring ang tenga ko.
I felt… empty.“Then we heard it… isang bangka. Paalis na. Tumakbo kami sa deck.
And there she was. Nandoon si Jessica. Nakatingin sa amin.”“But you know what’s worse?”
Tumigil siya.
Nagpupumiglas ang dibdib niya. Halos himatayin.“Kita namin, Nick…”
“…may lalaking may baril. Nakatutok sa kanya.”Sumikip ang dibdib ko. Parang may bumalot na kadena sa leeg ko.
“At hindi lang ‘yon…”
Sunud-sunod ang pagbagsak ng luha niya habang pilit niyang sinasalita ang mga salitang iyon.
“…Nakita namin ang bomba… nakatali sa katawan niya.”
No… Please, no...
“I LET THEM GO!”
Sigaw ni George. “Akala ko… makakaligtas siya kung hindi kami lalapit. Akala ko ‘yon ang tama...”“Pero wala pang ilang minuto… ”
“SUMABOG ANG BANGKA, NICK!”
“SUMABOG SIYA!” “RIGHT IN FRONT OF US!!!”Bumagsak si George sa sahig, hawak ang ulo, nanginginig, umiiyak.
“Jessica… Jessica… I’m so sorry Jess... Hindi kita nailigtas… huhuhu...”Tahimik lang akong nakikinig.
Hindi ko na alam kung paano huminga.Hindi ko na alam kung paano mabuhay.Ang katotohanang ito…
ay mas masakit pa sa lahat ng bangungot na naranasan ko.Nasaan ako… sa panahong kailangan ako ni Jessica?
Nasaan ako… habang natatakot siya, nanginginig, humihingi ng saklolo?I wasn’t there.
Wala ako. Wala… para iligtas siya.Wala akong kwentang tao.Huhuhu...
Wasak kaming pareho ni George sa loob ng banyo.
Dalawang lalaking umiiyak,.. basag, durog, talunan.Paano namin aalalayan ang isa’t isa…
Kung pareho kaming wasak at nanghihina?Hindi ako nagpa-therapy.
Pinili kong parusahan ang sarili ko. At sa bawat araw, pinipilit kong mabuhay… hindi para sa akin, para sa guilt na dala ko.…….
“Ring... Ring...”
Nagising ako mula sa madilim na alaala.
Napatingin ako sa nurse na tahimik na nasa gilid ng kwarto.May tumatawag sa cellphone niya. Nanginginig ang kamay niya habang sinagot ito.
“Sir…”
Lumapit siya. “Sir, kailangan niyo pong pumunta sa ospital.”Napakunot ang noo ko.
“Bakit? Anong nangyari?”“Si Ma’am Andrea po… Manganganak na po.”
Napailing ako.
“Why do they need me? Hindi naman ako doktor.” galit kong sagot, sabay ikot ng wheelchair palayo.“Delikado po ang lagay nila…”
Napalingon ako. Napatigil.
“What do you mean?”“Kailangan po ng pirma ninyo…”
“Pirma? Para saan?”
Tumingin siya diretso sa mga mata ko.
Matapang. Pero may kaba.“Kailangan pong mamili kung sino ang ililigtas.”
Parang nahulog ako sa bangin. Halos mahilo ako sa narinig.
Why me? Bakit ako? Bakit ako na naman?“Andoon naman ang mommy niya... She can handle it,” mariin kong sabi.
“Hindi po pwede, Sir… Kayo po ang asawa.
Kayo po ang ama ng bata.”Nick’s POV“Dad…” ngumiti sa akin si Dylan habang hawak ko ang pouch ng steak at hotdog.“Look! I got a shampoo that’s anti-dandruff and good for your hair,” masaya niyang sabi.“Wow, that’s great,” nakangiti kong sagot. Pinilit niya na siya talaga ang kukuha nun para sa akin.“Actually, a pretty girl helped me with this,” pag-amin niya in the cutest way possible. Sabay turo niya sa isang babaeng palabas ng grocery.Her back... It looks familiar. Matagal ko siyang tinitigan.“She sexy sight?” seryosong tanong ni Dylan.Napangiti ako, sabay himas sa ulo niya. “Eto talagang batang ’to, ang pilyo.”“Come on, bayaran na natin ’to.”Pagkatapos naming bayaran ang pinamili, dumiretso kami paakyat.“How do you find it living here?” tanong ko habang inaayos ang mga grocery.“The house looks nice. Kahit saan tayo tumira, Daddy, basta kasama kita, masaya na ako.”Napangiti ako sa sinabi niya. “Thank you, son.”“Go and watch TV, magluluto lang ako.”“Can I do a video call with Lola and Lolo?
Audrey’s POV“Are you okay? How are you feeling?” tanong ni Sage habang tinititigan ako.“I don’t know. But I’m not scared. It just feels different…” Hinawakan ko ang braso niya at sumandal sa balikat niya. “Alam kong magiging okay ako… kasi andiyan ka.”Nasa eroplano kami ngayon, pabalik ng Pilipinas.Next week na ang launch ng bago kong art gallery.“Glad to hear that,” bulong ni Sage habang hinimas ang ulo ko at hinalikan ito ng banayad.Napapikit ako. Sa totoo lang, excited na may kaba pa rin sa dibdib ko. Pero ayokong iparamdam sa kanya. I want to be strong, ayokong maging pabigat.Ilang sandali pa, nag-announce na ang piloto na malapit na kaming lumapag.This is it. Sana nga, sa pagbabalik ko sa Pilipinas… mahahanap ko na ang mga nawawala kong alaala.Tumingin ako kay Sage at ngumiti.……Pagdating namin sa condo…"How do you like our condo?" tanong ni Sage habang iniikot ako sa loob.Pagkapasok pa lang, sinalubong ako ng isang uri ng katahimikan na mahirap ipaliwanag, maaliwalas
George’s POV “So yun ang dahilan kung bakit naisipan mo na namang magpakamatay?” galit kong tanong habang mahigpit ang pagkakatitig ko sa kanya.“No, I wasn’t committing suicide that time… I was just lost under the sea while diving. Nakalimutan ko kung paano huminga, kaya muntik na akong malunod.”Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Ilang beses na rin niyang tinangkang kitilin ang sariling buhay noon.“Kahit gusto ko nang mamatay, alam ko hindi pwede dahil may isang batang umaasa sa akin. I cannot just leave Dylan. He needs me.”“Buti alam mo.” Inis na sagot ko. “Tsk, gusto kitang suntukin ngayon.”“I know. I’m so stupid... Huh.”“Buti alam mo.”Tahimik akong napatingin sa kanya. Ramdam ko ang bigat ng dinadala niya, guilt, pangungulila, panghihinayang. Pareho kami. Pareho naming bitbit ang bigat ng nakaraan. Pareho naming pinipilit makalimot. Lalo na ngayon, matapos naming malaman na hindi pala niya totoong kapatid si Jessica. Lahat ng sakit na naidulot niya kay Jes
Nick’s POV“Engaged?” Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang salitang iyon sa profile niya.“Sage San Fernando?” “Yup,” sagot ni George. “Anak siya ni Don Carlos San Fernando.”Napatingin ako sa kanya, at sa isang iglap, bumalik sa alaala ko ang imahe ni Don Carlos, ang multibillionaire businessman na kilala hindi lang dito, kundi pati sa abroad. I’ve met him once, years ago. That man exudes power and control.“I also did a deeper investigation about her…” Binuksan ni George ang isang folder at inilapag sa harapan ko. Makapal, detalyado.“She’s swamp with controversies. Kung ugali ang pag-uusapan…” Tinaas niya ang balikat at sabay taas ng dalawang kilay.“She’s a bitch,” diretsong sabi ko, hindi na nagpaligoy.“Agh agh..” napaubo si George sa pagiging prangka ko, pero hindi rin siya kumontra.“They’re holding an art exhibition next week,” dugtong niya. “Launching na rin ng bago niyang art gallery and guess what? Malapit lang. Kabilang kanto lang mula rito.”Tahimik akong nagpat
Nick’s POV Iniwan ko muna si Dylan kasama ng kanyang Lola habang pasimpleng kinuha ang phone ko. Iniisip kong tawagan ko muna si George.“Hello, Nick! Kumusta?” masiglang bati niya.“Nasa mansion ako ngayon ng mga Laviste. Dinala ko si Dylan.. birthday ng Lolo niya.”“I see… nabasa mo ba ‘yung email ko?”“Yeah. Pero anong meron? Bakit hindi mo masabi sa email mismo?”“Kita tayo. Gusto mo sa condo mo? O sa bago kong unit?”Napakunot ang noo ko. “What’s with the secret, George?”Tumingin ako kay Dylan. Masaya siyang naglalaro habang tinuturuan ng Lola niya magkulay.“Malalaman mo mamaya…” may laman ang tono niya.Huminga ako nang malalim. Baka naman puwedeng bigyan ko ng oras ang mga magulang ni Andrea.“I’ll call you back,” sabi ko at binaba ang tawag.Nilapitan ko si Mrs. Laviste.“Pupunta po ako ng Manila. Makikipagkita lang ako kay George.”Tila nalungkot siya sa narinig.“Anong oras? Aalis na ulit kayo ni Dylan?”Matagal bago ako nakasagot.“Puwede ko po bang iwan muna si Dylan sa
Nick’s POV “Daddy, can we go to the mall before we go to Lolo’s mansion?” tanong ni Dylan habang nagda-drive kami papunta kina Mr. Laviste.“Sure, maaga pa naman. May gusto ka bang bilhin?”“Hmm… yeah. I wanted to buy a gift for Lolo and Lola, aside from the fish we brought.”Napangiti ako. Ang thoughtful talaga ng batang ’to.“Okay,” sagot ko.Ilang sandali pa, pumasok na kami sa parking lot ng mall.“Ano bang gusto mong ibigay sa Lolo at Lola mo?” tanong ko habang bumababa kami ng kotse.“Uhm… something they can remember me by… if I’m away,” seryosong sagot niya.“Lola loves to drink coffee. How about a mug?” Nag-isip siya saglit, tapos tumango.“And… Lolo, I can buy a soft pillow. Para malagay niya sa likod niya habang nakaupo.”Natawa ako sa itsura niya habang todo-isip, parang maliit na matandang businessman.“Okay, let’s go buy them.”Masaya naming hinanap ang mga gifts na gusto niya. Pinili niya ang isang bulaklaking mug na may nakasulat na “I love you, my dear grandma.” Para