LOGIN“Love.” “Boobae.” “Jes?..” It feels like a reunion for Nick, George, Scarlett, and Jessica. After five years, muli silang nagkita. Ngunit sa pagkakataong ito, para silang estrangherong apat. Pare-parehong kumunot ang noo nina Nick, George, at Scarlett nang titigan nila ang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica. She is not Jessica, bulong nila sa sarili. Ibang-iba siya sa Jessica na kilala nila. Ang babaeng nasa harap nila ay isang sophisticated woman with a strong aura. The way she dresses, halos nipple na lang ang natatakpan. Malayong-malayo sa dating Jessica. Hindi ganito si Jessica. Mahinhin siya, mahiyain, mabait, maunawain. Pero ang babae sa harap nila ngayon ay puno ng kumpiyansa sa sarili. Ang isang titig pa lang niya ay parang kutsilyong gustong dumurog sa'yo. Yes, gano’n na gano’n ang kanyang aura. Matapang. Hindi nagpapa-api. Ang pag-asa ng tatlong magkakaibigan ay tila naglaho. Dahil si Audrey Castellan ay hindi kailanman magiging si Jessica. Ang pinakamamahal nilang si Jessica… ay limang taon nang patay. Maghihilom na kaya ang puso nilang sugatan mula sa matinding pagsisisi sa sarili, sa muling paglitaw ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica? May pag-asa bang muling liliwanag ang madilim nilang mundo… dahil kay Audrey Castellan? Malalaman natin 'yan sa Book 2 ng Unstoppable Desire: Revelation and Road to Happiness.
View MoreElena’s POVAt last, the two-day training has ended. Hindi ko akalaing magiging ganito ka-intense kahit dalawang araw lang. Pakiramdam ko, isang linggo kaming nag-training.I have to admit, magaling talaga si Sage. Alam niya kung paano pabilisin ang training pero effective pa rin. Kaya siguro lahat ng trainees, ganado kahit pagod.May closing ceremony kami ngayon, at nasa stage si Sage kasama ang mga high-ranking officers. He looks so different up there, confident, calm, glowing. His aura is… magnetic. Lalo na sa uniform na suot niya. Napapakurap ako habang nakatitig sa kanya. Bumabalik sa aking alaala ang kanyang pagsalo, ang mainit niyang palad sa aking beywang at hita, at ang malalim niyang titig na tila tagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso.Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang humanga ng ganito sa kanya. I look at him and suddenly feel so proud, and happy. Pero iba ang tibok ng puso ko habang nakatingin. Hindi ito ‘yung normal admiration lang. It’s something deeper
Sage’s POVNangingiti kong sinundan ng tingin si Elena habang papalayo ito. I don’t know, but I’m actually enjoying seeing her angry face. Nakakatuwang makita siyang naiinis. Mas lalo siyang gumaganda kapag ganon.“Elena…” mahina kong bulong.Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. “Hello, Ron.”“Confirm. May party nga. Darating ang mga importanteng tao sa organisasyon nila. Gaganapin ito sa susunod na linggo, a week after your father’s birthday.”“I see. Nakuha mo na ba ang invitation?” tanong ko.“Of course,” mayabang niyang sagot.Napangiti ako. “Good, good. This is interesting.”“Siguro mas maganda kung may kasama kang babae,” dagdag niya sa kabilang linya.Napakunot ang noo ko, pero biglang may pumasok na imahe sa isip ko. Pagkatapos, hindi ko mapigilang ngumiti. “Yeah… you’re right,” sagot kong may ngiti sa labi.“Mukhang may nakuha ka na ah. Oh siya, bye!” sagot niya bago ibinaba ang tawag.Napailing ako, bahagyang natatawa, habang napapatin
Elena’s POV“Close ba kayo ni Agent Cipher, Elena?” bulong ng kasama ko habang nagmemeryenda kami. Nakatingin siya sa di-kalayuang si Sage, na kausap pa rin ang Chief.“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong ko, pilit, kalmado.“Parang favorite ka niya, ha?” nakangising tugon niya.Dumilim ang mukha ko. Alam kong tinutukso niya ako.Matalim kong tinignan si Sage, at sa kasamaang-palad, nakatitig din pala siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at biglang kumabog ang dibdib ko. Agad akong kinabahan.“Lagot ako. Ano na naman kaya ang ipapagawa niya?” bulong ko sa sarili sabay iwas ng tingin. Pinilit kong magconcentrate sa pagkain.Pagbalik namin, Surveillance at Counter-Surveillance ang sunod na training. Nagsimula kami sa shadowing, paano sundan ang target nang hindi napapansin. Nagpakita si Sage ng mga video at halimbawa kung paano maging mas epektibo sa pagsunod, pati na ang paraan ng pag-aalam kung sinusundan ka at ang paggamit ng disguise para mag-blend sa crowd.Alam naman namin an
Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayon? Naiiling kong tanong sa sarili habang papunta ako sa mesa ko.“Buti naman at maaga kang pumasok,” sabi ni Chief. “May bisita tayong darating ngayon. At hindi lang siya bisita, dahil siya ang magtetrain sa inyo para sa susunod nating mission.”“Everyone, magtipon-tipon kayo sa training ground. In a minute or two, darating na ang taong magtatrain sa inyo.”Lahat kami, excited at nakapila habang hinihintay ang importanteng bisita. Ilang sandali pa, isa-isang dumating ang mga guest namin, mga mataas na opisyal, may halong mga banyaga pa.Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya. Si Sage San Fernando.Nasa likod ng mga opisyal, seryoso ang mukha, at nakakatakot ang aura. Napakurap-kurap a


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews