Share

Chapter 145

Author: Real Silient
last update Huling Na-update: 2025-03-16 09:52:55

Andrea’s POV

Halos lumipad ang kotse ko kagabi sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko nang mabalitaan ko ang nangyari kay Nick. Nanginginig ang mga kamay ko sa manibela, at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko na parang sasabog anumang sandali. Takot na takot ako habang nasa daan. Hindi pwedeng mawala si Nick, hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kakayanin.

Pagdating ko sa ospital, halos mabuwal ako sa kaba habang tumatakbo sa hallway papunta sa kwarto niya. Nanginginig ang tuhod ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto niya. At sa sandaling makita ko na gising at buhay si Nick, para akong nakalunok ng hangin sa sobrang ginhawa. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Buhay siya. Buhay si Nick.

Ngunit ang tunay na kagalakan ay dumaloy sa puso ko nang tawagin niya akong "Hon" at nung hinawakan niya ang aking kamay.

Diyos ko, iyon ang tawag niya sa akin noong nasa London pa kami. Matamis na kirot ang sumiksik sa puso ko. Sa wakas, naramdaman ko ulit ang pagmama
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Unstoppable Desire    Chapter 237

    Scarlett’s POV Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko si George ang tinutukoy namin… si Nick pala.Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tumingin sa kanya.Kumpara sa nararamdaman ko, mas matindi ang pinagdadaanan ni Jessica.Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa kanya, pero higit sa lahat, humanga ako.Ang tagal na naming magkasama dito, mahigit isang buwan na… at ilang beses ko lang siyang nakitang umiyak, masasabi kong napakatatag niyang babae.Tahimik siyang lumalaban. Hindi siya nagpapadala sa emosyon, pero ramdam mo ang lalim ng sakit na tinatago niya.“Kailangan mo nang harapin si George,” muling balik ni Jessica sa usapan namin.“Carly, listen,” malumanay niyang sabi, “I don’t know why there is fear in your heart. Is it because, hindi naiparamdam ni George nang buo ang pagmamahal niya sayo? Is it because he’s not saying I love you to you? Is it because…”“No!” mabilis kong putol sa sinasabi niya.Ramdam ko naman na mahal ako ni George. I mean, he’s good, he’s kind, h

  • Unstoppable Desire    Chapter 236

    Jessica’s POVTahimik akong nakatayo sa gilid ng ilog Thames. Dito sa London. Suot suot ko ang isang makapal na coat, marahang hinihipan ng malamig na hangin ang aking buhok habang nakatingin sa malawak na tanawin sa harap ko. Tila kay payapa ng paligid.Sa di kalayuan, tanaw ko ang London Eye, mabagal na umiikot, kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Ang langit ay may halong kulay kahel at lilang gumuguhit sa ulap, tila pininturahan ng isang mahinahong kamay.Huminga ako ng malalim. Halos mag-iisang buwan na ako dito. Ngunit, tila kahapon lang. Napangiti ako nung makita ko ang dalawang magkasintahang naghahalikan. Ngunit, sa di inaasahan, bigla kong naalala si Nick. Gumuhit ang sakit sa aking mukha. Pinipilit kong tanggapin, ngunit kay hirap. Minsan, naiisip ko, sana, hindi ko na lang nalaman ang totoo. Dahil ang masayang alaala namin ni Nick ay isang malaking kasalanan. Ipinilig ko ang aking ulo. “ Jes!” lakad takbong sigaw ni Scarlett. “ Be careful Carly! Sigaw ko. Kita n

  • Unstoppable Desire    Chapter 235

    Elmer’s POV“Sir, successful na pong na-transfer ang lahat ng pera mula sa account na ito papunta sa account ng anak ninyo.”Nanlaki ang ngiti sa aking mga labi. “Hahaha! Sa wakas… wala na akong iisipin pa.”“Maraming salamat!” Masaya akong tumayo at lumabas ng bangko, pakiramdam ko ay gumaan ang lahat.Habang naglalakad papunta sa kotse, doon ko pa lang binuksan ang cellphone ko.“Shit.” Apat na oras na pala akong nawala sa radar. Hindi ko nabasa ang sunod-sunod na mensahe mula sa organisasyon.Pero imbes na kabahan… napangiti pa ako.“Wala nang mahihita sa akin ang organisasyon,” bulong ko sa sarili habang sumasakay sa kotse.“Unti-unti nang nawawasak ang pundasyon nito. Kalahati ng miyembro, isa-isang nawawala, nagtatago, at tulad ko… inaalis ang pondo sa mga account na hawak ng organisasyon.”“Sa wakas… sa secret base.”Napangiti ako habang iniisip ang laki ng perang nailigtas ko.Ligtas na ako. Wala nang kapangyarihan ang organisasyon na kunin sa akin ang pera. Kailangan ko lan

  • Unstoppable Desire    Chapter 234

    Underground third person POV“Va te faire foutre!” malakas na sigaw ni Leon, nanginginig sa galit, habang dinuduro ang bawat isa sa mga miyembro ng organisasyon.Walang ni isa mang kumibo. Walang nagulat. Lahat sila, alam na kung bakit nag-aalab si Leon. Maraming mga transaksyon ang nahuli.Mabibigat ang hakbang ni Leon habang palakad-lakad sa gitna ng silid. Matalas ang kanyang tingin, parang blade na kayang sumugat kahit walang galaw. Isa-isa niyang tinitigan ang mga kasamahan, tila binabasa ang laman ng kanilang mga isipan.“Paano nangyari ang lahat ng ito?”“Anong nangyayari sa inyo?”“Nagiging inutil na ba kayo lahat?!”Sunod-sunod, parang kidlat ang kanyang mga tanong.Walang sumagot. Walang may lakas ng loob.“Tsk!”Napailing si Leon, nilingon ang malaking monitor sa dingding. Nanliit ang kanyang mga mata. Halos kalahati ng mga miyembro, wala sa meeting.Isang mapait na tawa ang binitawan niya. “Ahaha… hahahaha!” Mabilis ang pagbago ng emosyon, mula sa galit, sa tawa, papunta

  • Unstoppable Desire    Chapter 233

    Nick’s POVBumalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ang cellphone ko, sabay putol sa mga alaala ng huling usapan namin ni Jessica.“Hello, kumusta po, General Reyes?”“Magandang balita, Nick,” sagot niya, bakas ang sigla sa tinig. “Nagamit namin lahat ng impormasyong naibigay mo. Lima sa mga transaksyon ng organisasyon ay aming napigilan. Nahuli ang mga taong sangkot.”Napangiti ako, hindi ng saya, kundi ng muling nabuhay na determinasyon.“Bilyon-bilyon ang nawala sa kanila. Masasabi kong yumanig ang pundasyon ng organisasyon dahil sa mga nabunyag na transaksyon,” sabi ni General, malalim ang tinig.“Masaya po ako sa balita,” sagot ko, malamig ang boses at matalim ang titig ko sa kawalan. Kulang pa 'yan… kulang pa 'yan sa ginawa nila sa daddy ko. Sa pagkitil nila sa buhay ng taong pinakamahalaga sa amin ni Jessica.“Mabubuwag na po kaya ang organisasyon dahil sa nangyari?” tanong ko, bahagyang may pag-asa.“’Yan ang hindi ko pa masabi,” sagot niya, biglang bumigat ang tono.

  • Unstoppable Desire    Chapter 232

    Nick’s POVMag-isang buwan na ang lumipas mula nung huli kaming mag-usap ni Jessica. Umalis siya papuntang abroad kasama si Scarlett. Hindi ko na siya ginulo. Gusto ko kasing igalang ang kahilingan niya, ang hiling niyang magkaroon ng oras para sa sarili. May mga update naman akong naririnig kay George tungkol sa kanya, kaya kahit papaano, panatag ako.Pero... namimiss ko siya.Gusto kong malaman kung ayos na ba siya. Kung mas gumaan na ba ang loob niya. Kung napapatawad na ba niya ang lahat, kasama ako. Ang dami kong tanong… at ang dami ko ring takot.Hindi ko makalimutan ang huli naming pag-uusap sa condo ni George.~~Flashback – George’s Condo~~Pagkagising ni Jessica, hinayaan nila kaming mag-usap sa sala. Tahimik na pumasok sa kwarto sina George at Scarlett. Naiwan kaming dalawa, kami lang. Walang ibang tunog kundi ang kaba sa dibdib ko.Tahimik. Mabigat ang paligid. Ramdam ko ang tensyon sa hangin.Jessica was fidgeting, playing with her fingers, halatang kinakabahan.Mahabang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status